Professional Documents
Culture Documents
Elemento ng Parabula
Anekdota
Maikling salaysay ng natatangi at kawili-wiling pangyayari,
karaniwan sa búhay ng kilalá o dakilang tao, at maaaring tunay na
nangyari o hindi. Ang mga anekdota ay kadalasang ginagamit
upang magbigay ng isang punto o magturo ng isang aralin.
Nakakatawa
Isang anekdota na nagdaragdag ng katatawanan sa paksa.
Nakapagpapaalaala
Ang isang kuwento na nagpapaalala ng mga bagay na
pangkalahatang tungkol sa nakaraan o isang partikular na
kaganapan , na ipinahayag sa mga paraan tulad ng “Naalala ko pa
noong … ” at iba pa
Pilosopikal
Isang anekdotang ipinapahayag upang pag-isipan ng mas malalim
ang mga paksa.
Inspirasyonal
Isang anekdotang isinasalaysay upang magbigay ng inspirasyon o
iba pang positibong damdamin.Ito ay madalas na tungkol sa hindi
pagsuko, pagkamit ng mga layunin o pangarap , ginagawang posible
ang imposible , at iba pa.
Pagbibigay ng babala
Mga kuwento na binabalaan ang iba tungkol sa mga panganib o
negatibong kahihinatnan na pumapalibot sa paksa.
Halimbawa ng Anekdota
Elehiya
Ang elehiya ay isang tulang liriko na ipinapatungkol sa isang
namatay ito ay naglalarawan ng pagbubulay bulay sa kamatayan.
karaniwan ng malungkot ang nilalaman ng elihiya. nilalaman din nito
ang pag aalaala o pagpupuri sa namatay.
Elemento ng Elehiya
Wikang ginamit:
Pang-uri
Ang mga pang-uri o adjectives sa Ingles ay salitang nagbibigay
turing o naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay
nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, o
pangyayari
Pang-uring Panlarawan (Descriptive Adjective)
Ang pang-uring panlarawan ay nagsasaad ng laki, hugis, kulay ng
tao, bagay, hayop at iba pang pangalan. Sa pang-uring ito,
maaaring gamitin ang anyo, amoy, tunog, yari at lasa sa
paglalarawan.
Lantay na Pang-uri
Naglalarawan ito ng isa o payak na pangngalan o panghalip na
walang pinaghahambingan.
Pahambing na Pang-uri
Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.
Pahambing na Magkatulad
Ipinakikilala nito ang magkapantay na katangian ng dalawang
bagay na pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga panlaping
ka-, ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.
Pasukdol na Pang-uri
May katangian itong namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan. Maaari itong negatibo o positibo. Masidhi ang
paglalarawan dito kaya maaaring gumagamit ng mga salitang
sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga, saksakan, at kung minsa’y
pag-uulit ng pang-uri.
Panloob na Tunggalian
1. Tao laban sa Sarili - Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil
nangyayari ito sa loob ng tauhan. Sa tunggalian na ito ay kalaban
ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili. Nakikita o napapansin
ito kapag ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa
pagdedesisyon, sa tama ba o mali.
Panlabas na Tunggalian
2. Tao laban sa Tao - Ito ang pinakaunang halimbawa ng panlabas na
tunggalian. Sa tunggaliang ito, ang kalaban ng pangunahing
tauhan ay isa pang tauhan. Ito ang klasikong bida laban sa
kontrabida na eksena.
Etimolohiya
Ang etimolohiya ay galing sa salitang Griyego na “Etumologia”. Ang
kahuluagn ng salitang ito ay “may kahulugan”. Bukod dito, ang
etimolohiya ay isang pag-aaral na ang layunin ay malaman ang
kasaysayan ng isang salita.
Dito natin makikita kung saan at paano nagsimula ang isang salita.
Malalaman rin natin gamit ang etimolohiya kung paano nagbago at
nag-iba ng anyo ang etimolohiya sa paglipas ng panahon.
Halimbawa:
Alamat
Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng
panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito
sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay
kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating
mga ninuno.
Katulad ng Maikling Kwento at mga Pabula, ang mga alamat ay
kinapupulutan din ng aral na sumasalamin sa kultura ng isang
bayang pinagmulan.
1. Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na
ginagampanan ng bawat isa.
2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at
insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan.
5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
7. Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento.
Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Mga Bahagi ng Alamat
Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas.
1. Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang
mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang
ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng
pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
2. Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan
ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng
pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang
ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o
hindi ang tauhan.
3. Wakas
Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento
Pang abay
Ang pang-abay in english is adverb. Ito ay mga salitang nagbibigay
turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook o lugar na
pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos sa
pandiwa. Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang mga
salitang sa, kina, o kay.
Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng
pandiwa.
Epiko
Ang epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula, o paawit. Minsan
ay sinasaliwan ito ng instrumentong pangmusika. Binubuo ang epiko
ng 1,000 hanggang 55,000 na linya kaya maaring abutin ng ilang oras
o araw ang pagtatanghal nito.
Elemento ng Epiko:
Sukat at Indayog
Tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa
bawat tiyak na hati ng taludtod o mga taludturan. Ang sukat sa
bawat taludtod ay maaaring maging wawaluhing pantig(8),
lalabindalawahing pantig(12), lalabing-animing pantig(16),
lalabingwaluhing pantig(18). Isinasaayos ang epiko sa paraang
maindayog o maaliw-iw.
Tugma
Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa
dulompantig ng mga taludtod. Tinatawag itong tugma.
Taludturan
Ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod ng isang tula ay
tinatawag na taludturan. Karaniwang apat na taludtod ang
bumubuo sa isang taludturan o saknong.
Matatalinghagang Salita
Ang epiko ay ginagamitan ng matalinghangang salita o idyoma. Ang
mga ito ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di
tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga idyoma.
Banghay
Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng
pagkakaugnay ugnay ng pangyayari. Ito ay ang banghay. Maari
itong payak o komplikado. Makikita rin na maraming mga
pangyayari sa epiko ang hindi kapani-paniwala o hindi
makatotohanan.
Tagpuan
Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakatutulong sa
pagbibigay-linaw sa paksa, sa banghay, at sa tauhan.
Tauhan
Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural
o di pangkaraniwang kapangyarihan.