You are on page 1of 4

Module 1

Parabula

• ang parabula ay pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Bibliya o banal na aklat ng
mga Kristiyano.
• ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao.
• maaaring mangyari sa tunay na buhay o maaaring maiaplay sa ating pang-araw-araw kung kinakailangan ang
mga pangyayari rito.

Module 2
- Metaporikal na pagpapakahulugan-pagbibigay- kahulugan sa salita ayon sa Matalinhagang anyo nito
Halimbawa
a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. bola - pagbibiro ( metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.

Ang anekdota ay
• mula sa salitang Espanyol na anécdota.
• Isang maikling pagsasalaysay ng isang makatawag-pansin o nakatutuwang pangyayari.
• Ang pagsasalaysay ay karaniwang maikli
• ang mga pangyayari ay maaaring totoong nangyari sa buhay
• maaari ring mga likhang-isip lamang subalit nahahawig sa katotohanan. Sa pagsulat ng anekdota, sundin ang
sumusunod na paraan at hakbang:
1. Magbigay ng pamagat.
2. Ilarawan ang tagpuan.
3. Magbigay o tukuyin ang mga tauhan
4. Kasukdulan
5. Wakas

Modyul 3
Sa pagsulat ng elehiya, mabisa mo itong mabubuo kung susundin mo ang sumusunod na hakbang:
1. Pumili ng pag-aalayan ng elehiya.
2. Isipin ang mga katangian ng iyong kaanak na pumanaw.
3. Balikan ang mga alaalang magkasama kayong dalawa.
4. Isaalang-alang ang paggamit ng mga tayutay, taludtod at sukat sapagkat tula ang iyong isinusulat.
5. Ipakita sa mga salita ang iyong mga damdaming hatid ng pagkawala ng iyong mahal sa buhay.

1. Angkop na Tono
2. Kaugnay na damdamin
3. Musikang nababagay sa kabuoan ng bibigkasing elehiya
Modyul 4
Ang tunggalian ay paghahamok ng dalawang lakas, kaisipan o paniniwala na pinagbabatayan ng banghay sa isang
akda. Nalulutas lamang ito kung may magtatagumpay o mabigo.
1. Tao laban sa Tao – Ipinakikita na ang kasiphayuan ng isang tao dulot ng kanyang kapuwa.
2. Tao laban sa Sarili – Dito ipinakikita ang maigting na paglalabang pangkatauhan ng pangunahing tauhan.
Nilalabanan ng tao ang kanyang sarili.

Modyul 5
A. Pang-angkop – Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
May dalawang uri ng pang-angkop. Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n.

Pangatnig – Tawag sa mga kataga/salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. Narito ang iba’t ibang
uri ng pangatnig.

B. Pang-ukol – Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Narito ang
mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.

Modyul 6
Pagtukoy sa mga Pahayag na Opinyon at Katotohanan sa Akda Bahagi ng buhay ng tao ang makarinig o makakuha ng
impormasyon, kaalaman, o iba pa.

Katotohanan

Opinyon - ginagamit sa pagsasabi ng mga bagay na walang katiyakan o walang sapat na basehan.
Modyul 7

Uri ng Pang-abay

Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Ito ay may iba't
ibang uri

1. Pamanahon - Nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na kailan.
Halimbawa: Ang templo ng Vishnu sa Lungsod ng Tirupathi ay binuo noon pang ikasampung siglo.

2. Panlunan -Nagsasaad ng pook, lunan, lugar na pinangyayarihan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan at
nasaan. Halimbawa: Sa India matatagpuan ang pinakamatandang sibilisasyon.

3. Pamaraan -Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos na sumasagot sa tanong na paano.

Halimbawa: Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong dumalo sa Kumbh Mela.

4. Pang-agam-Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan.

Halimbawa: Marahil naging mahirap humanap nang matutuluyan noon

5. Ingklitik -Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. Ito ay ang man,
kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lámang/lang, din/rin, ba, pa, muna, palá, na, naman, at daw/raw.

Halimbawa: Ito na raw ang pinakamalaking pagdiriwang sa buong mundo.

6. Benepaktibo - Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng
pariralang pinangungunahan ng para sa.

Halimbawa. Ang anim na milyong dolyar na nakokolekta araw-araw ay ginagamit para sa mga pangangailangan ng
templo.

7. Kawsatibo-Ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa. Ito'y
makikilala sa parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.

Halimbawa: Dahil sa Indian Railways ay nabigyang-hanapbuhay ang maraming tao sa India.

8. Kondisyonal -Pang-abay na nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may
mga sugnay o pariralang pinangungunahan ng kung, kapag o pag, at pagka.

Halimbawa: Magiging maunlad ang isang bayan kung susuporta ang mga taumbayan.

9. Panang-ayon - Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng pagsang ayon. Ang mga halimbawa nito ay oo, opo, tunay,
talaga, totoo sadya, at iba pa.

Halimbawa: Tunay na malaki ang kontribusyon ng India sa sibilisasyon ng mundo.

10. Pananggi - Ito naman ang mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.

Halimbawa: Hindi kailanman sumakop ng kahit na anong bansa ang India sa kanyang 100,000 taong kasaysayan. 11.
Panggaano-Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng sukat o timbang.
Modyul 8
Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan at panghalip. Ito ay may
kaantasan o kasidhian.

1. Lantay - Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip.

Halimbawa: Ipinaglalaban na ng kababaihan ng modernong panahon ang kanilang karapatan.

2. Pahambing-Ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang
uri. a. Magkatulad-ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamit dito ang mga panlaping
ka, magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.

Halimbawa: Sa kasalukuyan, ang kababaihan at kalalakihan ay magkasinghusay na sa iba't ibang larangan. b. Di


magkatulad - ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat.

(1) Palamang- may higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambing. Naipakikita ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, di hamak, mas, at iba pa.

Halimbawa: Higit na masaya sa kalooban ang magpatawad kaysa magtanim ng sama ng loob.

(2) Pasahol – may higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan. Gumagamit ng di gaano, di gasino,
Halimbawa: Di gaanong masarap ang mga nakain namin sa labas kaysa sa luto ng aking ina.

3. Pasukdol-Nása pinakadulong digri ng kaantasan ang pasukdol. Ito ay maaaring positibo o negatibo. Ang
paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay,

You might also like