You are on page 1of 4

WASTONG GAMIT NG MGA KATAGA at SALITA

Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang


kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maraming salita sa
Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa
sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. Ang isa mga kakulangang ito
na tinutukoy sa naunang pangungusap ay ang paggamit ng mga pang-ugnay. Dahil
sa kakulangan sa kasanayan sa paggamit ng mga ito’y nagkakaroon ng kamalian at
hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag dahil sa hindi napag-
uugnay-ugnay ang mga ideya. Sa ibaba, tunghayan natin ang pagtalakay sa pang-
ugnay upang magamit natin ito nang mahusay sa loob ng bawat pangungusap o
mga pahayag sa pagbuo ng teksto tungo sa ating pananaliksik.

PANG-UGNAY - Ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
Kabilang sa mga pang-ugnay na ito ang pang-angkop, pang-ukol at mga
pangatnig.

Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) - Ito ay salitang nag-uugnay sa panuring


at salitang tinuturingan (na, ng, g). Halimbawa: Pag-ibig na wagas, bansang
malaya, at masinsing pagsasaliksik.
Mga Salitang Pinag-uugnay ng Pang-
angkop 1) Pang-uri at Pangngalan
Halimbawa: Ang maingat na pagbabasa ay kasanayan.
2) Pang-abay at Pang-abay
Halimbawa: Lubhang mabuting pagsasanay ng kritikal na pag-iisip
ang pananaliksik.
3) Pang-abay at Pang-uri
Halimbawa: Likas na mabuti ang bata.
4) Pang-abay at Pandiwa
Halimbawa: Biglang nagpa-swab test ang kapitan ng barangay
nang makaranas ng mga sintomas ng Covid 19.
Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) – Ito ay kataga o salitang nag-uugnay sa
pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Halimbawa: Ang modyul na ito ay para kay Lina.
Maraming impormasyon tungkol sa pag-aalaga ng kalusugan.
Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) - Ito ang tawag sa mga kataga o salitang
nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunud-sunod
sa pangungusap.
Uri ng Pangatnig

A. Pantuwang – ginagamit kapag pinag-uugnay ang magkakasingkahulugan,


magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan.
Kabilang dito ang: at, pati, saka,
Halimbawa:
1. Dalawang salitang pinag-ugnay
Halimbawa: Ang langis at tubig ay hindi mapagsasama.
2. Dalawang pariralang pinag-ugnay
Halimbawa: Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang
kanyang hanapbuhay.
3. Dalawang sugnay na pinag-ugnay
Halimbawa: Ang bunsong si Hannah ay mahusay magpinta at ang panganay
na si Kaye ay mahusay umawit.

B. Pantulong - Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o


sugnay, kabilang dito ang: kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat,
at dahil sa.
Halimbawa:
1. Nagtrabaho siya nang mabuti para makabili siya ng damit.
2. Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.
Uri ng Pangatnig na Pantulong

a) Pantulong na Panubali – kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali


ay ng ginagamit ay: kung, pag, sana, baka, pagka, kapag, sakali.
Halimbawa: 1. Lalong hihirap ang iyong buhay kung pababayaan mong
nakatiwangwang ang iyong lupa.

b) Pantulong na Pananhi - mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ayginagamit


kung ang mga kadahilanan, ay inilalahad, kung nangangatwiran, kung
tumutugon sa katanungang “Bakit?” Ang mga salitang ginagamit ay: dahil
sa, sapagkat, palibhasa, kasi, kumbaga, atbp.
Halimbawa: 1. Bumaha sa aming bayan dahil sa wala ng punong
pumipigil sa tubig na nagmumula sa kabundukan.

c) Panlinaw – kapag ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay:


samakatuwid, kaya, gayunpaman, kung gayon, sana, atbp.
Halimbawa: 1. Makahulugan at makabuluhan ang kasaysayan,
samakatuwid, ang palasak na kawikaang, “Ang hindi
marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makararating sa paroroonan.” ay diwang bagay lamang.

d) Panulad – Ito ay pariralang magkatugon sa ginagamit sa


pagtutulad. Halimbawa:
1. Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.
e) Panapos – Ginagamit kung nagpapahayag ng layon o pagbabadya ng
nalalapit na pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay: upang, nang, sa
wakas.
Halimbawa:
1. Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na 19
nakababangon sa Covid pag- ay kababanaagan na ng
unlad.
C. Paninsay o Pasalungat - Kung tambalang pangungusap, ang ikalawa ay
sumasalungat sa una, ang ginagamit ay: ngunit, bagaman, habang,
kahit, datapuwat, at subalit.
Halimbawa:
1. Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.
2. Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob.

Pangungusap
Isa itong salita o grupo ng mga salita na nagpapahayag at nagsasaad ng isang
kompletong kaisipan o diwa.

Bahagi ng Pangungusap
1. Panaguri - kumakatawan sa impormasyong sinasabi o iniugnay sa paksa.
2. Paksa - sentro o pokus ng usapan sa pangungusap

Katangian ng Epektibong Pangungusap:

1. Dapat ihayag sa iisang kaanyuan ng salita ang mga sangkap na magkakatulad


ang tungkulin.
MALI: Nagluluto ang pagod at nagutom na misis
TAMA: Nagluluto ang pagod at gutom na misis.
Nagluluto ang napagod at nagutom na misis.

2. Dapat na magkatugma ang pangngalang itinutulad at ang bagay na


pinagtutularan gayundin ang paggamit ng wasto at angkop na panghalip.
MALI: Matalim ang kutsilyo nila tulad natin.
TAMA: Matalim ang kanilang kutsilyo tulad ng kutsilyo natin

3. Gamitin ang tamang pang-ugnay sa pagsasama-sama o paghihiwalay ng mga


ideya sa loob ng pangungusap.
MALI: Nagkamit ng gantimpala ang matalinong malakas na atleta.
TAMA: Nagkamit ng gantimpala ang matalino at malakas na atleta.

4. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng pandiwang gagamitin.


MALI: Nagsisiuwi na sa kani-kanilang bahay ang mga batang nagsipaglaro.
TAMA: Nagsiuwi na sa kani-kanilang bahay ang mga batang nagsipaglaro.

5. Dapat sumunod ang pang-uri sa pangngalang tinuturingan.


MALI: Nakita niya ang larawan ni Rodel na maganda.
TAMA: Nakita niya ang magandang larawan ni Rodel.

6. Dapat ilagay ang pang-uri sa pagitan ng dalawang pangngalang kapwa


tinuturingan.
MALI: Si Emilio Jacinto ay makabansa at tunay na makatao.
TAMA: Si Emilio Jacinto ay tunay na makabansa at makatao tulad ni Andres
Bonifacio.

7. Dapat magbigay-turing ang pang-uri sa bahagi at hindi sa kabuoan.


MALI: Mahaba siya at maitim na maitim pa ang buhok.
TAMA: Mahaba at maitim na maitim pa ang kanyang buhok.

8. Hindi dapat ilagay ang sugnay na pang-abay sa pagitan ng tambalang pang-


uri.
MALI: Ang mga Pilipino ay nagtutulungan kung may kalamidad sa bansa at
nagdadamayan.
TAMA: Ang mga Pilipino ay nagtutulungan at nagdadamayan kung may
kalamidad sa bansa.

9. Dapat magbigay-turing ang pang-abay sa panaguri at hindi sa paksang


pangngalan ng pangungusap.

MALI: Nagtanim ng mga puno ang mga mag-aaral sa Bundok Makiling.


TAMA: Nagtanim ng mga puno sa Bundok Makiling ang mga mag-aaral.

10.Dapat isaisip ang paggamit ng mga piling salita sa malinaw at maikling


pangungusap.

MALI: Malaswa ang damit ng dalaga.


TAMA: Masagwa ang damit ng dalaga.
Malaswa ang kanyang kilos

Pagsisipi o Paraphrasing sa Pananaliksik

Mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral ang paraan ng pagkilala ng datos kasabay


ng wastong paggamit ng mga salita sa pagbuo ng pahayag. Nasa ibaba ang halimbawa at
kahulugan kung ano nga ba ang pagsisipi o paraphrasing.

Paraphrasing/Hawig/Pagsisipi
Ito ay pagpapahayag muli ng nakuhang ideya mula sa sanggunian ngunit gamit ang sariling
pananalita.

Halimbawa:

Sa maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay


mang-aliw, manlibang at lumikha ng ugong o ingay ng kasayahan (Tiongson, 2012)

Ayon kay Durkheim (1985), isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong
naninirahan sa isang pook.

You might also like