You are on page 1of 1

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang kaalaman sa wastong hakbang sa pananaliksik ay makatutulong sa


katulad mong mag-aaral upang mapadali ang tamang proseso sa paggawa ng
saliksik. Ang mga hakbang na ito ang magiging daan upang gabayan ka sa
pagbuo ng makabuluhang salik. Isa-isahin natin ang mga hakbang na ito upang
makapagsimula ka na sa pagsulat ng iyong sariling saliksik.

Mga Hakbang sa Pananaliksik

Unang Hakbang
1. Pumili at maglimita ng paksa
2. Ang paksa ay dapat alam mo at nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may
sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon

Ikalawang Hakbang
1. Magsagawa ng pansamantalang balangkas
2. Magtala ng sangunian

Ikatlong Hakbang
1. Huwag takdaan ang bilang ng sanggunian
2. Magtala ng sangguinan

Ikaapat na Hakbang
1. Mangalap ng Datos
2. Importante ang mga dating ng kaalaman sa mga nabasa na
3. Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian

Ikalimang Hakbang
1. Bumuo ng konseptong papel
2. Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin
3. Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na
magbibigay linaw sa isusulat

You might also like