You are on page 1of 144

Ikalabing Tatlo hanggang Ikalabing Walong

Linggo (FINALS)

 Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng


Pananaliksik
Paggawa ng Papel Pananaliksik
1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagpili ng paksa sa gagawing pananaliksik
2. Nasusuri ang sarili bago magpasiya ng paksang susulatin.
3. Naiisa-isa ang mga hakbang na sinusunod sa pananaliksik
4. Nasusuri ang nilalaman ng bawat hakbang sa pananaliksik.
5. Nakasusunod sa iba’t ibang hakbang sa pananaliksik.
6. Nakabubuo ng paksang pananaliksik batay sa natalakay.
A. Pagpili ng Paksa
Ito ang unang hakbang sa pagbuo ng sulatin sa pananaliksik na kailangan ang masusing pag-unawa at
mga kaugnay na gawaing ibibigay ng isang guro.

Ang Paksa ay napakahalagang piling mabuti upang maging matagumpay ang isang sulatin pananaliksik.
Marapat pinag-isipang Mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabuo ng isang
makabuluhang sulatin.

Narito ang mga ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa
paksang sulatin.

• Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng ukol
dito?
• Angkop, makabukuhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang
magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikulat sa mga kaklase ko?
• Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?
• Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?
• Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang
paksang napili ko?
B. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)

Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na
magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyoong bubuoing pananaliksik.

Narito ang ilang tanong na maaaring gumabay o magbigay direksyon sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis.

• Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng impormasyong magpapatunay sa
pinapanigan kong posisyon?

• Sino ang aking mga mambabasa? Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa?

• Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o sanggunian
upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito?
C. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Mula sa iyong mga sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya.

Ang Bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko,
magasin, website, at iba pang nalathalang material na ginamit. Ito’y maaaring isang 3”x5” na index card na
kakikitaan ng sumusunod na mga impormasyon:

• Pangalan ng awtor
• Pamagat ng kanyang isinulat
• Impormasyon ukol sa pagkakalathala

- Mga nalimbag
- Lugar at taon ng pagkakalimbag
- Impormasyon ukol sa pagkakalathala
• Ilang mahalagang tala ukol sa nilalaman

Hindi lahat ng mga sangguniang tinatala sa pansamantalang bibliyograpiya ay magagamit subalit


mahalaga pa rin kunin ang lahat ng makikitang may kaugnayan sa paksa sapagkat maaaring sa panahon ng
pagsusulat ay makatulong ito sa iyo at hindi ka na kailangang manghagilap ng iyong gagamitin dahil alam mo na
kung saan mo ito mahahanap.

D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas

Mahalaga ito upang mabigay direksyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtutukoy kung ano-
anong material pa ang kailangang hanapin. Maaaring gamitin ang mga inihanda mong card ng bibliyograpiya
upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.
E. Pangangalap ng Tala o Note Taking

Iminumungkahing isulat ng maayos ang iyong mga tala. Gumamit ng index card na mas malaking kaysa
sa ginamit mo sa bibliyograpiya para mapag-iba ang dalawa bukod sa mas marami kang maisusulat sa mas
malaking card.

Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang tala. Kung kukulangin ang isang index card ay maaaring
magdagdag pa ng ibang card

Maaari kang gumamit ng 3 uri ng tala:


• Tuwirang Sinipi – Kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula at
dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito mababasa.

• Buod – Ito’y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito’y maikli subalit nagtataglay ng lahat ng
mahahalagang kaisipang ng orihinal na teksto. Ito ang pinakamadalas na gamitin sa pagkalap ng tala.

• Hawig – Kung binago lamang ang mga pananalita subalit mananatili ang pagkakahawig sa orihinal
F. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline

Dito na susuriing Mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay
pang kailangang baguhin o ayusin. Maari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay
maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador.

G. Pagsulat ng Borador o Rough Draft

Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maaarin ka nang magsimulang sumulat ng
iyong burador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik at dapat magkaroon ng :
• Introduksiyon na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin
• Katawan nakababasahan ng pinalawig o nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas
• Konklusyon na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

Pag-ukulan ng pansin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan. Dapat ding isaalang-alang na ang wikang
gagamitin ay payak ngunit malinaw; tama ang baybay, bantas at kaayusang panggramatika; pormal ang
anyo; at karaniwang nasa ikatlong panauhan.
H. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador

I-proofread o basahing Mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong borador. Pag-
ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, wastong gamit, pamamaraan ng pagsulat,
at angkop na talababa o footnote.

Maaari ng pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda ang paunang salita, talaan ng nilaaman,
at pinal na bibliyograpiya.

Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang sumusunod:


• Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat, pahayagan, website at
iba pa.
• Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang apelyido bilang basehan.
• Isulat ang bibliyograpiya gamit ang iba’tibang estilo ng pagsulat nito.
Sundan pormat sa pagsulat ng bibliyograpiya:
APA (America Psychological Association)

• Para sa mga aklat


- Apelyido ng awtor, pangalan ng awtor. (Taon ng paglilimbag) Pamagat. Lungsod ng Tagapaglimbag:
Tagapaglimbag.
Hal. Almario S, Virgilo,(2010) Filipino ng Wika. Quezon City: Aninao
Publishing, Inc.
• Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
- Apelyido ng awtor, Pangalan ng awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng Pahaygang o
Magasin, Paglilimbag #. (Isyu#), pahina #.
Hal. Lala, Anna. (Agosto 3, 2017) To Create a World Without Nuke. Philippine Daily Inquirer, 76. (276), 3.
• Para sa mga kagamitang mula sa Internet
- Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumentao.” Pamagat ng Publiksyon. Petsa kung
kalian sinipi o ginamit mula sa buong web address sumula sa https://.
Hal. Ma. Gemma C. Cruz (Hunyo 4, 2010) “Kahirapan ng mga tap.” Udyong Bataan Official Website. Oktubre 5,
2014.http:// udyong.gov.ph/teachers-corner/5679-kahirapan-ng-mga-tao

Maaring Gamitin ang Pormat sa ibaba sa gagawing pananaliksik:


Pormat ng papel pananaliksik/ Tesis

I. Panimula
A. Kaligiran ng Pag-aaral
B. Balangkas Konseptwal at Teoretikal
C. Paglalahad ng Suliranin
D. Kahalagahan ng Pag-aaral
E. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aara;
F. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
II. Metodolohiya

A. Disenyo ng Pananaliksik

1. Pamamaraan ng Pananaliksik 4. Instrumento ng Pananaliksik


2. Mga Respodyente 5. Pangongolekta at Pagsasaayos ng mga Datos
3. Lugar ng Pananaliksik 6. Pagtataya
III. Resulta at Diskusyon

VI. Kongklusyon at Rekomendasyon


II. Paggawa ng Papel Pananaliksik
Bahagi ng Pananaliksik
A. Panimula
Ito ang bahagi ng pananaliksik na naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, balangkas konseptwal at teoritikal,
paglalahad ng suliranin, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at delimitasyon ng pag-aaral at mga kaugnay na
literature at pag-aaral.

1.Kaligiran ng Pag-aaral

Sa bahaging ito nakasaad ang pinanggalingan ng ideya o kaisipang ng paksang gagawing pananaliksik.
Naipapaliwanag din dito ang dahilan kung bakit napili ang paksang sasaliksikin. Bahagi din sa talakayang ito
ang kabuluhan at kahalagahan ng nasabing paksa.

2. Balangkas Konseptwal at Teoretikal

Ang batayang konseptwal ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa kanyang
isinasagawang pag-aral. Maaaring gamitin ang paradima sa ibaba.
INPUT PROSESO AWTPUT
Ang batayang teoretikal naman ay naglalahad ng mga kadahilanan kung bakit kinakailangang humanap
pa ng mga panibagong datos ang mananaliksik nan kanya naming susuriin ipaliliwanag at lalagumin nagsisilbing
legal na basehan ito upang ilarawang Mabuti ang proseso ng pag-aaral.

3. Paglalahad ng Siluranin
Tinutukoy sa bahaging ito ang layunin ng paksang napili sa pananaliksik. Maaaring isaad ditto ang
pangkabuuang layunin na kung saan inilalahad nang malawakan ang pananaliksik na nasusukat, nakakamit,
naoobserbahan at tinaguriang makatotohanan,

4. Kahalagahan ng Pagaaral
Sa bahaging ito inilalahad kung sino ang maaaring makinabang sa pananaliksik at kung paano sila
makikinabang ditto.

5. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Sa bahaging ito tinatalakay ang delimitasyon ng pag-aaral kung saan ipinaliliwanag ang problema ng
pananaliksik, ang lugar na pinagganapan, ang mga nakilahok at ang instrumenting ginamit sa pananaliksik.
Tinutukoy din ditto ang saklaw ng pag-aaral at ang mga hadlang habang ito ay isinasagawa.
6. Mga Kaugnay ng Literatura at Pag-aaral
Ang kaugnay na literature ay binubuo ng mga diskusyon ng mga impormasyon, prinsipyo at katotohanan
na kaugnay sa pag-aaral na isinasagawa. Ang mga material na ito ay nasa klasipikasyon ng: Lokal, kung ito ay
inilathala sa Pilipinas at Dayuhan, kung ito ay inilathala sa ibang bansa. Samantala, ang kaugnay na pag-aaral,
pag-iimbestiga o imbestigasyon na isinagawa na at may kaugnay o pagkakatulad sa paksa ng pananaliksik na
isinasagawa. Ang mga material na ito ay nasa klasipikaayon ding: Lokal, kung ito ay inilathala sa Pilipinas at
Dayuhan, kung ito ay inilathala sa ibang bansa

B. Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik
Nililinaw sa bahaging ito kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aral. Saklaw nito ang
pamamaraan ng pananaliksik, mga respodyente, lugar ng pananaliksik, instrument ng pananaliksik,
pangongolekta at pagsasaayos ng mga datos, at pagtataya.
1.Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pamamaraan ng pananaliksik ay nararapat na ibagay sa layunin ng pananaliksik. Sa bahaging ito
tinatalakay ang ginamit na paraan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng sulatin. Kasamang inilalahad sa bahaging
ito ang dahilan ng pagkakapili ng naturang uri o paraan ng pananaliksik at maging ang mga natagpuang kalakasan
at kahinaan ng nasabing pamamaraan para sa pag-aral.

2. Mga Respondyente
Sa bahaging ito malinaw na binibigyang-kahulugan ng mananaliksik kung sino-sino ang target niyang
isangkot sa pag-aaral at ang pamamaraan ng pamimili. Ang mga kasangkot ba sa pag-aaral ay napili sa
papamigitan ng palabunutan, pagbilang, ayon sa edad, ayon sa seksyon o lahat lamang ng nadatnan habang
isinasagawa ang pananaliksik sa kung bakit napili ang mga isasangkot sa pag-aaral, kung paano pinili ang mga
elementong ito, kung paanong naitakda ang kabuuang bilang ng mga kasangkot na ito sa pag-aaral ang nasa
bahaging ito ng pananaliksik.

3. Lugar ng Pananaliksik
Sa bahaging ito isinasaad ang lugar ng pagaganapan ng pagkakalap ng datos na kung saan mas
matatagpuan ang mga respodyenteng napiling sumagot sa pananaliksik na isinagawa.
4. Instrumento ng Pananaliksik
Dapat ding tukuyin ng mananaliksik ang mga kagamitan sa pananaliksik o pagkalap ng datos na kung
saan mas matatagpuan ang mga resspodyenteng napiling sumasagot sa pananaliksik na isinagawa.

5. Pangongolekta at Pagsasaayos ng mga Datos


Sa bahaging ito inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na
kakailanganin o ginamit upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral. Ginamitan ba ng sarbey,
pakikipanayam, palatanungan, ilan ang napasali, paano ang nagging pangongolekta ng datos, gaano katagal ang
inubos na panahon sa pagpapamudmud o sa pangongolekta, ano ang nagging kondisyon ng pangongolekta, ano-
anong mga suliranin ang kinaharap?

Ipinababatid ng bahaging ito ang pinagkunan ng mga datos na siyang nagging dahilan ng nabuong
konklusyon na basehan naman ng magiging rekomendasyon.

6. Pagtataya
Sa bahaging ito ipinapaliwanag ng mananaliksik ang paraan ng pag-aanalisa ng mga natagpuang
kasagutan ng mga kasangkot sa pag-aaral, maaaring sa paraang pabahagdan (percentage) o papuntos (points).
Ang mga karampatang puntos ng bawat kasagutan at ang paliwanag sa paraan ng ganoong pagpupuntos.
Inilalahad ditto ang simpleng estadistika na magagamit matapos maitala ang mga sagot sa sarbey-
kwestyuner sa bawat respondent. Maaari ring gamitin ang pagpoporsyento/bahagdan matapos maitally ang mga
numerical na datos mula sa mga kwestyuner. Dito nagsisimulang suriin ang kinalabasan ng
pagpoposyento/pagbabahagdan.

C. Resulta at Diskusyon
Ito sa pangkalahatan ang pinakamahalagang bahagi ng sulating pananaliksik. Ang pangunahing layunin
ng kabanata na ito ay ipakita nang malinaw ang resulta ng isinagawang pag-aaral sa halip na makalikha na
pananaw o konklusyon. Sa bahaging ito. Ang mga suliraning ipinahayag sa pag-aaral (nasa Kabanata 1) ay isa-
isang sasagutin at tatalakayin ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Ang mga datos ay nilalapitan pa ng berbal na
interpretasyon bilang paliwanag sa mga nakalagay na resulta.

D. Konklusyon at Rekomendasyon
Sa bahaging ito nilalagom o binubuod ng mananaliksik ang mga natagpuang kasagutan sa mga suliranin
inilahad sa pag-aaral. Mula sa mga kasagutang ito na inilahad nang maikli ng mananaliksik, isusunod ang
konklusyong binuo ng mananaliksik batay sa mga natagpuan sa pag-aaral.. Sa konklusyon makikita ang
katotohanan ng mga natuklasan sa pag-aaral. Ang mga konklusyon ay kailangang ilahad sa pamamagitan ng
bilang o sa hulwaran paisa-isa para sa madaling pagkilala sa mga ito.
Kasunod ng mga pagbigay ng konklusyon ay ang pagbibigay ng rekomendasyon batay sa pagbibigay ng
mga konklusyon. Hindi maaaring irekomenda ng mananaliksik ang isang ideya o bagay na hindi naman lumabas
na suliranin o kakulangan sa isinagawang pag-aaral. Kadalasang isinasama sa bahaging ito ang rekomendasyong
muling pag-aralan ang nabanggit na pananaliksik upang lalo Makita ang validity nito o para sa lalo pang malawak
na pag-aaral.

Gawain: Simulat ng isang papel pananaliksik na maaaring ibahagi sa isang forum, kumprensya o ilathala sa isang
akademikong journal.
Gawing gabay ang mga bahagi ng pananaliksik na tinalakay. Sundan ang APA format.
RUBRIK SA SULATING PANANALIKSIK
4-natugunan nang higit sa inaasahan/mahusay/natatangi
3-kompleto/malinaw/natunugan ang inaasahan/karaniwan
2-may ilang kakulangan o kamalian/ hindi gaanong malinaw/ hindi gaanon natugunan/nailahad
1-maraming kakulangan o kamalian/hindi malinaw/hindi natugunan/nailahad
PAMAGAT
MANANALIKSIK
KATEGORYA PAMANTAYAN 4 3 2 1 PTS
Estilo/Paraan Mapanghikayat ang paglalahad ng mga kaisipan at kapana-panibak na nailahad ang
Pagpapahayag mga pahayag
Mensahe/Kabuuang Impormatibo, makabuluhan sa kurso o propesyong kinabibilangan, at mailalapt sa
Naibahagi tunay na sitwasyon sa buhay
Bisa ng Paglalahad Detalyado at kapani-paniwala ang mga patunay, halimbawa at katwiran, makabuluhan
/Pagsusuri at kritikal na inilahad ang mga impormasyong
Bisa ng Sanggunian Marami, iba-iba at mapagkatiwalaan ang mga sanggunian (Mula sa perentetikal na
sanggunian (mula sa parentetikal na sanggunian at bibliograpiya)
Kaugnayan Magkakaugnay ang mga impormasyon upang mailahad ang mga suliranin ng pag-aral
(Mula sa presentation, interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon)
Organisasyon Malinaw na naipaliwanag ang mga impormasyon mula sa unang kabanata hanggang
sa katapusan maging sa pagsasaayos ng mga talata
Mga Bahagi ng Sulating Pahinang Preliminary (Pabalat, Pagpapatiay, Abstrak, Pasasalamat, Talaan ng nilalaman
Pananaliksik Kabanata 1 at 2
Kabanata 3
Kabanata 4

Paggamit ng Angkop na Pormal, karaniwan at madaling maunawaan ang mga salitang gamit upang mailahad
Wika nang mabisa ang mga impormasyon
Baybay, Bantas, Wasto ang pagbaybay at kapitalisasyon at angkop na pagbabantas
Kapitalisasyon
Porma/Anyo Malinaw ang pagmamakinilya (fonts), wastong espasyo at indensyon, angkop na
ilustrasyonn/grapikong pantulong, at iba pang teknikal na format
Gramatika/Sintaks Malinaw at mabisa ang mga pangungusap at mga talata upang mailahad ang mga
impormasyon
KABUUANG PUNTOS /10
PANGKALAHATANG
PUNA

____________________________________________
PANGALAN NG GURO
RUBRIK SA PASALITANG PRESENTASYON
4-natugunan nang higit sa inaasahan/mahusay/natatangi
3-kompleto/malinaw/natunugan ang inaasahan/karaniwan
2-may ilang kakulangan o kamalian/ hindi gaanong malinaw/ hindi gaanon natugunan/nailahad
1-maraming kakulangan o kamalian/hindi malinaw/hindi natugunan/nailahad
PAMAGAT NG PANANALIKSIK
MANANALIKSIK
1. 5.
2. 6.
3. 7.
4. 8.
Kategorya Pamantayan 4 3 2 1 PTS
Lohikal na inilahad ang mga kaisipan at impormasyon ayon sa pagkakasunod-
sunod
Organisasyon Mabisang inilahad ang mga kaisipan: Simula katawan, at pangwawakas ng ulat
(12 pts)
Malinaw na naiugnay ang bawat slide

Malinaw ang tinig ng boses, tamang pagkilos at may angkop na kumpas

Nabigyan-kahulugan ang mga kaisipang angkop sa tagapakinig.


Kasanayan
(18 pts) May kahandaan at lubos ang kaalaman sa paksa.

Mabisang paggamit ng wika at tamang pagbigkas

Mabisa ang biswal(ppt): Malinaw ang mga letra at start/grapikong pantulong,


hindi nakalilito, at may angkop na illustration at kulay

Ginamit ang tamang oras at wastong asal para mailahad ang inaasahang
nilalaman ng pag-aaral
Nailalahad ang pinakamahalagang saligan, layunin, kahalagahan,
suliranin ng pag-aaral
Nailalarawan ang angkop na metodolohiya sa pangangalap ng datos

Naipaliwang ang mga natuklasan batay sa mga nakalap na datos

Nabigyang-kahulugan ang datos sa tulong ng mga pag-aaral mula sa


Presentation/Nilalaman iba’t ibang sangguniang may angkop na pagkilala sa pinagkunan
(21 points)
Nakapagbigay ng malinaw na buod at konklusyon

Realistiko at makabuluhan ang mga rekomendasyon

Nasagot ng tama, kapani-paniwala, at impormatibo ang mga tanong

KABUUANG PUNTOS ( /51)

---------------------------------------------------------------------
BUONG PANGALAN AT LAGDA NG HURADO
PASALITANG PRESENTATION
Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum na katapat bawat system na tutukoy sa iyong marking ibibigay sa
bawat pamantayan.
4= Lubos na natamo 3= Natamo 2=Hindi gaano natamo 1= Hindi natamo
Mga Pamantayan 4 3 2 1

1. Lubos na Kaalaman sa Paksa (x4)

2. Mabisang Paggamit ng Wikang Filipino (x3)

3. Wastong Asal at Kasuotan (x2)

4. Mabisang Paggamit ng Biswal ng material (Power point o iba pang midyum) (x2)

5. Malinaw na presentation ng mga slide sa ppt (Format, design, text, etc.) (x2)

6. Mabisang paggamit ng oras (Maximum og 15 mins only)

KABUUANG PUNTOS: 56 PTS

PUNA AT MUNGKAHI:
______________________________________________________________________

_______________________________________
PANGALAN AT LAGDA
PASALITANG PRESENTATION
Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum na katapat bawat system na tutukoy sa iyong marking ibibigay sa bawat
pamantayan.
4= Lubos na natamo 3= Natamo 2=Hindi gaano natamo 1= Hindi natamo
Pamantayan sa Pagmamarka 4 3 2 1
1. PAHINANG PRELIMINARI X3
2. KABANATA 1 X2
3. KABANATA 2 X2
4. KABANATA 3 (Presentation sa tulong ng mga graph/chart) X3
5. KABANATA 3 (Pagtalakay) X3
6. KABANATA 4 (Konklusyon) X2
7. KABANATA 4 (Rekomendasyon) X2
8. HULING MGA PAHINA X3
9. FORMAT (printing, page, lay-out, table/graph, margin, spacing, min. 15 pages, etc.) X2
10. GRAMATIKA AT GAMIT NG PORMAL NA WIKA X3
KABUUANG PUNTOS: 100pts

REMARKS: ( ) PASSED
( ) INCOMPLETE
TSEKBEK SA SULATING-PANANALIKSIK

4- Natugunan nang higit sa inaasahana/mahusay/natatangi


3- Kompleto/malinaw/natugunan ang inaasahan/karaniwan
2- may ilang kakulangan o kamalian/ hindi gaanong malinaw/hindi gaanong natugunan/nailahad
1- maraming kakulangan o kamalian/hindi malinaw/hindi natugunan/nailahad
Batayan sa Pagtataya 4 3 2 1

1. Pahinang preliminary (pamagat, pagapapatibay, pasasalamat, talaan ng pigura at nilalaman

Puna:

2. Kabanata 1 (bakgrawn, paradigm, balangkas, suliranin, at haypotesis)

Puna:

3. Kabanata 2 (disenyo, populasyon, proseso, at triment ng datos)

Puna:

4. Kabanata 3: Presentasyong biswal (x2)

5. Kabanata 3: Pagbubuod (x2)


6. Kabanara 3: Sariling pagsusuri
7. Kabanata 3: Pagtalakay hango sa babasahin at obserbasyon (x3)
8. Kabanata 3: Panimula at Pagwawakas na talata 4 3 2 1

Puna:

9. Kabanata 4: Konklusyon (x2)

10. Kabanata 4: Rekomendasyon

Puna:

11. Huling mga pahina (x2)

12. Format (linaw ng imprenta, anyo, pahina, font, talahanayan, margin, spacing, atbp.) x2

13. Iba pang mekaniks ng pagsulat (baybay, bantas, indensyon, daglat, capitalization) x2

14. Gra,atika/retorika (tiyak, malinaw, matipid, karaniwan, kaugnay, wasto, kagandahan) x2

Puna:

KABUUANG PUNTOS (102 PTS)


PAGTATAYA SA KAGRUPO (PEER EVALUATION)
Panuto: Bigyan ng angkop na marka ang grupo batay sa mga sumusunod na gawain. Gawing batayan ang iskala sa
ibaba ng mga tao.
A. Nakapagpapahayag ng kanyang kaalaman at opinion sa pinag-uusapan
B. Nakapagbabahagi ng mga impormasyon mula sa mga nasaliksik sa iba’t ibang sanggunian
C. Nakadalo sa mga pagtitipon o pulong na may kaugnayan sa pananaliksik
D. Nakatulong sa panimulang pagsulat, pagrerebisa at pag-eedit ng sulating pananaliksik
E. Nakatutulong sa pangangailangang pinansyal gaya ng pag-iimprenta at pangangalap ng impormasyon
F. Natututong making at mapagpahalaga sa opinion at pagsisikap ng ibang kagrupo
G. Nakatutulong sa paggawa ng pasalitang presentasyon

4- Lubos na naisagawa o higit sa inaasahan


3- Naisagawa
2- Hindi gaano naisasagawa
1- Maraming beses na hindi naisagawa
0- Hindi kailanman
PANGALAN NG KAGRUPO A B C D E F G KABUUAN

7
A. Piyesang Pambalagtasan
Kalahok
Dibisyon ng Maynila
Ikalawang Distrito
Mataas ng Paaralang Florentino Torres

TEMA NG BUWA NG WIKA:

“WIKANG FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO”


___________________________________________________________________________________________

PAKSANG PAGTATALUNAN:

“MILENYALISASYON NG WIKANG FILIPINO: MABUTI O MASAMANG PAGBABAGO?


___________________________________________________________________________________________
LAKANDIWA

Malugod na pagbati ang ngayo’y sumainyo


Madlang saklaw ng bayang Batanes hanggang Jolo
Na puspos ng biyaya, pag-ibig at siphayo
Tanang makabayan na taal na Pilipino

ako’y Lakandiwang tanod niring Balagtasan


Sundalo ng sining ng indayog at tugmaan
Nagpapatirapa ngayon sa inyong harapan
Digma sa tulaa’y inyong sanang pagdamutan

Balagtasan ay ipinangalan sa makata


Na supling Panginay na dangal at dakila
Franciso Baltazar, Balagtas na nag-iisa
Ito sa kanya ay pagpupugay, pagkilala
__________ po ang aba ninyong tagahatol
Talas ng diwa ay susuriing walang gatol
Karunungan sa tuwina ay ipatutungkol
Sa palatuntunang mayro’ng paksang ipupukol

Samasabay sa pag-usad niring ating buhay


Buhay na sa ating kamay ay nakasalalay
Ang pagyapos sa nag-iisang tanging konsepto:
Pagbabago ang limping bagay na ‘di nagbabago

Gaya ng kawayan sa gitna ng isang unos


Sumasalungat tayo sa daluyong at signos
Bayang Pilipinas ay tinatangay ng agos
Isang siklo na kailanman ay di’ matatapos

At sa pagbubukas ng duwelo ng tugmaan


Sa paksang ngayon ay atin nang pagtatalunan
Pagbabago sa wika ng ating kabataan
Sakdal bang nakabubuti o samang sampungan?
Millenniall- ating kabataan kung tagurian
Mapangahas, mapusok, alam ang karapatan
Gumagalaw sa mundong pintakasi ng tanan
Sadya nga bang ‘di na nilingon ang pinagmulan?

Kabataang bubot, ‘di ligtas sa pagbabago


Pagbabagong saklaw mula paa hangggang ulo
Pagbabagong sa wika’y sila ang pasimuno
Pagbabagong bakas sa bukana hanggang dulo

Ito bang paraan nila ng pagsasalita


Sa atas ng kasapmata’y matuwid at akma?
O ngayong araw ay mabubuo ang hinuha
Na sa wikang Pambansa ito’y nakasisira?

Milenyalismo ng wika kung tagurian


Pagbabago sa wika na nababanaagan
Mabuti o masamang pagbabagong tuwiran?
Sa digma ni Balagtas ay ating malalaman
kaya’t tinatawagan ang tutugon sa hamon
Mga binate’t dalaga, ngayon di’y umahon
Sumayaw sa himig, indak ng pagkakataon
Nang madling kabalagtasa’y sa inyo tumuon

PANIG NAKABUBUTI

Ulinig ko ay pag-imbay sa indak at himig


Tinuran ng Lakandiwang ngayo’y nakatindig
Puso ko ay nagalak, diwa ko at nadilig
Kung kaya’t kapasyahan ko’y ibuka ang bibig

Sa inyong harapay may tindig nananambitan


Nagbuhat sa look ng sintang kamainilaan
Manananggol, manalag ng isang katuwiran
Pakay ko’y makilahok sa sintang Balagtasan
___________ po ang pangalan kong tunay
Magtanggol, mangatuwiran, iya’y aking pakay
Ang pagbabago sa ating wika ay may husay
Iya’y panig na ilalaban ko hanggang hukay

Pagbabago’y di maiiwasan nang yakapin


Minamahal na nakikinig kung liliripin
Panig kong ilalaban kung inyong sisinsinin
Matutugunan ninyong wasto at ‘di bukbukin

LAKANDIWA:

Mapapanis ang kanin, tinapa’y bubukbukin


Kung matunaw ang oras at ‘di mo lalandasin
Ang ating entablado na nag-aantay man din
Sa iyong pagsampa at pagtula nang may dilim
Malugod na pagtanggap, ika’y pauunlakan
Magsaboy ng diwa at katuwiran sa tanan
Ipagtanggol ang panig na ‘yong tinitindigan
Iya’y tunay na diwa’t atas sa Balagtasan

Ngayon naman hanap ko ay isang katunggali


Na ang tagla’y karununga’t kat’wiring sakbibi
Na sa duwelo ng tugmaa’y ‘di pahuhuli
Isungaw ang kabuuan mong ‘di mapakali

Bukas ang tanghalan, makihamok sa laban


Huwag pahuli at baka ika’y maiwanan
Kiming naghihintay ang ‘yong makabubungguan
Ng talion at husay sa sining ng tulaan
PANIG NAKAKASAMA

Kung sining ng tulaan ay bagyong alimppuyo


Ay sasalunga ako, titindig at tatayo
Ito ang kapalarang tadhana ang nagbuyo
Kung liripin ng isip ay nakahaharuyo

Sa harap ng madla ngayo’y magpapakilala


Anak ng Tondo at taal na taga-Maynila
Pinanday sa kat’wiran, hinubog sa pagtula
Mambabalagtas sa puso, kaluluwa’t diwa

__________ ako po’y inyong pag-uutusan


Lingkod ninyo sa tulaan, tanggol ng kat’wiran
At dahil pagbabago ay napag-uusapan
Panig kong pinipintuho’y akin ilalaban
Pagbabago’y nariyan sa mukha ng sansinukob
Ngunit sa kasalukuyan ito’y akin kutob
Langit at lupa sa ati’y sadyang magsasaklob
Kung pagbabagong ito’y di ampatan ng suob

LAKANDIWA:

Suob ay sa albularyong agapay tuwina


Makata’y tagahele ng may dangal na tula
Ikaw na makikihamok ngayo’y ay maghanda
Bagtasin ang tanghalan at dini ay sumampa

Sa patulang paghamok ay pahihintulutan


Tulad mong batid kong may igting na kahandaan
Ipaglaban ang panig na ‘yong tinitindigan
Harinawa sa iyo kami’y di makulangan
Dalawang panig wangis ng atungal ng leon
Ay dadagundong sa gubat ng tula’t panahon
Palisahan ng katuwira’y isasakahon
At ihahandog sa madling nakamasid ngayon

Balagtasan, oh dakilang anyo ng pagtula


Balagtasang sa inyo ngayo ay bubulaga
Patunugin na ang batingaw, hipan ang alpa
Sapagkat unang tindigan ay naririto na!

Unang tindigan:

PANIG NAKABUBUTI:

Magandang araw po iyan ay aking pagbati


Sa madling nakikinig sa aking pagtatangi
Bayang Pilipinas, kapwa Pilipinong dini
Ay lunoy sa tulaan nang walang atubili
Pilipino ay lahing subok na ng panahon
Ito ay iniadya at hindi nagkataon
Saan mang hawla ng tigre mo sila itapon
Tiyak ang tagumpay, makawala at umahon

Gantimpala sa pagtatagumpay ay pagsulong


Naayos mga gusot, nasagot mga tanong
At lumipas ang higit sa limampung dekada
Pilipinas ngayon mga katoto’y nasa’n na?

Tayo’y nasa gitna ng daluyong ng panahon


Sumasabay sa agos ng pagbabagong tuon
Mula pananamit, pagkain, paniniwala
Paraan ng pamumuhay at pagsasalita

Kung pag-uusapa’y paraang pananalita


Kung pagtatalunan ay Mabuti o masama
Ay matuturan ko ang isang paniniwala
Na walang masamang tinapay sa atin wika
Wika ay dinamiko-ito ay sadyang buhay
nagbabago’t sa pagbabago’y umaagapay
Anumang pagbabago kung tuusing may halay
Ay katuwirang baluktot ng mga kaaway

Buktot kung iisiping ang milenyalismo


Ng wikang filipino ay ‘di makatutugon
Sa pangangailangan ng sinisintang nasyon
Na marapat nang tumugon sa globalisasyon

Wika ng millennials ay ‘sang mianam na tanda


Wikang Filipino’y buhay, handing sumalunga
Magbago para sa kabutihang ninanasa
At makipagsabayan sa’ting karatig bansa
PANIG NAKASASAMA

Tinuruan ng katalo ko ang globalisasyon


Ang tuguning Pambansa at nag-iisang misyon
Gawing pangmundo, kakayahan ng bawat nasyon
Tangani’y pag-unlad, di maiwan ng panahon

Ngunit globalisasyon sa wika ay nasaan?


Kung ito’ng paraan, ang gawi ng kabataan
Wastong paggamit ay hindi pinagtutuunan
Wikang ipinamasa sa pag-asa ng bayan

Wika ay tinuruan mong tunay na dinamiko


Masasabing nakasandig nga sa pagababago
Nugnit kapag nagmamasid ako ng buo
Mga katanungan sa isip ko’y naglalaro:
Ito ba ay pagsulong, ito ba ay pag-ahon
Ng lahing ginupo ng sigwa’t pagkakataon?
Gramatika’y nilapastanganan’t bali ang tuon
Sa wastong bigkas, wastong baybay at komprehensyon

Kung pag-uusapa’y paraan ng pananalita


Kung paglalabana’y Mabuti a o masama
Mariin kong ibabalik, aking panukala
Wakasan ang kahangalan, simulang itama

Ang mali sa kasalukuya’y ang namutawi


na persepsyong lahat ng pagbabago’y Mabuti
Wika ay arbitaryong lahat ay kasakbiib
Sinasang-ayunan ng madla’t nakararami

Mayorya ng bansa, kasama ng mga linggwista


Ay timtimang umaayon at nagkakaisa
Ang pangunahing pumapatay sa isang wika
Ay mamamayang ‘di to ginagamit nang tama
Katunggali ko ay nabubuhay sa ‘sang ilusyon
Na pagbabago t’winay sa laksa aayon
Kung kabutihang panlahat ating nililingon
Kunin ang makabubuti’t masama’y itapon

Malugod na pagtanggap, ika’y pauunlakan


Magsaboy ng diwa at katuwiran sa tanan
Ipagtanggol ang panig na ‘yong tinitindigan
Iya’y tunay na diwa’t atas sa Balagtasan

Ngayon naman hanap ko ay isang katunggali


Na ang tagla’y karunungan’t kat’wiring sakbibi
Na sa duwelo ng tugmaa’y ‘di pahuhuli
Isungaw ang kabuuan mong ‘di mapakali

Bukas ang tanghalan, makihamok sa laban


Huwag pahuli at baka ika’y maiwanan
Kaming naghihintay ang ‘yong makabubungguan
Ng talino at huasy sa sining ng tulaan
LAKANDIWA:

Panig ng nakakabubuti’y tuwirang tinuruan


Pagbabago sa wika’y isang kahalagahan
Upang sa kalakhan ng bansa ay masumpungan
Globalisasyong simula’y sa kaibuturan

Panig ng nakasasama ay ‘di nagpahuli


Tumaliwas nang taos, walang pag-aatubili
Inahayag na’ng pagbabago’y makawiwili
Kung sasandig sa tamang atas at dili dili

Unang tindigan ay sadya ngang isang pasabog


Nagpaulinig ito at ngayo’y nambulabog
Dumagundong gaya ng umatungal ng kulog
Katuwira’y talang isa-isang nahuhulog
Ikalawang tindigan at atin nang tunghayan
Magkatunggali’y ‘di mapakali sa upuan
Ating sisirin lalim ng kanilang isipan
Mas may katwira’y talang isa-isang nahuhulog

Ikalawang tindigan at atin nang tunghayan


Magkatunggali’y di mapakali sa upuan
Ating sisirin lalim ng kanilang isipan
Mag may kat’wiran sa dalawa’y ating masumpungan

Ikalawang tindigan:
PANIG NAKASASAMA:

Mayroong isang Kautusang Pangkagawaran


Walang maliw ng ditto ay may masusumpungan
May patnubay sa alpabeto’t palabaybayan
Ng wikang Filipino na ating tangan tangan

Malinaw ditong tinuran na ang pagbabago


Masaklaw man ang panahon na kontemporaryo
At yaring kabataan na gumagamit nito
Ay marapat sumusunod at tumutugon nang buo

Ngunit ang mga millennial, kung tagurian mo


Mga tagpagmanang walang muwang at bisyo
Maiksi at mahabang “nang” hindi mapagtanto
Maagang nilimot ang sabdyek na Filipino
Nar’yan din ang pagpapairal ng katamaran
Pinapaiksi ang mahahabang salitaan
JWU (Just Woke Up) ang sa mga usap-usapan
SLR (Sorry Late Reply) sa paumanhinan

At kapag hindi alam ang kanyang sasabihin


IDK (I don’t Know) iyan nga ang uusalin
TARA G! pinaiksi na ngang GO!
BRB at LOL- mababasa sa mga convo

Nagbabago rin ang taguri sa sinisinta


Kung dati ay irog, kasi, liyag at iba pa
Ngayon ay BAE, BY, BOO, BABY CQOEHng nakasusuya
Ang hiniram na ingles, hayun at sinalaula

Kung ang tao ay maarte at sadyang may kimi


PABEBE ang ibabansag din nang manawari
Hindi pinalampas, maging salitang HOKAGE
Nilagyan ng malisya at negatibong imahe
‘pag nagagalit, ihahalintulad sa hayop
BEASTMODE kung turingan sa bokabolaryong dahop
‘pag natalo sa argumento’t napuno’ng salop
EDI WOW- bukambibig ng millennial na tiklop

PANIG NAKAKABUTI

Ang lahat ng tinuran ng mahal kong katalo


Ay isang panig lang ng mukha ng pagbabago
At nakatuon sa kahinaan ng prinsipyo
Lahat ng Nakita mo’y tuon sa panibugho

Isang pag-aaral sa Barcelona, Espanya


Ang nagpatotoo’t nagbigay ng pagkilala
Social Mediang gamit ng kabataan sa tuwina
May tulong sa paglinang ng kabuuan nila
Social Media Language Learning ‘to
Isa ngayong kilalang prinsipyo’t metodo
Pinabulaanan ang lahat ng husga mo
Ang millennials ay hindi naman ganong kabobo

Oo’t bago sa’yong pandinig kung magsalita


Ang kabataang binugbog mo agad ng husga
Milenyalisasyon ng wika sa isang banda
Ay nakaagapay at hindi tanikala

Paggamit ng maiiksing pahayag ay tanda:


Mabilis ang daloy ng komunikasyong likha
Mas maalam na sila ngayon sa wikang ingles
Iyo’y buti ng progreso, ikaw lang ay inis

At noon pa man ay gumagamit na ng jargon


Ano’ng kaibhan ngayon sa nagdaang panahon?
E’ kasi nga ay hindi mo natatalunton
Na sa pesimismo ka lang ngayon nakatuon
Hindi sa isang dimension may husga ang buti
‘wag ipako sa mga ekspektasyong sakbibi
Kung huhusgahan mo’ng lalim ng ilog sa kati
Dapat languyin mo ito bago ka manisi

Hindi ba’t sa lahat ng iyong mga tinuruan


Ay wala kang ibang sadya kundi ang husgahan
Hindi ba tayo ditto ay nagbabalagtasan?
‘di nagpapalitan ng impresyong walang laman?

LAKANDIWA:

Panig ng nakabubuti’y nilinaw nang husto


Pagbabago sa wika ay sapat nga at wasto
Kailangang laliman ay ang pagtanaw sa hulo
Gaya ng baril na pumipilantik ng punglo
Panig ng nakasasama’y pinangatwiranan
Milenyalisasyon ng wika’y dapat agapan
Nabulig sa gawing baluktot ang kabataan
At nagapamulagat pa ito ng katamaran

Sa pagdikit ng mga kalis at Kris ng tugma


Dalawang panig, nagpukulan ng tanikala
Kinalag sa harap ng nakatanghod na madla
Ninamnam, nilasap wari’y sabaw ng nilaga

Huling tindig dini tayo’y magkakaalam


Kanino’ng itataas na kamay kalaunan?
Halina bayan at atin na itong sumpungan
Ang huling tindig ng liyag nating Balagtasan!
Ikatlong tandigan:

PANIG NAKASASAMA:

‘tong katunggali ko’y binanngit ang Social Media


Nang buong pagpupugay, buong pagdarakila
Ang tanong na ito ay iyong isapantaha:
Nakabuti ba sa wika ang Social Media?

Panahon ng milenyalisasyon ng wikang ‘to


Na kung tawagin natin ay wikang Filipino
Na saklaw ng social median ganyan at ganito
Ilalahad ko sa’yo ang masamang epekto

Nang mauso itong mga RANT at DISS sa tanan


Ang wika ay ginamit nang walang pakundagan
Sa paglabas ng galit, panlilibak ng kapwa
Wika ay kinasankapan sa social media
Wikang Filipino’y ginamit sa Cyber bullying
Sakit mula sa wikang nagpalugmok, nakapraning
Yaring KEYBOARD WARRIORS, at mga TROLLS na ang dating:
Perpektong nilalang kung manlait at mamanting

Ano’ng dulot ng milenyalisasyon sa wika?


Pag-usbong ng mga MEME na talagang panira
FAKE NEWS ay nagbubunsod ng tanging pagkasira
Sa linis- pagiging busilak ng ating wika

PANIG NAKASASAMA

Ang katalo ko’y sandig sa paghanap ng mali


Tuon ay sa tao, ‘di sa prosesong kandili
Uulitin kong milenyalisasyon ay hindi
Nakatuon sa dilim bagkus ay sa pagpili
Pagpili sa bagay na magagamit sa buhay
Upang makagaa’t lubusang makaalalay
Kung mahihinahod ka sa mga bagay bagay
Kung lahat ay masama, ano pa ba ang saysay?

Konsepto ng mga kapatid ng Tsino’y Yinyang


“wag mo’kong pangunaha’t di ako nahihibang
Kasamang sinasabi mo at binibintang
Ay babalik din sa’yo gaya ng isang sundang

Kung ang tao ay matatakot sa pagbabago


At iwawangis mo sa’yo, aba kong toto
Kung ang tao’y tatanggihan ang pagbabago
Anong pag-usad ang makakamtan niring mundo?

Ang masama sa iba ay ‘di masama sa iba


Kaya nga’t nat’yan ang konsepto ng preperensya
Asal mo’y di ba sa pagtatago sa lungga
Mundo’y marahas, ngunit puspos ng pagtatala
PANID NAKASASAMA:

Marahas ng ang tao maging sa kanyang wika


Ngunit katoto, mayroon kang hindi sawata
Ang pagyakap sa bago at pagpapakatanga
Bali-baligtarin mo ma’y sadyang magkaiba

Marunong magmasid ang tanan at madlang tao


Alam nilang kabataan ngayo’y napipinto
Sa balang ng alanganin at ng kompromiso
‘pagkat may pabayang kaisipang wangis sa’yo

PANIG NAKABUBUTI:

Kailan ba nagging kapabayaan ang pagyakap


Sa katotohanang hindi mo naaapuhap?
Kahit anong pilit mong magbigay ng pag-agap
Mananatili kang bulag sa di mo hagilap
Marunong magmasid ang tanan at madlang tao
Tama ka, at malinaw sa kanila nang buo
Na nagbibigay kalang ng husgang sadbyektibo
Sa sarili mong mantika ika’y napiprito

PANIG NAKASASAMA:

Tama, iprinito ako at hindi nga hilaw


Kat’wiran ko naman ay matuwid at ‘di sabaw
Sa katotohana’y di mo ‘ko gaya na uhaw
Sa pagkukunwari ay ‘di ako sumasayaw!

PANIG NAKABUBUTI:

Sumasayaw nga ako ngunit sa akmang saliw


Kaya’t sa madla’y ‘di ako nagmumukhang baliw
Konklusyon ay hindi ibinibitiw
Nang sa huli’y hindi ako mukhang basang sisiw
PANIG NAKASASAMA

At sino nga ba ang nagmumukhang basing sisiw?


Hindi ba’t ang mga kabataang naaaliw?
Na sumasabat sa pagbabagong sumasaliw
At kapag napahamak na’y agad na bumibitiw!

PANIG NAKABUBUTI:

Ang tangi bagay na kaya mong ipanukala


Lahat ng bagay bagay sa mundo ay masama
Nilason na ang iyong isipan nang talaga
Kaya’t madla sa iyo’y hindi na magtataka!
PANIG NAKASASAMA:

Litong madla ay walng bahid ng pagtataka


Milenyalisasyon ng wika’y nakasasama!

PANIG NAKABUBUTI:

Madlang tao ay tunay na nakahahalata


Panig kong inilalaban ay wasto at akma

PANIG NAKASASAMA:

Pigilan na ang milenyalisasyon ng wika


Sa huli’y ‘di tayo maiiwang nakanganga!

PANIG NAKABUBUTI:

Matutulad kami sa’yong lagging nakanganga


Kung uugaliing paniwala’t dinggin ka!
PANIG NAKASASAMA:

Dingin ang tulad mo ay walang kauuwian


Kundi kabigua’t taal na kapahamakan!

PANIG NAKABUBUTI:

Ang kapahamakan at tuwirang makakamtan


Ng paris mong nilalang na kampon ng kasam’an

PANIG NAKASASAMA:

Nahihiya ‘ko sa’yong mukhang illuminati


May amoy ang hininga’t sabog ang kilikili

PANIG NAKABUBUTI:

May ipokrito talagang kung mamanukala


‘e jejemon naman no’ng kanyang pagkabinata
LAKANDIWA:

Tigil mga makata’t ngayo’y maghunisdili


Nago pa’tong Balagtasa’y kung saan mauwi
Pamalagiin ang paggalang at mangagtimpi
Ito’y isang tulaang may dangal at pagtangi

Sa paksang pinatalunan, ating nasumpungan


Dalawang panig ay may kat’wiring inilaban
Milenyalisasyon ng wika’y kasusumpungan
Ideyang Mabuti’t masama kung tagurian

Ang salitang Mabuti, ang salitang masama


Ay nakakasandig sa taong may nasapantaha
Na matutugunan natin na magkakaiba
Ang sa iba’y baluktot, ang sa iba ay tama
Madlang tao ay matalino at nag-iisip
Hindi natutulog, may panig na nahagip
Kaya’t sa inyo ko iiwan, hatol na silip
Tulaang ito sana’y matatak sa’nyong isip.
B. Final Informance Script

Paligsahan sa Pagtatanghal ng Informance

Kalahok
Dibisyon ng Maynila
Ikalawang Distrito
Mataas ng Paaralang Florentino Torres

Pamagat:

“LLAVE DEL CIELO”


__________________________________________________________________________________
________
I.PROLOGO:

MAUULINIGAN ANG MALUNGKOT NA MUSIKA KASABAY NG PAGTAMBAD


NG NAKAYUKONG SI DR. PEPE. NAKAGAPOS NG LUBID ANG KANYANG
MGA KAMAY SA LIKURAN. DAHAN DAHAN SIYANG MAGLALAKAS PAPUNTA SA HARAPAN AT IAANGAT ANG
KANYANG ULO.
AAWITIN NIYAN ANG ILANG BAHAGI NG TULANG “MI ULTIMO ADIOS”

DR. PEPE:

En campos de batalla, luchando con delirio,


Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar;
El sitio nada importa, cipres, laurel o lirio,
Cadalso o campo abierto, combate o cruel martini,
Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.

!Adios, Patria adorada, region del sol querida,


Perla del mar de orientem nuestro perdido Eden!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera mas brillante, mas fresca, mas Florida,
Tambien por ti la diera, ;a diera por tu bien
MARIRING ANG HUDYAT NNA “AFUNTEN” KASUNOD NG FUEGO”

DR. PEPE:

CONSUMATUM EST!

(PASIGAW)

MAPAPAYUKO SI DR. PEPE


__________________________________________________________________________
1.

__________________________________________________________________________
II. LLAVE DEL CIELO:

MULING IAANGAT NI RIZAL ANG KANYANG ULO KASABAY NG ISANG


MALALIM NA PAGHINGA. LILINGA LINGA SIYA SA KANYANG PALIGID
KASABAY NG MALAKAS NA SIGAWAN, PALAKPAKAN AT PAGTUGTUG NG
MUSIKA GALING SA ISANG SIKAT NG GAME SHOW. MAGPAPAKILALA SI
GAME SHOW MASTER PETER.

GAMES MASTER PETER:

(Maglalakad patungo kay Dr. pepe at kakalagin ang kanyang gapos)

Kapalaran. Bawat tao ay may naitakdang kapalaran. Bawat nilalang ay binigyan


Ng tanging pagkakataon… pagkakataon upang mabuhay. Mabuhay! Oras na
Naman para magsukatan… ng Talino, ng talas ng memorya, ng galling, ng kahusayan.
Sumainyo na naman ang isang kabanata ng pinakapaborito ninyong
Game show na made in heaven… ito ang... “LLAVE DEL CIELO” – ANG GAME
SHOW NA NAGING BUHAY MO!
(Palakpakan at sigawan)

Welcome, ako ang inyong game show master, ako si Peter! Ang kalahok naten
Ngayong araw ay isang mahusay na optalmologo, manunulat at higit sa lahat,
isang tunay na makabayan, mga kaibigan, pasalubungan natin ng masigabong
Palakpakan si Dr. Pepe

Dr. Pepe

(tatanging makipagkamay kay Peter, itataas ang dalawang kamay at mapapaatras)

Hindi totoo ito, Nananaginip lang ako.

GAME MASTER PETER:


(ngingiti, hahalakhak nang bahagya, papangalumbaba at liligiran si Dr. Pepe)
Panaginip? Hindi ito isang panaginip. Ang katotohanan ay… patay kana Dr. Pepe.
Oo. Pumanaw kana. Subukan mong gunitain nang muli. Binaril ka kani-kanina
Lang. Naalala mo na ba? Lahat ng tulad mo na nagnanais ng ganap na
Katahimikan ay marapat na pagdaanan at lampasan ang laro na ito. Ah… Dr. Pepe…
Nauunawaan mo na ba?

(Hihinga ng malalim at ngingiti)

Kung gano’n (mahinang halakhak) ay ito ang pagsisimula ng pag-abot ko sa


Ganap na katahimikang matagal ko nang hinahangad. Ito na pala iyon. Ganito pala
Ang mangyayari. Malayo sa aking inaasahan. P’wes senior, huwag na tayong
Magpatumpik tumpik. Simulan na natin!

GAME MASTER PETER:

Ahhh… mukhang nauunawaan na ni Dr. Pepe ang lahat… at mukhang handa na


Siya. Bueno, simulant na natin… (Tingin sa Audience) ang pinakapaborito
Ninyong game show na made in heaven.. Ito ang… “LLAVE DEL CIELO” – ANG GAME SHOW NG NAGING BUHAY
MO!
(gagabayan ni Peter si Dr. Pepe papunta sa mga upuan at muli niya itong kakamayan)

Muli, tayo ay maglalaro ng Llave del Cielo. Gusto mo nga ganap na katahimikan?
Hawak ko ang susi ng inyong inaasam na katahimikan. Ito ang Lla del Cielo
(ipapakita ang hawak niyang susi). Tapusin at pagtagumpayan mo ang laro at
Ibibigay ko ito sa iyo. Handa ka na ba Dr. Pepe?

DR. PEPE:

(Hihinga ng malalimm at ngingiti)

Si Senior

GAME MASTER PETER:

Kung gayon ay ipapakilala ko na sa iyo ang mga makakasama natin sa larong ito.
E.E.s….. Pasok!
(papasok sa madulang paraan ang mga E.E. o mga Espiritus Ejecutantes at mananatili sa magkabilang gilid
nang nakaluhod at nakayuko)

Ipinakikilala ko Dr. Pepe ang mga E.E. o mga Espiritus Ejecutantes o sa


Ingles, ang mga Spirit Performers. Sila ang magiging kaagapay mo sa pagsagot

Sa mga katanungan sa larong ito. (titindig ang mga EE’s at tatango sila kay Dr. Pepe tanda ng pagkilala sa isa’t
isa)

May limang kategorya ang larong ito Dr. Pepe ito ang mga kategorya:

(ipapakita sa screen ang limang kategorya)

Ngayon ang kailangan mo na lang gawin ay bumunot mula sa mahiwagang


Sisidlan na hawak ng isa sa ating mga EE’s Dr. Pepe, for favor. (bubunot ng
Kategorya si Dr. Pepe, iaabot at babasahin ito nang malakas ni Peter)
Ahhh! Ang ating lalaruin ngayong araw ay ang kategoryang: NOONG BUHAY KA, SAAN- SAAN KA NAGPUNTA?
Dr. Pepe simple lang ang ating layunin: Masagot
Mo ang tatlo sa limang katanungan na ihahain ko sa iyo sa ilalim ng kategoryang
Ito. Muli, handa ka na ba Dr. Pepe?

DR. PEPE:
(hihinga ng malalim at ngingiti)

Si Senior.

GAME MASTER PETER:

Kung gayon, Let’s play:


“LLAVE DEL CIELO” – ANG GAME SHOW NG NAGING BUHAY MO!
LEVEL 1: Tanong: Ang bansang ito sa kasalukuyan at tinitingala dahil sa banaag
na kaunlaran ng kanilang industriya, teknolohiya at siyensya. Anong bansa ito
Kung saan nagmula ang ganitong uri ng tula? EE’s Pasok!

(maikling pagtatanghal ng EE’s: musika kasabay ng isang tutorial kung paano lumikha ng tula)

EE #2
Ang tula ang pinakamatalinong paraan ng paglalahad ng makataong damdamin at kaisipan
At madali lang gumawa ng tula. Kailangan ko lang ay lima, pito lima, at inspirasyon sa aking ulo.
Kakathain ko. At babasahin niya sa inyo sa loob ng limang Segundo.

(ipapasa kay EE #1 ang nilikha nang tula)

EE #1:

Langit ay nasa’n?
At ang katahimikan?
Ating puntahan!
GAME MASTER PETER:

Salamat EE’s. Ang mga pagpipilian Dr. Pepe: A. Tsina B. Formosa C. Hapon o D. Ceylon

DR. PEPE:

Ang binigkas at kinatha nilang tula ay isang haiku. Alam ko ito sapagkat nang ako
Ay mapadpad sa bansang ito ay kumatha ako ng ganito ring tula para sa isang
Malapit na kaibigan at napakagandang dilag roon na nagngangalang Seiko Usui.
Ang sagot ko ay C. Hapon. Final Answer.

GAME MASTER PETER:

Ahh si Dr. Pepe. Kampante sa kanyang sagot. Computer. Ipakita sa amin ang
Tamang sagot. C. Hapon is… Correct. Dr. Pepe, ang haiku ang isa sa
Pinakakaluluwa ng panitikang Hapon. Salamin ito ng kanilang mga paniniwala at
Nagpapamulagat ito ng pagmamahal nila sa kalikasan at sa buhay. Binabati kita.
Dalawa na lang at mapapsa iyo ng ang Llave del Cielo. Ipagpatuloy natin. Level 2
LEVEL: 2 Tanong: Saang bansa nanggaling ang sayaw na ito? EE’s, papasok!

(maikling pagtatanghal ng EE’s papasok ang EE’s dala ang gitara at


Magsasayaw si EE #2 sa saliw ng musika)

GAME MASTER PETER:

Salamat EE’s. ang mga pagpipilan Dr. Pepe: A. Pranysa B. Espanya C. Alemanya o D. Amerika?

Dr. Pepe:

Una kong narinig ang musikang iyan sa Barcelona ay sa Espanya. Ang musikang iyan
Ay pinamagatang Malaguena, Ang sagot ko ay B. Espanya. Final answer Senior Peter.
GAME MASTER PETER:

Ahh si Dr. Pepe… kampante pa rin sa kanyang sagot. Nagsusuri ka at inaalala


Ang inyong nakaraan. Maiba tayo. Ang sayaw na Nakita mo ay galling sa bansa na
Tinitignan ang sayaw hindi lamang bilang sining o aestetika kundi isang paraan ng pagpapahayag ng matinding
damdamin ng kanilang mga mamamayan. Ang nasaksihan natin ay isa sa mga sikat na estilo ng sayaw na
Flamenco. Computer… ipakita sa amin ang tamang sagot… ang tamang sagot ay… B. Espanya! Dr. Pepe
Dalawa na ang iyong tamang kasagutan. Masagot mo ang huling tanong ay tapos
Na ang larong ito. Good luck. Dr. Pepe, Ito na ang Level 3:

GAMES MASTER PETER:

LEVEL 3. Tanong: Ito ang bansang itinuturing ngayon na may pinakamaunlad na


Ekonomiya. Bansa ito na isa sa pinakamalaki ang populasyon. Bansa ito ng ma
Mamamayan na ginagabayan ang pang-araw araw na pamumuhay ng
Matutunghayan mong pahayag. EE’s Pasok!
(maikling pagtatanghali ng EE’s: iskit kasabay ng musika)

EKSENA: May nahulog na salapi si EE’s #2 at pupulutin iyon ni EE #1

EE #1
Isosoli ko ba o itatago? Hmmm…
Binibini, nahulog po ninyo!

EE #2
Naku, Salamat ginoo. Ipambibili ko ito ng gulat sa palengke at ito lang ang salapi
Ko. Maraming Salamat talaga. (magpapasalamat sa paraang Tsino at Aalis)

EE #1:
(Sa audience ang tuon)
Nabubuhay kami sa isang panuntunan… na itinadhana sa amin libo-libong taon na ang nakaraan
“Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.”
(Magpapasalamat sa paraang Tsino at babalik sa likuran)

GAME MASTER PETER:

Salamat EE’s. Ang mga pagpipilian Dr. Pepe: A. Hapon B. Tsina C. Alemanya o D. Pransya?

DR. PEPE:

(nakapangalumbaba)

Dalawang maaaring sagot dito. Hapon o Tsina. Ngunit sa palagay ko ay mas pipiliin ko ang bansang sa tingin ko ay
mas kilala sa pagpapahalagang pantao ang ko ay A. Hapon
GAME MASTER PETER:

Iyan na ba ang iyong final answer Dr. Pepe?

DR. PEPE

FINAL ANSWER.

GAME MASTER PETER:

Computer ipakita ang tamang sagot. A. Hapon… is … aww. Mali. Dr. Pepe ang
Tamag sagot ay
B. Tsina. Ang paniniwalang ito na sinusunod ng mga Tsino ay galling sa kanilang
Pinakatanyag na pilosopo na si kung Fut Tze o mas kilala naten bilang si
Confucius. Nakapaloob na sa kulturang Tsino ang pagsandig sa paniniwalan
Gawin mo sa kapwa mo ang gusto mong mangyari sa iyo. Sa mga Budista, ito ang
Konsepto ng mabuting Karma. Senior Pepe, may dalawa kang tama at isang Mali
Ito na ang Level 4
LEVEL 4: Tanong : Ang bansang ito ay bulubundukin at ang pinakakilala sa kanila
ay ang makikita mo. Saang bansa galling ang produktong Ito? EE’s pasok!

(maikling pagtatanghal ng EE’s: Commercial Skit)

EE #2:

Gusto mo ba na ang mga panauhin sa bahay niyo ay umuwi ng nakangiti. Huwag


Nang mag-atubili. Uminom na ng Heaven’s Tea. Pantanggal ng free radicals at
Pampakalma ng nararamdaman, ihain din sa inyong bisita nang sila ay
Maligayahan. (Bibigyan ng Tsaa si EE #1) Magmadali, Bili na at baka ikaw ay maubusan
Ng Heaven’s Tea. The One and Only Tea

GAME MASTER PETER:

Salamat EE’s. Mukhang mahihirapan ka uli sa isang ito Dr. Pepe. Ang mga pagpipilian:
A. Ceylon B. Hapon C. Formosa D. Inglatera
DR. PEPE

Apat sa mga bansang nasa pagpipilian ay napuntahan ko na. Batay sa aking obserbasyon
At sa haba narin ng inilagi ko rito pipiliin ko ang nipaka ligtas na
Sagot sa sapagkat alam ko na sila ang pinakamalakas komonsimo nito. Kaya’t ang
Sagot ko ay ………… D.Inglatera. Final answer.

GAME MASTER PETER:

Computer. Ipakita ang tamang sagot. Ang tamang sagot ay… awwww A. Ceylon.
Nalimutan mo ang salitang bulubundukin sa tanong. Dr Pepe, ang Ceyylon ay kilala
Ngayon bilang Sri langka, kilala sila bilang isa sa pinakamalaking prodyuser
Ng Tsaa. At dahil marami silang tsaa, tatlong beses isang araw sila kung uminom
Ng tsaa at inihahain nila ang tsaa sa kanilang mga bisita lalo na kapag may
kapistahan. Huling level. Hindi ka na maaaring mag kamali dito.
LEVEL 5: Tanong: Saang bansa nakaugalian ang romatikong Gawain na ito?
EE’s pasok!

(maikling pagtatanghal ng EE’s: Papasok si EE’s #1 may dalang gitara at haharanahin si


EE’s #2 nang pa- DUBSMASH)

GAME MASTER PETER:

Salamat EE’s. Ang mga pagpipilian: A. Pransya B. Espanya C. Pilipinas D. Italya

DR. PEPE

Paanong hindi ko alam ang sagit dito, ginawa ko ito, kay Leonor. Kay Josephine.
Aaaat…. (mapapangisi) sa ilan pang dilag na nakilala ko. Bumabalik lahat ng ala-ala.
Salamat sa palaro na ito. Ang Nakita natin ay tatak Pilipino. Ang napanood natin ay isang
HARANA. Sa pilipinas lang may ganito kaya…
C. Pilipinas ang aking sagot. (Hihinga nang malalim) Final Answer!
GAME MASTER PETER:

Tandaan mo Dr. Pepe, kapag nagkamali ka rito ay hindi mo makukuha ang Llave Del Cielo. Handa ka naba?
Computer, ipakita ang tamang sagot. Ang tamang sagot ay… C. Pilipinas! Binabati kita Dr. Pepe! (tatayo sila at
magkakamayan, pupunta sa harap at iaabot ni Peter kay Dr. Pepe ang susi)

Dr. Pepe ngayon na nagtagumpay ka na, magpapakilala na ako sa iyo. Hindi ako
Si Game Master Peter. Ako… si Pedro. Ang tagapagbantay ng tarangkahan.

DR. PEPE:

(mapapangiti) Alam ko. Hindi pala totoo na may hawak kang manok… at sinakyan
Ko nalang naman ang balatkayo mo… at ang lahat ng ito!
GAME MASTER PETER:

Dr. Pepe, kung bibigyan kita ng pagkakataon na mabuhay muli, tatanggapin mo ba?

DR. PEPE:

(Mapapangiti)

Senior Pedro. (mangingiti) Sa ganang akin, sapat na ang nagging tatlumpu’t


Limang taon ng buhay ko sa mundo. Sa palagay ko ay sapat na ang aking
Nagawa. Sa tingin ko, sapat na ang aking natutuhan.

GAME MASTER PETER:

Ano ang natutuhan mo Dr. Pepe?


(maglalakad)

NA’ ANG BUHAY AY ISANG PAGLALAKBAY. SA LAHAT NG BANSA NA


NAPUNTAHAN KO, NAPATUNAYAN KO ANG ISANG BAGAY. MAGKAKAIBA
ANG TAO. NGUNIT SA PALAGAY KO, KUNG PAGTUTULUNG – TULUNGAN AY
HINDI HADLANG ANG WIKA O ANG
TRADISYON O ANG RELIHIYON UPANG MAGKAUNAWAAN ANG TAO.
ANG PAGGALANG AT PAGKILALA SA KULTURA ANG BAWAT BANSA… AT
PAGHUHUPOG NG MGA IYON ANG SUSI.
IYON SA PALAGAY KO ANG TUNAY NA SUSI
ANG TUNAY NA SUSI NG LANGIT!

(await si Dr. Pepe)


DR. PEPE:

Banaag sa mundong likha


Ang tao ay magkakaiba
Sa isip kilos at gawa
Pati sa pananalita

Ngunit ‘di dapat maging hadlang


Unawaan ang mas matimbang
Isaisip na tayo ay pantay pantay
Iisa lamang ang ating buhay
Salamat Senior Pedro. Inaantay na ako ng aking ganap na katahimikan.
(kakamayan si Peter)

GAME MASTER PETER:

Is that your final answer Dr. Pepe?

DR. PEPE:

(ngingiti) FINAL ANSWER

GAME MASTER PETER:

Kung gayon kaibigan, palakpakan po natin si Dr. Jose Protacio Mercado


Rizal Alonzo y Realonda
(itaas ni Peter ang kamay, kakaway, makikipagkamay at maglalakad palayo
Kay Peter si Dr. Pepe)
III. EPILOGO:

GAME MASTER PETER:


(sa gitna ng entablado)

Muli, sumainyo ang isa na naman kabanata ng pinakapaborito ninyong game show
Na made in heaven… ito ang… (Maglalakad ang tatlo palapit kay Peter at bibigkas nang koro)
“LLAVE DEL CIELO” – ANG GAME SHOW NG NAGING BUHAY MO!

(Maghahawak hawak ng kamay ang apat at bibigkasin:

“KULTURANG IPINAGMAMALAKI,
KULTURANG TINATANGI
SA PUSP AY MALAPIT AT HINDI IPINAGKAIT,
IYAN ANG TUNAY NA SUSI PAPUNTANG LANGIT!

KULTURA NG IYONG BANSA AY IYO SANANG MAPAGYAMAN


IKAW KABATAAN NA AYON KAT GAT JOSE RIZAL
AY PAG-ASA NG BAYAN!”

- WAKAS -
C. Piyesang Rap

Kalahok:
Dibisyon ng Maynila
Ikalawang Distrito
Mataas na Paaralang Florentino Torres

Tema ng Buwan ng Wika:


“Wikang Filipino: Wikang Mapagbago”

Pamagat ng Piyesa:

“Bello Verso: Rebus Alba”


(Ang Labanan- Tulaan sa Pulutong Puti)
PANIMULANG KILOS NANG NAKAMASKARA

(KORO)

Daloy ng buhay at tadhana


Kalakip ay unos at kasawiang musa
Pagpapakapagal
Pagdurusa
Kaimbutan at pagdaralita
Lahat wangis ng tuwa
At lugod at hapis at saya
Ikinahon sa lipin ng kataga
Salita. Letra ay haraya
Ibinayubay gamit ang isandakot na luha
Ipinaglaban
Inandukha
Gamit ang balaraw ng mutya
Ano ang buhay sa daigdig
Kung ito at wala?!
Ay! Inang wika
Ikaw ang nasa simula
At mananatili
Sa wakas niring tadhana!
AY! Inang wika
Ikaw ang Alpha ikaw ang Omega!

PANIMULANG SAYAW AT TUNOG

MC MAKATA:
(NANG WALANG MASKARA)

Malugod na pagbati ang aking binibitawan


Sa lahat ng nakamasid sa ating abang tanghalan UH!
Dingin ang tinig at ako ay pakinggan
Ito ang aking himig na nanambitan

Ang ngalan ko pong tangan ay MC MAKATA


tagapagdaloy, tagapag=ingat ng inyong tiwala
Hahawiin ang tabong at ako’y magpapatirapa
Ang tawag po sa amin sa Latin at Rebus Alba
Sa kaliwa ko at sa kanan po ay may bubulaga
Paksang paglalabanan ay ilalahad na nga
Ating pagsasabungin ang dalawang makata
Ngayon ay tatambad at kilalanin na sila

(PAAWIT)
Filipino ang atin wika
Filipino na nag iisa
Filipinong sariling atin
Walang pagdududa
Ating tignan ang kabataan
Na mayroong pagtatalunan
Sa kaliwa ko at sa kanan
Ay masusumpungan
Hugutan mo’ to sana ng inspirasyon
Sana’y making ka ikaw na ang humusga

TRADICIO: (NANG WALANG MASKARA


Ngalayko’y Tridicio, ako po ay kabilang
Sa grupong Rebus Alba ang puso ko’y sumilang
Kami’y magkakapatid palihis at pahalang
Nugnit makasisisguro bituka nami’y di haling

Imbis kami’y magbabag magsakita’t magsuntukan


Ng akin ngang katoto na ngayo’y aking kalaban
Amin na lang daraanin sa sining nitong tulaan
Na wangis ng Crisotan, Bukanegan Balagtasan

Itong katampalasang kay Ginoong Lope K. Santos


Ang wika ng milenyal mas mainam nga bang halos?
Bago ang aking rap sa ngayon nga ay matapos
Kalaban kong may turan papakainin ng pulbos! UH

MC MAKATA
(PAAWIT)

Si Tradicio’y atin nakilala


Sa kaliwa’y isang makata
Na sa kanya ngayo’y hahamon
At manunuligsa
Pakinggan natin at suriin
Ang kanyang mga sasabihin
Atin na siyang kilalanin
Bigyan siya ng pansin
Ibaling sa kaya ang ating atensyon
Pagka’t nandito ana
At makikilala

MILLENIA: ( NANG WALANG MASKARA)


Ngalan ko po’y Millenia, kami ang Rebus Alba
Na salin sa Lati’y mga putting mandirigma
Malungkot ang aking puso sapagkat mayroong hidwaan
Sa pagitan ko at ng aking kapatid na kung turingan
Pilit isinisiksik ang isang katotohanan
Na ang wikang Filipino ay buhay nga at dinamiko
Nag-aambag sinasang-ayunang ng madlang tao
Sapagkat aking katalo ito ay arbitaryo
Kaya’t umuwi ka na lang at sa bahay mo ay magtagol
MC MAKATA
(PAAWIT)

Ngayon sila ay nakilala


Maglalabanang mga makata
Kanino ka ngayon papanig?
Sinang mahalaga?
Sa labanan ng katwiran
Tayo ay magkakaalaman
Tayo ay magkakasagutan
Kilatisin isa-isa
Ito ay ang tulang ang tanging misyon
Ay maipakita kung
Sinong mas mat tama?

BELLO VERSO PRIMO: UNANG TINDIGAN


TRADICIO:

Wikang Filipino pinaglaban nating tunay


Sa mga kamay ng mga dayuha’y nagbuwis sila ng buhay
Mga ninuno natin magmula sa Alibata
Pinagtanggol ang wika ‘di mo ba ito nabata?
Pinaglaban ni Quezon na sana’y magkaroon
Ng pambansang wikang minana natin sa ngayon
Ngunit nagtatanong ako’t bakit nagkaganon?
Kabataang Pilipino sa pagwasak ang tuon!
Pilipino’y di pinanatili- diwa ng atin wika
Ginamit at binaboy nang masahol pambihira
Kaya’t maiwasan tayo ngayong nakatanga
Habang pinagmamasdang kagaya mo dito’y sumira

MILLENIA:

Kami ang sumira o kayo mga purista?


Na lagging ang sandig at sa inyong paniniwala
Nang wika ay ibong dapat na ikulong sa hawla
Wikang Filipino ay dapat na ngang lumaya
Lumaya sa kamay ng pag-iisip- atrasado
Na bawat sabihi’y dapat na inaatado
Nakatikim ka na ba ng walang sukang Adobo?
Ganyan ang gusto mong gawin sa wikang Filipino
Hayaan mong ang wika’y sumunod sa pagbabago
Manghiram ng salitang klister man o sa diptonggo
Intelektwalisasyon- represent ito katoto
Putak ka nang putak, umuwi ka nga at maligo!

MC MAKATA:

BELLO PRIMO nagkaalaman


Nagsagutan at nagsumbatan
Nagpalitang at katuwiran
At nga kaalaman
Ikalawa at huling tindigan
Ating muling pag-isipan
Sino ang mas may katuwiran?
Sinong mas may laman?
Sapagkat madla ang magdedesisyon, huling tindigan na, tayo’y humanda na
BELLO VERSO ULTIMO: HULING TINDIGAN

TRADICIO:

Ikaw katoto ko mistulang kanin na hilaw


Kat’wiran ko naman ay matuwid at ‘di sabaw
Sa katotohanang ay hindi ako uhaw
Sa pagkukunwari ay ‘di ako sumasayaw!

MILLENIA:

Sumasayaw ako ngunit sa akma ng saliw


Kaya’t sa madla’y di ako nagmumukhang baliw
Ang konklusyon ay hinding hindi ko binibitiw
Nang sa huli ay hindi magmukhang basing sisiw
TRADICIO:

At sino ba ang mukhan ng isang sisiw?


Hindi ba’t ang kabataan ngayo’y naaaliw?
Sumasabay sa pagbabago na sumasaliw
At kapag napapahamak na’y agad bumibitiw!

MILLENIA:

Ang tangi bagay ma kaya mo’t ngayon pinapanukala


Lahat ng bagay sa mundo ngayon ay masama
Nalason ang isipan mong buo na talaga
Kaya’t madla sa iyo’y hindi na magtataka!

TRADICIO:

Madla’y walang bahid nga ngayon nga pagtataka


Milenyalisasyon ng wika at nakasasama!
MILLENIA:

Ang madling tao ay tunay na ngayong nakahahalata


Panig kong nilabanan ay wasto nga’t akma!

TRADICIO:

Ang dinggin ang tulad mo ay walang kauuwian


Kundi kabigua’t taal na kapahamakan!

MILLENIA:

Ang kapahamaka’y tuwiran na makakamtan


Ng paris mong nilalang na kampon ng kasamaan

TRADICIO:

Nahihiya ko sayo na mukhang illuminati


Na may amoy ang hininga’t sabog ang kili-kili
MILLENIA:

May ipokritong tao talaga na kung mamanukala


E’ jejemon naman noong kanyang pagkabata

MC MAKATA:
Tigil mga makata’t ngayon ay maghunusdili
Bago pa’tong pagtatalo kung saan na mauwi
Pamalagiin ang paggalang at pagtitimpi
Ito’y isang tulaan may dangal at pagtangi
Madlang tao ay matalino at nag-iisip
Hindi rin natutulog, may panig na nahagip
Kaya’t sa inyo ko iiwan, ang hatol sa silip
Tulaan na ito sana’y matatak sa inyong isip UH!
KORO:
(PAAWIT)

Filipino ang ating wika


Filipino na nag-iisa
Filipinong sariling atin
Walang pagdududa
Yakapin natin ang pagbabago
Matuto na kumompromiso
Mga kapatid mga katoto
Kapwa Pilipino
Ang pagbabago ay kailangan sa ating buhay
Wika nati’y buhay
Bigyan nating laya

(huhubarin ang mga maskara ng mga mananayaw)

HUBARIN ANG MGA MASKARA NG MGA MASKARA NG PAGBABALATKAYO


MAGING BUKAS SA PAGBABAGO

WIKANG FILIPINO, WIKANG MAPAGBAGO. WIKANG FILIPINO, WIKA NG


PAGBABAGO!

D. Isang Makabagong Karagtan na iskrip

Paligsahan at Pagtatanghal ng Informance


Kalahok:
Dibisyon ng Maynila
Ikalawang Distrito
Mataas na Paaralang Florentino Torres

PAMAGAT:

“ANG DWELO NG DALAWANG GABAY LAKBAY: ISANG MAKABAGONG KARAGATAN”

MGA TAUHAN

MANONG TEROY – maalam sa tulaan, pantas ng kalakhang bayan


AMPARO – marilag na dalagang pinipintuho ng sangkalalakihan
LURAN – isang tour guide na nakapagtrabaho sa mga bansa sa kanluran
SILANG – isang tour guide na nakapagtrabaho sa mga bansa sa silangan
i. “SIYA NA NANAWAGAN”

TANAWIN:

SA ISANG DI-TIPIKAL NA POOK DAUSANG TIPUNAN NG MADLA.


NAKAUPO SI AMPARO SA GAWING KALIWA. MAY DALAWANG
BAKANTENG UPUAN SA GAWING KANAN. MULA SA KALAYUAN AY
MAUULINGAN SI MANONG TEROY NA MAGSASALITA PAPUNTA SA
HARAPAN

MANONG TEROY:

Dinggin, o dinggin ang lagaslas ng tubig!


Lamyos ay banayad, ‘di nakatutulig
Umaagos – animo’y buka ng bibig;
At humuhuni ng wagas na pag-ibig
Sa ilalim naring mahiwangang dagat
Ipinamalita sa inyong lahat- singsing ni Amparo doon ay nagbuhat!

Siya ko ngayong hawak at tangan tangan


Ang singsing na pinagtangkaan ng tanan
Na iahon mula sa kaibuturan
Isuot sa dalagang napagwagian!
AMPARO:

(TATAYO. Aalalayan si manong teroy. AAWIT)


aanhin kung sa dagat
Ay naiahon nang sapat
Mga binatang tumugon
O sa’kin ay lumingon
Naitadhana nga ba
Na sa dwelo’y magtabla?
Nais ko ngayon na hawiin ang pagdudua
Mga agam- agam
Gunam gunam
Magsuot ng singsing na siya nga
Pintig nitong puso
Ay kikilala
Sagutin aking talinhaga!
LURAN:

(NAKAHARAP KAY AMPARO, GAWING KALIWA, AAWIT

Hamak mong lingcod baga


Sayo ay nagpapakilala
Amparo na nag-iisa
Kagandaha’y kakaiba
Sa harapan mo ngayo’y dumarakila!
Luran ang ngalan kong binate
Nalibot ko na ang kalakhang Europa
Estados Unidos
At Timog Amerika

SILANG:

(NAKAHRAP KAY AMPARO, GAWING KANAN, AAWIT)

Pag-utusan ako ay susunod;


Ako’y isang abang lingcod
Walang ngatog sa aking tuhod
Amparo! Hindi mapapagod!

Ako’y isang bagay lakbay


Wagas itong aking pakay
Buong Asya’y aking nalakbay
Ako si Silang, puso sa akin ibigay
ii. “SILA NG NAGTUNGGALIAN”

MANONG TEROY:

(PALALAPITIN SA HARAPAN ANG DALAWANG BINATA)

Upang malaman natin ito ng buo


Unang tutugon sa talinhagang piho
Ang mas mahabang ting ting na makuha n’yo
Ay siyang hudyat upang simulan ito

(PABUBUNUTIN NG TINGTING ANG DALAWANG BINATA)

Luran nabunot mo’ng mas mahabang tingting


Hayaan tinig mo ngayo’y tumaginting
Kay Amparo ay ipamalas ang galling
Nang ang tagumpay sa iyo ay magsupling!
(PAUUPUIN NI MANONG TEROY ANG BINATANG SI SILANG AT
IPAPAPALING ANG ATENSYON NILA SA NAKATAYO AT MAGSASALITANG AMPARO)

AMPARO:

O Luran ako ay mananalinhaga;


Nais ko’y iyong tugunan kapagdaka-
Sagutin nang buong giting at dakila
Ilahad sa akin ang ‘yong mga tainga

(AAWIT AT ‘PAG NATAPOS NA AY UUPO)

Kung ang araw ay mayro’ng bitamina


At sasakyan ay may baterya
Sa tao naman ay ano’ng kilala
Pinagkukunan ng lakas-may lasa?
LURAN:
(TATAYO)

PAGKAIN ang kasagutan sa binibini


At nagkataong dala ko at pinili
Pinipitagang pagkain ng Italy
‘pag natikman mo ay ‘di ka magsisisi!

(KUKUNIN AT IBIBIGAY ANG SPAGHETTI KAY AMPARO NA IAABOT


NAMAN KAY MANONG TEROY)

Nang ako ay nagtrabaho sa italya


Naunawaan ko nang buo at s’ya nga
Katangi-tangi sa kanila ang pasta;
‘pag natikman ay nagpapa- Mama Mia!

(MAGTATANGUAN ANG DALAWA. UUPO SI LURAN AT TATAYO NAMAN SI SILANG)


SILANG:

Kung pagkain atin mapaghuhuntahan


At ngayon ikaw ay kanyang inalayan
Akalain mo’t mayroong paggagamitan
Ang pansit na binili ko sa tindahan

(KUKUNIN AT IBIBIGAY ANG PANSIT KAY AMPARO NA AABUTIN NI MANONG TEROY)

Naging gabay lakbay ako do’n sa Tsina


Mian Tiao iyan kung tawagin nila
Mas akma sa dilang Pinoy at panlasa
May lomi, bihon, sotanghon, at canton pa!

(MAGTATANUNGAN ANG DALAWA. UUPO SI SILANG, TATAYO NAMAN SI AMPARO)


AMPARO:

Mga handog na pagkai’y tatanggapin


Mamaya’y titikman ko’t sisiyasatin
Bago iyon, O silang ako’y dinggin
Pag- isipan mo ang aking sasabihin

(AAWIT AT ‘PAG NATAPOS NA AY UUPO)

Kung ang ibon ay humuhuning malakas


Upang mahanap ang kaparehang pantas
ano’ng katulad ng sa tao’y gilalas
Malikot na anyo ng pagsuyo anong wagas?
O SILANG, TUMINDIG AT MANGAHAS!

(titindig si silang)
SILANG:

Ang sagot Amparo sa’yong talinhaga


Ay ‘di binibigkas, bagkus-ginagawa
Alay ko sa’yo, maibigan mo sana
Wag mong ‘kukurap ang iyong mga mata!

(SASAYAW NG ISANG BAGAGI NG “SAMYOGA” SI SILANG)

Ang sinayaw ko ay aking natutuhan


Sa dako ng India na aking napuntahan
Nagsayaw ako dahil ang katotohanan:
SAYAW Amparo ang tamang kasagutan!
(uupo si silang, titindig si luran)

LURAN:

Batid natin, ito ang katotohanan:


Kay-inam manood ng nagsasayawan
Ngunit Amparo, ito’y ‘yong nalalaman;
Dalawahang sayaw ay may kainaman

(magpapaalam si luran kay manong teroy. SASAYAW NG ISANG BAHAGI NG


“flamenco” SI LURAN kasama si amparo.
Pagsayaw nila ay aalalayan niya si amparo sa pag-upo at BABALIK SI
LURAN SA KANYANG UPUAN AT MAGWIWIKA)

Ang bata noon ay matanda na ngayon


Hindi ito sinisadya at nagkataon
Pinakilala ng Espanya sa mundo
Flamenco na sinayaw natin Amparo!
(uupo si luran, magsasalita naman sa kanyang kinauupuan si Amparo)

AMPARO:

Hiningal man ako at medyo nahapo


Hindi imamaliw ng sayawang ito
O luran ang katotohanan na ako –
Ay may ibabatong talinhaga sa’yo

(AAWIT AT PAG TAPOS NA AY UUPO)

Hindi kayang ipahayag ng sasapat


Kaisipan sa salitang sasambulat
Ang tao ay may gamit na
Mas mabigat na pagpapakilala
Pagguhit, pagpinta
LURAN
(titindig)

Aba’t tinuturuan mo amparo’y SINING!


Sukatan ng talion at angking galling
Sa Paris kung saan ako ay nanggaling
Ay namumukod tangi sila sa giting

Sining ng Pransya ay kadaki-dakila


Naitanghal sa daigdig na siya nga –
Itong hawak kong guhit ni Mona Lisa
Amparo, sayo na, alay kong may kusa!

(uupo si Luran pagkaabot ng dibuho kay amparo, titindig naman si Silang)

SILANG:
Kung sining Amparo ang ating dakuan
Natatangi’ng bansa kong napagsilbihan
Sagrado ang sining sa bansa ng Japan
At hindi ito mapasusubalian
Hindi man singgara ng sining ng Pransya
Payak ito ngunit mayro’ng kaluluwa;
Gaya Amparo ng bulaklak kong dala
Origaming tupi’t alay sa tuwina

(uupo si silang pagkaabot ng origami kay amparo, magsasalita sa kanyang kinauupuan si amparo)

AMPARO:

Kay- inam simsimin, bango ng bulaklak


Sa halimuyak nito’y makatitiyak
Ngunit pagpili sa inyo’y ‘di ko balak
Hangga’t isa ay makabig, isa’y matulak
(AAWIT AT ‘PAG NATAPOS NA AY UUPO)

Mayroon ba Luran
Sa mundo’y matatagpuan
Lugar na Kalayaan ay
Mahahanap ng tanan

LURAN:

(titindig si Luran, maglabas ng bandila ng amerika)

Lingkod mo’y nakatuntong O binibini


Sa isang lupaing talagang sakbibi;
Demokrasya ay talagang sakbibi;
Ang mamamayan dito ay sumasandig

Galugad ko- bansang Estados Unidos


At masasabi ko sa iyo nang halos
Kalayaan sa kanila’y mahalaga
Binahagi pa nga ito sa’ting bansa!
(titindig si Luran, maglalabas ng bandila ng pilipinas)

SILANG:

Kung pahihimtulan mo’kong magwika


Narinig ko kasi ang salitan laya
Ikaw binibini’y laki sa’ting bansa;
At batid mo itong aking winiwika

Likas sa’ting Pinoy- hangarin ang laya


Humulahpos sa paniniil ng sigwa
Mula kay Lapu lapu hanggang sa Edsa
Nakatatak ito sa ating kultura!

(uupo si SIlang,. Titindig naman si Amparo)

Dwelo’y humahaba na nga nang lubusan


Sapitin na marahil ang katapusan-
Sa huling talinhaga kong ituturan
Nang utak ko’y ganap nang maliwanagan!
(AAWIT AT ‘PAG NATAPOS NA AY UUPO)

Ilahad ang bagay na hindi


Mabibili ng perang sakbibi
Ang bagay na kusang binibigay mo

(tintindig si luran at mananatiling nakatayo)

LURAN:

PAG-IBIG, pag-ibig ang s’yang kasagutan!


Dahilan ng pagsali ko sa labanan
Nagtrabaho man ako sa may Kanluran
Sasabihin ko ‘tong walang alinlangan

Napulot ko ang ginintuan aral na:


Kung mahal mo’y ipaglaban mong talaga
Nagkakaisang Europa at Amerika-
Konserbatibong isip ay iwaksi na!
(titindig si silang at mananatiling nakatayo)

SILANG:

Hindi ito usaping konsertibo


O sa atas ng kumbersyonal na puso
Natutuhan ko sa Silangan at gan’to:
Lumaban ka ngunit magpakatalino!

Nalakbay ko na ang lupain ng Asya


Malaysiya, Singapore, Pilipinas, India
Ikakatwiran kong sila’y nagkaisa:
Pag-ibig sa tapang ‘di nakikilala!

LURAN:

Paano magmamahal ang hindi matapang


Ikaw yata katunggali ko’y nahihibang!
Mabibigo ang duwag, at matitimang
Kung agos ng tubig, iisiping hadlang!
SILANG:

Itong katoto ko’y isang Pilipino


Nag-ugat ang lipi sa bayan na ito
Mas pinipiling ipagtanggol na buo
Ang kontinenteng ‘di ari ng lipi mo!

LURAN:

Ako ang iyong piliin o Amparo;


At lilibot kita sa buong mundo

SILANG:

Hindi man kita mailibot sa mundo


Pasasayahin naman kita nang buo!
LURAN:

Amparo, di lang kita pasasayahin!


Ibibigay ko pa mga tala’t bituin

SILANG:

Amparo wala ‘kong bituing susungkitin


Ang mahalin ka lang ang aking tungkulin!

LURAN:

Tungkulin ko- kung ako’y pipiliin


Kasalatan sa bahay, ‘wag mong sapitin!

SILANG:

Sasapitin, kapanatagan ng puso


Kung pili’y wasto, o aking amparo!
At masinsin ko’ng pinagbulay bulayan
Damdamin nati’y wag sanang magsamaan

Magbunyi ka, ikaw ang aking napili


May karapatang isuot sa’king daliri
Alam ko na hindi ako magsisisi
O Silang! Ang tagumpay ay ‘yong sakbibi

MANONG TEROY:

(iaabot ang singsing kay Silang, kakamayan ang binate at aalis sa eksena kasama ni Luran)

Binabati kita magiting na silang


Nagtagumpay ka’t amin kang hinihirang!
SILANG:

(lalapit sa dalaga at isusuot ang singsing)

(paawit: Sagutan kasama si amparo)

May, may may himig ang aking bagong awitin, bagong awitin
May, may may himig ang aking bagong sigaw
‘e ikaw?
Hindi mo ba nawawatasan?
Wala ka bang nasusumpangan?
Himig ng hangin ay humahalik sa atin

Panahon na naman, ng pag-ibig


Panahon na naman
Panahon na naman ng pag-ibig
Gumising ka
Tara na!

TARA NA MGA KASAMA!


KORO:

(LALAPIT LAHAT SA GITNA NG ENTABLADO NANG PA-PARES)

Kultura ang pundasyon ng pag-ibig sa bayan


Kultura na nakaugat sa puso ng sandaigdigan
Saan ka man naipunla, saan ka man dalhin ng tadhana
Huwag mo sanang kalilimutan kung saan ka nagmula

IKAW AY NAGMULA
SA SINAPUPUNAN NG PINAKAMAGANDANG TULA
NA SA DAIGDIG AY NILIKHA
PAG-IBIG:
SA DIYOS, SA SARILI, SA KAPWA AT SA BANSA
MABUHAY ANG PAG-IBIG
ANG TUNAY NA WIKA NG BAWAT BANSA

(PAGBIBIGAY PUGAY SA MGA MANONOOD)

-WAKAS-
Ating bulay-bulayin
Ating Alamin…
Kahulugan, Kalikasan, at Proseso

Lubhang mahalaga at kailangan ang pagsulat sa proseso ng


Komunukasyon sapagkat hindi lamang sa pagsasalita naipararating ng
Isang tao ang kanyang saloobin, iniisip o nadarama kundi maging sa pagsulat din.

Para kay Lalunio, isang prosesong sosyal ang pagsulat na


Produkto ng interaksyong proseso ng mga mag-aaral at bunga ng sosyo-kultural
Na kontekstong nakaaapekto sa pagkatuto.

Para naman king Peck at Buckingham, isang extension ng wika


at kasanayan na nakuha ng mag-aaral sa kanyang pakikinig, pagsasalita,
At pagbasa ang pagsulat.

Para sa mga dalubhasa, isang pagsasalin sa papel ng mga nabuong salita,


Simbolo o anumang uri ng kaisipan, ang pagsulat.
Mahalagang papel ang ginagampanan ng pagsulat sa
Pagpapanatili ng buhay ng mga aspekto ng ating kultura. Ito rin ang
Nagsisilbing tulay upang ang mga tao sa iba’t ibang lugar
At panahon ay magkaunawan at magkaisa.

Sa mga nasusulat na akda’y nagkakaroon tayo na kabatiran sa kasaysayan ng ating lahi,


Ang mga paniniwala’t pamumuhay ng ating mga
Ninuno at ang mga bagong kaisipang isinusulong para sa kaunlaran ng bayan.

Masasabing nagkakaroon ng katuparan ang pag-unlad dahil na


Rin sa pagsulat. Nagawang maipreserba ang mga butyl ng gintong
Karunungan noong mga nagdaang panahon dahil sa kasanayang ito.

Ang pagsulat ay isang Sining na nagde-demand ng wastong


Pagpili at paggamait ng salita, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan.

Para sa isang mag-aaral, Malaki ang maitutulong ng pagsulat sa


Kanyang buhay. Ayon kay Hugney, nalilinang ng pagsulat ang
Kakayahang mag-isip ng lohikal at lumutas ng problema. Nakatutulong
Din ito sa pagpapaunlad ng iba pang mga kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pagbabasa,
Pagtatala, pagkuha ng mahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpakahulugan sa mga datos
Na nakalap.
May ilang mahahalagang hakbang upang matamo ang
Mabisang pagsulat. Nariyan ang pagtugon ng atensyon sa isang tiyak
Na idea, ang pagkakaroon ng tiyak na layunin sa pagsulat, ang
Pagkalap ng mga makatotohanang impormasyon gagamitin sa panulat,
Ang pagplano sa papel at pagpili ng mga materyales mula sa mga impormasyong nakalap,
Ang pagsulat ng burador o rough draft at ang
Pagbago o pagrebisa ng burador

Handa ka na bang gawin ang iton pinal na output?


Pinal na output
1. Lumikha ng isang simposyum o panayam (talk) na kung saan ang mga aralin ukol sa pagtatalumpati ay
nasasaklaw
2. Kailangang magtalumpati o magbigay ng panayam ang bawat isa na kung saan ang paksa ay tungkol sa
Pakikipanayam
3. Pagkatapos ng pagbibigay ng panayam, inyong suriin ang ginawa o nabuong diskurso. Pumili ng anim na mga
layunin (nasa batayan) at ipaliwanag kung paano ninyo tio natugunan.

a. Pakikipanayam – (20 puntos)


b. Pagtatalumpati – (50 puntos)
c. Diskurso – (30 puntos)
RUBRIC PARA SA PANAYAM

Mga Palatandaan 5 4 3 2 1
(indicators)

Nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng
talumpati talumpati ay may talumpati ay may talumpati ay may talumpati ay may talumpati ay may apat
sapat na impormasyon malabong dalawang malabong tatlong malabong o higit pa na malabong
impormasyon impormasyon impormasyon impormasyon
Balangkas ng Ang pagsulat ng Ang pagsulat ng Nagkaroong ng 1-3 Nagkaroon ng mahigit Ang pagsulat ng
talumpati balangkas ng balangkas ng kamalian sa pagsulat sa tatlong kamalin sa balangkas ng
talumpati ay maayos talumpati ay isinunod ng balangkas ng pagsulat ng balangkas talumpati ay hindi
na isinunod ayon sa ayon sa itinakdang talumpati na isinunod ng talumpati na isinunod sa itinakdang
itinakdang pormat pormat ayon sa itinakdang isinunod ayon sa pormat
pormat itinakdang pormat
Talumpating isinulat Ang talumpating Ang talumpating Ang talumpating Ang talumpating Ang talumpating
(Mekaniks) isinulat ay hindi isinulat ay kinakitaan isinulat ay kinakitaan isinulat ay kinakitaan isinulat ay kinakitaaan
kinakitaan ng ng 1-4 pagkakamali sa ng 5-8 na pagkakamali ng 9-12 na ng mahigit sa 12 na
anumang pagkakamali mekaniks sa mekaniks pagkakamali sa pagkakamali sa
sa mekaniks mekaniks mekaniks
Lohika Ang talumpating Ang talumpating Ang talumpating Ang talumpating Ang talumpating
isinulat ay nag tataglay isinulat ay nagtataglay isinulat ay nagtataglay isinulat ay nagtataglay isinulat ay hindi
ng napakainam na ng mainam na lohika ng katamtamang inam ng kakulangan sa mainam ang lohika at
lohika at pagsasaayos at pagsasaayos ng ng lohika at kainaman ng lohika at pagsasaayos ng
ng nilalaman nilalaman pagsasaayos ng pagsasaayos ng nilalaman
nilalaman nilalaman
RUBRIC PARA SA PAGTATALUMPATI
5 = NAPAKAINAM
4 = MAINAM
3 = KATAMTAMAN ANG INAM
2 = KULANG ANG KAINAMAN
1 = HINDI MAINAM
1 2 3 4
A. Pagsisimula at Pagwawakas o o o o
B. Lohika at Pagsasaayos ng nilalaman o o o o
C. Pagbibigay diin/Empasis o o o o
D. Kaangkupan at lakas ng tinig o o o o
E. Kalinawan at kawastuhan ng bigkas o o o o
F. Kaangkupan ng kilos at kumpas o o o o
G. Tindig at postyur o o o o
H. Anyo at kasuotan o o o o
I. Panuunan ng paningin o o o o
J. Tiwala sa sarili o o o o
RUBRIC SA DISKURSO

Layunin 1 Angkop ang May isang punto May dalawang May tatlong May Apat
paliwanag ng na kalabuan sa punto na punto na punto na
ginawa pagpapaliwang kalabuan sa kalabuan sa kalabuan sa
pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag

Layunin 2 Angkop ang May isang punto May dalawang May tatlong May Apat
paliwanag ng na kalabuan sa punto na punto na punto na
ginawa pagpapaliwang kalabuan sa kalabuan sa kalabuan sa
pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag

Layunin 3 Angkop ang May isang punto May dalawang May tatlong May Apat
paliwanag ng na kalabuan sa punto na punto na punto na
ginawa pagpapaliwang kalabuan sa kalabuan sa kalabuan sa
pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag
RUBRIC SA DISKURSO

Layunin 4 Angkop ang May isang punto May dalawang May tatlong May Apat
paliwanag ng na kalabuan sa punto na punto na punto na
ginawa pagpapaliwang kalabuan sa kalabuan sa kalabuan sa
pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag

Layunin 5 Angkop ang May isang punto May dalawang May tatlong May Apat
paliwanag ng na kalabuan sa punto na punto na punto na
ginawa pagpapaliwang kalabuan sa kalabuan sa kalabuan sa
pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag

Layunin 6 Angkop ang May isang punto May dalawang May tatlong May Apat
paliwanag ng na kalabuan sa punto na punto na punto na
ginawa pagpapaliwang kalabuan sa kalabuan sa kalabuan sa
pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag
Batayan:

Mga Paksa Mga Layunin


I. Ang Sining ng Pakikipagpanayam 1. Naiisa-isa at naipaliwang ang mga patnubay na dapat tandaan sa paglikha ng
mga katanungan pa ra sa pakikipanayam
II. Paglikha ng mga katanungan para sa interbyu 2. Naisaalang-alng ang mahahalagang bagay hingil sa pagpili ng taong
kakapanayamin
3. Nakapagdedebelop ng pakikipagpalagayang loob bilang tagapagtanong at
nagtatanong
4. Nasusuri kung ang nilikhang katanungan ay mabisa I hindi mabisa at nagagawan
ng paraan upang ang hindi mabisang katanungan at maging mabisa
5. Nabibigyang pansin at halaga ang akademikong katayuan sa klase
I. Pagsasagawa ng interbyu 1. Malikhain at mabisang nakakagamit ng makabuluhan at malawak na
katanungan tungo sa pagkuha ng mahahalagang impormasyon.
II. Paghahanda at paggamit ng Notes o Tala 2. Nakapagpapanatili ng kaaya-ayang atityud sa pagsasagawa ng interbyu
3. Naisasaayos ang tamang istruktura at wastong balangkas ng gagawing interbyu
I. Mga uri ng talumpati 1. Nakapagsasagawa ng isang dagliang talumpatian na kakakitaan ng talas ng
isipan at husay sa pag-oorganisa ng kaisipan.
II. Iba’t ibang anyo ng talumpati 2. Nakasulat ng isang panimulang talumpati (speech of introduction) na
III. Ang pagsulat ng talumpati nasusunod ang tungkuling ipakilala ang mananalumpati at magawang akitin
IV. Ang pagbigkas ng talumpati ang mga tagapakinig upang manabik sa sasabihin ng tagapagsalita
3. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang iba’t ibang anyo ng talumpati
4. Nakapananaliksik at nakapagplano ng talumpating bibigkasin
5. Naisasaalna-alang ang gma pangunahing huwaran sa pagbuo ng talumpati
I. Pagtatalumpati 1. Nabibigyang halaga ang paglinang ng kasanayan sa mabisang
pagsasalita.
2. Nakapagtataglay ng kaalaman, kasanayan, at tiwala sa sarili- ang tatlong
katangiang inaasahan sa isang mabisang tagapagsalita.
3. Sa kanilang pagbigkas ng talumpati sa tulong na rin na mabisang
paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita, sila’y nakakakuha ng
inaasahang reaksyon mula sa tagapakinig
4. Pamamagitan ng pinakamabuting paglaban sa takot, ang pagharap at
hindi ang pagtalikod ditto
5. Nakapag-eebalweyt ng sarili at ng pananalumpati ng iba sa
pamamagitan ng isang tseklist, upang lalo pang malinang ang kasanayan
sa mabisang pagsasalita
I. Diskurso, Depinisyon at Katangian 1. Nabibigyang katuturan ang kahulugan at pagpapakahulugan sa diskurso
2. Naiisa-isa ang pagkakaiba ng diskursong pasalita sa diskursong pasulat
II. Konteksto ng Diskurso batay sa kanilang kalikasan at pangangailangan (Requirements)
III. Mga teorya ng Diskurso 3. Napagtatanto na ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting
ipalagay bilang isang paraan ng pagpokus sa isang tiyak na proseso at
aspektong pangkomunikasyo
TALATUNTUNAN
PANAYAM
08:00 n.u – 12:00 n.t
Justo Albert Auditorium

Unang bahagi
Pagpapatala ng mga kalahok 8:00 – 8:30 n.u
Paghahanda 8:30 – 9:30 n.u

Ikalawang bahagi
Pambungad na palanagin Video presentation
Pambansang Awit Video presentation
Bungadbati
Pagpapakilala ng kalahok
Pagbasa ng Mekaniks
Panayam Tagapanayam Bilang 1-4
Natatanging Bilang
Pagpapatuloy ng panayam Tagapanayam Bilang 1-4
Paggagawad ng pagkilala sa mga natatanging presentasyon

Mga Guro at Palatuntunan


Https://www.slideshare.net/avigailgabeleomaximo/layunin-sa-pagsulat-filipino?next_slideshow=2
Https://tl.answers.com/Q/Ano_ang_akademikong_pagsulat
Https://www.scrib.com/document/352786603/AKADEMIKONG-SULATIN
Https://files.eric.ed.gov/fulltext/ED413782.pdf

You might also like