You are on page 1of 11

PANANALIKSIK

G R A D E 11 - K O M U N I K A S Y O N
AT PA N A N A L I K S I K S A W I K A
AT K U LT U R A N G P I L I P I N O .
INTRODUKSYON :
ANO ANG PANANALIKSIK?
Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang
makapagpaliwanag at makapaglatag ng katotohanan gamit ang ibat’ibang batis
ng kaalaman.
Sa pag sasagawa ng pananaliksik,nahahanapan natin ng sagot ang mga
katanungang bumabagabag sa ating isip,naisasakatuparan ang interes sa isang
bagay,at nililinang ang kakayahang makahanap ng solusyon.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG
SULATING PANANALIKSIK
1. PAGPILI NG PAKSA:
◦ Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging
matagumpay ang isang salitang pananaliksik. Nararapat ang
paksa ay pinag-iisipang Mabuti at dumaan sa isang maingat na
pagsusuri upang matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang
sulatin.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG
SULATING PANANALIKSIK
Naririto ang ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili
bago tuluyang magpasiya sa paksa:
 Interesado ba ako sa paksang ito?
 Angkop, makabuluhan , at napapanahon ba ang paksang ito?
 Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa?
 Kaya ko ba itong tapusin?
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG
SULATING PANANALIKSIK
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis ( thesis Statement )
Kapag napagpasyahan na ang paksa, bumuo na ng iyong pahayag ng
tesis. Narito ang ilang tanong na maaaring gumabay direksyon sa
pagbuo mo ng pahayag:

 Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito?


 Sino ang aking mambabasa?
 Ano-anong kagamitan o sanggunian ang akkailanganin ko?
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG
SULATING PANANALIKSIK
3.Paghahansa ng pansamantalang Bibliyograpiya
Ito ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat,
artikulo, report, magasin at web site.

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas.


Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang
magbigay direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya kung ano-
anong material pa ang kailangang hanapin.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG
SULATING PANANALIKSIK
5.Pangangalap ng Tala o Note Taking.
Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng
bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang
kakailanganin sa iyong sulatin.

6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline


Suriing Mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang
matiyak kung may mga bagay pang ayusin.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG
SULATING PANANALIKSIK
7.Pagsulat ng borador o Rough Draft
Naglalamat ito ng introduksyon, katawan at konklusyon.

8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador


I-proofread o basahing Mabuti at iwasto ang mga bagay na
kailangang iwasto sa iyong borador.
Ibat-ibang estilo sa pagsulat ng
Bibliyograpiya:
APA – American Psychological Association
Para sa mga aklat:
Apelyido ng Awtor, pangalan ng Awtor.( Taon ng Paglilimbag) Pamagat,Lungsod ng
Tagapaglimbag:Tagalimbag.

Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin:


Apelyido ng Awtor, Pangalan ng awtor (Taon ng Paglilimbag)Pamagat ng Artikulo.
Pamagat ng Pahayagan o Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina #
Ibat-ibang estilo sa pagsulat ng
Bibliyograpiya:
APA – American Psychological Association
Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet:
Awtor,(Petsa ng Publikasyon )”Pamagat ng Artikulo o Dokumento”. Pamagat ng
Publikasyon , Petsa kung kailan sinipi o ginamit mula sa buong web address simula sa
http://

9.Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik:


Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang Mabuti ang naunang walong hakbang ,
matitiyak mo na isang mainam na sulating pananaliksik.

You might also like