You are on page 1of 11

Aralin 6

Introduksiyon sa
pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG
SULATING PANANALIKSIK

1. Pagpili ng Maburing paksa.


Napakahalagang piliing mabuti ang paksa
upang maging matagumpay ang isang sulating
pananaliksik.

Ang paksa ay ay pinag-isipang mabuti at dumaan


sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na
makabubuo ng isang makabuluhang sulatin
2.Pagbuo ng pahayag ng tesis ( Thesis statement)
Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong
bubuoing pananaliksik.
Narito ang ilang tanong na maaaring gabay sa pagbuo ng pahayag n g tesis:
* Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng impormasyong
magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon.
* Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makababasa ng sinulat ko? Sino pa
Kaya ang makababasa? Ano Kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa?
* Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May dapat bang kagamitan o
sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa asking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap
ang mga ito?
3. Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpiya
* Kailangan bumisita sa mga aklatan
upang mangalap ng mga sanggunian.
* Maaaring makakuha ng impormasyon
sa internet.
* Mahalagang matiyak na maayos, tama,
kompleto, at beripikado ang mga
impormasyon isasama sa bubuoing
sulating pananaliksik.
Bibliyograpiya — Talaan ng ibat-ibang sanggunian katukad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, web site, at iba pang nalathalang material na ginamit. Makatutulong ang
paghahanda ng Bibliyograpiya para sa bawat sanggunian ang mga sumusunod:
* Pangalan ng Astor
* Pamagat ng kaniyang isinulat
*Impormasyon ukol sa pagkakalathala
° Mga nalimbag
°Lugar at taon ng pagkakalimbag
°Pamagat ng aklat
*Ilang mahahalagang taka ukol sa nilalaman
4. Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas

Mahalaga ang paghahanda ng isang


tentatibong Balangkas upang magbigay
ng direksiyon sa pagsasaayos ng mga
ideya at pagtukoy kung ano-anong
material pa ang Kailangang hanapin
5. Pangangalap ng Tala o Note taking
Isulat ng maayos ang mga Tala.

Tat long puri ng Tala


1. Tuwirang sinisipi — ang Tala ay direktang sinipi Mula
sa isang sanggunian. Itala ang sanggunian pinagkunan
gayundin ang pahina kung san ito mababasa.

2. Buod — Ito ay pinaikling bersyon ng isang mas


mahabang teksto. Ito'y maikli subalit nagtataglay ng lahat
ng mahahalagang kaisipan ng original na teksto. Ito ang
pinakamadalas gamitin sa pagkalap ng taka.

3. Hawig — Ito ay binago lamang ang mga pananalita


subalit nananatili ang pagkakahawig sa original.
6. Paghahanda ng iniwastong
Balangkas o Final outline

Dito ay susuriing mabuti ang inihandang


tentatibong Balangkas upang matiyak
kung may mga bagay pang-kailangang
baguhin o ayusin. Maari nang ayusin ang
dapat ayusin upang ang pangwakas na
Balangkas ay maging mabuting gabay sa
pagsulat ng borador.
7. Pagsulat ng Borador o Rough draft

Ang isang sulating pananaliksik ay


dapat magkaroon ng introduksiyon
na kababasahan ng mga ideyang
matatagpuan sa kabuoan ng sulatin;
ang katawan na kababasahan ng
pinalawig o nalamnan nang bahagi
ng balangkas; at ang kongklusyon na
nagsasaad ng buod ng mga
natuklasan sa pananaliksik.
8. Pagwawasto at pagrebisa ng Borador
i-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang
iwasto sa borador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng
pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit, pamamaraan ng
pagsulat, at angkop ng talababa o footnote. Maaaring pumili ng tiyak
ng pamagat ng sulatin. Ihanda ang paunang salita, Talaan ng
nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.

Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang


sumusunod:
* Pangkat—pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-
samahin ang mga aklat, pahayagan, web site at iba pa.
* Isaayos nang paalpabeto ang Pangalan ng mga awtor gamit ang
apelyido bilang basehan.
* Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa ibat-ibang estilo ng
pagsulat nito.
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating
Pananaliksik

Pagkatapos pagdaanan at isagawa


nang mabuti ang naunang walong
hakbang, natitiyak ng maisusulat
ang isang mainam na sulating
pananaliksik.

You might also like