You are on page 1of 14

PAGBUO NG

TENTATIBONG
BIBLIYOGRAPIYA
GROUP 3 MEMBERS
Canete, Jeric
Capongcol, Antonio
Bustillo, Zyle Mae
Camarines, Sheila Mae
Labesig, Ciara
PANIMULANG PAGTATAYA
1. Ito ang listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat, pahayagan, magasin, at iba pa na inaayos nang paalpabeto.
a. bibliyograpiya b. sanggunian c. kwento d. pelikula
2. Ang kasanayang sa pagsasaayos ng mga nakalap na datos mula sa mga natukoy na sanggunian ay isang
mahalagang kasanayan ng isang __________ na mananaliksik.
a. mahusay b. masinop c. masusi d. matapat
3. Isang kasanayang susubok sa sipag, tiyaga, at katapatan ng isang mananaliksik.
a. paggawa ng bibliograpiya b. paggawa ng grap c. paggawa ng burador d. paggawa ng papel
4. Bago isulat ang pinal na bibliyograpiya, ano ang una mong gawin?
a.gumawa ng pansamantalang bibliyograpiya b. gumawa ng tesis c. gumawa ng aklat d. gumawa ng
balangkas
5. Saang bahagi ng sulating pananaliksik matatagpuan ang bibliyograpiya?
a. unang bahagi ng sulating pananaliksik b. gitnang bahagi ng pananaliksik c. hulihang bahagi ng pananaliksik
d. wala sa nabanggit
BIBLIYOGRAPIYA
Ang paggawa ng bibliograpiya o talasanggunian ay isang kasanayang susubok sa sipag,
tiyaga, at katapatan ng isang mananaliksik. Ang magandang balita sa panahon ngayon ay
marami ng websites na tumutulong sa mga mananaliksik upang gumawa ng kanilang
bibliograpiya. Layunin nilang mapagaan ang mga gawain ng mga mananaliksik at mabigyan
ng tamang kredito ang pinagmulan ng mga impormasyon. Habang nangangalap ka ng
impormasyon o datos para sa iyong gagawing pananaliksik, siguraduhing naihanda mo na
rin ang bibliograpiya o talasanggunian. Ito ay nagpapakita ng talaan ng aklat, dyornal,
pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon,
dokumentaryo, at maging ang social media networking sites na pinagkuhanan mo ng
impormasyon.
Mahalagang magkaroon ng bibliograpiya o talasanggunian ang isang pananaliksik o aklat
sapagkat ito ay isa sa katibayan ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik o aklat na
ginawa. Sa pagsulat ng bibliograpiya o talasanggunian, mahalagang makuha ang pangalan
ng may-akda, pamagat ng aklat o artikulo, lugar kung saan ito nailathala tagapaglathala, at
taon kung kailan ito nailathala.
PAGHAHANDA NG PANSAMANTALANG
BIBLIYOGRAPIYA
Narito ang mga hakbang sa paggawa ng pansamantalang bibliograpiya:
1. Maghanda ng mga index card na pare –pareho ang laki. Karaniwang 3x5 pulgada ang
ginagamit ng iba.
2. Isulat sa mga index card na ito ang mga impormasyon ng iyong sanggunian. Ang
ganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliograpiya.
3. Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian.
Maaari itong ilagay sa kahon, folder, o sobre.
May iba’t ibang paraan ng pagsulat ng bibliograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:
❖ APA o American Psychological Association
❖ MLA o Modern Language Association
❖ Chicago Manual of Style
4
ILANG KONSIDERASYON SA PAGKUHA AT
PAGGAWA
1. Gumamit NG
ng isang card para TALA
sa isang kaisipan o ideya.
2. Tiyaking may pamagat at pahina ang aklat na
pinagkukunan ng tala.
3. Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng
notecard
o index card na gagamitin. Maraming sukat ang notecard
o
index card, karaniwang ginagamit ang 3 x 5, ang 5 x 8, at
4 x 6, para sa mga tala.
4. Upang madaling matukoy ang mga sanggunian, ilagay
ang mga datos ng sanggunian sa notecard. Sa kanang itaas
na bahagi ng notecard ay isulat ang awtor at pamagat ng
sanggunian (aklat, dyornal, website, at iba pa), sa gitna
ang pamagat ng tala at sa itaas na kaliwang bahagi naman
nito ang pahinang pinagkukunan ng tala.
MGA URI NG TALA
 Direktang sipi- Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. Sa
paggamit ng direktang sipi kinakailangan lagyan ng panipi (“ ”) ang bawat nakuhang
tala.
 Buod ng tala- Ginagamit ito kung nais lamang gamitin ay ang pinakamahalagang
ideya ng isang tala, tinatawag itong synopsis.
 Presi- Ginagamit nito ang buod ng isang tala. Sa paggamit ng presi pinapanatili nito
ang orihinal na ayos ng ideya at ang punto de bista ng may-akda.
 Sipi ng sipi- Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Sa ganitong
uri ay gagamitin din ang panipi.
 Hawig o Paraphrase- Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na
payak na salita ng mananaliksik.
 Salin/Sariling Salin- Ito ay ginagamit sa mga pagkakataon na ang mga tala ay nasa
wikang banyaga, Ito ay paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika.
6
PAGSULAT NG PINAL NA BIBLIYOGRAPIYA GAMIT ANG CHICAGO AT APA FORMAT

7
8
9
10
11
12
ASSIGNMENT ( ½ CROSSWISE)

1.Ano ang makikita sa bibliyograpiya?


2.Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng bibliyograpiya?
3.Bakit kailangang pa ang pansamantalang bibliograpiya?
4.Ano – ano ang mga hakbang sa paggawa ng pansamantalang
bibliyograpiya?
5.Saan – saan makukuha ang mga impormasyon para sa
pananaliksik?

13
SALAMAT!

Created by:
Ciara S. Labesig

You might also like