You are on page 1of 63

PANGANGALAP NG

IMPORMASYON AT
PAGBUO NG
BIBLIYOGRAPIYA
“Isang mahalagang kasanayan ang pagsulat ng
talasanggunian upang pinagmulan ng kaisipan ay
madaling balikan.”
ALAM MO BA?
Ang paggawa ng bibliyograpiya ay isang kasanayang
susubok sa sipag, tiyaga, at katapatan ng isang mananaliksik.
Ang magandang balita sa panahon ngayon ay marami ang
website na tumutulong sa mga mananaliksik upang gumawa
ng kanilang bibliyograpiya. Layunin nilang mapagaan ang
gawain ng mga mananaliksik at mabigyan ng tamang kredito
ang pinagmulan ng mga impormasyon. Ang tanging gagawin
na lang ay ilagay ang mahahalagang datos na kakailanganin
katulad ng may-akda, pamagat ng sanggunian, taon ng
publikasyon (kung ito ay nakalimbag), tomo, bilang, at
pahina. Ang ilan sa mga website na gumagawa nito ay ang
mga sumusunod:
Mga websites:

01
OREGON SCHOOL LIBRARY

02
CITATION MACHINE
INFORMATION SYSTEM
https://www.citationmachine.net/ https://secondary.oslis.org/cite-s
ources/step-by-step-instructions

03 04
RECIPES4SUCCESS EASYBIB
https://www.easybib.com/

https://www.tech4learning.com/i
ndex.php?v=pl&page_ac=view&t
ype=tools&tool=bibliographymak
er&bib_view=edit&bib_type=onli
neperiodical&new_bib.x=23&ne
w_bib.y=18&new_bib=New

TANDAAN:
Kung ano man ang nais mong
gamiting paraan—sa tulong man ng
website, built-in tool sa Microsoft
Word, o sa pamamagitan ng citation


guides sa mga aklat, nararapat na
kilalanin ang mga sangguniang
pinagmulan ng mga impormasyong
iyong gagamitin.
BIBLIYOGRAPIY
A
BIBLIYOGRAPIYA
 Habang nangangalap ka ng mga datos at impormasyon
para sa iyong pananaliksik ay siguruhing inihahanda mo rin
ang bibliyograpiya. Bahagi ng isang pananaliksik o aklat
ang bibliyograpiya o talasanggunian.

 Ito ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal,


pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad ng
pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at
maging ang mga social media networking sites na
pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon.
BIBLIYOGRAPIYA
 Mahalagang magkaroon ng bibliyograpiya o
talasanggunian ang isang pananaliksik o aklat sapagkat
ito ay isa sa mga katibayan ng pagiging
makatotohanan ng pananaliksik o aklat na ginawa.

 Ipinakikita nito na ang nilalaman ng pananaliksik o


aklat ay hindi lamang pansariling opinion o gawa-gawa
ng mananaliksik kundi mayroon talagang iba’t ibang
basehan na nagpapatunay ng katumpakan o katiyakan
ng mga impormasyong nilalaman nito.
BIBLIYOGRAPIYA

 Sa pagsulat ng bibliyograpiya o talasanggunian,


mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda,
pamagat ng aklat o artikulo, lugar ng publikasyon,
tagapaglathala, at taon kung kailan ito nalathala.
PAGHAHANDA NG
PANSAMANTALANG
BIBLIYOGRAPIYA
!
Bago mo isulat ang pinal na
bibliyograpiya ay gumawa ka
muna ng pansamantalang
bibliyograpiya.
MGA HAKBANG
SA PAGGAWA NG
PANSAMANTALANG
BIBLIYOGRAPIYA
01 Maghanda ng mga index card na pare-pareho ang laki.
Karaniwang 3x5 pulgada ang ginagamit ng iba.

02
Isulat sa mga index card na ito ang mga mahalagang impormasyon ng
iyong sanggunian. Ang ganitong paghahanda ay makatutulong para
sa paggawa ng pinal na bibliyograpiya.

03
Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng
iyong sanggunian. Maaari itong ilagay sa isang kahon, folder, o
sobre.
Iba’t ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya:

 APA o American Psychological Association

 MLA o Modern Language Association

 Chicago Manual of Style

Maaaring magbigay ang guro ng paraan na iyong gagamitin sa


pagsulat ng bibliyograpiya, o kaya ikaw ang mamimili ng estilo.
!
Kailangan lamang tandaan na
kung anumang estilo ang iyong
gamitin sa umpisa ay iyon na rin
ang gagamitin sa kabuoan ng
sulatin.
PAGKUHA AT
PAGSASAAYOS NG
MGA TALA
Sa panahon ngayon, marami na ang
mapagkukunan ng mga tala o datos sa
pananaliksik.

• Silid-aklatan na naglalaman ng maraming


aklat, peryodikal, at iba pang babasahin.

• Internet kung saan makakukuha tayo ng


napakaraming impormasyon, bagama’t
dapat maging maingat sa pagpili ng
impormasyon.

• Social media sites na napagkukunan ng


sari-sari ring impormasyon.
Hindi biro ang mangalap ng mga
tala, isa itong gawaing talaga namang
susubok sa sipag, tiyaga, at pasensiya
ng mananaliksik, kaya mahalagang
malaman niya kung paano ito
gagamitin at isasaayos.
Nararapat na maging maparaan at
matapat ang isang mananaliksik, ito
ang dalawang pagpapahalagang
kailangang bigyang-halaga at isaloob
ng isang mahusay na mananaliksik.
ILANG KONSIDERASYON SA
PAGKUHA AT PAGGAWA NG
MGA TALA
!
Kung ang pangangalap ng tala ay
susubok sa sipag, tiyaga, at
pasensiya ng isang mananaliksik,
ang pagsasaayos naman ng mga
nakalap na tala ay susubok sa
pagiging maingat at sistematiko
ng isang mananaliksik.
 Ang kasanayang magsaayos ng mga talang nakalap mula
sa mga natukoy na sanggunian ay isang mahalagang
kasanayan ng isang mahusay na mananaliksik. Dito
nakasalalay ang dami at halaga ng datos na makakalap.

 Isa sa mga paraan ng pagsasaayos ng mga tala ay ang


paggamit ng notecard o index card.

 Sa panahon ngayon ng teknolohiya ay maraming paraan


ang puwedeng makatulong sa atin sa pagsasaayos ng tala,
pero hindi maikakaila na para sa nakararami ay epektibo pa
rin ang paggamit ng notecard o index card.
!
May ilan lamang
konsiderasyon na dapat
isaalang-alang sa paggamit ng
notecard, ito ay ang
sumusunod:
01 GUMAMIT NG ISANG CARD PARA SA
ISANG KAISIPAN O IDEYA

Isa-isahin ang mga datos o impormasyong


nakuha sa kahit saang sanggunian, isulat ang
mga ito sa magkakaibang notecard. Sa
ganitong paraan ay hindi ka na mahihirapan sa
pamimili ng gagamitin mong notecard sa oras
na kailangan mo ng isang ideya.
02
TIYAKING MAY PAMAGAT AT PAHINA
NG AKLAT NA PINAGKUHANAN NG
TALA

03
MAS MAGIGING MAAYOS KUNG ISA LANG
ANG SUKAT NG NOTECARD O INDEX CARD
NA GAGAMITIN.
Maraming sukat ang notecard o index
card, karaniwang ginagamit ang 3 x 5, ang
5 x 8, at 4 x 6 para sa mga tala.
04
UPANG MADALING MATUKOY ANG
SANGGUNIAN ILAGAY ANG DATOS NG
SANGGUNIAN SA NOTECARD

Sa kanang itaas na bahagi ng notecard ay


isulat ang awtor at pamagat ng sanggunian
(aklat, dyornal, website, etc.), sa gitna ang
pamagat ng tala at sa itaas na kaliwang bahagi
ang pahina na pinagkunan ng tala.
HALIMBAWA:
05 MAAARI DING GUMAMIT NG CODE
UPANG TUKUYIN ANG SANGGUNIAN

Ang sistemang ito ay gumagamit ng titik


at numero upang maging code sa notecard.
HALIMBAWA:
06 TIYAKIN ANG URI NG TALANG
GAGAMITIN

Ang uri ng tala ay magiging batayan ng


isang maayos at sistematikong pagsasaayos
ng tala.
MGA URI O
ANYO NG
TALA
 DIREKTANG SIPI
Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais
sipiin. Dapat lamang isipin na hindi naman maganda kung
sobrang haba ang direktang sisipiin. Baka kasi lumabas na
ang halos buong papel ay nagmula sa ideya ng iba. Tiyakin
ding tama ang pagkakakopya ng mga datos at hindi nagbago
sa proseso ng pagkopya.

 Sa paggamit ng direktang sipi, kinakailangang lagyan ng


panipi (“ “) ang bawat nakuhang tala. Kung bahagi lamang
ng sipi ang gagamitin, gumamit ng ellipsis (...). Ginagamit
ang ellipsis kung hindi binuo ang pangungusap o talata.
 BUOD NG TALA

Ginagamit ito kung ang nais lamang gamitin ay ang


pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag din itong
sinopsis. Layunin ng buod na mabigyan ng pangkalahatang
ideya ang mambabasa. Bagama’t ang buod ang pinaikling
bersiyon ng isang tala, taglay nito ang pangunahing ideya.
 PRESI

Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig


sabihin ay pruned or cut down. Presi ang tawag kung ang
gagamitin ay ang buod ng isang tala. Sa pamamagitan ng
presi, pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang
punto de bista ng may-akda. Maaaring gamitin ng
mananaliksik ang mga susing salita o key words ng orihinal
na manunulat. Humigit-kumulang na sangkatlo ng orihinal
na tala ang haba ng presi.
 SIPI NG SIPI

Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang


mahabang sipi. Ang ganitong uri ay ginagamitan
din ng panipi.

 HAWIG O PARAPHRASE
Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya
gamit ang higit na payak na salita ng
mananaliksik.
 SALIN/SARILING SALIN

Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa wikang


banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay ang
paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba
pang wika.

Mayroon lamang ilang bagay na dapat isaalang-


alang sa pagsasalin, ito ay ang sumusunod:
 Alamin ang konteksto ng isasalin. May mga salitang iba
ang kahulugan depende sa konteksto.

 Ang mga idyoma ay hindi maaaring isalin ng direkta


sapagkat maiiba ang kahulugan nito. Halimbawa ang
idyoma sa Ingles kapag isinalin nang literal sa Filipino ay
magkakaroon ng ibang kahulugan.

 Iwasan ang pagsasalin nang literal.

 Ang mga salitang teknikal at siyentipiko ay maaari nang


hindi isalin.
PAGSULAT NG PINAL
NA BIBLIYOGRAPIYA
Pagkatapos mong mangalap ng mga
impormasyon para sa iyong pananaliksik at isulat ang
pansamantalang bibliyograpiya sa mga notecard o
index card, ngayon ay isusulat mo na ang pinal na
bibliyograpiya. Sa puntong ito, natanggal mo na ang
mga sangguniang hindi mo na gagamitin at naidagdag
mo na rin ang ilan pang gagamitin mo. Aayusin na
lamang sa paraang paalpabeto ang pangalan ng mga
may-akda ng sangguniang ginamit. Matatagpuan ang
bibliyograpiya sa hulihang bahagi ng sulating
pananaliksik.
 AKLAT
Narito ang mga impormasyong isinasama sa
bibliyograpiya kung ang sanggunian ay aklat:

TALA  MAY-AKDA

TUNGKO  PAMAGAT
 PUBLIKASYO
L N
 TAON NG
SA: PUBLIKASYON
MGA PARAAN NG PAGSULAT
NG BIBLIYOGRAPIYA PARA SA
AKLAT
CHICAGO APA
 Ihanay ang tatlong pangkat ng  Ihanay ang tatlong pangkat ng
impormasyon (may-akda, pamagat, at impormasyon (may-akda, pamagat, at
tala ng publikasyon). Unahin ang tala ng publikasyon).
apelyido ng may-akda.
 Unahin ang apelyido at sundan ng
 Isulat nang buo ang pamagat ng aklat initials ng may-akda.
maging ang subtitle.
 Isulat ang taon ng publikasyon sa loob
 Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong ng parentesis.
pangkat ng impormasyon.
 Isulat nang buo ang pamagat ng aklat
 Paghiwalayin ng tutuldok ang lugar ng maging ang subtitle.
publikasyon at publisher. Paghiwalayin
ng kuwit ang publisher at taon ng  Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong
publikasyon. pangkat ng impormasyon.

 Naka-italicize ang pamagat ng aklat.  Naka-italicize ang pamagat ng aklat.

 Ginagamitan ito ng hanging indention.  Ginagamitan ito ng hanging indention.


HALIMBAWA:
Kung isa lamang ang may-akda:

CHICAGO APA

Dayag, Alma M. Lakbay ng Lahing Dayag, A. M. (2014). Lakbay ng


Pilipino 3. Quezon City: Lahing Pilipino 3. Quezon City.
Phoenix Publishing House, 2014. Phoenix Publishing House.
HALIMBAWA:
Kung dalawa ang may-akda:

CHICAGO APA

Julian, Ailene B. at Nestor S. Lontoc. Julian, A. B. & N. S. Lontoc. (2015).


Lakbay ng Lahing Pilipino 4. Lakbay ng Lahing Pilipino 4.
Quezon City: Phoenix Publishing Quezon City: Phoenix Publishing
House, 2015. House.

Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang


pangalan ay isinusulat nang buo at pangalan ay nauuna na ang initials ng
nauuna na nag pangalan kaysa sa pangalan kaysa sa apelyido.
apelyido.
HALIMBAWA:
Kung higit sa dalawa ang may-akda:

CHICAGO APA

Dayag, Alma M. et al. Pinagyamang Julian, A. B. et al. (2015). Lakbay ng


Pluma 10. Quezon City: Lahing Pilipino 4. Quezon
Phoenix Publishing House, 2015. City: Phoenix Publishing House.

Pansinin na “et al” ang ginamit imbis Pansinin na “et al” ang ginamit imbis
isulat lahat ng mga pangalan. isulat lahat ng mga pangalan.
HALIMBAWA:
Kung hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang nakalagay
sa title page, ang pamagat na lamang ng aklat ang isinusulat sa
bibliyograpiya. Ang pamagat ang ginagamt sa alpabetisasyon.

CHICAGO APA

The Plight of Filipino Teachers. Cavite The Plight of Filipino Teachers. (1998).
City: Grayson Publishing House, Cavite City: Grayson Publishing
1998. House.
 PERYODIKAL
Narito ang mga impormasyong isinasama sa
bibliyograpiya kung ang sanggunian ay peryodikal:
 MAY-AKDA
TALA  PAMAGAT NG ARTIKULO
TUNGKO  PUBLIKASYON NA KINABIBILANGAN
L 
NG:
Pangalan ng peryodiko
SA: 

Bilang ng bolyum
Bilang ng isyu
 Petsa
 Mga pahina ng buong artikulo
MGA PARAAN NG PAGSULAT
NG BIBLIYOGRAPIYA PARA SA
PERYODIKAL
CHICAGO APA
 Ihanay ang tatlong pangkat ng  Ihanay ang tatlong pangkat ng
impormasyon (may-akda, pamagat, at impormasyon (may-akda, pamagat, at tala
tala ng publikasyon). Unahin ang ng publikasyon).
apelyido ng may-akda.
 Unahin ang apelyido at sundan ng initials
ng may-akda.
 Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong
pangkat ng impormayon.  Isulat ang taon ng publikasyon sa loob ng
parentesis.
 Ilagay sa panipi ang pamagat ng artikulo.
 Isulat nang buo ang pamagat.
 Naka-italicize ang pamagat ng
peryodikal.  Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong
pangkat ng impormasyon.
 Nakaparentesis ang taon at petsa.
Inilalagay rin ang tomo o volume at  Naka-italicize ang pamagat ng peryodikal.
bilang ng isyu. Kung minsan hindi
 Inilalagay din ang tomo o volume at bilang
nakalagay ang tomo at bilang.
ng isyu at paghiwalayin ito ng kuwit.

 Ginagamitan ito ng hanging indention.


HALIMBAWA:
 JOURNAL – ito ang peryodikal na lumalabas sa
akademikong komunidad.
CHICAGO APA

Del Rosario, Mary Grace G. “Wikang Del Rosario, M. G. (2010). Wikang


Filipino.” Phoenix Publishing Filipino. Phoenix Publishing
House EJ Forum (Agosto 2010): House EJ Forum: 1:16.
1:16.
HALIMBAWA:
 MAGASIN – ito ang peryodikal para sa publiko.

CHICAGO APA

Bennet, Dahl D. “Coming Clean”. Bennet, D. D. (2012, October).


Working Mom, October 2012, Coming Clean. Working Mom, 107.
107.
HALIMBAWA:
 PAHAYAGAN – ito ang peryodikal na araw-araw
lumalabas.

CHICAGO APA

Beigas, Leifbilly. “Publiko Kinokondisyon Beigas, L. (2015, October 19). Publiko


na sa Disqualification ni Poe?” Kinokondisyon na sa
Bandera, 19 October 2015, 2. Disqualification ni Poe? Bandera,
p. 2.
 REFERENCE
Narito ang mga impormasyong isinasama sa
bibliyograpiya kung ang sanggunian ay reference:

 PAMAGAT NG ARTIKULO O REFERENCE


 BILANG NG EDISYON O TAON NG
PUBLIKASYON
 DI NAKALATHALANG SANGGUNIAN
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya
kung ang sanggunian ay di nakalathala:

 MAY-AKDA
 PAMAGAT
 ANYO NG MANUSKRITO
 PINAGMULAN AT LOKASYON NG
SANGGUNIAN
 PETSA NG PAGKASULAT
HALIMBAWA:
 MANUSKRITO

CHICAGO APA
Del Rosario, Adrian Paolo. “Harmful Effects of Del Rosario, A.D. (2008). Harmful Effects of
Computer Games to Teenage Computer Games to Teenage
Students.” Di-nakalimbag na manuskrito. Students. (Di-nakalimbag na manuskrito).
Nasa pag-iingat ng may-akda. 2008. Dela Salle University, Dasmariñas.
 DI LIMBAG NA BATIS
Narito ang mga impormasyong isinasama sa
bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di-nakalimbag:

 PELIKULA

 MANUNULAT, DIREKTOR, O PRODYUSER


 PAMAGAT
 PANGUNAHING ARTISTA
 KOMPANYANG NAG-PRODYUS
 TAON NG PAGPAPALABAS
HALIMBAWA:

CHICAGO APA
Quintos, Rory B., director. Anak. Kasama sina Quintos, R. B. (Direktor). (2000). Anak
Vilma Santos at Claudine Barretto. [Pelikula]. Philippines: Star Cinema.
Star Cinema, 2000.
 DI LIMBAG NA BATIS
Narito ang mga impormasyong isinasama sa
bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di-nakalimbag:

 PROGRAMA SA TELEBISYON AT RADYO


 PAMAGAT NG SEGMENT, SERYE, O
PROGRAMA
 PRODYUSER, DIREKTOR, MANUNULAT, O
ARTISTA
 BROADCASTING CORPORATION
 PETSA
HALIMBAWA:

CHICAGO APA
Soho, Jessica. “Mathinik na Bulilit.” Kapuso Soho, J. (October 18, 2015). Mathinik na
Mo, Jessica Soho. Jessica Soho, Bulilit. Kapuso Mo, Jessica Soho [Programa
tagapagdaloy ng programa. GMA7, October sa Telebisyon]. Quezon City: GMA7.
18, 2015.
 DI LIMBAG NA BATIS
Narito ang mga impormasyong isinasama sa
bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di-nakalimbag:

 WEBSITE

 MAY-AKDA
 PETSA NG PUBLIKASYON
 PAMAGAT NG ARTIKULO
 PINANGGALINGANG URL
HALIMBAWA:

CHICAGO APA
Clinton, Jerome W. “The Tragedy of Sohrab Clinton, J. W. (2014, December 5). The
and Rostam.” December 5, 2014. Galing sa Tragedy of Sohrab and Rostam. Galing sa
http://www.heritageinstitute.com/z http://www.heritageinstitute.com/z
oroastrianism/shahnameh/ oroastrianism/shahnameh/
 DI LIMBAG NA BATIS
Narito ang mga impormasyong isinasama sa
bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di-nakalimbag:

 BLOG
 MAY-AKDA (KUNG HINDI NAKALAGAY ANG
PANGALAN NG MAY-AKDA MAAARING SCREEN
NAME LAMANG ANG ILAGAY)
 PETSA NG PUBLIKASYON (NAKA-PARENTESIS)
 PAMAGAT NG ARTIKULO (PANSINING HINDI
NAKA-ITALICIZE)
 PINANGGALINGANG URL.
HALIMBAWA:

CHICAGO APA
Kahayon, Lisa. “Masbate Travel Diary,” Kahayon, L. (2015, October 14). Masbate
Scenestealer (blog), October 14, 2015 (8:39 Travel Diary. Scenestealer. Galing sa
a.m.), http://www.lisakahayon.com/ http://www.lisakahayon.com/
MARAMING
SALAMAT!
PANGKAT 7:

JOHN CLEFFORD CASTILLO


JOHN ANTHUNY GEOLIN
JESSIL ANN CUAGO
ELIZABETH MONOY

You might also like