You are on page 1of 3

Sanayang Papel Blg.

9 sa
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikaapat na Markahan

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: _____________________


Grade/Strand at Seksiyon: _______________________________

I. KASANAYANG PANGKATUTO
A. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika
sa pananaliksik (F11PB-IVab-100)

II. PANIMULANG KONSEPTO


BIBLIYOGRAPIYA

Habang nangangalap ka ng mga datos at impormasyon para sa iyong pananaliksik ay


siguruhing inihahanda mo rin ang bibliyograpiya. Bahagi ng isang pananaliksik o aklat ang
bibliyograpiya o talasanggunian. lto ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan,
magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at
maging ang mga social media networking site na pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon.
Mahalagang magkaroon ng bibliyograpiya o talasanggunian ang isang pananaliksik o aklat sapagkat
ito ay isa sa mga katibayan ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik o aklat na ginawa. Ipinakikita
nito na ang nilalaman ng pananaliksik o aklat ay hindi lamang pansariling opinyon o gawa-gawa ng
mananaliksik kundi mayroon talagang iba’t ibang basehan na nagpapatunay ng katumpakan o
katiyakan ng mga impormasyong nilalaman nito. Sa pagsulat ng bibliyograpiya o talasanggunian,
mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat o artikulo, lugar ng publikasyon,
tagapaglathala, at taon kung kailan ito nalathala.

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Bago mo isulat ang pinal na bibliyograpiya ay gumawa ka muna ng pansamantalang


bibliyograpiya. Ito ang magiging katuwang mo habang isinusulat mo ang iyong pananaliksik. Ang
ganitong sistema ay nakatitipid sa oras at panahon sa paggawa ng pananaliksik. Hindi pa ito ang
pinal sapagkat maaari ka pang magdagdag o magbawas ng sanggunian. Narito ang hakbang sa
paggawa ng pansamantalang bibliyograpiya:

• Maghanda ng mga index card na pare-pareho ang laki. Karaniwang 3 x 5 pulgada ang ginagamit
ng iba.
• Isulat sa mga index card na ito ang mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian. Ang
ganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliyograpiya.
• Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian. Maaari
itong ilagay sa isang kahon, folder, o sobre.

May iba’t ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

• APA o American Psychological Association


• MLA o Modern Language Association
• Chicago Manual of Style

Maaaring magbigay ang guro ng paraan na inyong gagamitin sa pagsulat ng bibliyograpiya, o


kaya ikaw ang mamimili ng estilo. Kailangan lamang tandaan na kung anumang estilo ang iyong
gamitin sa umpisa ay iyon na rin ang gagamitin sa kabuoan ng sulatin.

Pagkuha at Pagsasaayos ng mga Tala

Sa panahon ngayon, marami ang mapagkukunan ng mga tala o datos sa pananaliksik.


Nariyan ang silid-aklatan na naglalaman ng maraming aklat, peryodikal, at iba pang babasahin.
Nariyan din ang internet kung saan makakukuha tayo ng napakaraming impormasyon, bagama’t tulad
ng mga paalala sa mga pahina 144 at 145 ng Aralin 2, dapat maging maingat sa pagpili ng
impormasyon. Maging ang social media networking site ay maaaring pagkunan ng impormasyon.
Hindi biro ang mangalap ng mga tala, isa itong gawaing talaga namang susubok sa sipag, tiyaga, at
pasensiya ng mananaliksik, kaya mahalagang malaman niya kung paano ito gagamitin at isasaayos.
Nararapat na maging maparaan at matapat ang isang mananaliksik, ito ang dalawang
pagpapahalagang kailangang bigyang-halaga at isaloob ng isang mahusay na mananaliksik.

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala

Kung ang pangangalap ng tala ay susubok sa sipag, tiyaga, at pasensiya ng isang


mananaliksik, ang pagsasaayos naman ng mga nakalap na tala ay susubok sa pagiging maingat at
sistematiko ng isang mananaliksik. Ang kasanayang magsaayos ng mga talang nakalap mula sa mga
natukoy na sanggunian ay isang mahalagang kasanayan ng isang mahusay na mananaliksik. Sa
kasanayang ito nakasalalay ang dami at halaga ng datos na makakalap. Isa sa mga paraan ng
pagsasaayos ng mga tala ay ang paggamit ng notecard o index card. Sa panahon ngayon ng
teknolohiya ay maraming paraan ang puwedeng makatulong sa atin sa pagsasaayos ng tala, pero
hindi maikakaila na para sa nakararami ay epektibo pa rin ang paggamit ng notecard o index card.
May ilan lamang konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa paggamit ng notecard, ito ay ang
sumusunod:

1. Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya. Isa-isahin ang mga datos o impormasyong
nakuha sa kahit saang sanggunian, isulat ang mga ito sa magkakaibang notecard. Sa ganitong
paraan ay hindi ka na mahihirapan sa pamimili ng gagamitin mong notecard sa oras na kailangan
mo ng isang ideya.
2. Tiyaking may pamagat at pahina ng aklat na pinagkuhanan ng tala.
3. Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng notecard o index card na gagamitin. Maraming
sukat ang notecard o index card, karaniwang ginagamit ang 3 x 5, ang 5 x 8, at 4 x 6 para sa mga
tala.
4. Upang madaling matukoy ang sanggunian ilagay ang datos ng sanggunian sa notecard. Sa
kanang itaas na bahagi ng notecard ay isulat ang awtor at pamagat ng sanggunian (aklat, dyornal,
website, etc), sa gitna ang pamagat ng tala at sa itaas na kaliwang bahagi ang pahina na
pinagkunan ng tala.

5. Maaari ding gumamit ng code upang tukuyin ang sanggunian. Ang sistemang ito ay gumagamit ng
titik at numero upang maging code sa notecard.

6. Tiyakin ang uri ng talang gagamitin. Ang uri ng tala ay magiging batayan ng isang maayos at
sistematikong pagsasaayos ng tala.
III. GAWAIN

A. Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (✓) kung ang pahayag ay tama at ekis
(X) naman kung mali.

_______ 1. Matatagpuan ang bibliyograpiya sa unahang bahagi ng pananaliksik.


_______ 2. Ang bibliyograpiya ay nagpapakita ng mga talaan ng mga aklat, dyornal,
pahayagan, magasin, at iba pa.
_______ 3. Pansarili lamang na opinyon at gawa-gawa lamang ng mananaliksik ang
bibliyograpiya.
_______ 4. Bago isulat ang pinal na bibliyograpiya ay kinakailangan na gumawa muna ng
pansamantalang bibliyograpiya.
_______ 5. Sa pagsulat ng bibliyograpiya o talasanggunian, mahalagang makuha ang
pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat o artikulo, lugar ng publikasyon, tagapaglathala, at
taon kung kailan ito nalathala.

B. Panuto: Ipaliwanag ang sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng bibliograpiya?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________

2. Bakit kailangan pa ng pansamantalang bibliyograpiya?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________

3. Bakit kailangang maging maingat at sistematiko sa pagsasaayos ng mga nakalap na tala?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________

4. Sa iyong palagay, bakit sinasabing ang pangangalap ng tala ay sususbok sa sipag, tiyaga,
at pasensiya ng mananaliksik?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________

5. Saan-saan makakukuha ng impormasyon para sa pananaliksik?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________

IV. SANGGUNIAN

Dayag, A. M. at MG G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma, p. 178-181.

You might also like