You are on page 1of 15

Paghahanda ng

Pansamantalang
Bibliograpiya
• Bago mo isulat ang pinal na bibliyograpiya
ay gumawa ka muna ng pansamantalang
bibliyograpiya. Ito ang magiging katuwang
mo habang isinusulat mo ang iyong
pananaliksik. Ang ganitong sistema ay
nakatipid sa oras at panahon sa paggawa
ng pananaliksik. Hindi pa ito ang pinal
sapagkat maaari ka pang magdagdag o
magbawas ng sanggunian. Narito ang
hakbang sa paggawa ng pansamantalang
bibliyograpiya
- Maghanda ng mga index card na
pare-pareho ang laki. Karaniwang 3
x 5 pulgada ang ginagamit ng iba
- Isulat sa mga index card na ito
ang mahahalagang impormasyon
ng iyong sanggunian. Ang ganitong
pagahahanda ay makatutulong
para sa paggawa ng pinal na
bibliyograpiya.
- Isaayos ang mga index card nang
paalpabeto ayon sa may akda ng iyong
sanggunian. Maari itong ilagay sa isang
kahon, folder, o sobre.
May iba't ibang paraan sa pagsulat ng
bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay
ang sumusunod:
- APA o American Psychological
Association
- MLA o Modern Language Association
- Chicago Manual of Style

• Maaaring magbigay ang guro ng
paraan ng iyong gagamitin sa
pagsulat ng bibliyograpiya, o kaya
ikaw ang mamimili ng estilo.
Kailangan lamang tandaan na
kung anumang estilo ang iyong
gamitin sa umpisa ay iyon na rin
ang gagamitin sa kabuoan ng
sulatin.
• Ang mga hakbang sa pagsulat ng
bibliyograpiya gamit ang estilong
APA at Chicago ay tatalakayin sa
araling ito.
Halimbawa ng APA o American
Psychological Association
Pagkuha at Pagsasaayos ng mga
Tala
• Sa panahon ngayon, marami ang
mapagkukunan ng mga tala o datos sa
pananaliksik. Nariyan ang silid-aklatan na
naglalaman ng maraming aklat, peryodikal,
at iba pang babasahin. Nariyan din ang
internet kung saan makakukuha tayo ng
napakaraming impormasyon, bagama't
tulad ng mga paalala sa mga pahina 144 at
145 ng Aralin 2, dapat maging maingat sa
pagpili ng impormasyon
Maging ang social media networking site ay
maaaring pagkukunan ng impormasyon.
Hindi biro ang mangalap ng tala, isa itong
gawaing talaga namang susubok sa sipag,
tiyaga, at pasensya ng mga mananaliksik,
kaya mahalagang malaman at matapat ang
isang mananaliksik, ito ang dalawang
pagpapahalagang kailangang bigyang-halaga
at isaloob ng isang mahusay na mananaliksik
Salamat sa Pakikinig!

You might also like