You are on page 1of 6

GOLDEN GATE COLLEGES

Senior High School Department

MODYUL 9
PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Panimulang Mensahe

Para sa mga Mag-aaral:

Hindi maikakailang ang pag-aaral sa proseso sa pagsulat at pag-unawa ng iba’t ibang

teksto ay makapagpapalago sa iyong kaisipan. Isa rin ito sa mga hakbang upang makabuo at
makasulat ka ng isang sistematikong pananaliksik.

Sa kabila nang hinaharap natin na pandemya ngayon, ang institusyon ng Gintong

Tarangkahan kasama ang mga guro ay gumagawa ng mga hakbang tungo sa ikatatagumpay ng
pag-aaral ng mga mag-aaral sa Senior High School. Makatutulong ang modyul na ito sa pag-
unlad ng kaisipan patungkol sa Pananaliksik. Hangad ng modyul na ito na mabigyan ng sapat at
kalidad na mga gawain at impormasyon na kailangan upang makabuo ng mahusay na
pananaliksik.

Lesson Pangangalap ng Impormasyon at Pagbuo ng

9 Bibliyograpiya
Introduksyon

SHS Learning Module

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Ang modyul na ito ay inihanda upang maging gabay ng guro at mag-aaral sa mga paksang tatalakayin,
mga gawaing isasagawa at mga pagsusulit na ibibigay sa bawat paksang matatalakay. Ang modyul 9 ay
kinapapalooban ng paksang Pangangalap ng Impormasyon at Pagbuo ng Bibliyograpiya. Sa paksang ito,
kakikitaan ito ng mga katulong na paksa upang mas mapalalim at mapalawak pa ang pag-unawa sa
paksang kalakip ng modyul na ito. Mayroon ding mga inihandang gawain sa paksang tatalakayin na ang
pinakadahilan ay upang maibigay sa mga mag-aaral ang kasanayan sa pagpapalalim at pagpapalawak sa
mga talakayan. Ang panghuli naman ay ang pansariling pagtataya ng mag-aaral. Hangad ng modyul na ito
na matamo ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Nasusuri ang ilang halimbawa pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,metodo, at
etika sa pananaliksik.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik.

Paglinang
Magbigay ng mga salita na maaaring makatulong sa Pangangalap ng Impormasyon at Pagbuo ng
Bibliyograpiya.

Pangangalap ng
Impormasyon at
Pagbuo ng
Bibliyograpiya

Pangangalap ng Impormasyon at Pagbuo ng Bibliyograpiya

Mahalagang tanong:
Bakit mahalaga na makagamit ng angkop na bibliyograpiya at mabigyan ng
tamang pagkilala ang mga ito sa isang pananaliksik?

Kaalaman !

Alam Mo Ba?

Ang paggawa ng bibliyograpiya ay isang kasanayang susubok sa sipag, tiyaga at katapatan ng isang
mananaliksik. Ang magandang balita sa panahon ngayon ay marami nang web site na tumutulong sa
mga mananaliksik upang gumawa ng kanilang bibliyograpiya. Layunin nilang mapagaan ang gawain ng
mga mananaliksik at mabigyan ng tamang kredito ang pinagmulan ng mga impormasyon. Ang tanging
SHS Learning Module
gagawin na lang ay ilagay ang mahahalagang datos na kakailanganin katulad ng may-akda, pamagat ng
GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Bibliyograpiya

Habang nangangalap ka ng mga datos at impormasyon para sa iyong pananaliksik ay siguruhing inihahanda
mo rin ang bibliyograpiya. Bahagi ng isang pananaliksik o aklat ang bibliyograpiya o talasanggunian. Ito ay
nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula,
programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social media networking site na pinagsanggunian o
pinagkuhanan ng impormasyon. Mahalagang magkaroon ng bibliyograpiya o talasanggunian ang isang pananaliksik
o aklat sapagkat ito ay isa sa mga katibayan ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik o aklat na ginawa.
Ipinakikita nito na ang nilalaman ng pananaliksik aklat ay hindi lamang pansariling opinyon o gawa-gawa ng
mananaliksik kundi mayroon talagang iba't ibang basehan na nagpapatunay ng katumpakan o kune katiyakan ng
mga impormasyong nilalaman nito. Sa pagsulat ng bibliyograpiya o talasanggunian, mahalagang makuha ang
pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat at artikulo, lugar ng publikasyon, tagapaglathala, at taon kung kailan ito
nalathala.

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya Bago mo isulat ang pinal na bibliyograpiya ay gumawa ka

muna ng pansamantalang bibliyograpiya. Ito ang magiging katuwang mo habang isinusulat mo ang iyong
pananaliksik. Ang ganitong sistema ay nakatitipid sa oras at panahon sa paggawa ng pananaliksik. Hindi pa ito ang
pinal sapagkat maaari ka pang magdagdag o magbawas ng sanggunian. Narito ang hakbang sa paggawa ng
pansamantalang bibliyograpiya:

Maghanda ng mga index card na pare-pareho ang laki. Karaniwang 3 x5 pulgada ang ginagamit ng iba.

SHS Learning Module

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Isulat sa mga index card na ito ang mahahalagang impormasyon ng iyong sanggunian. Ang ganitong
paghahanda ay makatutulong para sa paggawa ng pinal na bibliyograpiya.

Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong sanggunian. Maaari itong ilagay
sa isang kahon, folder, o sobre.

May iba't ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

 APA o American Psychological Association

 i MLAo Modern Language Association
 Chicago Manual of Style

Maaaring magbigay ang guro ng paraan na inyong gagamitin sa pagsulat ng bibliyograpiya, o kaya ikaw ang
mamimili ng estilo. Kailangan lamang tandaan na ang anumang estilo ang iyong gamitin sa umpisa ay iyon na rin
ang gagamitin sa kabuoan ng sulatin.

Ang mga hakbang sa pagsulat ng bibliyograpiya gamit ang mga estilong APA at Chicago ay tatalakayin sa araling
ito.

Pagkuha at Pagsasaayos ng mga Tala

Sa panahon ngayon, marami ang mapagkukunan ng mga tala o datos sa pananaliksik. Nariyan ang silid-aklatan na
naglalaman ng maraming aklat, peryodikal, at iba pang babasahín. Nariyan din ang Internet kung saan makakukuha
tayo ng napakaraming impormasyon, bagama’t tulad ng mga paalala sa nakaraang aralin ay dapat maging maingat sa
pagpili ng impormasyon. Hindi biro ang mangalap ng mga tala, isa itong gawaing talaga naming susubok sa sipag,
tiyaga, at pasensiya ng mananaliksik, kaya mahalagang malaman niya kung paano ito gagamitin at isasaayos.
Nararapat na maging maparaan at matapat ang isang mananaliksik, ito ang dalawang pagpapahalagang kailangang
bigyang-halaga at isaloob ng isang mahusay na mananaliksik.

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala, Mga Uri o Anyo ng Tala at Pagsulat ng Pinal na
Bibliyograpiya ay tingnan sa aklat ng Pagbasa at Pagsusuri sa pahina 180-189. Basahin at suriin mabuti ang bawat
halimbawang nakapaloob rito.

PAGPAPALAWAK
Naiwawasto ang mga tala sa bibliyograpiya.
Ang sumusunod ay isasama sa bibliyograpiyang matatagpuan sa katapusan ng pananaliksik.
Pansining may pagkakamali sa pagkakasulat ang mga ito. Gamit ang iyong natutuhan sa
paggamit ng Chicago Manual of Style, iwasto ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagsulat
muli ng mga ito sa mga nakalaang kahon gamit ang Chicago Manual of Style.

1. Bata, Bata . . . Paano Ka Ginawa? Bautista, Lualhati Bautista, Carmelo at Bauerman Printing Corp.,
1988 at ng Cache Publishing House, 1991

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

SHS Learning Module

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

2. Tarog, Jerold “Heneral Luna” Kasama si John Arcilla. Quantum Films. (2015,September 9)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Peralejo, Paula Things to Do in Nuvali Laguna http://www.paulatheexplorer.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Kumuha ng ilang datos at punan ang sumusunod na tatlong notecard o index card. Alalahanin
ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng pansamantalang bibliyograpiya. Ito ay mabuting
simula sa pagsasaayos mo ng mga impormasyon para sa iyong sulating pananaliksik.
Pagkatapos maiwasto at bigyang-puna ang ginawa mong mga notecard o index card ay maaari
mong ipagpatuloy ang iyong pansamantalang bibliyograpiya.

Aklat

____________________________________________________________________________

Interbyu

Radyo o TV

PAGTATAYA
Suriin ang bawat pahayag, lagyan ng tsek ang linya bago ang bilang kung ito ay tama at
ekis kung hindi.

____________1. Kung estilong APA ang gagamitin, nakakulong sa panaklong ang pamagat
kung ang sanggunian ay pahayagan.

____________2. Ginagawan lang ng bibliyograpiya kung ang sanggunian ay aklat o pahayagan.

____________3. Matatagpuan ang bibliyograpiya sa unahang bahagi ng sulating pananaliksik.

____________4. Nakaayos ang mga ito nang paalpabeto ayon sa pamagat ng mga sanggunian.

____________5. Kung dalawa ang may-akda, hindi na isinusulat ang pangalan ng ikalawa.

SHS Learning Module

You might also like