You are on page 1of 41

TEKSTONG DESKRIPTIBO

CAREN T. PACOMIOS, LPT


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA
PANANALIKSIK
Tekstong Deskriptibo
 layuning ilarawan ang mga katangian ng mga
bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya,
paniniwala at iba pa
 ginagamit bilang suporta o pandagdag sa mga
impormasyong inilahad
 maaaring payak ang paglalarawan o kaya’y
malinaw na nakapupukaw sa 5 pandama
Mga halimbawang sulatin
 Mga akdang pampanitikan
 Talaarawan
 Talambuhay
 Polyetong panturismo
 Suring-basa
 Obserbasyon
 Sanaysay
 Rebyu ng pelikula o palabas
Mga Elemento ng
Tekstong Deskriptibo
Dalawang paraan ng paglalarawan:

1. Karaniwang Paglalarawan

2. Masining na Paglalarawan
1. Karaniwang Paglalarawan
 tahasang inilalarawan ang paksa
 binabanggit ang katangian ng paksa gamit
ang pang-uri at pang-abay
 madalas ginagamit sa pananaliksik
 ginagamit sa paglalarawan ng mga kurikulum
at silabus ng mga kurso
1. Karaniwang Paglalarawan
 ginagamit sa pagbuo ng mga misyon a bisyon
ng mga samahan, organisasyon at
institusyon
 ang paglalarawang ito ay hindi sapat upang
lumikha ng malinaw na imahe sa isip ng
mambabasa
2. Masining na Paglalarawan
 malikhain ang paggamit ng wika
 tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy,
ipalasa at ipadama ang isang bagay, o
pangyayari
 ginagamitan ng mga tayutay
2. Masining na Paglalarawan

 binubuhay dito ang imahinasyon ng


mambabasa
 madalas gamitin sa mga tekstong
pampanitikan
Gabay sa Pagbasa ng Tekstong
Deskriptibo
Mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:

 Layunin ng may-akda
 Mga pangunahin at suportang ideya
 Paraan ng paglalarawan
 Impresyong nabuo sa isip
Mga Paalala sa Pagsulat ng Tesktong
Deskriptibo
 alamin ang layunin ng isinusulat
 Pag-isipan kung paano makatutulong ang
paglalarawan bilang karagdagan o suportang
detalye
 Pag-isipan kung aling aspekto ng paksang
inilalarawan ang gagamitan ng payak at
masining na paglalarawan
Mga Paalala sa Pagsulat ng Tesktong
Deskriptibo
 gumamit ng mga wastong salita na
maghahayag ng eksaktong ibig sabihin
 iwasang maging maligoy ang paglalarawan
 Kung payak na paglalarawan, gamitin ang
eksaktong pang-uri o pang-abay gayundin sa
masining na paglalarawan upang mag-iwan ng
malinaw na impresyon
Mga Paalala sa Pagsulat ng Tesktong
Deskriptibo
 Makatutulong ang paggamit ng tayutay
 Maaaring magdagdag ng paglalarawan ng
emosyon
 Siguraduhing organisado, nakasunod sa layuin
ng isinusulat at napili nang mabuti ang
aspekto ng paksang nais bigyang-diin
Referensya Substitusyon

GAMIT NG COHESIVE DEVICES O KOHESYONG


GRAMATIKAL SA PAGSULAT NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO

ellipsis Pang-ugnay
Kohesyong
leksikal
1. REPERENSIYA
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap. Maaari itong maging anapora ( kung
kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o
sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang
panghalip at malalaman at malalaman lang kung sino o ano
ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
2. SUBSTITUSYON

Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa


halip na muling ulitin ang salita
3. ELLIPSIS

May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit


inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa
rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para matukoy
ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
4. PANG-UGNAY

Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng


at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala, at pangungusap sa pangungusap
sa pamamagitan nito
5. KOHESYONG LEKSIKAL

Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang


magkaroon ito ng kohesyon. Maaari ito mauri sa
dalawa
REITERASYON

Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang


ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-uulit
o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-
kahulugan
KOLOKASYON

Mga salitang karaniwang nagagamit nang


magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa
kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din
ang isa.
ILANG TEKSTONG DESKRIPTIBO
BAHAGI NG IBA PANG TEKSTO
PAGLALARAWAN SA TAUHAN

Ang ganitong paglalarawan, bagama’t tama ang


mga detalye ay hindi magmamarka sa isipan at
pandama ng mambabasa.
PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN
O EMOSYON

Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng


paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang
panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang
binibigyang-diin dito’y ang kanyang damdamin o
emosyong taglay.
PAGSASAAD SA AKTUWAL NA NARARANASAN
NG TAUHAN

Maaaninag ng mambabasa mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang


damdamin o emosyong taglay nito.

Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim


na ang kanyang paningin at nanlalamot na ang mga tuhod sa matinding
gutom na nadarama. Dalawang araw na pala nang huling masayaran ng
pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
PAGGAMIT NG DIYALOGO O INIISIP

Maipapakita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming


taglay niya.

Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit sa


pila ng babae ay maaari itong gamitan ng sumusunod na diyalogo;

“Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat
lang na sa hulihan kayo pumila!”
PAGSASAAD SA GINAWA NG TAUHAN

Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan, minsa’y higit pang


nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa
kanyang puso at isipan.

Halimbawa: “Umalis ka na!” ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa


habang tiim-bagang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang
kanina pa nagpupumilit bumalong mula sa kanyang mga mata.
PAGGAMIT NG TAYUTAY O
MATATALINHAGANG PANANALITA

Ang mga tayutay at matatalinhagang pananalita ay hindi lang


nagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog sa tula kundi gayundin
sa prosa.

Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa


kanyang buhay. Maging ang langit ay lumuha sa kalungkutang dulot
ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.
PAGLALARAWAN SA TAGPUAN

Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang


lugar o panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa paraang
makagaganyak sa mga mambabasa.
Maaring ilarawan ang tagpuan sa pamamagitan ng pagkilos ng tauhan
sa kapaligirang ito.
PAGLALARAWAN SA ISANG MAHALAGANG
BAGAY
TEKSTONG NARATIBO
TEKSTONG NARATIBO
- AY PAGSASALAYSAY O PAGKUKUWENTO NG MGA
PANGYAYARI SA ISANG TAO O MGA TAUHAN, NANGYARI SA
ISANG LUGAR AT PANAHON O SA ISANG TAGPUAN NANG
MAY MAAYOS NA PAGKASUNOD-SUNOD MULA SIMULA
HANGGANG WAKAS.

- KADALASANG NAGBIBIGAY ALIW SA MGA


MAMBABASA AT ITO AY KAPUPULUTAN NG MGA GINTONG
ARAL.
IBA’T IBANG URI NG NARATIBO:

* MAIKLING KWENTO
* NOBELA
* KUWENTONG-BAYAN
* MITOLOHIYA
* ALAMAT
* TULANG PASALAYSAY TULAD NG EPIKO,
DULA, MGA KUWENTO NG KABABALAGHAN,
ANEKDOTA, PARABOLA, PABULA, SCIENCE
FICTION AT IBA PA.
IBA’T IBANG PANANAW O PUNTO DE VISTA(POINT OF
VIEW) SA TEKSTONG NARATIBO
1. UNANG PANAUHAN – ISA SA MGA TAUHAN ANG NAGSASALAYSAY NG
MGA BAGAY NA KANYANG NARARANASAN, NAAALALA, O NARIRINIG
KAYA GUMAGAMIT NG PANGHALIP NA AKO.
2. IKALAWANG PANAUHAN – TAUHANG PINAGAGALAW NIYA SA
KWENTO KAYA’T GUMAGAMIT SIYA NG MGA PANGHALIP NA KA O IKAW.
3. IKATLONG PANAUHAN – ISINASALAYSAY NG ISANG TAONG WALANG
RELASYON SA TAUHAN KAYA ANG PANGHALIP NA GINAGAMIT NIYA SA
PAGSASALAYSAY AY SIYA. TATLONG URI NG GANITONG PANANAW:
*MALADIYOS NA PANAUHAN – NABABATID ANG GALAW AT INIISIP NG
TAUHAN, NAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN, INIISIP AT PANINIWALA NG
MGA ITO SA MAMBABASA.
*LIMITADONG PANAUHAN – NABABATID NIYA ANG INIISIP AT
IKINIKILOS NG ISA SA MGA TAUHAN SUBALIT HINDI ANG SA IBA PANG
TAUHAN.
*TAGAPAG-OBSERBANG PANAUHAN – HINDI NAPAPAPASOK O
NABABATID ANG NILALAMAN NG ISIP AT DAMDAMIN NG MGA TAUHAN.
TANGING NAKIKITA O NARIRINIG NIYANG MGA PANGYAYARI, KILOS, O
SINASABI ANG KANYANG ISINASALAYSAY.
4. KOMBINASYONG PANANAW O PANINGIN – IISA ANG
TAGAPAGSALAYSAY KAYA’T IBA’T IBANG PANANAW O PANINGIN ANG
NAGAGAMIT SA PAGSASALAYSAY. KARANIWAN ITONG NANGYAYARI SA
ISANG NOBELA KUNG SAAN ANG MGA PANGYAYARI AY SUMASAKOP SA
MAS MAHABANG PANAHON AT MAS MARAMING TAUHAN ANG
NAIPAKIKILALA SA BAWAT KABANATA.
PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DIYALOGO, SALOOBIN, O
DAMDAMIN SA TEKSTONG NARATIBO

1. DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG – SA GANITONG URI NG


PAGPAPAHAYAG, ANG TAUHAN AY DIREKTA O TUWIRANG NAGSASAAD
O NAGSASABI NG KANYANG DIYALOGO, SALOOBIN, O DAMDAMIN. ITO
AY GINAGAMITAN NG PANIPI. SA GANITONG PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG AY NAGIGING NATURAL AT LALONG LUMULUTANG
ANG KATANGIANG TAGLAY NG TAUHAN.
2. DI DIREKTA O DI TUWIRANG PAGPAPAHAYAG - ANG
TAGAPAGSALAYSAY ANG NAGLALAHAD SA SINABI, INIISIP, O
NARARANDAMAN NG TAUHAN SA GANITONG URI NG PAGPAPAHAYAG.
HINDI NA ITO GINAGAMITAN NG PANIPI.
ELEMENTO NG MGA TEKSTONG NARATIBO
NAGBIBIGAY DAAN SA NAKALILIBANG, NAKAALIW, AT NAKAKAPAGBIBIGAY-
ARAL NA PAGSASALAYSAY.
1. TAUHAN – MAY DALAWANG PARAAN SA PAGPAPAKILALA NG TAUHAN – ANG
EXPOSITORY AT ANG DRAMATIKO.
EXPOSITORY KUNG ANG TAGAPAGSALAYSAY ANG MAGPAPAKITA O
MAGLALARAWAN SA PAGKATAO NG TAUHAN AT DRAMATIKO NAMAN KUNG
KUSANG MABUBUNYAG ANG KARAKTER DAHIL SA KANYANG PAGKILOS O
PAGPAPAHAYAG.
ANG KARANIWANG TAUHAN SA MGA AKDANG NARATIBO AY ANG
SUMUSUNOD:
A. PANGUNAHING TAUHAN
SA PANGUNAHING TAUHAN O BIDA UMIIKOT ANG MGA PANGYAYARI
KUWENTO MULA SIMULA HANGGANG SA KATAPUSAN.
B. KATUNGGALING TAUHAN
ANG KATUNGGALING TAUHAN O KONTRABIDA AY SIYANG
SUMASALUNGAT O KALABAN NG PANGUNAHING TAUHAN. KADALASAN,
NABUBUHAY ANG MGA PANGYAYARI SA KUWENTO AT HIGIT NA
NAGPAPATINGKAD ANG MGA KATANGIAN PANGUNAHING TAUHAN.
C. KASAMANG TAUHAN
GAYA NG IPINAHIHIWATIG NG KATAWAGAN, ANG KASAMANG TAUHAN
AY KARANIWANG KASAMA O KASANGGA NG PANGUNAHING TAUHAN.
PANGUNAHING PAPEL O TUNGKULIN NIYA AY SUMUPORTA, MAGSILBING
HINGAHAN, O KAPALAGAYANG-LOOB NG PANGUNAHING TAUHAN.
D. ANG MAY-AKDA
SINASABING ANG PANGUNAHING TAUHAN AT ANG MAY-AKDA AY LAGI
NANG MAGKASAMA SA KABUOAN NG AKDA.
AYON KAY E.M. FOSTER, ISANG INGLES NA MANUNULAT, MAY
DALAWANG URI NG TAUHAN ANG MAAARING MAKITA SA ISANG
TEKSTONG NARATIBO TULAD NG:

A. TAUHANG BILOG (ROUND CHARACTER) – ISANG TAUHANG MAY


MULTIDIMENSIYONAL O MARAMING SAKLAW ANG PERSONALIDAD.
TULAD NG ISANG TUNAY NA KATAUHAN, NAGBABAGO ANG KANYANG
PANANAW, KATANGIAN, AT DAMDAMIN AYON SA PANGANGAILANGAN.
B. TAUHANG LAPAD (FLAT CHARACTER) – ITO ANG TAUHANG
NAGTATAGLAY NG IISA O DADALWANG KATANGIANG MADALING
MATUKOY O PREDICTABLE. KARANIWANG HINDI NAGBABAGO O NAG-
IIBA ANG KATANGIAN NG TAUHANG LAPAD SA KABUOAN NG
KUWENTO.
2. TAGPUAN AT PANAHON – TUMUTUKOY HINDI LANG SA LUGAR KUNG
SAAN NAGANAP ANG PANGYAYARI SA AKDA KUNDI GAYUNDIN SA
PANAHON (ORAS, PETSA, TAON) AT MAGING SA DAMDAMING UMIIRAL SA
KAPALIGIRAN NANG MAGANAP ANG MGA PANGYAYARI.
3. BANGHAY – ITO ANG TAWAG SA MAAYOS NA DALOY O
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI SA MGA TEKSTONG
NARATIBO UPANG MABIGYANG-LINAW ANG TEMANG TAGLAY NG AKDA.

* PAGKAKAROON NG ISANG EPEKTIBONG SIMULA KUNG SAAN


MAIPAKIKILALA ANG MGA TAUHAN, TAGPUAN, AT TEMA (ORIENTATION
OR INTRODUCTION)
* PAGPAPAKILALA SA SULIRANING IHAHANAP NG KALUTASAN NG
MGA TAUHAN PARTICULAR ANG PANGUNAHING TAUHAN (PROBLEM)
• PAGKAKAROON NG SAGLIT NA KASIGLAHANG HAHANTONG SA
PAGPAPAKITA NG AKSIYONG GAGAWIN NG TAUHAN TUNGO SA PAGLUTAS
SA SULIRANIN (RISING ACTION)
• PATULOY SA PAGTATAAS ANG PANGYAYARING HUMAHANTONG SA ISANG
KASUKDULAN (CLIMAX)
• PABABANG PANGYAYARING HUMAHANTONG SA ISANG RESOLUSYON O
KAKALASAN (FALLING ACTION)
• PAGKAKAROON NG ISANG MAKABULUHANG WAKAS (ENDING)

HINDI LAHAT NG BANGHAY AY SUMUSUNOD SA KUMBENSIYONAL NA


SIMULA-GITNA-WAKAS. MAY MGA AKDANG HINDI SUMUSUNOD SA
GANITONG KALAKARAN AT TINATAWAG NA ANACHRONY O MGA
PAGSASALAYSAY NA HINDI NAKAAYOS SA TAMANG PAGKAKASUNOD-
SUNOD. MAUURI ITO SA TATLO:
a. ANALEPSIS (FLASHBACK) – DITO IPINAPASOK ANG MGA
PANGYAYARING NAGANAP SA NAKALIPAS.
b. PROLEPSIS (FLASH-FORWARD) – DITO NAMA’Y IPINAPASOK ANG
MGA PANGYAYARING MAGAGANAP PA LANG SA HINAHARAP.
c. ELLIPSIS – MAY MGA PUWANG O PATLANG SA PAGKASUNOD-
SUNOD NG MGA PANGYAYARI NA NAGPAPAKITANG MAY BAHAGI
SA PAGSASALAYASAY NA TINANGGAL O HINDI ISINAMA.

4. PAKSA O TEMA – ITO ANG SENTRAL NA IDEYA KUNG SAAN


UMIIKOT ANG MGA PANGYAYARI SA TEKSTONG NARATIBO. DITO
RIN MAHUHUGOT ANG PAGPAPAHALAGA, MAHAHALAGANG ARAL,
AT IBA PA.

You might also like