You are on page 1of 23

Filipino sa Piling Larangan

(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 16

Pagbabahagi ng Produkto ng
Gawaing Akademiko:
Ilang Paraan ng Presentasyon
ng Saliksik Pagkatapos
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga
mag-aaral ang sumusunod:
1.Maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabahagi ng produkto
ng gawaing akademiko;
2.Matukoy ang iba’t ibang kailangang paghahanda bago ang
presentasyon ng saliksik;
3.Maisa-isa ang iba’t ibang paraan ng presentasyon ng saliksik;
4.Matasa ang kalakasan at kahinaan ng iba’t ibang paraan ng
presentasyon ng saliksik; at
5.Makabuo ng isang plano para sa isang presentasyon ng
saliksik.
Mga Paraan ng Pagbabahagi ng mga
Produkto ng Gawaing Akademiko

Ang pagsulat ay isa lamang paraan ng


pagbabahagi sa maraming tao ng bunga ng
gawaing akademiko. Ang isa pang paraan ay sa
pamamagitan ng oral na presentasyon o
presentasyong pabigkas.
Mga Paraan ng Pagbabahagi ng mga Produkto ng Gawaing
Akademiko

Ang totoo, sa maraming pagkakataon, higit pang


nakararating sa mas maraming tao ang oral na
presentasyon ng resulta ng mga pananaliksik o pag-
aaral kaysa sa nakasulat nitong bersiyon. Madalas
kasing mas maraming naaabot sa isang pagkakataon o
okasyon ang oral na presentasyon kaysa sa
nakalimbag nitong bersiyon. At ang oral na
presentasyong ito na lang ang nagiging batayan kung
mahusay o hindi ang isang pananaliksik.
Mga Paraan ng Pagbabahagi ng mga Produkto ng Gawaing
Akademiko

Ang isang mahusay na nakasulat na pananaliksik ay


dapat lang na matapatan ng isang mahusay na
presentasyon kung mayroon ngang pagkakataon na
maibahagi ito sa isang grupo ng tao o sa publiko. Sa
dami ng pamamaraan ngayon sa paggawa ng
presentasyon, may pagkakataon pa ngang ang isang
mahinang pananaliksik ay pinagtatakpan sa
pamamagitan ng paghahanda ng isang magarbong
presentasyon.
Mga Paraan ng Pagbabahagi ng mga Produkto
ng Gawaing Akademiko
Halimbawa nito ang paggamit ng iba’t ibang biswal na materyal
tulad ng mga larawan, video sa Internet, o clip sa pelikula para
magmukhang makapal ang isang manipis na report. Maaaring
magtagumpay ang ganitong taktika sa ilang di mapanuring
manonood, pero para sa kritikal na tagapakinig, madali silang
makakahalata’t hindi malilinlang ng may palamuting presentasyon.
Ang idinidiin dito, ang isang malaman at makabuluhang
pananaliksik pa rin ang pundasyon ng isang mahusay na
presentasyon. Sa kabilang banda, kailangan ding paghandaan at
pag- isipang mabuti ang presentasyon upang mapatingkad ang
bunga ng pananaliksik.
Mga Paraan ng Pagbabahagi ng mga Produkto ng
Gawaing Akademiko

Bago ang mismong presentasyon, mahalagang


matiyak at mapaghandaan ang layunin, manonood,
iskrip, at audio-visual material.
LAYUNIN
Bago maghanda ng mga gagamitin sa presentasyon,
kailangang tiyakin muna ang layunin ng presentasyon.
Maaaring ito ay sariling layunin ng presentor o layuning
ibinigay lamang sa kaniya. Bagaman ang pangkalahatang
layunin ay ibahagi ang resulta ng pananaliksik, maaaring
ang hinihingi ay isang maliit na parte lamang ng kabuuang
resulta nito. Karaniwan ay limitado ang panahon ng
presentasyon kaya mahalaga na sa maikling panahong
nakalaan ay matamo ang pakay ng presentasyon.
LAYUNIN
Ilan sa posibleng layunin ng presentasyon ay ang
sumusunod:
1. magdagdag sa kaalaman ng tagapakinig tungkol sa paksa
ng pananaliksik,
2. mag-ulat tungkol sa progreso ng pananaliksik,
3. manghikayat na tanggapin ang resulta ng pananaliksik,
4. magmungkahi ng iba pang direksiyon sa pagsisiyasat
tungkol sa paksa, at
5. mag-udyok ng isang partikular na aksiyon mula sa
tagapakinig.
MANONOOD

Kilalanin kung sino ang makikinig ang presentasyon. Ang


nilalaman, paraan, haba, at bilis ng presentasyon ay
nakabatay nang malaki sa manonood. Ilan sa maaaring
isaalang-alang tungkol sa manonood ang sumusunod:
1. Antas ng edukasyon
2. Kaalaman tungkol sa paksa ng presentasyon
3. Edad
4. Uri, lahi at etnisidad, kasarian
5. Ekspektasyon sa presentasyon
MANONOOD

Sa pagsasabing dapat isaalang-alang ang mga salik na


ito tungkol sa manonood, inaasahan na iaangkop ang
nilalaman at paraan ng presentasyon sa mga katangian
ng manonood. Mahalaga na makabuo ng isang maayos,
kaaya-aya, at may tiwala at may respetong ugnayan sa
pagitan ng presentor at manonood. Pangunahing batayan
ng ganitong ugnayan ang pagsisikap na kilalanin ng
presentor ang kaniyang tagapakinig.
ISKRIP
Iba ang nakaulat na saliksik, report, o papel sa
mismong bibigkasin sa presentasyon. Magkaiba ang
estilo ng pagsusulat at pagbigkas sa pagbabasa at
pakikinig. Sadyang nakababagot para sa manonood ang
makinig lamang ng pagbabasa ng isang mahabang
papel. Kaya naman, kailangang maghanda pa ng iskrip
batay sa nakasulat na saliksik o papel.
ISKRIP

Ilan sa patnubay na maaaring isaalang-alang ang sumusunod:

1. Pumili lamang ng apat hanggang limang pangunahing ideya na


ipepresenta sa manonood.
2. Sikaping sulating-muli ang mga pangunahing ideya mula sa saliksik
sa paraan o estilong madaling maintindihan at madaling tandaan.
3. Lumikha ng mnemonic device. Isang halimbawa nito ang BRAT diet
para sa may maselang kondisyon sa tiyan. Ang diet ay binubuo ng
bababa, rice, apple, at toast. Sikapin bumuo ng katulad nito sa Filipino
para katawanin ang mahahalang konsepto o ideya ng presentasyon
ISKRIP
4. Sa umpisa pa lang ay ipaliwanag na ang magiging daloy
ng presentasyon. Lumikha ng mapang mental sa manonood
para mailugar nila ang mga napapakinggan nila
impormasyon o ideya habang nagsasalita ang presentor.
5. Gumamit ng naratibo. Maaaring magkuwento sa umpisa
ng presentasyon para makuha agad ang atensiyon ng
manonood. Maaaring sa gitna ng presentasyon para
maputol ang isang pormal at seryong paglalahad. Maaaring
sa katapusan ng presentasyon para mapatingkad ang nais
ipaunawa sa tagapakinig.
ISKRIP

6. Gumamit ng angkop na audio-visual na materyal.


Maraming iba’t ibang uri ng audio-visual na materyal. May
tradisyonal at makabago. Sigurado, makalipas lang ang ilang
taon, ang itinuturing na makabago ngayon ay magiging lipas
na. Hindi laging mas mabuti ang makabago kaya kailangang
matutuhan din ang paggamit kahit ng itinuturing na luma
nang paraan. Nasa hanayan ang katangian, mungkahi sa
paggamit, kalakasan, at kahinaan ng iba’t ibang audio-visual
na materyal.
Audio-visual Katangian/ Kalakasan Kahinaan
na Materyal Mungkahi
Blackboard/ • Pagsulat ng • Karaniwang • Mahirap
whiteboard at notes o mga tala mayroon nito sa gamitin sa
chalk/ marker sa blackboard o maraming malalaking lugar •
whiteboard gamit klasrum Kailangang
ang chalk o • Nakapagtatala mabilis sumulat
marker ng mga ideya ang ang presentor
• Planuhin ang manonood • Nahahati ang
pagsulat ng mga kasabay ng atensiyon ng
tala para maayos presentor presentor sa
ang layout nito sa pagsasalita at
blackboard/ pagsulat
whiteboard
• Maghanda ng
ekstrang pansulat
Audio-visual Katangian/ Kalakasan Kahinaan
na Materyal Mungkahi
Handouts Paghahanda ng • May maiuuwing • Magastos
naka-mimeograph materyal ang • Maaaring kulang
o naka-photocopy manonood at ang kopya
na materyal puwede nilang • May tendensiyang
• Ilagay lamang ibahagi basahin na lang ang
ang balangkas, • Maaaring handouts kaysa
tsart, teybol, at iba sulatan ng dagdag makinig
pang ilustrasyon; na tala manonood • Posible ring hindi na
huwag ilagay sa makinig dahil may
handouts ang handouts naman
buong
presentasyon o
buong papel
Audio-visual Katangian/ Kalakasan Kahinaan
na Materyal Mungkahi
Props • Paghahanda • Makatotohanan • Kung malaki ang
ng mga bagay o awtentiko ang lugar, maaaring
(ginawa o materyal hindi makita ang
awtentiko) • Maaaring ipasa bagay
at mahawakan ng • Maaaring
manonood mawala ang bagay
• Maaaring
kailanganin ang
pagtulong ng isang
kasama para
magdala ng mga
bagay
Audio-visual Katangian/ Kalakasan Kahinaan
na Materyal Mungkahi
Overhead • Paggamit ng • Maaaring ito • Maaari ring hindi na
Projector overhead ang mayroon sa gumagamit nito lalo
projector at halip na LCD sa mga makabagong
transparencies projector na mas lugar; sa halip, LCD
huling lumitaw projector na ang
• Hindi kailangan kagamitan
ng computer • Magastos ang
• Maaaring i- transparency at
project sa paglilipat ng teksto
malaking screen ditto
kaya madaling • Kung minsan say
makita ng marami nagdidikit- dikit ang
mga transparency
• Nakadepende ang
paggamit nito sa
elektrisidad
Audio-visual Katangian/ Kalakasan Kahinaan
na Materyal Mungkahi
LCD Projector Paggamit ng LCD • Madaling makita ng • Maaaring
Projector at marami walang
computer na • Maraming puwedeng kagamitan sa
naglalaman ng slide gawin sa computer para ibang lugar
show presentation • gawing mabisa ang • Nakadepende
Iwasan ang presentasyon sa computer
napakaraming slides • Maaari maglakip ng • Nakadepende
• Alalahaning video clips sa elektrisidad
pantulong lamang • Madaling magdagdag
ito at kung gayon, o magrebisa
kailangan pa ring • Maaaring ibahagi ang
maitampok ang soft copy ng
mismong paliwanag presentasyon
o iskrip ng presentor
Audio-visual Katangian/ Kalakasan Kahinaan
na Materyal Mungkahi
CD Player Paggamit ng CD • Madaling • Kung minsan ay
player at mga CD makakuha ng nagkakaroon ng
• Tiyaking atensiyon ang problema sa
nakahanda na ang napapakinggang kagamitan •
mga kagamitan at materyal Maaaring mas
materyal at naka- mabisa kung
cue na sa bukod sa may
eksaktong bahagi napapakinggan ay
ang CD may nakikita rin
silang biswal na
material
• Maaaring
kailangan ng
kasama o
technician
Audio-visual Katangian/ Kalakasan Kahinaan
na Materyal Mungkahi
Film/Video • Paggamit at • Madaling • Kailangang
pagpapanood ng makakuha ng padilimin ang lugar at
video sa atensiyon ang dahil dito, maaaring
pamamagitan ng napapanood hindi makapagsulat
iba’t ibang format na materyal ang manonood
(DVD, video clip, • Makain sa oras ng
video recording, at presentasyon
iba pa) • Kung minsan ay
• Tiyaking nagkakaroon ng
nakahanda na ang problema sa
mga kagamitan at kagamitan
materyal at naka- • Maaaring kailangan
cue na sa ng kasama o
eksaktong bahagi technician
ang video

You might also like