You are on page 1of 11

Kabanata VI: Pagsulat, Pag-Uulat at Paglalathala

ng Pananaliksik

Pasalitang Ulat o
Presentasyon

Tagapag-ulat: KHEYA S. RAMOS


Ang pananaliksik ay hindi lamang isang
proseson ng pangangalap at pagtatala ng mga
datos at impormasyon tungo sa kalutasan ng
isang suliranin. Nakapaloob din sa prosesong
ito ang pag-uulat ng mga nakalap na datos at
impormasyon. Ito ang dahilan kung bakit isang
esensyal na pangangailangan ng pananaliksik
ang kumplesyon ng isang papel-
pampananaliksik tulad ng pamanahong papel.
Ito ang pasulat na pag-uulat o presentasyon ng
mga tuklas na impormasyon o datos sa
isinagawang akademikong pananaliksik.
Mga dahilan kung bakit
kailangang isagawa ang
pasalitang presentasyon.
Ilan sa mga layunin nito
ay ang sumusunod;
1. Matiyak ang relayabiliti ng mga datos o impormasyong nakalap ng mga
mananaliksik,
2. Matiyak ang baliditi ng pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik sa
pangangalap ng mga datos at ang kawastuhan ng interpretasyong kanilang
inilapat sa mga datos,
3. Matiyak ang masteri ng bawat mananaliksik sa saklaw at nilalaman ng
paksang sinaliksik,
4. Malapatan ng independiyenteng kritisismo ang presentasyon (pasulat at
pasalita) ng pamanahong papel.
5. Maebalweyt ang halaga at mga merito ng pamanahong papel, at
6. Makapaglahad ng mga mungkahi tungo sa posibleng pagpapabuti ng
isinagawang pananaliksik at isinulat na pamanahong papel.
Kailangang isaisip at isagawa
ng isa o pangkat ng mga
mananaliksik ang sumusunod
na tagubilin tungo sa
matagumpay na pasalitang
presentasyon ng pamanahong
papel:
1. Paghahanda. Kahandaan ang isa sa mga susi ng matagumpay na pasalitang
presentasyon. Ang sapat na kahandaan o ang kahulugan o kawalan nito ay makikita
sa kabuuan ng presentasyon, mula simula hanggang wakas. Samakatwid,
kailangang maging maayos at balance ang paghahati-hati ng mga paksang
tatalakayin ng bawat miyembro ng pangkat nang maging malinaw at tiyak ang
saklaw at limitasyon ng paghahandang gagawin ng bawat isa.
2. Bago ang Aktwal na Presentsayon. Dapat na dumating ng mas maaga sa aktwal
na presentasyon ng pamanahong papel. Hangga’t maaari, isang oras bago ang
takdang oras. Kailangan ito upang maihanda ang lahat ng mga kagamitang
kakailanaganin ng pangkat at matiyak kung ang bawat miyembro ay handing-
handa na sa itinakdang Gawain.
3. Sa Aktwal na Presenstasyon. Magsimula sa oras. Hindi magandang impresyon sa
mga panelist ang pagkakaantala ng presentasyon.
Magbihis ng naaayon sa
okasyon. Business attire ang
iminumungkahing kasuotan.
Pansinin ang mga kasunod na
larawan ng mga
iminumungkahing angkop at
‘di angkop na kasuotan:
• Tiyaking magiging malinaw, tiyak, malakas at wasto ang tinig at bigkas sa
presentasyon. Tiyaking malinaw na maririnig ng lahat, lalong-lalo na ang mga
paneslist, ang inyong tinig.
• Iwasan ang mga maliligoy at matatalinghagang pahayag na hindi angkop sa
ganitong gawain.
• Magpakita ng tiwala sa sarili. Hangga’t maaari, iwasan ang mga nakadidistrak
na mannerism at labis na paggamit ng mga pahayag na walang tiyak na
kahulugan tulad ng ahhh…, bale…, …ng ano at iba pa. Iwasan din ang paggamit
ng mga bulgar, balbal at maging mga kolokyal na salitang may kagaspangan.
• Tiyaking maayos ang daloy ng presentasyon. Tiyaking lohikal ang presentasyon,
hindi padampot-dampot. Iwasan din ang mahahabang gap na makasisira sa
momentum ng presentasyon.
• Iwasan ang pagsasalita nang sabay-sabay. Maaari kayong mag-asayn ng lider o
pasiliteytor ng pangkat para sa layuning nabanggit nang hindi mamanipuleyt ng
isa o ilan ang talakayan.
Sa pagsagot ng mga taong ng panelist, kailangang maging magalang,
mapagpakumbaba at tuwiran. Kung sino ang tinatanong, siya ang dapat
sumagot. Kung may ibang nais magsalita, humingi ng pahintulot sa mga
panelist. Iwasan ang pagbibigay ng sagot na hindi tiyak, maligoy o
sumasalungat sa mga datos o impormasyong nakalap. Iwasan din ang
pagbibigay ng mga opinion, prediksyon o ispekulasyon, maging ng mga datos
o impormasyong hindi naman nailahad sa pamanahong papel.
Huwag na huwag ding makipagtalo sa mga panelist. Maging reseptib sa
kanilang mga ideya at rekomendasyon.
Sa pagwawakas ng presentasyon, pasalamatan ang panelist sa kanilang oras at
mahahalagang input. Hangga’t maaari, bigyan sila ng token of appreciation.
Karamihan, kung hindi man lahat ng tinalakay na tagubilin, ay maiaaplay o
magagamit kung ang resulta ng pananaliksik ay ilalahad sa isang
komperensya, kolukyom, o mga katulad ng pagtitipon.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like