You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Schools Division of Nueva Ecija
RESTITUTO B. PERIA NATIONAL HIGH SCHOOL
Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


FILIPINO SA PILING LARANG AKDEMIK

NAME:__________________________________ SCORE:______________
SECTION:________________________________

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

_____1. Ang siyensiya ay ang proseso ng pagtamo ng kaalaman base sa obserbasyon, pagkalap
ng datos at pag-aanalisa. Sa punto naman ng makrong kasanayan na kung saan, ang mag-
aaral ay magkakaroon ng pagkakataon na maipakita ang kanyang kakayahan na makalimbag
ng mga kaalaman, impormasyon, at mga datos na binubuo ng titik at simbolo upang makabuo
ng isang mahusay na pahayag.
a. makrong kasanayang pagbasa b. makrong kasanayang pagsulat
c. makrong kasanayang pagsasalita d. makrong kasanayang pakikinig

_____2. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pananaliksik?


a. Obhetibo b. masuri c. dokumentado d. lahat ng nabanggit

_____3. Ang mga sumusunod ay layunin ng pananaliksik maliban sa _____.


a. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
b. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
c. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
d. Magbigay ng personal na perspektibo para sa isang senaryo.

_____4. Ito ang tawag sa indibidwal na magsasagawa ng isang pananaliksik.


a. manunulat b. manlilimbag c. mananaliksik d. mamahayag

_____5. Alin sa mga sumusunod ang tamang katangian ng mananaliksik?


a.matiyaga, sistematiko, analitikal, at matapat
b. maparaan, sistematiko, mapagkiling, at matiyaga
c. responsable, padalos-dalos, matiyaga, at matapat
d. maingat, kritikal, mabagal, at maparaan

_____6. Ito ay teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng


gawa ng iba nang walang pagkilala.
a. copyright b. plagiarism c. citation d. reference

_____7. Ang mata, tainga at bibig ay kabilang sa mukha, samantalang ang kamay ay hindi.
Alin sa mga sumusunod na pahayag naman ang hindi kabilang sa mga uri ng pagsulat?
a. tumutukoy sa malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa
b. tumatalakay sa malaya at magaan na pagtalakay sa paksa
c. tumutukoy sa nilalaman ng aralin
d. tumatalakay sa ugnayan, malaya, at magaan na pagtalakay sa paksa

_____8. Ayon sa mga siyentipiko, ito ay ginagamitan ng matalino na pag-iisip at tumatalakay sa


mga paksang may layuning makapagbigay ng katotohanan, ebidensya, wasto at may malinaw
na layunin sa paksa na siyang nagbibigay kabatiran sa masusing pag-aaral, pagsisiyasat, at
pananaliksik.
a. pananaliksik b. katawan o nilalaman ng sulatin
c. akademikong pagsulat d.titulo o pamagat

_____9. Si Jannet ang SK Chairwoman ng kanilang Barangay. Nais niyang bumuo ng isang
proyektong makatutulong sa kanyang mga nasasakupan. Batid niyang may pera sa
pagbebenta ng “bottle water” Alin sa mga sumusunod ang tamang katawagan sa kanyang
balakin?
a. Panukalang Proyekto b. May pera sa “water bottle”
c.“Pangkaagapay” d. “Tulong sa nangangailangan

_____10. Sa pagkuha ng porsiyento sa dami ng populasyon ng Pilipinas, ginagamitan ito ng


pormula. Tukuyin kung alin sa sumusunod na pahayag, ang tamang ayos o pormula ng
pagkakasunod-sunod sa pagbuo ng panukalang proyekto.
a. pamagat, nagpadala, petsa, suliranin, layunin, plano, badyet, kapakinabangan
b. pamagat, nagpadala, petsa, layunin, suliranin, plano, badyet, kapakinabangan
c. nagpadala, layunin, petsa, suliranin, plano, badyet, kapakinabangan, pamagat
d. nagpadala, layunin, petsa, suliranin, badyet, plano, kapakinabangan, pamagat

_____11. Ito ay mga salitang bahagi ng wikang Filipino na kinuha sa wikang dayuhan katulad na
lamang ng Ingles, Kastila, at iba pa.
a. hiram na salita b. inutang na salita c. inangkin na salita d. B & C

_____12. Kung ang isang proyekto ay naging matagumpay, ito’y nagpapahiwatig na;
a. nagamit nang maayos ang nakalang badyet
b. nagustuhan ng mga tao ang proyekto
c. natugunan ang layunin at pangangailangan nito
d. natapos sa takdang panahon ang proyekto

_____13. Ang isang grupo o Samahan tulad ng “Samahan ng Dalubhasaan sa Filipino”


(SADAFI) ay marapat lamang na magtalaga ng isang kalihim na siyang magtatala ng mga
mahahalagang napag-usapan sa pulong at ito’y tinatawag na katitikan. Alin sa sumusunod
ang dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong?
a. inihanda ang katitikan ng pulong para sa pamimigay ng kopya sa mga dumalo at liban
b.isulat ang mahahalagang impormasyon na pinag-usapan sa pulong
c. itala ang mga dumalo at liban
d. itala ang mga nagpagkasunduan

_____14. Naglalaman ito ng pangalan ng kompanya, lokasyon, at telepono.


a. heading b. pabalita c. katitikan d. lagda

_____15. Sa bahaging ito ay mahalagang mailagay ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan
ng pulong at kung kailan ito naipasa.
a. katitikan b. usaping napagkasunduan c. lagda d. agenda
_____16. Sa paggawa ng eksperimento, kailangang tumuklas, at magbasa ukol kung paano
magtatagumpay ang isang gawain kaya’t tumutukoy ito sa impormasyon na kung saan galing
ang datos, petsa, at naglimbag. Tumutukoy rin sa pinanggalingang intelektwal na pagmamay-
ari ng sumulat.
a. pormal b. di-pormal c. copyright d. plagiarism

_____17. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng


mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan.
a. wika b. salita c. komunikasyon d. diskurso

_____18. Bumuo ng isang sulatin ukol sa napapanahong pandemiya at malawakang


pagbabakuna na isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o
kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
a. talambuhay b. sanaysay c. Posisyong papel d. Editorial

_____19. Sa pagsulat ng isang posisyong papel, ito ay mayroong balangkas na sinusunod. Piliin
ang titik ng tamang pagkakasunod-sunod batay sa balangkas ng posisyong papel.
a. panimula, kongklusyon, katawan b. kongklusyon, panimula, katawan
c. panimula, katawan, kongklusyon d. katawan, panimula, kongklusyon

_____20. Sa pagsulat pa lamang nito, kailangang mailahad nang maayos ang paksa at ang
katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa
nasabing posisyon.
a. katawan b. wakas c. kongklusyon d. panimula

_____21. Sa kasalukuyang panahon ng pandemik, maraming isyu ang lumalabas tulad ng isyu
sa bakuna, halaga ng facemask na binili ng gobyerno, protocols at marami pang iba. Paano
natin mapaniniwalaan ang mga isyung ito.
a. kung mayroong ebidensya b. kung mayroong layunin
c. kung mayroong panimula d. wala sa nabanggit

_____22. Isa ang Barangay Sta. Rosa sa may maraming bilang ng kabataan na walang
hanapbuhay, kung kaya isa sa nais maisakatuparan na proyekto ay ang seminar-workshop na
may kinalaman sa pagnenegosyo na ang layunin ay mabigyan ng kaalaman ang kabataan at
magamit nila ito sa hinaharap. Sa aling bahagi ito ng panukalang proyekto?
a. Pagpapahayag ng suliranin b. Plano na dapat gawin
c. Nagpadala d. Paano mapakinabangan ng pamayanan

_____23. Sa aling bahagi ng Panukalang Proyekto ang mga sumusunod: (1) 5,000 para sa
tagapagsalita; (2) 5,000 para sa pagkain; (3) 5,000 para sa kagamitan.
a. Layunin b. Plano na dapat gawin c. Badyet d. Petsa

_____24. Basahin at unawain ang isang halimbawa ng Replektibong Sanaysay. “Ang


Coronavirus disease (covid-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.
Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng impeksiyong ito ay nakararanas ng hindi malalang
sintomas at gumagaling. Nguni’t ang iba ay nakararanas ng malubhang sakit lalo’t higit ang
mga matatanda at dating may karamdaman. Kaya ugaliing maging maingat sa lahat ng oras.”
Kung ikaw ay lilikha ng paksa sa nabasang replektibong sanaysay sa itaas, ano ito?
a.Sanhi ng Covid-19 b. Coronoavirus c. Epekto ng Covid-19 d.Mag-iingat sa Covid-
19
_____25. Bumuo ng kongklusyon batay sa binasang replektibong sanaysay.
a.Ang coronavirus disease ay isang epidemiya
b. Ang coronavirus disease ay isang uri ng sakit
c. Ang coronavirus disease ay isang nakatatakot na sakit
d. Ang coronavirus disease ay iniiwasan ng lahat

_____26. Mahalagang unawain at pahalagahan ang panukalang proyekto upang _______.


a. Makuha ang bahagdan ng mga taong makikinabang sa proyekto
b. Maitala ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga gawain sa pagsasakatuparan ng proyekto
c. Matiyak ang pangangailangan at ito ay matugunan
d. Makalkula ang mga gugulin o gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.

_____27. Ang mga sumusunod ay mahalagang masunod sa pagsulat ng posisyong papel maliban
sa isa.
a. Nakabatay sa pananaliksik at may matibay na ebidensiya
b. Organisado, malikhain at ginamitan ng mga salitang nanghihikayat
c. Nakasusulat batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
d. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel

_____28. Dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura, labis na pagsira sa kagubatan


na mayroong malaking epekto sa ating kalikasan. Alin sa sumusunod ang gamit sa
akademikong pagsulat?
a. Sanhi at Bunga b. Paghahambing at pagtatambis
c. Kalakasan at kahinaan d. Problema at solusyon

_____29. Sa nagdaang dalawang taong pandemiya dahil sa Covid-19 virus, marami ang
nagkasakit at nawalan ng minamahal sa buhay. Dahil dito nagsiyasat ang mga siyentipiko ng
lunas na bakuna ukol sa pagpigil ng pagkalat ng virus. Alin sa sumusunod ang tumatalakay sa
akademikong pagsulat?
a. Sanhi at Bunga b. Paghahambing at pagtatambis
c. Kalakasan at kahinaan d. Problema at solusyon

_____30. Ayon sa DOH ang epikasi ng bakuna na Aztrazenica ay 70.4% at ang Sinovac ay 65 to
91%. Noong Enero 2022, 4.9% ang aktibong kaso. Ano ang gamit sa akademikong pagsulat ang
tinutukoy sa pahayag?
a. Sanhi at Bunga b. Paghahambing at pagtatambis
c. Kalakasan at kahinaan d. Problema at solusyon

_____31. Ayon sa Covid-19.sscgov.org, may posibilidad na maging mas banayad sa mga bata
kumpara sa matatanda ang covid-19. Maaari itong magdulot ng matinding sakit sa mga bata at
sanhi ng pagkaospital dahil dito, pagkatapos mabakunahan ang ilang priority list inihain ng
ehnsiya na maisunod ang mga bata sa bakunahan gayong may epekto ito sa kalusugan.
a. Sanhi at Bunga b. Paghahambing at pagtatambis
c. Kalakasan at kahinaan d. Problema at solusyon

_____32. Ayon sa Covid-19.sscgov.org sa isang blog, ang bakunahan sa bata ay nagkaroon ng


kaso tulad ng myocarditis at pericanditis ay naisulat pagkatapos ng Pfizer-biantech na
pagbabakuna sa Covid-19 sa mga batang may edad 1217 taong gulang. Ang mga reaksiyon ay
bihira at panganib pagkatapos ng bawat milyong dosis na naipamigay, limapu’t apat (54) na
kaso lamang ang naitala. Ano ang akademikong sulatin na maituturing sa pahayag?
a. Replektibo b. Posisyong Papel c. Panukalang proyekto d.Lakbay-
sanaysay

_____33. Ayon sa Ortorio (2021) malapit sa tatlong milyong mga datos ng bakunang Pfizer-
biotech ay naipamigay sa grupo ng edad na ito. Alin ang katangian ng posisyong papel ang
ginamit sa pahayag.
a. Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu
b. Nakabatay sa facts na nagbibigay ng matibay na pundasyon
c. Gumamit ng sanggunian
d. Kalakasan at kahinaan

_____34. Ayon sa survey na ginawa kamakailan ng Pulse Asia 485 ng mga Pilipino ay kumukuha
ng balita sa internet. Sa hiwalay na survey na ginawa ng SWS lumabas na 67% ang gumagamit
ng internet ay naniniwala na lganap ang fake news sa mga social media platforms na tulad ng
Facebook at Youtube. Alin sa katangian ang nangingibabaw sa pahayag?
a. Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu
b. Nakabatay sa facts na nagbibigay ng matibay na pundasyon
c. Gumamit ng sanggunian
d. Kalakasan at kahinaan

_____35. Ayon kay Albert Moreno, isa sa mga resort owner sa Batangas masigla ang turismo lalo
na kapag weekend. Maraming turista ang dumarating sa nasabing lugar. Malayo sa dating
1,500 kada araw dahil 300-400 na lamang na local ang bumibisita. Gaano ang ibinabang bilang
ng turista ang nawala sa lugar dahil sa pandemiya?
a. 1,100 b. 1200-1300 c. 1300-1400 d. 1400-1500

_____36. Ito ay uri ng pagsulat na tumutuloy sa mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan
ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa.
a. pormal b. di-pormal c. kumbinasyon d. A & B

_____37. Ito ay anyo ng layunin ng pagsususlat na nagpapahayag ng opinion or argumentong


pumapanig or sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. pangangatwiran d. paglalarawan

_____38. Ito ay anyo ng layunin ng pagsusulat na nakapokus sa kronolohikal o pagkakasunod-


sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na naganap.
a. pagsasalaysay b. paglalahad c. pangangatwiran d. paglalarawan

_____39. Alin sa mga sumusunod ang tamang proseso ng pagsulat?


a. Pagtatanong at pag-uusisa, pala-palagay, inisyal na pagtangka, pagsulat ng unang
borador, pagpapakinis ng papel, pinal na papel
b. Inisyal na pagtangka, pagtatanong at pag-uusisa, pagsulat ng unang borador,
pagpapakinis ng papel, pinal na papel
c. Pagsulat ng unang borador, pagtatanong at pag-uusisa, inisyal na pagtangka,
pagpapakinis ng papel, pinal na papel.
d. Inisyal na pagtangka, pagtatanong at pag-uusisa, pagsulat ng unang borador,
pagpapakinis ng papel, pinal na papel.

_____40. Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi. Alin sa mga
sumusunod ang apat na bahagi ng teksto.
a. Pamagat, introduksyon, katawan, at konklusyon b. Pamagat, introduksyon,
klaymaks, at resolusyon
c. Titulo, introduksyon, katawan, at sinopsis d. Titulo, introduksyon, katawan, sinopsis
_____41. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng salitang teknikal o siyentipiko?
a. Enzyme b. Vertigo c. Cañao d. x-ray

_____42. Alin sa mga sumusunod ang mali ang pagagmit ng Filiino bilang panumbas sa mga
salitang banyaga?
a.attitude – saloobin b. rule – panuto c. ability – kakayahan d.wholesale – pakyawan

_____43. Alin sa mga sumusunod ang maling pagbaybay sa Filipino sa mga hiram na salita?
a. centipetal – sentripetal b. commercial – komersyal
c. radical – radikal d.advertising- advertaysing

_____44. Alin sa mga sumusunod ang katumbas sa Filipino ng salitang charger?


a. magpaparatang b. gugo c. kuwaderno d. guryon

_____45. Ang salitang pasimada ay nangangahulugan ng _____ sa wikang Ingles.


a. incubator b. shower c. toothpaste d. laptop

_____46. Ang presas ay isang uri ng prutas. Ano ang tawag sa prutas na ito gamit ang wikang
Ingles?
a. mulberry b. peaches c. cherry d. strawberry

_____47. Ibigay ang katumbas sa Tagalog ng kulay na pink?


a. kunig b. puraw c. mabaya d. kalimbahin

_____48. Ano sa Tagalog ang hiram na salita na imagery?


a. haraya b. bana c. inam d. gahum

_____49. Ibigay ang katumbas sa Filipino ng hiram na salita na draft.


a. ligador b. burador c. agamahan d. bagwis

_____50. Ibigay ang katumbas sa wikang Ingles ng salitang kwaderno.


a. picture b. power bank c. fridge d. notebook

GOODLUCK AND GOD BLESS!!!

PREPARED BY:

DONA V. AGUSTIN
SHS TEACHER II

CHECKED BY: NOTED BY:

LEONORA F. MALVAROSA BELINDA M. BALDEDARA


HEAD TEACHER III SCHOOL PRINCIPAL II

You might also like