You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
Maria Aurora East District
ELISEO C. RONQUILLO SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO SA PILING LARANG


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

I. Panuto: Ang sumusunod na mga pahayag ay nagsasaad ng mga dapat tandaan sa pagsulat ng
isang Katitikan ng Pulong. Isulat ang BP kung ito ay isinasagawa Bago ang Pulong, HP naman
kung Habang isinasagawa ang Pulong, at PP kung Pagkatapos ng Pulong.

1. Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.


2. Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
3. Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
4. Gawin o buoin ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos ng pulong.
5. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng
pulong.
6. Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lasgdaan ito ng bawat isa.
7. Itala at bigyang pansin ang mga mosyon na pagbobotohan o pagdedesisyunan.
8. Basahin muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling
pagwawasto nito.
9. Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
10. Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy kung
sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.

II. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawan sa bawat pangungusap.

Petsa Badyet
Nagpadala Pakinaang/benepisyo
Layunin Pagpapahayag ng suliranin
Plano ng dapat Gawin Pamagat
11. Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
12. Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
13. Araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang tinatayang
panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
14. Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
15. Ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.
16. Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
17. ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benipisyong makukuha mula rito.
18. Dito makikita ang talaan ng pagkakasusunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
III.
19. Ito ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkasunod-sunod
na pangyayari, maipaliwanag ang isang konsepto o magpahayag ng damdamin.
a. lakbay sanaysay c. Larawang Sanaysay
b. Relektibong sanaysay d. posisyong papel
20.Isa ito sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng isang manunulat sapagkat ito ang magiging
tema ng kanyang akda.
a. kita b.pamilya c. kariktan d. paksa
21.Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI WASTO ang pagkalikha ngnakalarawang
sanaysay?
a. Ang manlilikha ay maaring gumamit ng mga salita ngunit maikli lamang.
b. Ang manlilikha ay hindi pwedeng gumamit ng mga salita pawang larawan lamang.
c. Kinakailangan na magsaliksik ang manlilikha kung magiging intereresado ba ang
kanyang mambabasa na pinili niyang paksa.
d. Dapat sa paglikha ng nakalarawang sanaysay ay mayroong layunin ang manlilikha; kung
para saan ito at para kanino ito
22. Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang ng isang manunulat. Maliban sa isa.
a. Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa
b. Dapat may kaisahan ang mga larawan
c. Dapat hindi lohikal ang pagkakaayos ng mga larawan
d. Dapat gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin
23. Aling hanay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap ang nagpapakita ng kronolohikal
na organisasyon ng mga pahayag?
I. Naiwan kong tiwangwang ang mga tools dahil sa pagkabigla.
II. Habang nagkukumpuni ako ng motor, biglang nagliyab ang tangke ng langis.
III. Dahil sa narinig kong kalampag ng makina kahapon, naglaan na ako ng panahon ngayon
upang baklasin ito.
IV. Narinig kong muli ang masamang tunog nang magrebolusyon ako nang tatlong ulit.

a. III, IV, II & I b. III, I, IV & II c. I, II, III & IV d. IV, III, I & II
24. Alin sa mga sumusunod na salitang naglalarawan ang angkop na gamitin sa pangungusap
upang ipakita ang pagiging malikhain ng manunulat.
“Kung __________ ko ang salapi sa layaw, parusahan mo ako.”

a. ginasta b. ginugol c. sinayang d. winaldas


25. Ang iyong pangkat ay kolaboratibong magsusulat ng isang halimbawa ng akademikong sulatin.
Malaya kayong pumili ng paksa ngunit ang sulatin ay dapat na maging kapani-paniwala. Alin sa
sumusunod na pahayag ang inyong gagamitin bilang batayan o sanggunian upang mapatunayang
kapani-paniwala ang bubuoing sulatin?

a. Nag-viral na video ng isang vlogger ukol sa pamimigay niya ng tulong sa mga mahihirap.
b. Nagbigay ng opinyon ang ilang kilalang celebrities ukol sa kalagayan ng ekonomiya sa
bansa.
c. Naging usap-usapan sa social media ang napipintong limited face to face classes sa ilang
piling probinsya sa bansa.
d. Napatunayan sa isang pananaliksik na ang pangunahing suliranin ng mga guro sa Araling
Panlipunan gamit ang Filipino bilang wikang panturo ay ang kakulangan ng kanilang
pagdalo sa mga seminar at kakulangan ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo.
26. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkamalikhain sa pagsulat ng panimula ng
replektibong sanaysay?
a. “Kailan kaya tayo makakalaya sa tanikalang ito ng pandemya?”
b. “Ang pandemyang ito ay nagdulot ng napakalaking epekto sa pamumuhay nating lahat.”
c. “Kumusta ang buhay ninyo sa loob ng mahigit isang taong tayo ay nasa gitna ng
pandemya?”
d. “Ang paksang aking tatakayin ay tungkol sa isang karanasang di malilimutan sa panahon
ng pandemya.”
27.Sa pagkuha ng porsiyento sa dami ng populasyon ng Pilipinas, ginagamitan ito ng pormula.
Tukuyin kung alin sa sumusunod na pahayag, ang tamang ayos o pormula ng pagkakasunod-
sunod sa pagbuo ng panukalang proyekto.
a.pamagat, nagpadala, petsa, suliranin, layunin, plano, badyet, kapakinabangan
b.pamagat, nagpadala, petsa, layunin, suliranin, plano, badyet, kapakinabangan
c.nagpadala, layunin, petsa, suliranin, plano, badyet, kapakinabangan, pamagat
d.nagpadala, layunin, petsa, suliranin, badyet, plano, kapakinabangan, pamagat
28.Kung ang isang proyekto ay naging matagumpay, ito’y nagpapahiwatig na;
a.nagamit nang maayos ang nakalaang badyet
b.nagustuhan ng mga tao ang proyekto
c.natugunan ang layunin at pangangailangan nito
d.natapos sa takdang panahon ang proyekto
29.Ang isang grupo o Samahan tulad ng “Samahan ng Dalubhasaan sa Filipino” (SADAFI) ay
marapat lamang na magtalaga ng isang kalihim na siyang magtatala ng mga mahahalagang
napag-usapan sa pulong at ito’y tinatawag na katitikan. Alin sa sumusunod ang dapat tandaan sa
pagsulat ng katitikan ng pulong?
a. inihanda ang katitikan ng pulong para sa pamimigay ng kopya sa mga dumalo at
liban
b.isulat ang mahahalagang impormasyon na pinag-usapan sa pulong
c.itala ang mga dumalo at liban
d.itala ang mga nagpagkasunduan
30.Sa pormula ng ko at akin =1, ang iyo ay 2, ang kanila ay 3 at kami ay 4. Alin sa mga ito ang
sinasabing ang porsiyento ng mga Pilipinong maka-ako na nangangahulugang labis na
pagpapahalaga sa sarili ay napakataas. Ang mga panghalip na ako, ko at akin ay nasa anong
panauhan?
a.unang panauhan c.ikatlong panauhan
b. ikalawang panauhan d.ikaapat na panauhan
31.Isa ang Barangay Sta. Rosa sa may maraming bilang ng kabataan na walang hanapbuhay, kung
kaya isa sa nais maisakatuparan na proyekto ay ang seminar-workshop na may kinalaman sa
pagnenegosyo na ang layunin ay mabigyan ng kaalaman ang kabataan at magamit nila ito sa
hinaharap. Sa aling bahagi ito ng panukalang proyekto?
a.Pagpapahayag ng suliranin c.Nagpadala
b.Plano na dapat gawin d.Paano mapakinabangan ng pamayanan
32.Sa aling bahagi ng Panukalang Proyekto ang mga sumusunod: (1) 5,000 para sa tagapagsalita;
(2) 5,000 para sa pagkain; (3) 5,000 para sa kagamitan.
a.Layunin c.Badyet
b.Plano na dapat gawin d.Petsa
33. Basahin at unawain ang isang halimbawa ng Replektibong Sanaysay. “Ang Coronavirus
disease (covid-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa
mga taong nagkakaroon ng impeksiyong ito ay nakararanas ng hindi malalang sintomas at
gumagaling. Nguni’t ang iba ay nakararanas ng malubhang sakit lalo’t higit ang mga matatanda
at dating may karamdaman. Kaya ugaliing maging maingat sa lahat ng oras.” Kung ikaw ay lilikha
ng paksa sa nabasang replektibong sanaysay sa itaas, ano ito?
a.Sanhi ng Covid-19 c.Epekto ng Covid-19
b.Coronoavirus d.Mag-iingat sa Covid-19
34.Bumuo ng kongklusyon batay sa binasang replektibong sanaysay.
a.Ang coronavirus disease ay isang epidemiya
b.Ang coronavirus disease ay isang uri ng sakit
c.Ang coronavirus disease ay isang nakatatakot na sakit
d.Ang coronavirus disease ay iniiwasan ng lahat
35.Piliin ang pinaka-angkop, pinakamaayos, at sistematikong hakbang ng adyenda.
a.Magdala ng memo pad na gagamitin sa adyeda.
b.Ipadala ang sipi ng adyenda
c.Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin. Kapag ang lahat ng mga adyenda o
paksa ay napadala o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng adyenda
ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format.
d.Sundan ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
36.Hanapin sa mga may salungguhit na salita ang nagpapamali sa pahayag / Photo essay.
“Ang Photo Essay ay (1) listahan ng mga larawang (2) maingat na inayos sa isang (3)
partikular na pagkakasunud-sunod upang ipahayag ang mga (4) pangyayari (5)
damdamin at mga (6) konsepto sa pinakapayak na paraan. Ito ay katulad din ng iba pang
uri ng (7) sanaysay na gumagamit ng mga (8) Teknik sa pagsasalaysay.
a.2,3 b.1,7 c.4,5 d.6,8
37.Mahalagang unawain at pahalagahan ang panukalang proyekto upang
_______.
a.Makuha ang bahagdan ng mga taong makikinabang sa proyekto
b.Maitala ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga gawain sa pagsasakatuparan ng
proyekto
c.Matiyak ang pangangailangan at ito ay matugunan
d.Makalkula ang mga gugulin o gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.
38.Ito ang pinakamahalagang dapat tandaan sa paggawa ng photo essay.
a.Alamin kung magiging interesado sa paksa ang mambabasa nito
b.Malinaw na mahihinuha ng mambabasa ang patutunguhan ng photo essay
c.Siguraduhing pamilyar sa paksa ang may akda
d.Kilalanin kung sino ang mambabasa
Para sa bilang 39-50. Pag-iisa-isa

39-43 Katangiang Dapat Taglayin ng lakbay Sanaysay


44-50 Elemento n Lakbay Sanaysay

You might also like