You are on page 1of 4

MARIKABAN INTEGRTED SCHOOL

Third Periodical Exam

Filipino 11
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Si Mohandas Karamchand Gandhi, mas kilala bilang si Mahatma Gandhi, ay nanguna sa kilusan sa pagpapalaya sa
India mula sa pananakop ng Britanya.
Sa anong katanungan sumasagot ang impormasyong ito?
a. sino
b. kailan
c. paano
d. saan
2. Sa pagtatanim ng palay, kinakailangan munang ihanda ang lupang pagtataniman. Pagkatapos nito, ihanda ang binhi
at paggawa ng punlaan. Kinakailangan ding lagyan ng abono ang punla. Sa pagpapatubig, kinakailangang
panatilihing mamasa-masa ang lupa nang isang linggo. Huwag ding kalimutan tanggalan ng damo ang palayan sa
loob ng unang 40 araw.
Sa anong katanungan sumasagot ang impormasyong ito?
a. paano
b. kailan
c. sino
d. saan
3. Isa sa mga katanungang sinasagot ng tekstong impormatibo ay ang saan.
Isa ang Rio de Janeiro sa magagandang lugar sa mundo. Saan matatagpuan ang Rio de Janeiro?
a. Indonesia
b. Alaska
c. Malaysia
d. Brazil
4. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng tekstong impormatibo?
a. Ang atlas ay naglalaman ng mga mapa.
b. Ang almanac ay naglalaman ng mga tala patungkol sa nagdaan at kasalukuyang panahon.
c. Ang thesaurus ay sangguniang babasahin na naglalaman ng kasingkahulugan ng isang salita.
d. Pareho lang ang gamit ng diksiyonaryo at thesaurus.
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagbibigay ng tiyak na impormasyon?
a. Nagdidilim ang kalangitan, marahil ay uulan.
b. Maayos magdala ng damit si Tina kaya maraming humahanga sa kaniya.
c. Hindi lahat ng umuurong sa laban ay matatawag na duwag.
d. Ang pahayagan ay isang babasahing naglalaman ng napapanahong impormasyon.
6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagbibigay ng tiyak na impormasyon?
a. Ang Taj Mahal sa India ay ipinatayo ni Emperador Shah Jahan para sa kaniyang asawa.
b. Si Charles Darwin ay isang siyentipiko na tanyag sa kaniyang Theory of Evolution.
c. Ang agham o siyensiya ay isang sistematikong proseso upang makabuo o makapagtamo ng isang bagong
kaalaman.
d. Malaki ang naitutulong ng social media sa kabataan sa pagtuklas ng karunungan.
7. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isang tekstong impormatibo?
a. Ang tekstong impormatibo ay mayaman sa impormasyon na makukuha ng mambabasa.
b. Ang isang tekstong impormatibo ay sumasagot sa mga tanong na gaya ng sino, ano, o paano.
c. Ang tono ng isang tekstong impormatibo ay kadalasang obhetibo.
d. Ang tekstong impormatibo ay malaman sa opinyon ng manunulat at likhang-isip lamang.
8. Anong teksto ang may layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, at pangyayari?
a. deskriptibo
b. argumentatibo
c. ekspositori
d. naratibo
9. Ano ang detalyadong paglalarawan ng teksto?
a. masining
b. karaniwan
c. impresyonistiko
d. teknikal
10. Ito ay subhetibo ang paglalarawan dahil sangkot dito ang saloobin ng manunulat. Ano ito?
a. masining
b. teknikal
c. karaniwan
d. gamit ng wika
11. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo.
Ang mahaba niyang buhok, mabining paglakad, at mahusay na pagsagot ang nagdala kay Pia Wurtzbach sa
tagumpay.
a. masining
b. teknikal
c. karaniwan
d. impresyunistik
12. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo.
Nakatutuwa ang masisipag na mag-aaral ng kanilang paaralan dahil sila ay pawang kabataang patuloy na
nagsusunog ng kilay upang makakuha ng matataas na marka.
a. karaniwan
b. masining
c. gamit ng wika
d. impresyonistiko
13. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo.
Napakahirap talaga ang mag-apply ngayon ng trabaho. Napakahaba ng pila ng mga aplikante sa labas ng gusali
ng kompanya. Napakainit pa naman ng sikat ng araw.
a. teknikal
b. gamit ng wika
c. impresyonistiko
d. karaniwan
14. Tukuyin ang ginamit na katangian sa tekstong deskriptibo.
Nakita ko ang unti-unting pagkibot ng kaniyang labi at unti-unti ring pagsungaw ng luha sa kaniyang mga mata,
hanggang sa hindi na niya naitago ang pinipigil na pag-iyak bunga ng malalim na sugat na nilikha ng paglalayo.
a. gamit ng wika
b. karaniwan
c. teknikal
d. masining
15. Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian ng tekstong deskriptibo.
a. Ang eleksyon ay magaganap sa susunod na buwan.
b. Bakit naging mabilis ang pagtaas ng baha?
c. Bilog ang mundo.
d. Ang maikling kuwento ay isa sa mga anyo ng panitikan.
16. Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian ng tekstong deskriptibo.
a. Ang lahat ay hinihimok na maging mapanuri sa darating na eleksyon.
b. Ang aming paaralan ay napiling manguna sa programang paglilinis ng mga estero.
c. Naging napakalamlam ng kaniyang mga mata simula nang mawala ang kaniyang ina.
d. Ang Pilipinas ay ang bansang aking sinilangan.
17. Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian ng tekstong deskriptibo.
a. Kailan ba nangyari ang mga sandaling iyong isinusumbat sa akin?
b. Ang kaniyang pakikitungo ay nagbago na; naging malamig; sinlamig ng mga niyebe sa lugar na aming
pinanggalingan.
c. Huwag ninyong tingnan ang kasikatan ng isang politiko; ang tingnan ninyo ay ang kaniyang pagkatao.
d. Tanging ang pananampalataya lamang sa Panginoon ang makapagpapalaya sa ating mga pagkakasala.
18. Alin sa sumusunod ang layunin ng tekstong persuweysib?
a. mangatwiran tungkol sa isang isyu
b. maglahad ng bagong kaalaman
c. magkuwento ng mga pangyayari
d. manghikayat o mangumbinse
19. Ang persuweysib ay isang _____________ na dapat linangin at matutuhan.
a. kaalaman
b. kasanayan
c. hanapbuhay
d. alituntunin
20. Alin sa sumusunod ang ginagamitan ng panghihikayat?
a. kasaysayan
b. balita
c. lathalain
d. patalastas
21. Ang paglalahad ng sapat na katibayan o ebidensya kaugnay ng paksa ay labis na nakakaapekto sa panghihikayat.
Anong paraan ang tinutukoy?
a. pathos
b. ethos
c. kairos
d. logos
22. Sa Ethos, naiimpluwensyahan ng __________ ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig.
a. damdamin
b. isip
c. kredibilidad
d. ugali
23. Ang Pathos ay pag-apila sa_______________ ng mga tagapakinig.
a. damdamin
b. saloobin
c. isip
d. karakter
24. Alin sa sumusunod ang hindi nagtataglay ng katangian ng tekstong persuweysib?
a. advertisement
b. balita
c. talumpati
d. editoryal
25. Mahalagang malinang ang kasanayan sa panghihikayat sapagkat ________________.
a. Maaari kang makatagpo ng bagong kaibigan.
b. Daan ito tungo sa pagsugpo ng katiwalian.
c. Maaari itong gawing puhunang kasanayan sa hanapbuhay.
d. Nakapag-aanyaya ito ng bagong libangan.
26. Ano ang katangian ng isang tekstong naratibo?
a. Ito ay nagsasaad ng tiyak na emosyon ng manunulat.
b. Ito ay naghahatid ng kalinawan sa bagay-bagay o pangyayari.
c. Ito ay nagpapahiwatig ng mga kaisipan ng mambabasa o tagapakinig.
d. Ito ay nagpapahayag ng tiyak na impormasyon patungkol sa isang pangyayari.
27. Ang tesktong naratibo ay kilala rin sa tawag na __________________.
a. tektong nagpapaliwanag
b. tekstong nagbibigay-pahiwatig
c. tekstong may sanhi at bunga
d. tekstong nagsasalaysay
28. Ang tekstong naratibo ay maaaring maihanay sa piksiyon o di-piksiyon na kuwento. Alin sa sumusunod ang hindi
halimbawa ng piksiyon?
a. talaarawan
b. korido
c. parabola
d. kuwentong bayan
29. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng isang naratibong piksiyon?
a. Kwento ni Mabuti
b. Kasaysayan ng Pilipinas
c. Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
d. Bangkang Papel
30. Alin sa sumusunod ang maaaring maihanay sa tekstong naratibo?
a. tekstong nagsasaad ng sanhi at bunga
b. mga editoyal
c. mga akdang pampanitikan
d. mga lathalain
31. Ano ang katangian ng isang tekstong argumentatibo?
a. Ito ay nagpapahayag ng mabisa at kongkretong kongklusyon patungkol sa isang isyu.
b. Ito ay naglalahad ng mga katwiran.
c. Ito ay nagbibigay-aliw at kasiyahan sa mambabasa.
d. Ito ay nagpapakita ng mga tunggalian, simbolismo, at pahiwatig.
32. Ano ang isa sa mga pinakamahalagang nilalaman ng tekstong argumentatibo?
a. talinghaga
b. katuwiran
c. pangarap
d. kuwento
33. Ano ang nagagawa ng paggamit ng mga cohesive device sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto?
a. Organisado ang paghahanay ng mga kaisipan.
b. Napagsasama-sama ang mga opinyon
c. Nagkakaroon ng mabigat na katwiran
d. Nakabubuo ng kongklusyon
34. Ano ang isyung pinagtutuunang pansin sa pahayag?
Karapatan ng bawat bata ang makapag-aral. Subalit dahil sa kahirapan, karamihan sa kanila ay napipilitang
maghanapbuhay sa murang edad. Ang gawaing gaya nito ay mas kilala sa tawag na child labor.
a. Isyu patungkol sa kahirapan na umiiral sa buong mundo
b. Isyu patungkol sa karapatan ng bawat kabataan
c. Isyu patungkol sa kakulangan ng sapat na edukasyon ng kabataan sa kasalukuyan
d. Isyu patungkol sa sapilitang paghahanapbuhay ng kabataan sa murang edad
35. Ano ang isyung pinagtutuunang pansin sa pahayag?
Wala na nga yatang ligtas na lugar sa kasalukuyan. Hindi na maiiwasan ang sakuna lalo na kung kalikasan na ang
may gawa. Nariyan ang lindol, bagyo na sasabayan ng mataas na pagbaha, at iba pa. Kung titingnan, nasa tao na rin
ang kasagutan para sa kaniyang kaligtasan sa mga ganitong klaseng sakuna.
a. Isyu patungkol sa nararapat na gawing solusyon upang maiwasan ang mga kalamidad
b. Isyu patungkol sa mga ligtas na lugar kapag dumating ang kalamidad
c. Isyu patungkol sa kaalamang pangkaligtasan kapag nahaharap sa kalamidad
d. Isyu patungkol sa kalamidad sa buong mundo
36. Ang ___________ ay tumutukoy sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga bagay o gawaing magkakaugnay sa isa’t
isa.
a. prosidyural
b. kronolohikal
c. sistematikal
d. sekwensyal
37. Ang paksa ng kaayusang _________ ay mga tao o bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na
baryabol na tumutukoy sa edad, distansya, halaga, lokasyon, bilang, dami, at iba pa.
a. prosidyural
b. kronolohikal
c. sistematikal
d. Sekwensyal
38. Ang ____________ ay nagtuturo kung paano isasakatuparan ang isang serye ng gawain upang matamo ang
inaasahang resulta.
a. prosidyural
b. sistematikal
c. sekwensyal
d. kronolohikal
39. Alin sa tatlong kaayusan ng pagsusunod-sunod ang pinakasumasagot sa tanong “paano?”
a. sistematikal
b. prosidyural
c. kronolohikal
d. sekwensyal
40. Bakit ang kaayusang prosidyural ay tinatawag ding tekstong prosidyural?
a. Iisa lamang ang pinagtutuunang paksa na nagpapakita ng proseso
b. Naghahatid nang pangmatagalang kaalaman kung paano gawin ang isang gawain
c. Tinatalakay ang mga detalye ng lahat ng bagay
d. Naglalaman ng mga kaalamang isinasaulo lamang

You might also like