You are on page 1of 3

MARIKABAN INTEGRATED SCHOOL

FIRST QUARTER ASSESSMENT FROM MODULE 1-3


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Name:_________________________________________________Date:_____________Score:_____

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas.


a. Phil. Constitution 1977
b. Phil. Constitution 1997
c. Phil. Constitution 1987
d. Phil. Constitution 2007
2. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon. a. Multilingguwalismo
b. Multikulturalismo
c. Bilingguwalismo
d. Barayti ng wika
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika. a. Morpema
b. Simbolo
c. Sintaks
d. Ponema
4. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. a. Filipino
b. Pilipino
c. Tagalog
d. Ingles/Tagalog
5. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita a. Pantulong na wika
b. Katutubong wika
c. Ikalawang wika
d. Unang wika
6. Kahulugan ng salitang Latin na lingua
a. Teorya
b. Kamay
c. Wika
d. Dila
7. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo
b. Wikang Ingles
c. Wikang Opisyal
d. Bilinggwal
8. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog. a. dayalek
b. salita
c. dila
d. wika
9. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal. a. Wikang Ladino
b. Wikang Minotaryo
c. Wikang Opisyal
d. Wikang Sardo
10. Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa Sistema ng edukasyon a.
Multilingguwalismo
b. Multikulturalismo
c. Bilingguwalismo
d. Naturalismo
11. Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?
a. Francisco Balagtas
b. Jose Rizal
c. Manuel L. Quezon
d. Jose Palma
12. Ang iyong local na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.
a. di-gaanong singhalaga ng
b. mas mahalaga kaysa
c. singhalaga ng
d. dapat mapalitan ng

13. Ito ay nananatiling opisyal na wika kasama ang wikang Filipino.


a. Niponggo
b. Mandarin
c. French
d. Ingles
14. Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang baitang 3.
a. Pantulong na wika
b. Katutubong wika
c. Mother Tongue
d. Wikang Ingles
15. Mga salita na nakapaloob sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang
Panturo
a. Pampanitikan
b. Lalawiganin
c. Pormal
d. Balbal
16. Mas mabuting
a. Gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa
b. Gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan
c. Gamitin ang Ingles lamang
d. Huwag gamitin ang Ingles o Filipino
17. Wikang naisabatas o naitadhana ng batas na maging wikang opisyal ng
komunikasyon, transaksyon, o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa
pamahalaan sa pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.
a. Wikang Pambansa
b. Wikang Panturo
c. Wikang Opisyal
d. Mother Tongue
18. Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil
a. Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
b. Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
c. Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay
mga Tagalog
d. Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon
19. Ito ang wikang Opisyal ng Pilipinas
a. Pilipinas
b. Filipinas
c. Pilipino
d. Filipino
20. “Ngayon, Bukas at Magpakailanman” ito ang sikat na linyang binibitawan ni Mel Chiangco sa kanyang
programang “Magpakailanman sa telebisyon
a. Pantulong na wika
b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal
d. Wikang Panturo
21. Iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit sa isang linggwistikong komunidad.
a. Heterogenous
b. Homogenous
c. Sosyolek
d. Idyolek
22. Magkakaiba ang anyo ng wika na ginagamit sa isang linggwistikong komunidad.
a. Multilinggwalismo
b. Bilinggwalismo
c. Heterogenous
d. Homogenous
23. Mas marami ang nagsasalita ng Ingles o gumagamit ng code switching, kolokyalismo, o balbal na pananalita sa
isang linggwistikong komunidad.
a. Multilinngwalismo
b. Bilinggwalismo
c. Heterogenous
d. Homogenous
24. Salik na nakakaapekto sa lingguwistikong komunidad .
a. Hanapbuhay at edukasyon
b. Pakikipag-ugnayan
c. Pakikitungo
d. Rasyonal
25. Ito ay maaaring magsimula sa sarili.
a. Pakikipagmabutihan
b. Pakikipagtalastasan
c. Pakikipagunawaan
d. Pakikiagsapalaran
26. Ito ay nagaganap sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao
a. Pakikipagkomunikasyon
b. Pakikipagmabutihan
c. Pakikipagkalakalan
d. Pakikipagtuos
27. Isang salik sa pagkakaiba ng anyo ng wika na tumutukoy sa pandarayuhan na nangangahulugang pagpapalipat-
lipat ng lugar sa loob ng isang bansa
a. Hanapbuhay
b. Edukasyon
c. Migrasyon
d. Edad
28. Modelo ng komunikasyon na pinagmumulan ng mensahe
a. Tagapagdala
b. Tagatanggap
c. Reaksyon
d. Tsanel
29. Uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa
ibang rehiyon o lokasyon.
a. Ikalawang Wika
b. Unang Wika
c. Dayalek
d. Idyolek
30. Karaniwang makikita sa usapan ng magkakapamilya o magkakaibigan
a. Deliberation style
b. Oratorical style
c. Intimate style
d. Casual style

You might also like