You are on page 1of 3

Mahabang Pagsusulit sa

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pangalan: __________________________________________ Guro: ___________________________


Taon/Seksyon: ______________________________________ Petsa: __________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang kasagutan. Walang
pagbubura.

_____ 1. Ang kinagisnang wika ay wikang sinasalita mula ng magkaisip.


a. Wikang Opisyal c. Unang Wika
b. Wikang Panturo d. Ikalawang Wika
_____ 2. Sa iyong sariling palagay, bakit napapabilang sa barayti ng wikang jargon ang mga termino tulad ng account, balance,
diagnosis at test paper? Sapagkat ito ay _____________.
a. may kaugnayan sa iba’t ibang hanapbuhay o larangan b.mula sa isang partikular na komunidad
c. mula sa mga etnolinggwistikong grupo d. wikang di pag-aari ninuman
_____ 3. Ito ay ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap.
a. Dayalek c. Istilo
b. Register d. Midyum
_____ 4. Tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad,
kasarian, tirahan, gawain, interes, edukasyon, at iba pang mga salik.
a. Homogeneous c. Bilingguwalismo
b. Heterogeneous d. Multilingguwal
_____ 5. “Hindi namin kayo tatantanan!” ito ang sikat na linya mula kay Mike Enriquez, ito ay halimbawa ng _______.
a. Dayalek b. Register c. Idyolek d. Midyum
_____ 6. Ang wika ay nagbabago pagkat ito ay buhay.
a. Dinamiko b. Masistemang balangkas c. Likas d. Arbitraryo
_____ 7. Lahat tayo ay may kakayahang matutong gumamit ng wika anuman ang lahi, kultura, o katayuan sa buhay.
a. Arbitraryo b. Dinamiko c. Sinasalitang tunog d. Likas
_____ 8. Sinasabing ang wika ay masistemang balangkas pagkat ito ay dumadaan sa iba’t ibang proseso maliban sa ________.
a. Ortograpiya b. Sinematograpiya c. Ponolohiya d. Morpolohiya
_____ 9. Ayon sa kanya ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
a. Bouman b. Finnocchiaro c. Sturtevant d. Gleason
____ 10. Ang wika ay nagmula sa salitang latin na “lengua” na nangangahulugang __________.
a. Mata b. Ngipin c. Dila d. Tenga
____ 11. Siya ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa.
a. Francisco Baltazar b. Jose Romero c. Cecilio Lopez d. Manuel L. Quezon
____ 12. Wikang itinalaga ng isang bansa na gagamitin ng mga mamamayan nito at magiging daluyan at representasyon ng
pambansang identidad at kultura nito.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Wikang Panturo d. Mother Tongue
____ 13. Wika na gagamitin sa lahat ng tanggapan sa gobyerno sa anyong pasalita man o lalong-lalo na sa pasulat.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Wikang Panturo d. Mother Tongue
____ 14. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit sa araw-araw. ________ ay binubuo ng mga simbolo
at tunog.
a. Siya b. Ito c. Doon d. Dito
____ 15. Sa Araneta Coliseum gaganapin ang concert ng Ben & Ben at SB19. _________ na lang kami magkikita ng mga
kaibigan ko mula sa malayo.
a. Doon b. Dito c. Sila d. Kami
____ 16. Matagal na kaming hindi nagkikita ng aking mga kaibigan. Kumusta na kaya _____?
a. Ito b. Iyan c. Dyan d. Sila
____ 17. Smoking Area
a. Instrumental b. Regulatoryo c. Impormatibo d. Heuristiko
____ 18. Ano-anong departamento ang kailangan kong daanan bago makarating sa tanggapan ng kagalang-galang na
gobernador?
a. Personal b. Imahinatibo c. Heuristiko d. Instrumental
____ 19. Unang Patakaran: Bawal lumikha ng anumang ingay higit lalo kung hindi naman kinakailangan.
a. Regulatoryo b. Interaksyunal c. Personal d. impormatibo
____ 20. Inatasan ng kanilang guro ang mga mag-aaral ng SHS na manood at makinig ng SONA ng pangulo. Ginamit ng
pangulo ang wikang Tagalog upang mas maunawaan ng mga mamamayang Pilipino ang kanyang talumpati.
Gayundin, ginamit niya ang wikang Ingles upang siya ay maunawaan ng mga kapitalista mula sa iba’t ibang bansa. Anong wika ang
masasalamin dito?
a. Monolingguwal b. Bilingguwalismo c. Trilingguwal d. Multilingguwal
____ 21. Sa isang bansa, kahit iisa lamang ang wika na umiiral ay sapat na upang magkaunawaan ang mga mamamayan.
a. Katotohanan b. Di-katotohanan c. Ewan d. Walang ideya
____ 22. Ang tagalog ay wikang pinagbatayan ng wikang Filipino na wikang Pambansa.
a. Katotohanan b. Di-katotohanan c. Siguro d. Walang ideya
____ 23. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang naiiba ng pananaw?
a. Walang kaugnayan ang wika sa lahat ng aspekto sa lipunan.
b. Ang wikang Ingles ay mas makapangyarihan kumpara sa wikang Filipino.
c. Maipapakita ang kultura na mayroon ang isang bansa sa pamamagitan ng wika.
d. Kailanmaý hindi nagging basehan ng kalayaan ang pagkakaroon ng isang wika.
____ 24. “Ang wika ay susi sa pagbubuklod ng sambayanan” (Arao, 2010) Ano ang ipinapahiwatig sa pananaw na ito?
a. Nagkakaisa ang sambayanan sa pagkakaroon ng iisang wika.
b. Nagkakagulo ang sambayanan dahil sa wika.
c. Nagiging makapangyarihan ang isang tao dahil sa wika.
d. Nahahati-hati ang sambayanan sa pagkakaroon ng iisang wika.
____ 25. Bilang isang Kabataang Pilipino, ano ang iyong magagawa upang mas mapaunlad pa ang wikang Filipino?
a. Ikahiya ang wikang Filipino b. Huwag gamitin ang wikang Filipino
b. Gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. d. Gumamit ng ibang wika.
____ 26. Artikulo XIV Seksyon 6 Saligang Batas 1987, ano ang isinasaad nito?
a. Isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog)
b. Wikang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas
c. Implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilingguwal
d. Pagkakaroon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa
____ 27. Sa komersyal ng Bear Brand Adult Plus, ipinakita ang mga kagamitan ng mga kawani tulad ng laptop, autocad, T-
square, blueprint at miniature. Sa anong larangan nabibilang ito?
a. Edukasyon b. Medisina c. Accountancy d. Arkitektura
____ 28. Ang Register, Midyum at Istilo ay mula sa anong barayti ng wika?
a. Barayting Permanente c. Barayting Hilaw
b. Barayting Pansamantala d. Barayting Tunay
____ 29. Dayalek at Idyolek ay kapwa halimbawa ng anong barayti ng wika?
a. Barayting Permanente b. Barayting Pansamantala c. Barayting Hilaw d. Barayting Tunay
____ 30. Bumisita si Jah sa isang salon upang magpakulay ng kanyang buhok. Marami ang gumagamit ng wika ng mga bakla
o beki language sa loob. Ang kanyang narinig ay halimbawa ng dayalekto na batay sa anong kategorya?
a. Heograpikal b. Uri c. Kasarian d. Edad
____ 31. “Annyeong, chingus!” anong wika ang ginamit sa facebook post?
a. Unang Wika b. Pangalawang Wika c. Pangatlong Wika d. Dayuhang Wika
____ 32. Alin sa mga sumusunod ang hindi matatawag na Katutubong tagapagsalita?
a. Natutuhang indibidwal ang wika sa murang edad.
b. Ang indibidwal ay may likas at instruktibong kaalaman at kamalayan sa wika.
c. Ang indibidwal ay pahinto-hinto sa pakikipagtalastasan.
d. May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng mataas at importansyang diskurso gamit ang wika.
____ 33. Ginagamit ang wika sa paghahanap o pagtuklas ng impormasyon.
a. Regulatoryo b. Heuristiko c. Impormatibo d. Personal
____ 34. Ang wika ay _____________ kung may interaksiyon sa isa‘t isa o ang pagkaroon ng kontak sa iba at bumuo ng
pagkakaugnayan sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa.
a. Instrumental b. Regulatoryo c. Imahinatibo d. Interaksyunal
____ 35. Tungkulin ng wika na tumugon sa pangangailangan ng tao.
a. Personal b. Instrumental c. Impormatibo d.Imahinatibo
____ 36. Alin sa sumusunod na halimbawa ang regulatoryo na gamit ng wika?
a. “Paki-abot naman ng payong ko.”
b. “Hoy, kumusta ka na?”
c. “Huwag mandaya lalong-lalo na sa oras ng pagsusulit”
d. “Asawa ko si Pablo ng SB19.”
____ 37. “Ito po ang pinakalumang simbahan ng San Nicolas. Tulad siya ng San Agustin church na itinayo noong Spanish
colonial period.” -Maya, Please Be Careful with my heart. Ano ang gamit ng wika?
a. Impormatibo b. Imahinatibo c. Heuristiko d. Personal
____ 38. “Smile!” “Say cheese!” ang linyang ito mula sa palabas ay halimbawa ng __________.
a. Interaksyunal b. Instrumental c. Regulatoryo d. Imahinatibo
____ 39. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pasalita na gamit ng wika sa lipunan?
a. Komentaryo b. Liham c. Panayam d. Video call
____ 40. “Hindi po ako sang-ayon sa pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.” ani ng isang mag-aaral sa isang
panayam. Ano ang gamit ng wika sa pangungusap?
a. Personal b. Impormatibo c. Heuristiko d. Instrumental
____ 41. Alin sa sumusunod ang kabilang sa pasulat na gamit ng wika sa lipunan?
a. Anunsyo sa radyo c. Pagsasalaysay
b. Patalastas sa telebisyon d. Nakalimbag na alituntunin

____ 42. Si Stellvester ay isang dayuhan sa bansang Pilipinas, ngunit siya ay may kakayahang gumamit at makaunawa ng
wikang Filipino. Maituturing ba na kasapi ng Lingguwistikong Komunidad si Stellvester?
a. Oo b. Hindi c. Ewan d. Walang ideya
____ 43. Tumutukoy ito sa grupo ng mga taong gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa paggamit
ng wika.
a. Multikultural na Komunidad c. Lingguwistikong Komunidad
b. Sosyokultural na Komunidad d. Nagkakaisang Komunidad

____ 44. Sa anong panahon ibiinasura ang wikang Ingles at halos lahat ng may impluwensya ng Amerikano ay inalis din.
a. Amerikano b. Hapones c. Kastila d. Pangkasalukuyan
____ 45. Napayabong ang wikang Tagalog dahil sa _________.
a. Saligang Batas na Biak na Bato c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 54
b. Batas Komonwelt d. Saligang Batas 1987
____ 46. Kakaunti lamang ang natirang panitikan sa panahon ng katutubong dahil _______________.
a. Tamad magsulat ang mga Pilipino
b. Tinago ng mga Espanyol ang mga nakalimbag na panitikan.
c. Ipinatapon ng mga Hapones
d. Ipinasunog ng mga Kastila ang mga naisulat na panitikan sa baybayin.
____ 47. “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang ____________.”
a. Kambing b. Baboy c. Isda d. Aso
____ 48. Kung babalikan ang kasaysayan ng wikang Pambansa, ito ay nagpapakita lamang na _________.
a. Madaling nakamtan ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng wikang Pambansa.
b. Walang kahirap-hirap ang ating mga ninuno sa pagkamit ng wika.
c. Masalimuot ang pinagdaanan ng wikang pambansa.
d. Hindi nakaapekto ang pananakop ng mga dayuhan sa pagkakaroon ng wikang Pambansa.
____ 49. Tawag sa sistema ng unang pagsulat ng mga Katutubong Pilipino.
a. Baybayin b. Barter c. Abecedario d. Alibaba
____ 50. Nilagdaan niya ang Proklamasyon Blg. 1041 (1997) na nagtatakda na ang buwan ng Agosto ang buwan ng wikang
Pambansa.
a. Manuel L. Quezon b. Fidel V. Ramos c. Ramon Magsaysay d. Manuel Roxas

You might also like