You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Region 1
Schools Division Office – Vigan City
Ilocos Sur National High School
Gomez St., Brgy. VII, Vigan City 2700
Telefax No. (077) 722-2205

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

DIVISION STANDARDIZED TEST


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Grade 11
First Semester
S. Y.2019-2020

1. Sa K to 12 Curriculum BEC, anong wika ng mga mag-aaral ang opisyal na wikang panturo
mula kindergarten hanggang grade 3?
a. unang wika c. wikang pambansa
b. pangalawang wika d. wikang ingles
2. Ayon sa artikulo 14 seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987, “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay ___________.
a. Pilipino c. Filipino
b. Tagalog d. Bisaya
3. Ang KALIBAPI ay isang pulitikal na partido na ang layunin ay mapabuti ang edukasyon at
moral na henerasyon at palaganapin ang wikang Pilipino sa buong kapuluan ng Pilipinas. Ano
ang ibig sabihin ng KALIBAPI?
a. Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Lipunan
b. Kapisanan ng Pagtatapat sa Bagong Lipunan
c. Kapisanan ng Pag-aaral sa Bagong Lipunan
d. Kapisanan ng Pagtuturo sa Bagong Lipunan
4. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang
kultura.
a. Archibald Hill c. Edward Sapir
b. Henry Gleason d. Caroll
5. Ang lahat ng tao sa daigdig ay gumagamit ng wika upang makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ito
ay katangian ng wika na __________.
a. Ang wika ay tanong c. Ang wika ay komunikasyon
b. Ang wika ay arbitraryo d. Ang wika ay pantao

6. Ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika na dulot ng punto (accent).


a. Register  c. Idyolek 
b. Dayalekto  d. Istilo
7. Lesson Plan, Table of Specification, School Forms.Sa anong Jargon kabilang ang mga
sumusunod na terminolohiya?
a. Medisina c. Isports
b. Edukasyon d. Opisina
8. Ang Phenylephrine, Chlorphenamine, Paracetamol (Bioflu), Isopropyl Alcohol,
Dichlorobenzyl at Alcohol Amylmetacresol ay ginagamit sa larangan ng ________.
a. Medisina c. Isports
b. Abogasiya d. Edukasyon
9. Hybrid Cherry Tomato (TMS 125 F1), Inbred Rice (PSB Rc10), Hybrid Corn (P3774) ay
mag terminolohiyang ginagamit sa larangan ng _____________.
a. Relihiyon c. Isports
b. Agrikultura d. Pagbabalita
10. Magaling magdala ng usapan si Roger dahil marami siyang alam at nagagawa niyang
ibahin ang usapan nang hindi namamalayan. Anong kakayahan mayroon si Roger?
a. Conversational involvement c. Adaptability
b. Conversational management d. Effectiveness
11. Ramdam ni Carrie ang sakit ng kalooban ni Josie nang mamatay ang ina nito. Ano ang
ipinakitang kakayahan ni Carrie?
a. Adaptability b. Empathy c. Effectiveness d.Appropriateness
12. Pangongopya ng identidad ng ibang tao, pangungurakot, at pang-aabuso ay kadalasang
bahagi sa larangan ng _________.
a. Pagsusulat b. Pagkanta c. Abogasiya d. Negosyo
13. Production, Screenplay, Cinematography ay ginagamit sa anong larangan?
a. Pelikula b. Edukasyon c. Teknolohiya d. Medisina
14. Universal Serial Bus (USB), Random Access Memory, Compact Disc naman ay
ginagamit sa larangan ng ___________.
a. Negosyo b. Pagpapaganda c. Politika d. Teknolohiya
15. Sa Vlog ni Cris Israel Lumansang na pinamagatang “What If Conyo Lahat The People
Here In ‘Pinas” ay gumamit siya ng mga pahayag na pinaghalong Filipino at Ingles o Taglish.
Ang paggamit ng niya ng pinaghalong Filipino at Ingles ay isang halimbawa ng _______ na
barayti ng wika.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Etnolek d. Register
16. Ito ay tungkulin ng wika na nagpapanatili ng relasyong sosyal.
a. Interaksyunal c. Instrumental
b. Personal d. Representatibo
17. Ang pagbuo ng pananaliksik, pakikipanayam at pagtatanong upang makakalap ng mga
impormasyon na ginagamit sa araw-araw na gawain ay nagpapakita ng ________ na
tungkulin ng wika.
a. Imahinatibo c. Interaksyunal
b. Representasyunal d. Heuristiko
18. Ito ay gamit ng wika na nagbibigay ng direksyon o panuto at ginagamit rin upang
kontrolin ang kilos ng isang tao.
a. Interaksyunal c. Instrumental
b. Regulatoryo d. Representatibo
19. “Akala ko ba ok na? Nagdadrama ka na naman. Di ba nga pagdating sa kapakanan ng
pamilya, walang panga-panganay, walang ate-ate, walang bunso-bunso? Ang meron lang…
kapit-bisig”. Ang linyang ito na mula sa palabas na Be Careful With My Heart ay kabilang
____________ na gamit ng wika.
a. Heuristiko c. Interaksyunal
b. Instrumental d. Personal
20. “Minsan gusto ko nang ipagsigawan, kaya lang ako lang naman ang magmumukhang
tanga. Bakit ba naman kasi ang complicated magmahal?”. ang linyang ito ay nagpapakita
naman ng ____ na gamit ng wika.
a. Instrumental c. Personal
b. Heuristiko d. Interaksyunal
21. Ang tungkulin ng wika na tumutukoy sa pagpapapahayg ng sariling opinyon sa paksang
pinag-uusapan ay nagpapakita ng ____ na gamit ng wika.
a. Heuristiko c. Interaksyunal
b. Instrumental d. Personal
22. Ang pagtuturo na nagaganap sa loob ng silid-aralan ay nagpapakita ng ______ na gamit
ng wika.
a. Instrumental c. Impormatibo
b. Personal d. Heuristiko
23. Ang pahayag na “ Pakikuha naman ako ng isang basong tubig.” ay isang halimbawa ng
________ na gamit ng wika.
a. Instrumental c. Regulatoryo
b. Heuristiko d. Personal
24. Ang mga babala o warning signs na nakikita natin madalas sa kalsada ay mga halimbawa
ng ______ na gamit ng wika sa lipunan.
a. Personal c. Heuristiko
b. Impormatibo d. Regulatoryo
25. Ang cohesive device na ginamit sa pahayag na “Tigilan na ang pagpapalabas ng
malalaswang pelikula, kasunod nito, ipasara ang mga lugar na nagsasagawa ng cybersex.” ay
__________.
a. na c. nagsasagawa
b. ang d. kasunod nito
26. “Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago ng pelikula.”
Ang cohesive device na ginamit sa naunang pahayag ay _______.
a. kasabay nito c. pagbabago
b. na d. tayo
27. Ang cohesive device naman na ginamit sa pahayag na “Hindi nag-shooting ang mga
artista, bagkus dumalo sila sa isang rally”. ay ___________.
a. hindi c. bagkus
b. dumalo d. sila
28. Ang pagpapalitan ng biro sa kaibigan ay nagpapakita ng ________ na gamit ng wika.
a. Personal c. Impormatibo
b. Interaksyunal d. Personal
29. Ikaw ay nagsasagawa ng isang pananaliksik at gumamit ka ng sarbey sa pagkuha ng mga
datus. Ang gamit ng wikang naipakita sa sitwasyong ito ay _______.
a. Impormatibo c. Personal
b. Heuristiko d. Interaksyunal
30. Ang pagsasagawa ng mga pakikipanayam sa mga kilalang personalidad ay nagpapakit ng
gamit ng wika na ________.
a. Interaksyunal c. Heuristiko
b. Impormatibo d. Personal
31. Isang sistematiko,pormal,mahigpit , at eksaktong prosesong ginagamit upang
humanap ng mga lunas sa suliranin o makahanap at makapagbigay-kahulugan sa
mga bagong kaalaman at kaugnayan.
a. Wika c. Pagsulat
b. Komunikasyon d. Pananaliksik
32. Uri ng tayutay na tumutukoy sa paggamit ng mga salitang nagpalumanay o
nagpapaganda sa mga marahas na o di katanggap-tanggap na salita sa sitwasyon o
pangyari.
a. Antiklaymaks c. Simili
b. Hyperbole d. Eupemismo
33. Dumaraan ito sa masusing interpretasyon na walang bahaging pagkakamali ayon sa
paggamit ng tamang estatiska at analitikal na pagbibigay interpretasyon mula rito.
a. Hindi minamadali c. Datos
b. Kwantiteytib d. Teorya
34. Kilala siya sa kanyang teoryang wave migration theory na nagsasabing may tatlong
pangkat ng taong dumating sa Pilipinas at nagpasimula ng lahing Pilipino.
a. Dr. Robert B. Fox c. Dr. Tomas
b. Landa Jocano d. Dr. Henry Beyer
35. Batay naman sa kaniyang pangangalap at pag-aaral ng ebidensya, natuklasan niya na may
mga lahi ng taong nanirahan sa yungib ng Tabon, Palawan at ito nga ay ang mga Taong
Tabon.
a. Dr. Tomas c. Dr. Henry Beyer
b. Landa Jocano d. Dr. Robert B. Fox
36. Natuklasan naman ng isang pag-aaral na may mas matanda pa kaysa taong Tabon na
nanirahan sa Kuweba ng Callao. Ang pagtuklas sa Taong Callao ay pinangunahan ni
________.
a. Armand Mijeres c. Dr. Robert B. Fox
b. Dr. Henry Beyer d. Dr. Tomas

37. Anong damdamin ang bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga tao na may
pagkakapareho sa kanyang wika, kultura, o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon.
a. Nasyonalismo b. Imperyalismo c. Intelektwalismo d. Rebolusyon
38. Sa panahong ito sumibol ang kaisipang “Isang Bansa, Isang Diwa” laban sa mga kastila.
a. Panahon ng Hapon c. Panahon ng Kastila
b. Panahon ng Amerikano d. Panahon ng Rebolusyong Pilipino
39. Sila ay kinilalang unang guro at tagapagturo ng Ingles sa panahon ng Amerikano.
a. Thomasites b. Ateneans c. La Salleans d. Americans
40. Ang mga sumusunod na kaganapan ay nangyari sa panahon ng kastila maliban sa
_________.
a. Napalapit ang katutubo sa prayle dahil katutubong wika ang ginamit nito.
b.Iminungkahi ni Gobernador Tello na turuan ang mga indiyo ng wikang Espanyol
c. Misyonaryong Espanyol mismo ay nag-aral ng mga wikang katutubo.
d. Ang mga prayleng Pilipino ay naging institusyon ng edukasyon
41. Lahat ng mga sumusunod na kaganap ay nangyari sa panahon ng Rebolosyon maliban sa
________.
a. Natapos ang mahigit tatlong daang pananakop ng mga kastila.
b. Ang wikang tagalog ay ginamit bilang midyum sa pagsulat ng pahayagang Pilipino.
c. Nagkaroon ng mga guro na kung tawagin ay Thomasites.
d. Naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Aguinaldo.
42. Sa panahong ito nalaman natin na ang lahing Pilipino ay nagmula sa tatlong malalaking
pangkat na nandarayuhan sa ating bansa.
a. Panahon ng Hapon c. Panahon ng Katutubo
b. Panahon ng Kastila d. Panahon ng Rebolusyong Pilipino
43. Kulang na kulang ang mga aklat na nasusulat sa alinmang wikang katutubo. Ang pahayag
na ito na may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa ay naglalahad ng __________.
a. Sanhi c. Sanhi o bunga
b. Bunga d. Sanhi at bunga

44. Kailangang pumili ng isang wikang pambansa. Sa huli, napili ang Tagalog bilang wikang
pagbabatayan ng wikang pambansa. Ang nagpapakita ng bunga ay _______________.
a. Ang unang pahayag c. kailangang pumili
b. Ang ikalawang pahayag d. wikang pambansa
45. Marami nang nagsasalita ng wikang pambansa mula nang ito’y italaga ng batas. Ang
pahayag na ito ay naglalahad ng ____________.
a. Sanhi c. Sanhi o bunga
b. Bunga d. Sanhi at bunga
46. Sa panahong ito, ipinapahayag na ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog batay sa
Batas Komonwelt Bilang 570.
a. Panahon ng Kastila c. Panahon ng Pagsasarili
b. Panahon ng Amerikano d. Panahon ng Hapon
47.Siya ang pangulo ng Pilipinas lumagda sa Proklama Bilang 12 na nagsasaad ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa.
a.Ramon Magsaysay c.Elpidio Quirino
b.Manuel L. Quezon d. Ferdinand E. Marcos
48. Sa panahong ito, lahat ng tanggapan at gusali ay ipinangalan sa wikang Pilipino.
a. Panahon ng Kastila c. Panahon ng Hapon
b. Panahon ng Amerikano d. Panahon ng Pagsasarili
49. Itinaguyod niya ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo ayon sa Kautusan Bilang
52.
a. Lourdes Quisumbing c. Leonor Briones
b. Armin Luistro d. Florencio Abad
50. Sinabi niya na ang paggamit ng wika na ginagamit din sa tahanan sa mga unang baiting
ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.
a. Armin Luistro c. Raul Rocco
b. Leonor Briones d. Florencio Abad
51. Sa panahon ng pagsasarili hanggang sa kasalukuyan ay napagtibay na ang mga wikang
opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles. Ito ay sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang
__________.
a. 570 b. 172 c. 134 d. 184
52. Ito ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
A. Unang wika C. Ikatlong Wika
B. Pangalawang Wika D. Monolingguwalismo
53. Tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika na tila ba dalawa ang ang katutubong wika ng
isang tao.
A. Monolingguwalismo C. Multilingguwalismo
B. Bilingguwalismo D. Pangalawang Wika
54. Barayti ng wikang ginagamit ginagamit ng partikular na pangkat ng tao mula sa isang
partikular na lugar.
A. Sosyolek C. Dayalek
C. Idyolek D. Etnolek
55. Barayti ng wika na tumutukoy sa pansariling paraan ng isang tao sa paggamit ng wika.
A. Sosyolek C. Dayalek
B. Idyolek D. Etnolek
56. Gamit ng wika sa lipunan na tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng isang tao.
A. Personal C. Instrumental
B. Interaksyunal D. Impormatibo
57. Ang pag-uulat sa loob ng silid-aralan ay isang halimbawa ng ______ na gamit g wika sa
lipunan.
A. Personal C. Instrumental
B. Interaksyunal D. Impormatibo
58. Saklaw sa paraan ng pagbabahagi ng wikang ito ang pagpapahayag ng mga saloobin,
damdamin at emosyon.
A. Panghihikayat C. Pagpapahayag ng damdamin
B. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan D. Paggamit bilang sanggunian
59. Ang baybayin ay binubuo ng ____ na titik.
A. Labintatlo C. Labing-isa
B. Labimpito D. Labing-walo
60. Pagkatapos ng panahon ng mga Kastila, dumating naman ang mga Amerikano sa
pamumuno ni ________________.
A. Thomasites C. George Butte
B. Almirante Dewey D. Jorge Bocobo
61.Patungkol ito sa pagtatag ng kurikulum at pagdaragdag ng bilang ng taon sa edukasyon na
nkapaloob ang Mother Tongue Based –Multilingual Education .
A.Dep Ed Order #7 C.RA#10533
B.Exec.Order #134 D.R.A.#7171
62.Nabuo ang barayti dahil sa _______o paghalo ng mga unang wika ng mga tagapagsalita.
A.Buhay C.Interference
B.Natural D.Ortograpiya
63.Tinaguriang wikang natural dahil may sariling mga katutubong tagapagsalita gayundin g
ito ay particular na wikang ginagamit sa etnolinggwistikong pangkat.
A. Wikang Tagalog C.Natural
B.Katutubo D.Filipino
64.Proseso ng pagbuo at paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan batay sa
impluwensya ng mga particular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng
dalawang nag-uusap.
A.Diskurso C.Interpersonal
B.Komunikasyon D.Interkultural
65.Sa pamamagitan nito naipapadala ang mensaheng nais ihatid ng tagapagpadala sa
tagatanggap.
A.Oras C.Tsanel
B,Ingay D.Tao
66.Konteksto ng komunikasyon na ang mensahe at kahulugan ditto ay nabubuo o
nagaganap sa sariling isip o ideya lamang
A.Intrapersonal C.Pampubliko
B. Interpersonal D.Pang-masa
67.Nagmula ang salitang komunikasyon sa salitang latin na ito na ibig sabihin ay”ibahagi.”
A.Communis C.Communal
B.Communi atus D.Communicare
68.(1)Bahagi ng ating buhay ay ginugugol sa pakikipagtalastasan o komunikasyon .
(2)Masabi natin na ang mga ito ay isa ng natural na pangyayari sa ating buhay.
A.Tama ang dalawang pahayag C.Mali ang dalawang pahayag
B.Tama ang una ,mali ang ikalawang phayag D.Mali ang una,tama ang ikalawang
pahayag.
69.(1)Laging matagumpay na komunikasyon ang nagaganap sa araw-araw nating
pamumuhay.
(2)Ang miskomunikasyon ay nangyayari lamang kapag pinagpipilitan ng isang tao ang
kanyang paniniwala sa isang taong may ibang kultura at tradisyon.
A.Tama ang dalawang pahayag
B.Tama ang una,mali ang ikalawang pahayag
C.Mali ang dalawang pahayag
D.Mali ang una ,tama ang ikalawang pahayag.
70.Intensyonal na naipadala ang mensahe sa tagatanggap subalit nagkaroon ng suliranin o
problema sa pagkakaunawa 0 interpretasyon .
A.Tagumpay na komunikasyon C.Tinangkang komunikasyon
B.Miskomunikasyon D.Aksidental na Komunikasyon
71.Prinsipyo ng komunikasyon dahil ito ay isang aktibiti at pagpapalitan ng mga set na pag –
uugali o behavior na hindi nagbabago ang produkto.
A.Simbolo C.Produkto
B.Kahulugan D.Proseso
72. Ito ang uri ng ingay na tumutukoy sa mga suliranin sa pandinig ,malalakas na ingay at
ilaw sa kapaligiran ,gayundin ang espasyo kapag kausap.
A.Pisikal na ingay C.Sikolohikal na ingay
B.Relasyon na ingay D.Pangnilalamang ingay
73. Anong konteksto ng social media ang nagpapakita ng dahilan ng pagbabago sa wika.
A.Limitado ang espasyo C.Kanluranin ang kultura
B.Mabilis ang takbo ng usapan D.Hindi binibigyan-pansin ang wika
74. Dahil sa heograpikal na kalagayan ng bansang Pilipinas kung kaya marami
tayong_______.
A.Idyolek C.Dayalek
B.Barayti ng wika D.Lipunan
75. Ang _______ay sumabay sa mga bagbabagong nagaganap sa kultura sapagkat ito ay
bahagi ng kultura.
A.Wika B.Social Media C.Teknolohiya D.Tradisyon
76. Ito ay abilidad na makahanap ,makaebalweyt at magamit ang impormasyon makikita sa
kompyuter para sa isang komunikasyong kompyuter.
A .Estratedyik na kakayahan C.Pangnilalamang Antas
B.Digital na Literasi D.Relatibong Dimensyon
77. Dimensyon ng kakayahang komunikatibo kung saan ang mag-aaral ay kayang imanipula
at magbigay repleksyon sa mababaw na mukha /antas ng wika sa labas ng madaliang
kontekstong interpersonal.
A.BICS B.BICLA C.CALP D.CALLA
78. Universal Series Bus (USB),Random Access Memory.Compact Disc ay mga terminong
gamit sa larangan _______.
A. Negosyo C.Pagpapaganda
B.Politika D.Teknolohiya
79. Production ,screenplay ,cinematography ay gamit sa larangan ng____.
A. Pelikula C.Edukasyon
B.Teknolohiya D.Medisina
80. Pangongopya ng identidad ng ibang tao ,pangungurakot,at pag-aabuso ay kadalasang
bahagi sa larangan ng___________.
A.Pagsulat C.Abogasya
B.Sining D.Negosyo
81. “Ako ay isang exams kaya sagutin mo ako”Isang halimbawa ng _____.
A Flip top C.Hugot line
B.Pick up line D.Walang line
82. Dito ka mahusay kung alam mo ang iyong sasabihin kapag nakikipaglamay ka.
A.Haptics C.Vocalics
B.Proxemics D.Oculesics
83. Kung ang crush ay parang Math problem,kung hindi mo makuha,titigan mon na lng.Ito ay
isang pahayag na kabilang sa_________.
A.Flip top C.Hugot line
B.Pick up line D.Walang line
84. Sa ackronym na SPEAKING ,itong bagay na ito ay kabilang sa lugal kung saan nag-uusap
ang tao.
A.Setting C.End
B’Norms D.Keys
85. Maraming alam na salita si Argel kaya nakakausap siya nang maayos sa mga tao,ito ay
kahusayan sa__________..
A.Diskorsal C.Pragmatics
B.Sosyolinggwistiko D.Linggwistiko
86. Ang Mass Media o ang ibat’ibang medium ng teknolohiya na nalilikha para sa mga tiyak
na tagatanggap ng mensahe.
A.Social media C.Pangmadlang artikulasyo
B.Midyum D.Pangmadlang Komunikasyon
87. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa salitang diskurso.
A.Nakabatay ito sa literal na kahulugan ng isang teksto
B.Hindi ito maaring bigyan ng kahulugan na labas sa konteksto
C.Nagbubunsod ito ng iba’t ibang lebel ng pagpapakahulugan
D.Nangangailangan ito ng pagtingin sa pinakamaliit na detalye
88.Kodang nakapaloob sa mga simbolong ginagamit gamit sa wika tulad ng pagkakaayos ng
mga pangungusap at salita.
A.Significant C.Di –berbal
B.Signifier D.Berbal
89.Ito ay isang kilos na sinusundan na nagpapalakas sa berbal na mensahe.
A.Ilustrators C.Polysemics
B.Chronemics D.Haptics
90. Simpleng nginitian ni Daniel ang kanyang mga tagahanga.Ito ay nagpapahiwatig ng
sitwasyon sa______.
A.Kinesics C. Iconics
B.Proxenics D.Haptics
91. Nanghihiram ang tao ng salita o wika upang punan ang mga salitang di maipahayag ng
kanyang dila ay isang konsepto ng ng kakayahang_________.
A.Estratedyik C.Sosyolinggwistiks
B.Pragmatiks D.Diskorsal
92. Alas 3 na ng hapon nang makarating sa Bihol sina Rosy at Beth sa sitwasyong ito ay
ipinapahiwatig ang konseptong__________.
AChronemics C.Paralanguage
B.Pronemics D,Haptics
93.Tinatawag ni Fisher ng mga tao ng ganito dahil sa ito ay mahalagang aktibidad ng tao sa
mundo.
A Homo Narrans C,Homo sapiens
B.Illustators D.Haptics
94. Nanghihiram ng tao ng salita o wika upang punan ang salitang di maipapahayag ng dila ay
kabilang sa estratehiyang sa ilalim ng________.
A.Muling pagpapakahulugan C.Panghihiram
B.Pagtratransfer D.Paraphrase
95. Ang kakayahang pangkomunikatibo ay isang aspekto na nagbibigay sa atin ng kakayahan
upang ihatid at bigyang-kahulugan ang mga mensahe at maunawaan ang kahulugang
interpersonal sa loob ng isang ispesipikong konteksto ,ang pahayag na ito ay nagmula
kay________.
A.Saussure C.Hymes
B.Watzlawick D.Duck at McMahan
96.Magaling magdala ng usapan si Roger dahil marami siyang alam at nagagawa niyang
ibahin ang usapan upang hindi namamalayan,Anong kakayahan mayroon si Roger.
A.Conversational involvement C,Adaptability
B.Conversational management D.Effectiveness
97.Kinukumpirma ni Carl sa pamamagitan ng pagsabi ng”Ahhh”sa pagkumpirma sa
natutuhan sa TESDA ,ay kabilang sa kakayahang______’
A.Haptics C,Kinesics
B.Paralangguage D.Oculesics
98. Tayutay na tumutukoy sa paggamit ng salitang malumanay at nagpapaganda sa mga di
kaakit-akit ,marahas sa di magandang sitwasyon.
A.Antiklimaks C,Simili
B.Hyperbole D,Eupemismo
99 .Ito ang malaking nagagawa ng mass media sa lipunan.
A.Kaya nitong impluwensiyahan ang isipan ng mga mamamayan
B.Naalis nito ang agam-agam sa isipan ng mga mamamayan
C.Serbisyong totoo ang ibinibigay nito sa mamamayan
D.Nasisira nito ang pagtitiwal ng tao sa kapwa
100-101 Alin a ng dapat tanggalin sa talata upang magkaroon ng kaisahan .
(A) Marami sa mga Pilipino ang hindi ganap na bihasa sa pagsulat sa wikang sarili .
(B.)Maraming Pilipino ang nagdurusa sa ibang bansa. (C) Marami pa ring nagkakamali sa
simpleng paggawa ng pangungusap .(D. )Maraming hindi alam ang tamang baybay.
101. (A.) Sa isang malaking bahay ay naroon ang isang matandang ginang na nagngangalang
Josefa. (B.) Nangutang si Crispin at humiram ng ilang alahas. (C) Agad naming itong
pinahiram dahil sa kilala niya ito. (D.) Ibinigay niya ito kay Krispin at tuwang tuwa ito.
102.(1) Ang di –berbal na komunikasyong ginagawa sa ating pakikisalamuha ay nakatutulong
upang mas maunawaan ang mensaheng iparating.
(2) Hindi kailangang pag-aralan ang mga di-berbal na kilos na ating ginagawa sa araw-
araw dahil ito ay katanggap-tanggap sa iba’t ibang kultu ra.
A.Tama ang dalawang pahayag
B.Mali ang dalawang pahayag
C.Tama ang una ,mali ang ikalawang pahayag
D.Mali ang una ,tama ang ikalawang pahayag
103.(1) Bilang mag-aaral ,inaasahang matutuhan ang maging mapanuri sa mga kilos at
sinasabi ng taong nakakasalamuha o kabilang sa komunikasyon.
(2) Laging tatandaan ng isang mag-aaral na ang bawat sambit ng salita gayundin sa
maling kilos sa kultura ay magdadala ng positibong pananaw sa taong kausap.
A,Tama ang dalawang pahayag C.Tama ang una mali ang ikala
wa
B.Mali ang dalawang pahayag D.Mali ang una tama ang
ikalawa

104.Ang pananaliksik na naglalayong maghatid lamang ng pag-unawa o kaalaman ukol sa


isang paksa.
A.Panimulang Pananaliksik C.Pagtatayang pananaliksik
B.Pagtugong pananaliksik D.Pagkilos na pananaliksik
105. Ito ang pinakaangkop na paglalarawan kung ano ang pangunahing konsepto ng
Pananaliksik.
A.Pagsusuri sa mga konsepto,bagay ,tao at mga isyu upang bigyan ito ng linaw at
pasubali
B. Pagsusuri lamang ng mga balita upang magbigay ng sariling opinion
C.Pagsusuri lamang ng mga konsepto ,bagay ,tao upang bigyan ng katanyagan
D.Pagsusuri ng usapin upang makalikha lamang ng isyung pag-uusapan ng iilan
106. Kung magtatala lamang ang mananaliksik ng mga datos buhat sa kanyang mga
panayam ,pagbasa ng mga aklat at pag-survey,siya ay nasa hakbang na_________.
A.Pangangalap ng datos B.Presentasyon ng datos C.Pagbasa ng kaugnay na
literatura D.Pagsulat ng burador
107. Pangungupya ng datos ,mga ideya mga pangungusap ,buod,at balangkas ng isang
akda ,programa at iba pa na hindi kinilala ang pinagmulan o kinopyahan.
A.Plagyarismo C,Pananaliksi
B.Pagwawasto D.Pangangalap
108. Disenyo ng pananaliksik na ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan ng
kalagayan o kaganapan sa nakalipas na panahon.
A.Historikal C.Deskriptib
B.Eksperimental D.Emperikal
109. Tumatalakay sa paraan kung paano makapag-aambag ang tagapagsalita sa isang usapan.
A.Retorikal na diskurso C.Koherens
B.Tekstual na diskurso D.Kohisyon
110.Nakabatay sa katotohanan ang katibayan o ebidensya sa pamamagitan ng kakayahang
idepensa o ipaliwanag ang mga ito.
A.Balid C.Emperikal
B.Obhetibo D.Mapanuri
111.Ito ang tinatawag na batayang yunit ng impormasyon.
A.Detalye C.Datos
B.Palagay D.Teorya
112. Nakalap na pangunahing datos ng mananaliksik para sumagot sa mga suliranin ng
kanyang pag-aaral.
A.Primaryang hanguan C.Sekondaryang hanguan
B.Ikatlong hanguan D.Ikaapat na hanguan
113. Ito ang pinakamadaling paghahanguan ng paksa ng sulatin na sa sarili mismo ng
manunulat nagmula ang impormasyon,
A.Internet C.Dalubhasa
B.Sariling karanasan D,Larangang kinabibilangan
114.Ito ang mapaghahanguan ng datos kabilang ang mga aklat,diksyunaryo,tesis at
disertasyon.
A.Pangunahing hanguan C.Servey
B.Pangalawang hanguan D.Panayam
.115. Dumaraan ito sa masusing interpretasyon na walang bahaging pagkakamamali ayon sa
paggamit ng tamang estadistika at analitikal na pagbibigay interpretasyon mula rito.
A.Hindi minamadali C.Emperikal
B.Kwantiteytib D.Mapanuri
116. Ito ang bahagi kung saa isinasaad nito ang mga hakbangin upang mapabuti ,maisaayos o
maitama ang kasalukuyang katayuan ng paksa o isyung napag-aralan.
A.Konklusyon C.Rekomendasyon
B.Suliranin D.Panimula

117 .Alin sa mga sumusunod ang HINDI makikita sa bahagi ng Introduksyon ng sulating
pananaliksik
A.Rekomendasyon ng may-akda
B.Ang pahayag na tesis
C.Kaligiran ng paksa at layunin ng mananaliksik
D.Kahalagahan ng paksa o ng pananaliksik

118.Tawag sa bahaging ito ng talasanggunian kung saan ang buong detalye ng sanggunian ay
nakalagay sa ibaba ng bawat pahina.
A,Endnoting C.Footnoting
B.Parenthetical D.Dokumentaryo
118 .Ipinapakita ng bahaging ito ng pananaliksik ang benepisyo o kahalagahan ng pag-aaral.
A.Saklaw at limitasyon C.Lokal na Literatura
B.Kahalagahan ng Pag-aaral D,Sintesis

119 .Isa sa pinakamalaking balakid sa pagsulat ng pananaliksik ang bagay na ito.


A.Paggamit ng servey C.Kawalan ng paksa
B.Kawalan ng pag-unawa sa dapat gawin D.Walang sapat na oras

120. Sa pagsulat ng burador ,alin ang tamang bigyang-halaga.


A.Ang Labuan nito C.Ang kawastuan ng gramatika
B.Paraan kung paano ilahad D.Ang linaw at lohika ng paglahad

You might also like