You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

FIRST QUARTER/SUMMATIVE
(SY: 2021-2022)

Pangalan: _______________________________ Petsa: ________________


Strand at Seksyon: _______________________ Iskor: _________________
Pangalan/Lagda ng Magulang: ________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang itinuturing na instrumento ng komunikasyon na kung saan naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan at
saloobin sa ibang tao?
a. Ponolohiya b. Gitara c. Wika d. Bibig
2. Ano ang tawag sa makahulugang tunog ng wika?
a. Morpema b. Ponolohiya c. Wika d. Ponema
3. Kapag ang mga ponema ay pinagsama-sama, nakabubuo ito ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na?
a. Morpolohiya b. Morpema c. Ponema d. Ponolohiya
4. Ano ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema?
a. Morpolohiya b. Morpema c. Ponema d. Ponolohiya
5. Ang wika ay may itinuturing na katangian. Ilan ang mga panlahat na katangian ng wika?
a. 5 b. 9 c. 10 d. 8
6. Ano ang tawag sa kakayahan ng isang taong makapgasalita ng dalawang wika?
a. Bilinggwalismo c. Multilinggwalismo
b. Linggwalismo d. Monolinggwalismo
7. Ano ang tawag sa mga taong dalawa ang wikang kayang gamitin?
a. Bilngguwal c. Multilingguwal
b. Lingguwal d. Monolingguwal
8. Ang gamit na regulatori o regulatoryo ay nakapokus sa paggamit ng wika sa pagbibigay ng utos o pagbibigay ng
gabay sa posibleng gagawin ng ibang tao.
a. Gusto kong magpunta sa bukid. c. Ilipat niyo ang nakuhang gamit.
b. Hati tayo sa natirang bigas. d. Masaya lang ako.
9. Ang instrumental na gamit ng wika ay nakatuon sa pagpahayag ng pangangailangan ng tao, tulad ng anumang
kahilingan kaugnay ng pagkain, inumin, at iba pa.
a. Ibalik mo ang sako. c. Gusto ko ng manggang hinog
b. Para kang prinsesa. d. Masayahin siyang tao.
10. Ang personal na gamit ng wika ay tumutukoy naman sa pagpapahayag ng damdamin, opinyon, at indibidwal na
identidad.
a. Magandang babae ako. c. Nagpunta sa parke
b. Paano ka nagbalik? d. Ibalik mo siya sa akin.
11. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang hindi wasto?
a. Ang wika ay nakabatay sa damit.
b. Ang wika ay daan upang maipahayag ang saloobin ng tao.
c. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
d. Ang wika ay pabago-bago.
12. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang wasto?
a. Ang wika ay hindi nagbabago.
b. Ang wika ay pantay-pantay.
c. Ang wika ay hindi makapangyarihan.
d. Ang wika ay walang tunog.

13. Ang gamit na heuristiko, ang pagpapahayag ay nakatuon sa pagkalap ng impormasyon o kaalaman tungkol sa
kapaligiran ng nagsasalita.
a. Paano ginawa ang sopas? c. ibalik ako sa palasyo
b. Naglakad sa kalye d. gusto ko uminom ng kape

14. Isang Australyanong lingwista na tinalakay niya ang tungkol sa “systematic functional linguistic model”.
a. A.F.K. Halliday c. M.A.K. Halliday
b. C.S.F. Halliday d. N.A.K. Halliday

15. Kalian ipinapatupad ang BEP sa pamamagitan ng DECS ng Department Order No. 25,s.1974?
a. 1994 c. 1996
b. 1995 d. 1997

16. Ayon sa kanya, ang wika ay lumalawak at yumayaman dahil sa mga gumagamit nito.
a. Salazar c. Webster
b. Hafalla d. Bernales

17. Ito ay kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasan ng isang tao.
a. Paniniwala c. Wika
b. Kultura d. BEP

18. Ang wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog o ponema.
a. Ang wika ay sinasalitang tunog c. Ang wika ay ginagamit
b. Ang wika ay masistemang balangkas d. Ang wika ay arbitraryo

19. Ang wika ay hindi nakakaranas ng pagbabago dahil hindi naman ito buhay, mapanlikha at inovativ.
a. Ang wika ay dinamiko c. Ang wika ay arbitraryo
b. Ang wika ay sinasalitang tunog d. ang wika ay ginagamit

20. Layunin nitu maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi.
a. Wika c. Bilingual Education Policy
b.Linggwal d.Multilinggwalismo

21. Gagamitin ang wikang sa mga asignaturang Araling Panlipunan, Musika, Siyensya at Sining.
a. Filipino c. Wika
b. Ingles d. bilinggwalismo

22. Naglalaman ang ito ng mga gabay kung paanong magkahiwalay na gagamitin ang Filipino at Ingles bilang
wikang panturo sa mga tiyak na larangan ng pagkatuto sa paaralan.
a. BEP c. Layunin ng wika
b.Katangian ng wika d. Gamit ng wika

23. Ito ay tawag sa maka-agham napag-aaral ng mga pangungusap


a. Morpema c. Sintaksis
b. Ponema d. Ponolohiya

24. Gamit ng wika na tumutukoy sa pagpapahayag ng datos o impormasyon.


a. Interaksisyonal c. Personal
b. Representasyonal d. Imahinatibo

25. Napapadali ang proseso ng pagtuturo at pati na rin ang pagkatuto ng mga estudyante.
a. Multilingguwalismo c. Wika
b. Bilingguwalismo d. KWF

II. Panuto: Tukuyin ang gamit o tungkulin ng wika sa mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang
sagot mula sa kahon sa ibaba at isulat ang tamang titik.

a. Interaksiyonal b. Imahinatibo c. Instrumental

d. Heuristik e. Regulatori f. Impormatib g. Personal

26. Kuya, nasaan ba ang munisipyo?


27. Sa dulo ng daang ito, kumanan ka at matatagpuan mo na ang munispyo.
28. Inday, ipaghanda mo ng makakain ang mga bisita.
29. O ilaw, sa gabing madilim, wangis mo’y bituin sa langit.
30. Binabalaan ang mga nakatira sa mga mababang lugar hinggil sa biglang pagbaha dulot ng malakas na ulan.
31. Nais ko pong mag-aplay bilang empleyado sa inyong kumpanya.
32. Magandang umaga sa inyong lahat.
33. Gaano ba kalayo ang buwan sa mundo?
34. Nalungkot ako sa balita dahil isa raw sa aming mga kasamahan ay lubhang nasugatan sa isang aksidente.
35. Ang bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa bansa.
36. Inumin ang gamut ng tatlong beses sa isang araw.
37. Maaari bang kayo ay magsitahimik.
38. Huwag ninyong susulatan ang test paper
39. Bawal ang mag-ingay sa loob ng silid-aklatan.
40. Kim, kumusta ang inyong pag-aaral.
41. Hindi ko ikinatuwa ang resulta ng patimpalak.
42. Ikaw ang talang nagbibigay liwanag sa aking madilim na gabi.
43. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
44. Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento.
45. Pagbibigay direksyon ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang gagawin sa pagsusulit.
46. Paggawa ng resipe sa ulam.
47. Pag-anyaya sa bisita na saluhan silang kumain.
48. Pagpapaalala ng ina sa mga anak na dapat nakauwi ng alas-10 ng gabi.

Good Luck & God bless…

You might also like