You are on page 1of 3

Paunang Pagtataya sa

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

Pangalan: _____________________________ Taon at Seksyon:_____________________ Iskor:________

Paalala: Huwag kang lilingon sa iba kahit na nahihirapan ka na. Huwag ikaw gaya kanya, ako bigay tama balik
niya kulang. Akala mo beshy you own him/her na pero nag-givesung ng bigalou johny johny yes papa gay man sa
other bekz. OUCHY!!!

Test I. Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin ang tamang sagot na hinihingi sa bawat katanungan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang-papel.

1. Ito ay inilalarawan bilang isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na itinakda at isinasaayos sa
paraang arbitraryo at pangunahing ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan.
a. wika b. balarila c. dayalekto d. alpabeto
2. Ano ang tawag sa wika na natutunang likas ng tao sa unang yugto ng buhay?
a. baybayin b. unang wika c. bernakular d. linggua franca
3. Ito ay tumutukoy sa pansariling wika maging sa gamit ng wika na natatangi sa isang tao o indibidwal.
a. dayalek b. idyolek c. rehistro d. jargon
4. Tumutukoy sa isang espesyalisadong wika na ang mga salita ay nagagamit sa isang partikular na larangan,
disiplina, o propesyon.
a. rehistro b. pidgin c. creole d. bernakular
5. Sa anong larangan ginagamit ang sumusunod na rehistro: dribble, slam dunk, point guard at jump shot?
a. basketball b. edukasyon c. athletics d. literature
6. Ano ang tawag sa sitwasyong pangwika kung saan gumagamit ng higit sa dalawang wika?
a. monolingguwalismo b. bilingguwalismo c. multilingguwalismo d. wala sa nabanggit
7. Ang pinagmulan naman ng barayti na ito ay ang mga salitang karaniwan at madalas na ginagamit sa loob ng
tahanan.
a. ekolek b. etnolek c. dayalek d. idyolek
8. Ano ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba’t-ibang
lugar ay magkakaiba?
a. morpolohikal b. heograpikal c. ponolohikal d. dayalektal
9. Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Saligang Batas 1987, ang wikang ito ang wikang pambansa ng Pilipinas.
a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino d.Ingles
10. Pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga
tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na
estruktura, itong pahayag na ito ay tinuran ni?
a. Webster b. Bouman c. Sturtevant d. Hill
11. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga kahalagahan ng wika, maliban sa isa.
a. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo
ng tao
b. Kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunida
c. Nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman
d. Behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o
kahit saa
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang mga dahilan ng Bilingguwalismo?
a. Relihiyon
b. Geographical Proximity
c. Social Orientation
d. Migration
13. Ang tawag sa wika na natututunan nila sa kanilang paligid. Nagkakaroon na siya ng exposure sa ibang wika.
Madalas ito ay nakukuha niya sa mga kalaro, kaibigan, kaklase, guro at kahit na sa teknolohiya katulad ng
selpon at telebisyon.
a. Unang wika b. Ikalawang wika c. Pangatlong wika d. Ikaapat na wika
14. Ano ang tawag sa sitwasyong pangwika kung saan ang indibidwal ay may kakayahang gumamit ng dalawang
wika at parehas ang katatasan sa paggamit nito.
a. Monolingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Multilingguwalismo d. Rehistro
15. Ayon kay ___________, ang bilinguwalismo ay pagkakaroon ng magkasintulad na gamit at control ng
dalawang wika na ginagamit ng isang indibidwal na dapat parehas ang katatasan sa dalawang wika
a. Leonard Bloomfield (1935), c. Arthur Schopenhauer
b. Weinreich (1953) d. Pinsky (2012)
16. Alamin sa mga sumusunod kung alin ang tumutukoy sa pagbabago sa pagbigkas at tunog ng mga salita ayon
sa pangkat ng mga taong gumagamit nito.
a. Morpolohikal na Varayti c. Ponolohikal na Varayti
b. Heograpikal na Varayti d. Morpolohiya
17. Isa sa mga dahilan ng bilingguwalismo na kung saan natututunang ng isang indibidwal ang paggamit ng
dalawang wika sa lugar na panibago na niyang tirahan o kung saan natutunan na niya ang wika ng lugar kung
saan siya naninirahan na sa kasalukuyan.
a. Geographical proximity c. Religion
b. Migration d. Public or International relations
18. Sa papaanong paraan maipapakita ang pagpapahalaga at pagbibigay respeto sa pambansang wika ng
Pilipinas?
a. Gagamitin ng wasto at nararapat ang wika na kung saan ito ay maipagpapatuloy ang adhikain na
payabungin ang kultura ng bansa.
b. Maging masigasig sa pagnanais na maipakilala sa buong mundo na natatangi ang wika ng ating bansa
kaugnay ang mayaman na kultura
c. Ipagmamalaki at Isasabuhay ang katotohanan na ang sariling wika ang pagkakakilanlan mo bilang
isang Pilipino.
d. Lahat ng nabanggit.
19. Kung ikaw ay isang Pilipino na naninirahan ng ilang taon sa ibang bansa, paano mo maipagpapatuloy ang
pagbibigay ng respeto sa iyong sariling wika na iyong nakagisnan sa bansa kung saan ka ipinanganak at lumaki?
a. Nakadepende sa naisin ng mga kasama sa bahay o komunidad kung palagian ang paggamit ng wikang
Filipino
b. Aalalahanin ang kasarinlan ng bansang sinilangan.
c. Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng wikang Filipino lalo na ang pakipag-usap sa kapwa Pilipino
gamit ang wikang Pambansa ng Pilipinas.
d. Wala sa nabanggit
20. Alamin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kahalagahan ng mga Barayti ng wika?
a. Nagagawa nitong mapaunlad ang isang wika sa pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang gagamitin sa
isang lipunan.
b. Mapaparami nito ang iba’t ibang katawagan ng isang salita.
c. Natutulungan nito ang mga tao na makapamili ng mga salitang pinaka angkop na gamitin.
d. Wala sa nabanggit

Test II. Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Mula sa mga pagpipilian sa ibaba, piliin at
isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel

a. Dayalek e. Ekolek
b. Idyolek f. Pidgin
c. Sosyolek g. Creole
d.Etnolek

21. Ang “Magandang gabi, bayan” ni Noli de Castro ay halimbawa ng anong barayti ng wika
22. Ang mga salitang nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng kanilang
pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko.
23. Isang barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng
mga dayuhan.
24. Hoy Juanita, pumuntaka nga dito sakin. Kunin mo iyong sisidlan ng tubig sa kubeta at mag-igib ka ng tubig
doon sa ilog. Pagkaigib mo ay dalhin mo sa batalan at nang mahugasan na ang mga pinggan at mga kubyertos.
25. Totoy asan mama mo? Ako singil kanya utang. Siya utang akin, ako singil siya tago sakin.
26. Ay ala e magparine ka nga Rodolito, tawagin mo ang mga kapatid at nang tayo ay hahayo’t magpunta sa
piyestaha para magkain man laang ng pisngi ng litson.
27. Ay beks wez na me anda, nang gibsung man akez ki mudraks ng kadatungan.
28. Ang barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang
lugar hanggang sa ito ay nagging pangunahing wika ng partikular na lugar.
29. Hey beshy wapsy, where na U di2 na me. I miss you so much na, come na di2. I’ll hug U ng mahigpit with a
very matunog na kiss mwaps.
30. Grabe naman so init naman here. I wanna punta sa mall to make bili may fave ice cream at isaw.

Test III. Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod. Isulat ang a. Heograpikal; b. Morpolohikal; at c.Ponolohikal
ang varayti ng wika na ginamit.
31. lumayo - nalayo
32. ibon- hayop na may pakpak at lumilipad (Tagalog-Maynila)/ ibon- langgam (Sinugbuanong Binisaya)
33.. pitaka – petaka
34. dala – bitbit (Maynila)/ dala – dugo (Pangasinan)
35. sumagot – nasagot

Test IV. Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na pahayag o katanungan. Isulat ang salitang TAMA ang ang
pahayag ay tam. Ibigay ang tamang kasagutan kung ang pahayag ay MALI.
36. __________ Ayon kay (Lowry, 2011), nagiging malikhain, magaling magplano at maglutas ng problema ang
isang tao na bilingguwal. Nababawasan ang panganib sa pagkakaroon ng sakit sa utak.
37. __________ Ayon kay Gleason 1962, ang wika ay masistemang balangka ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
38. __________ Ang Morpolohiya ay sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes)
ng isang wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga
tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan.
39. __________ Ang Heograpikal na Varayti ng wika ay tumutukoy sa pagbabago sa pagbigkas at tunog ng mga
salita ayon sa pangkat ng mga taong gumagamit nito.
40. __________ Tayong mga Pilipino ay kilala sa sistemang ito. Dahil bukod sa unang wika natin o mother
tongue, marunong din tayo gumamit ng matatas na Filipino at Ingles. Sa mahigit 50 buhay na wika sa ating
bansa, hindi malabong mangyari ang konseptong ito.
41. __________ Ang pagkaiba-iba ng wika sanhi ng iba’t ibang salin panlipunan tulad ng edad, hanpbuhay o
trabaho, antas ng pinag-aralann, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko o tinatawag ding
etnolingguwistikong komunidad, ito ay tinatawag na Heterogenous.
42. __________ Tinatawag na rehistro ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang tipiko o teknikal
na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina.
43. __________ Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtataglay ng iba’t ibang barayti. Batay nga sa
kasabihang Ingles, “Variety is the spice of life.”
44. __________ Ang Wikang Opisyal ay ang Wikang naisabatas o itinadhana ng batas na maging opisyal na wika
ng komunikasyon, transakyon o pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa sambayanan sa pasalita lalong higit sa
paraang pagsulat
45. __________ Bawat propesyon ay may rehistro o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang rehistro
ng wika ng mga guro sa abogado. Iba rin ang inhinyero, computer programmer, doctor, at iba pa.

Test V. 46-50. Magsulat ng talata (paragraph) tungkol sa, “Aralin ang wika, Mahalin ang kultura, Isabuhay ang
pagkaPilipino.”

You might also like