You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Disyembre 12-13, 2016

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o linggwistiko ng napiling
komunidad.

I. LAYUNIN
A. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa
telebisyon. (F11PD-1b-86)
B. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan. (F11PS-1b-86)
C. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga
konseptong pangwika (F11EP-IC-30)

II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA: Homogenous, Heterogenous, Linggwistikong Komunidad, Una at Pangalawang Wika
B. SANGGUNIAN: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Batnag, et.al 2016)
Komunikasyon sa Makabagong Panahon (Mutya Publishing Inc.)
C. KAGAMITAN: Papel at Panulat

III. PAMARAAN
A. PANIMULANG-GAWAIN
1 MINUTE TALK. Bibigyang-pagkakataon ang dalawang mag-aaral para magbahagi ng makabuluhang ideya
hinggil sa topikong bubunutin.

B. PAGLALAHAD NG ARALIN
Papangkatin ang klase sa limang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng topiko na kanilang tatalakayin sa klase. Narito ang
bawat topikong kanilang bibigyang-paliwanag.
- Unang grupo Homogenous
- Ikalawang grupo Heterogenous
- Ikatlong grupo Linggwistikong Komunidad
- Ikaapat na grupo Unang Wika
- Ikalimang grupo Pangalawang Wika
C. PAGTALAKAY
Bawat grupo ay magbabahagi. Sa kanilang pagbabahagi, bibigyang-tuon nila ang kahulugan at kahalagahan nito
sa pang-araw-araw na komunikasyon.

D. PAGPAPAHALAGA
Pagkatapos ng talakayan, sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan.
a. Ano ang pagkakaiba ng homogenous sa heterogenous?
b. Ano ang kahalagahan ng linggwistikong komunidad? Anu-ano ang mga halimbawa nito?
c. Mahalaga ba ang unang wika? Pangalawang wika?

IV. PAGTATAYA
Bibigyang-puntos ang gawain ng mga mag-aaral batay sa kanilang naisagot.

V. KASUNDUAN
Inihanda ni: Pinuna ni:

ADELYN D. ADAIS GNG. BUENA FE RAMOS


Head Teacher, Senior High School

You might also like