You are on page 1of 3

I.

PAGSASANAY
TEST I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ang pagkakaiba ng pagsasalita depende sa istilo at iba pang salik pang wika
na ginagamit ng lipunan, indibidwal o grupo.
a. Barayti
b. Dayalekto
c. Baryasyon -
d. Creole
2. Ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan.
a. Barayti
b. Baryasyon
c. Idyolek
d. Dayalekto -
3. Ito ay tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa
katayuan, antas o sa pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan.
a. Heterogenous
b. Dayalekto
c. Baryasyon
d. Sosyolek -
4. Tinatawag itong ___ kung ang wika ay pare-parehong magsalita ang lahat ng
gumagamit nito.
a. Homogenous -
b. Idyolek
c. Heterogenous
d. Creole
5. Ito ay wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito,
maraming baryasyon na wika.
a. Baryason
b. Pidgin
c. Homogenous
d. Heterogenous -
6. Ito ay pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan  o istilo sa pagsasalita.
a. Sosyolek
b. Pidgin
c. Idyolek -
d. Creole
7. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago
nila ang tunog o kahulugan ng salita.
a. Pidgin
b. Coňo
c. Gay lingo -
d. Creole
8. Ito ay isang  wika na unang  naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
(nativized) na ng mga batang isinilang sa komunidad ng pidgin. 
a. Pidgin
b. Creole -
c. Coňo
d. Sosyolek
9. Ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native Language o
katutubong wikang di pag-aari ninuman.
a. Pidgin -
b. Gay lingo
c. Creole
d. Baryasyon
10. Ito ay tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish o salitang Ingles na
hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng coede switching.
a. Jargon
b. Sosyolek
c. Coňo -
d. Ekolek
TEST II. Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
1. _____ ito ay ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang
propesyon, artikula na trabaho, o  gawain ng tao.
2. _____ Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. Taglay
nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga gumagamit nito.
3. _____ ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon na
pokemon.  Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang
may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit
na titik kaya’t mahirap basahin at intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa jejejetyping.
Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z.
4. ____ Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
5. _____ Naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap.
6. _____ Batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon.
7. _____ Pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng
piniling paraan ng pag-uusap.
8. _____ Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo.
9. _____ Ito ay ang pagkakaroon ng pagkakaiba ng pagsasalita depende sa istilo at iba pang
salik pang wika na ginagamit ng lipunan, indibidwal o grupo.

10. _____ Isulat ang buong pangalan ng iyong guro sa asignaturang “Barayti at Baryasyon ng
Wika”.
TEST III. Essay
1. Ano ang pinagkaiba ng barayti at baryasyon ng Wika? Ipaliwanag ang sagot.

2. Gaano kahalaga ang pag-unawa sa pangunahing Baryasyon ng wika?

You might also like