You are on page 1of 109

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Pilipino

@maritesB.G.
DEPINISYON NG
KOMUNIKASYON
 nagmula sa salitang Latin na communi atus na ang ibig
sabihin ay “ibinabahagi”. Kung iuugnay natin ang
kahulugan nito sa terminong komunikasyon,
mangangahulugan ito na ibinabahagi ng isang tao ang
kanyang ideya, kaalaman, saloobin, o mga
impormasyong alam niya sa iba.
 isa ring proseso ng pagpapahiwatig at
pagpapahayag ng mensahe tungo sa
pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o
higit pang kalahok gamit ang apat na makrong
kasanayan: pakikinig, pagsasalita, pagbabasa,
at pagsusulat.
@maritesB.G.
 Proseso ito ng pagpapahiwatig ng mga mensahe na nagpapahayag
ng mga kahulugang nakabalot at nakapaloob sa isang sistema ng
signipikasyon. Ayon kay Saussure ang sistema ng pagpapahiwatig
ay binubuo ng senyal (signifier) at ang kahulugan (signified) nito.
Arbitraryo ang ugnayan ng senyal at ang kahulugan kung kaya’t
iba-iba ang mga pahiwatig ng wikang ginagamit sa komunikasyon
sa iba’t ibang panahon, lugar, at konteksto. Sa bahaging ito ay
mauunawaan natin kung bakit ang ating suot na damit, hitsura,
kulay ng buhok, tindig, gawi, kilos, at iba pa ay nagpapahayag ng
mga mensaheng nababasa at nauunawaan ng mga tao.
Intensyonal ito kung ang pagkaway ng isang tao’y
direktang nagpapahayag ng pagbati sa taong dumating o
umalis.

Hindi intensyonal kung hindi malay o hindi layunin ng


isang tao ang naipahayag na mensahe o nakitang
kilos/senyal mula sa kanya.
• Halimbawa nito ang pagngiti ng isang babae dahil naalala niya ang
magandang karanasan sa buhay habang kasabay nito ang biglaang
pagkadulas ng kanyang kaibigan. Maaaring isipin ng kanyang
kaibigan na natuwa siya sa pagkakadulas niya.
 Proseso rin ng pagpapahayag ng mensahe ang
komunikasyon. Maaaring ang pokus ng komunikasyon ay
ang pinagmulan (sender) o tagatanggap (reciever) ng
mensahe.
 Pinagmulan ng mensahe ang pokus
Halimbawa: Sa pagbasa ng isang akda, hindi maiiwasang
alamin ang intensyon, buhay at karanasan ng may-akda
(sender) para maunawaan ang tekstong naisulat niya
(mensahe). Isang paraan ito ng pag-unawa sa akda na
nakapokus sa nagsulat.
 Tagatanggap ng mensahe ang pokus
Epektibo ang komunikasyon kung nakarating at naunawaan
ng tumanggap nito ang intensyon o mensahe ng nagpahayag sa
mensaheng tinanggap. Layunin ng lahat ng kalahok sa
komunikasyon ang pagkakaunawaan. Subalit ang pag-unawa ng
mensahe’y batayang pangangailangan tungo sa mas mataas na
antas ng paglalapat ng mensahe sa buhay at pamumuhay ng
mga tao. Ang higit na mataas na anyo ng komunikasyon ay
humahantong sa diskurso. Maaring politikal, akademiko, sosyal,
at kultural ang diskursong ipinahahayag ng mga taong may kani-
kanyang pag-unawa, paniniwala at pananaw na maaaring
sumalungat o sumang-ayon sa iba.
GAWAIN 1
Sagutin nag mga sumusunod:
1. Saan nagmula ang salitang komunikasyon? Ano ang ibig sabihin
nito?
2. Ipaliwanag kung paano nagaganap ang proseso ng
komunikasyon.
3. Paano nagkaiba ang intensyonal at hindi intensyonal na
pahiwatig?
4. Gaano kahalaga ang komunikasyon sa isang tao? Patunayan.
APLIKASYO
N
Sundin ang tuntunin sa pagsasagawa ng pangkatang
Gawain.

1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng tig-isang kinatawan


ang bawat pangkat na mangunguna sa pagpasa ng maikling
impormasyon na ibibigay ng guro.

2. Pipili ang guro ng lima pang miyembro ng bawat pangkat


na makakasama ng kanilang kinatawan.
3. Ibubulong ng guro sa limang kinatawan ang maikling
impormasyon tungkol sa pagtitiyaga. Ipapasa ng mga
kinatawan sa kanilang miyembro ang impormasyong ito
ng walang labis at walang kulang. Kailangan ay eksakto
ang ipapasang impormasyon.

4. Pakikinggan ng guro nang magkahiwalay ang


mensaheng nakuha ng ikalimang miyembro upang
malaman kung tama ang pagkakahatid ng mensahe.
Takdang Aralin
Panuto: Pumili ng isang balita na nakukuha sa telebisyon o di kaya’y
sa radyo at iparinig sa mga mag-aaral. Itala ang mga naunawaan
tungkol sa balita.

Halimbawa: TV Patrol Martial law: Ano ito at ang iyong mga karapatan sa
ilalim nito?

Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang balita?
2. Naunawaan ba ang paghahatid ng balita? Ipaliwanag.
MGA ELEMENTO AT PROSESO NG
KOMUNIKASYON

Ang proseso ng komunikasyon ay umiikot sa


makrong kasanayan (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat) sa pagpapalitan ng mensahe sa pagitan ng
sumusulat at bumabasa at ng nagsasalita sa nakikinig.
Alamin kung ano ang nangyayari sa sistema ng
komunikasyon.
Makikita sa modelong nasa ibaba ang proseso ng komunikasyon na
nangyayari sa dalawang taong nag-uusap o kaya’y mga komunikasyong nababasa
o napakikinggan sa radyo o napapanood sa telebisyon.

Midyum/Tsanel

Tagapagpadala/ Z Tagatanggap
Pinanggalingan ingay

Puna/Reaksyon/Sagot

Sanggunian: Speech Communication ni Saundra Hybels, Richard L. Weaver II. 1974. D.


Van Nastrand Company.
Tagapagdala/Pinanggalingan
Tumutukoy ang elementong ito sa taong pinagmulan ng
mensahe.

Midyum/Tsanel
Ang midyum/ tsanel ang instrumentong ginagamit para
maipadala ang mensahe. Kasama sa bahaging ito ang ipinahahayag na
salita, galaw o kilos, ekspresyon ng mukha, mga isinulat na ideya,
balitang panghimpapawid, pelikula at iba pa. Ang mga makabagong
kagamitan na ginagamit ngayon sa pagpapadala ng mensahe ay
cellphone, FAX machin, e-mail, telepono, telegrama at sulat.
Mensahe
Tumutulong ito sa aktwal na komunikasyon na
nais ipadala. Ang komunikasyon na tinutukoy rito ay
maaaring verbal at di-verbal. Halimbawa, sa tinig pa
lamang ng tao ay malalaman na agad kung ang
mensaheng ipinadala ay masaya, malungkot, galit o
sarkastiko.
Tagatanggap
Tumutukoy ito sa tao o mga taong pinadalhan ng mensahe. Sa ilang kaso,
ang tagatanggap at ang tagapagpadala ng mensahe ay nagkikita gaya ng
tagapakinig sa isang pampublikong komunikasyon. Dito nakikita ng tagapakinig
ang tagapagsalita. May ilang insidente rin na nagkakahiwalay o hindi nagkikita
ang tagapagpadala ng mensahe at ang tagatanggap ng mensahe gaya halimbawa
kung nasa ibang lugar ang nagpadala ng mensahe o kaya naman, napakikinggan
lang sa radyo o napapanood lang sa telebisyon ang nagpapadala ng mensahe. Sa
bahaging ito rin makikilala at mauunawaan ang simbolo, tunog, senyal at iba
pang pagpapahiwatig na lama ng isang teksto sa pamamagitan ng pagabasa o
pakikinig sa isang nagsasalita.
Puna/ Reaksyon
Ang bahaging ito ay may dalawang sistema ng proseso. Ito ay tinatawag na
katugunan o kasagutan na ibinibigay ng tagatanggap sa nagpadala ng mensahe. Ang
tagumpay ng mensahe ay depende sa reaksyon o puna ng tumanggap ng mensahe.

· nakaikipag-usap ka sa kaibigan pero hindi niya nagustuhan ang iyong sinabi. Sa ganitong
sitwasyon, madali mong mapapalitan ang mensahe o ang iyong sinabi para magkaroon ng
positibong katugunan o interes ang tagatanggap ng mensahe.
· isa kang reporter na nagbabalita sa himpapawid o sa telebison. Sa sitwasyong ito,
imposible namabago ang mensahe dahil lagging nahuhuli ang reaksyon o puna ng tao sa
sinasabi ng tagapagpadala ng mensahe.
isa kang prodyuser ng pelikula na umaasang kikita ang iyong pelikula. Makikita mo ang
reaksyon sa pelikulang ipinalabas kapag kumita sa takilya ang iyong pelikula.
Ingay
Ang ingay ang nagiging sagabal sa pagpapadala ng mensahe. May mga
dahilan kung bakit hindi nakatrarating ang mensahe sa tagatanggap. Ang ingay ay
maaaring pisikal o sikolohikal. Nanggagaling sa mga bagay na teknikal ang
pisikal na ingay samantalang ang sikolohikal na ingay ay nangyayari sa isipan ng
tagatanggap at tagapagpadala ng mensahe. Ang sikolohikal na ingay ay mas
medaling kontrolin kaysa sa pisikal na ingay.
Halimbawa:
Ang lokasyon o kinaroroonan ng inyong silid-aralan ay malapit sa kadalasang sentro ng
daanan ng mga sasakyan. Madfalas ninyong naririnig ang busina ng mga sasakyan dahil sa
trapiko at ang nagiging resulta nito ay ang di pagkakaunawaan. Makasasasagabal ito sa
pag-unawa sa mensahe na ipinadadala ng guro sa iyo bilang mga estudyante.
GAWAIN 1

A. Kasama ang kapareha. Gumawa ng isang usapan gamit ang mga


elemento ng komunikasyon at ilahad sa klase.
B. Mula sa ginawang usapan. Tukuyin ang mga elemento ng
komunikasyon.
“Ipasa ang mensahe”
Panuto: Papangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Ang bawat
pangkat ay magkakaroon ng lider na siyang bubunot ng
mensahe na siyang irerelay sa mga kasama at ang huling
masasabihan ng mensahe ang siyang magbabahagi sa klase.

Gabay na tanong:

1. Nauunawaan at naiprating ng tama ang


mensaheng ibinahagi?
2. Kung hindi, ano ang mga naging sagabal bakit
hindi ito naunawaan at naiparating ng tama.
IBA’T IBANG MODELO NG KOMUNIKASYON
Ang modelo o dayagram ang isang paraan upang mailahad an mga teorya
sa komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapakita rito sa biswal na pamamaraan.
Ito’y ang mga representasyon lamang ng isang pangyayaring inilalarawan.
Magagamit ang modelo upang higit na maipaliwanag at mabigyang-linaw ang
proseso ng komunikasyon, bukod sa literal na pamamaraan. Ilan sa mga kilalang
modelo hinggil sa komunikasyon ay makikita sa ibaba.

Modelo ni Aristotle
Ang klasikong modelo ni Aristotle ay mula sa kanyang aklat
na Retorik ay nagpapakita ng linear na katangian ng
komunikasyon. Sa proseso ng pakikipag-usap, inilahad niya
ang mga payak na elemento tulad ng pananalita, mensahe at
tagapakinig.
Sa modelong ito makikita nating may direktang ugnayan
ang tagapagsalita sa kanyang kausap. Naihahatid niya kaagad
ang mensaheng nais niyang ipaabot o iparating na kung saan
agad namang natatanggap ng kausap..
Sa modelo nina Shannon at Weaver, binibigyang-halaga ang
panghihimasok ng mga tinatawag na ingay. Makikita rin sa modelong
ito ang higit na marami ang mga elementong pangkomunikasyon.
Batay kina Shannon at Weaver, ang ingay ay tumutukoy sa mga bagay
o pangyayaring nakagagambala sa matagumpay na daloy ng
komunikasyon. Ang kanilang modelo ay nagpapakita ng kaugnayan
ng elementong ingay sa proseso ng komunikasyon. Ang ingay sa
modelong ito ay kaakibat ng mga pinagdaraanan ng signal. Isang
halimbawa rito ang ingay sa linya na maririnig habang nakikipag-usap
na gamit ang cellphone billang midyum.
Tumatanggap ng
Tagapaghatid signal

Tsanel
Mensahe
Signal
Pinagmulan ng Tagaayos Destinasyon
impormasyon

Ingay
(noise station)

Modelo ni Shannon at Weaver


Ang modelo naman ni Wilbur Schramm ay isa sa mga unang nagpakita sa
siklong katangian ng komunikasyon. Dito ipinakikita na ang komunikasyon ay
hindi linear tulad ng mga naunang modelo, sa halip ay isang prosesong paikot
at pareho ang elementong taglay ng tagaunawa (tagahatid) at tagasagisag
(tagatanggap). Ipinakita ni Schramm na ang komunikasyon ay nagtataglay ng
katangiang siklosa pamamagitan ng kanyang paikot na modelo. Dito
binibigyang-diin ang kahalagahan ng reaksyon mula sa magkabilang panig ng
komunikasyon. Nagpapalit-palit ang katangiang taglay ng mga elemento sa
modelo batay sa naging reaksyon ng mga tumatanggap at naghahatid ng
mensahe. Ibinabatay sa reaksyong ipinakikita ng tagaunawa ang naging
interpretasyon nito sa mensaheng natanggap.
Tagadala/Tagahatid Tagatanggap
Interpreter

Tagadala/Tagahatid
Tagatanggap
Isa pang modelo ni Schramm ang komunikasyong may
kaugnayan sa kultura at karanasan ng nagpapadla at
tumatanggap ng mensahe o senyas. Dito niya inilalahad ang
kahalagahan ng karanasan upang lubos na maunawaan ng
naglalahad at tumatanggap ng senyas at reaksyong ibinibigay.
Higit na malaki ang nalilikhang ugnayan sa karanasan ang
dalawang nag-uusap. Sinasabing ang may mas malawak at
maraming karanasan ay higit na may naibabahagi sa kanyang
kausap o tagatanggap kaysa sa walang gaanong karanasan. Sa
mga tiyak na pagkakataon higit na maraming naibabahagi ang
may karanasan. Katulad na lamang ng mga nakatatanda na
gumagamit ng kasabihang papunta ka pa lamang ay pabalik na
ako. Isa itong patunay sa Modelong ito ni Schramm.
Saklaw ng Karanasan
Ang modelo ni Berlo sa komunikasyon ay nakaabatay sa apat na payak na
elemento na pakikipagtalastasan: ang pinagmulan ng mensahe (source), ang
mensahe (message), ang pinagdaraanan ng mensahe (channel), at nag
tumatanggap ng mensahe. Ang pinagmulan ng mensahe ang unang element sa
modelo ni Berlo. Maaaring tumutukoy ito sa isang nagsasalita sa harapan ng isa
o mga nakikinig tulad ng isang estudyante na naglalahad ng kanyang sagot sa
tanong ng guro o isang manunulat sa pahayagan na naglalahad ng balita. Ayon
kay Berlo, may limang salik na iniuugnay sa pinagmulan ng mensahe – ang
kasanayang pang komunikasyon, saloobin; kaalaman sa mga pangyayari,
bagay o tao, at lipunang kinabibilangan; at kulturang kinagisnan.
S(Source)Pinagm M(Message) C(Channel)Ts R(Receiver)Taga
ulan Mensahe anel tanggap
kasanayang kasanayang
pangkomunikasyon elemento paningin pangkomunikasyon

saloobin nilalaman pandinig saloobin


kaalaman pakitutungo pandamdam kaalaman
sistema ng lipunan estruktura pang-amoy sistema ng lipunan
kultura panlasa kultura

Sanggunian: The Process of Communication: An Introduction to Theory and Practice . By David Berlo.
Copyright © 1960 by Holt, Rinehart and Winston. Inilimbag na may permiso
Modelo ni Dance

Ang paikot na modelo ni Dance na tila


isang bukal ay nagpapakita ng katangian ng
komunikasyon na maging dinamiko.
Ipinahihiwatig ni Dance na nag proseso ng
komunikasyon ay isang pangyayaring
dinamiko, nangangahulugang patuloy na
nagbabago sa paglipas ng panahon.
Nagbabago ang mga modelo dahil sa
komunikatibong sitwasyon.

Sanggunian: “Toward A Theory of Human Communication,” in human


Communication Theory: Original Essays. Ed. By Frank E. X. Dance.
Copyright © 1967. May permiso.
Aplikasyon
Panuto: Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat
Modelo ng Komunikasyon.
MODELO PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA
Simulaing Gawain:
“Ano
ako?”
Panuto: Mula sa mga nadalang diyaryo, gumupit ng mga larawan at
ilagay sa graphic organizer na nakahanda

BERBAL DI-BERBAL
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
URI NG
KOMUNIKASYON:
BERBAL
at DI-BERBAL
URI NG KOMUNIKASYON: BERBAL AT
DI-BERBAL
Ang unang uri ng komunikasyon ay tinatawag na berbal na
komunikasyon. Ito ay maaaring nasa paraang pasulat at pasalita.
Nagagawa ang paraang pasalita sa pamamagitan ng pakikipag-usap
sa kaibigan, kakilala, kamag-anak, kasama sa bahay at pagsasalita
sa malakinggrupo ng tao gaya ng kumperensya, seminar at iba pang
okasyon samantalang ang anyong pasulat ay mababasa sa
pahayagan, magasin, jornal, akalat, pamphlet, e-mail, FAX
machine at iba pa.
URI NG KOMUNIKASYON: BERBAL AT
DI-BERBAL
Tinatawag na di - berbal na komunikasyon ang ikalawang uri ng komunikasyon. Hindi
ito gumagamit ng salita bagkus naipapakita ang mensaheng nais iparating sa kausap sa
pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan. Pinag-aralan ni Albert Mehrabian (1971) ang
mga di - verbal na komunikasyon at batay sa resulta ng kanyang pag-aaral, lumabas ng 93
porsyento ng mga mensaheng ipinapahatid ng tao sa kanyang kapwa ay nagmumula sa di -
verbal na komunikasyon. Ipinaliwanag ni Mehrabian na nasasaklaw ng element ng di - verbal
na komunikasyon ang lahat ng pakikipagkomunikasyon na hindi maituturing na
pagpapahayag ng salita. Samakatwid, ang kilos at galaw na ginagawa ng tao na may
kaugnayan sa mata, ekspresyon ng mukha, kumpas, tindig, panahon, oras, ting at kapaligiran
ay may malaking bahagi sa paghahatid ng mensahe na ipinadadala ng isang tao o grupo ng
mga tao.
1. Kinesika (Kinesics)
ito ang katagawang ginagamit s pag-aaral ng kilos at galawa ng katawan. May kahulugan
ang paggalawa ng iba’t ibang bahagi ng ating katawa. Hindi man tayo nagsasalita sa
pamamagitan n gating kiloas ay naipahihiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating
iparating sa iba. Narito ang ilang galaw ng katawan na ginagamit sa di-berbal na
komunikasyon.

a. Ekspresyon ng mukha- Ayon pa sa ilang mananaliksik, ang ekspresyon ng mukha ay


karaniwang nagpapakita ng emosyon gaya ng pagpapahayag ng tuwa, inis, takot, poot, galit at
iba pa. ang pagtungo ng mukha ay nagpapakita rin ng kaligayahan (pagtawa) o ang
kabaligtaran nito (ang pagtitiim ng bagang at panga) samantalang ang pagsasalubong ng kilay
at pagngungunot ng noo ay nagpapakita ng galit. Maliban dito, marami pang signal na
nagagawa ang mukha ng tao sa paghahatid ng mensaheng di-berbal.
b. Galaw ng Mata- napakahalaga at makapangyarihan ang galaw
ng ating mga mata. Sinasabing nangungusap ang ating mga mata at sa
galaw rin nito nakikita ang pagtitiwala at katapatan ng isang tao. Ang
mensaheng ipinahahayag ng mga mata ay nag-iiba depende sa tagal,
direksyon at kalidad ng kilos ng mga mata. Halimbawa, sa bawat
kultura may mahigpit na tuntunin bagamat hindi nakasulat ang
wastong tagal ng pakikipag-ugnayan ng mga mata. Sa England at
Amerika, ang katamtamang tagal ng pagtingin ay 2.95 segundo. Sa
kabilang dako, ang pagtitinginan ng dalawang taong may paghanga sa
isa’t isa ay may katamtamang tagal ng 1.18 segundo (Argyle 1988,
Argyle at Ingham 1972). Kapag ang pagtingin ng mata ay bumaba sa
ibinigay na katamtamang tagal ng pagtingin, maaari itong
mangahulugan na ang taong kausap ay hindi interesado, nahihiya o
kaya’y abala.
c. Kumpas-iba’t ibang anyo ng kumpas sa pagpapahayag ng di-
verbal na komunikasyon. May mga kumpas na masasabing may
unibersal na kahulugan gaya ng pagtataas ng kamay, pagtikon ng
kamao at ang victory sign na ginagawa nang nakabuka ang hintuturo at
hinlalato. Maliban dito, may kahulugan din ito sa kapayapaan. Sa
kabilang banda, natural na sa isang tao ang pagkumpas. Ang anumang
sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at
nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.

d. Tindig-ang tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na


ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap. Ang
pagpapakita ng magandang tindig ay maaaring mangahulugan na may
sinasabi ang isang tao.
2. Proksemika (Proxemics)
tinatawag na proksemika ang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo,
isang katawagang binuoni Edward T. Hall (1963), isang antropologo. Maaring ang
mga kalahok sa komunikasyon ay nasa pampumblikong lugar tulad ng isang
nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang
magkaibigan. Sa disiplina ng Antropolohiya, ang distansya ay nakabatay sa
kulturang taglay ng mga kalahok sa komunikasyon.

Halimbawa:
May panauhin kayong tagapagsalita sa inyong
paaralan. Pinadadalo kayo ng inyong propesor para making ng
kanyang panayan. Pumili ka ng upuan na malayo sa tagapagsalita at
ang iba mong kamag-aral ay sa unahan nagsiupo na malapit ang
distansya sa tagapagsalita.
Maliban sa distansya, kabahagi rin sa proksemika ang komunikasyong
temporal o oras. May dalawaang aspekto ang komunikasyong panto: ang
panahon o oras na pangkultura at sikolohikal. May tatlong uri ng cultural na
oras (Bruneau 1985, 1990): teknikal na oras, promal na oras, at impormal na
oras.

a. Ang teknikal o siyentipikong oras ay eksakto. Ginagamit lamang ito


sa laboratory at kaunti lamang ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw
nating pamumuhay.

b. Ang pormal na oras ay tumutukoy kung paano binibigyan ng


kahulugan ang kulturaat kung paano ito tinuturo. Halimbawa, sa
kultura n gating oras, hinahati ito sa segundo, minuto, oras, araw, lingo,
buwan at taon. Sa ibang kultura naman ginagamit ang pagbabagu-bago
ng buwan o panahon sa pagpapaliwanag ng oras.
c. Ang impormal na oras ay medyo maluwag sapagkat hindi ito eksakto.
Ang ilang halimbawa nito ay naipahayag sa pamamagitan ng mga
terminong gaya ng “magpakailanman,” “agad-agad,” “sa medaling
panahon,” at “ngayon din.”

Ang sikolohikal na oras ay tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda


ng oras sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ang oryentasyon sa
oras ng mga tao ay nakasalalay sa kanilang kalagayan o katayuang
pansosoyo-ekonomiko at personal nilang karanasan. Sang-ayon kina
Gonzales at Zimbardo (1985), ang isang bata na may magulang na
propesyonal ay natututong magpahalaga sa hinaharap at napag-aaralan
ang estratehiya para matamo ang tagumpay.
3. Pandama o Paghawak (Haptics)

ang pandama o paghawak ay isa sa pinakaprimitibong


anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng
positibong emosyon.nangyayari ito sa mga taong malapit sa
isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-
loob. Ang pagyakap aytanda ng pagmamahal o
pagkakaunawaan ngunit kailangan ding mag-ingat sapagkat
may mga taong ayaw mayakap, mahaplos o makalabit.
4. Paralanguage

• tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng


mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang
pagsutsot, bunting-hininga, ungil at paghinto.

• ang mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita


ay tinatawag ding paralanguange. Ang anumang sinasabi natin o
mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas
ng mga salita o pangungusap. Halimbawa nito ay iba ang paraan ng
ating pananalita kapag ibig nating makisimpatya o makisaya sa iba.
5. Katahimikan / Hindi pag-imik

• may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang


katahimikan. Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay
nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na
makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang
sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng
tagataggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng
tagapagsalita.

• may mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan


para masaktan ang kalooban ng iba.
Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang
damdamin ng isang tao sa ibang tao.

• minsan, ang katahimikan ay ginagamit na tugon sa personal na pagkabalisa o


pagkainio, pagkamahiyain o pagkamatampuhin. Nangyayari rin na
tumatahimik ang isang tao kapag hindi niya kilala o hindi pamilyar sa kanyan
ang tao. Nangyayari rin ito kapag walang masabi sa isyu o paksang pinag-
uusapan.
6. Kapaligiran

ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong,


kumperensya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.
Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi
kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong, kumperensya o
seminar. Kung ang layunin ng tagapagsalita ay magkaroon ng
interaksyon sa mga tagapakinig o sa mga dadalo, kailanagang Makita
ito sa ayos ng sild, silya o upuan, at ayos ng tanghalan. Mahihinuha
ang intensiyon ng mga nagplaplano sa isasagawang pagpupulong,
kumperensya o seminar kapag ang lugar na pinili ay napakapribado at
tahimik. Makikita rin ito na gusto ng nagplano ang ganap na atensyon
at promalidad sa okasyong gagawin.
Batay sa pananaliksik ni Melba Padilla Maggay (2003), ang kaanyuang pisikal na
taglay ng tagapagsalita ay maaaring makatulong sa mensaheng nais niyang
iparating. Ang mga Pilipino ay may sariling pakahulugan sa mga pisikal na
kaanyuan ng tagapagsalita at makikita ito sa pananaliksik nina Covar, Peralta at
Racelis, Hernandez at Agcaoili, at Medina. Narito ang ilang pisikal na kaanyuan:

a. kulot ang buhok–matigas ang ulo


b. malapad ang noo–marunong
c. makitid ang noo–hindi matalino; makitid ang pananaw sa
buhay
d. magatla o malinyang noo–maraming suliranin
e. salubong ang kilay–galit; masungit; naiinis; matapang
f. nangungusap na mata–mapaglarawan o mapagpahayag
g. mapugay na mata–inaantok; mapangarapin; may gusto
h. malaking tainga–mahaba ang buhay
i. matangos ang ilong–tisoy
j. nakangangang bibig–nagulat
k. nunal sa labi–madaldal
l. mahabang dila–naglulubid ng balita
m. ngiting aso–taksil o masama ang pakay
n. bumagsak ang mukha–napawi ang tuwa
GAWAIN
1. Ipaliwanag ang dalawang uri ng komunikasyon.
2. Paano mo masasabing mahalaga ang ekspresyon ng mukha o galawa ng
katawan para maging mabisa ang komunikasyon?
3. Kasama ang kapareha gumawa ng isang usapan gamit ang di-berbal na uri ng
komunikasyon. Gamitin ang patern sa ibaba.

Paksa ng usapan
Saan naganap ang usapan
Dahilan ng usapan
Suliraning bigbigyang solusyon
Bunga ng usapan
APLIKASYO
N
Tukuyin kung anong mensahe ang nais ipahiwatig sa bawat bilang.

1. Paghaplos sa buhok
2.Pagsuntok sa pader matapos hiwalayan ng kasintahan
3.Panggagaya sa ayos ng buhok ni KC Conception
4.Pagbibigay ng regalo sa bagong kasal
5.Pagsimangot habang pinapangaralan ng guro
6.Pagdabog sa pagsunod s autos ng magulang
7.Pag-irap sa kaaway
8.Pangunguyakoy5151
9.Pagbibigay ng binata ng tsokolate sa isang dalaga
BERBA
L

URI NG KOMUNIKASYON

DI- BERBAL

Panuto: Magbigay ng halimbawa ng Berbal at Di-Berbal


Simulaing Gawain:

Panuto: Basahin ang akda at sagutin ang mga


katanungan.

Kwento ni Mabuti
Genoveva Edroza-Matute

(IPRINT NALANG)
Mga gabay na tanong:
1. Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?

2. Sino-sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan?


3. Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?
4. Paano ang takbo ng usapan?
5. Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal?
6. Anong tsanel ang ginamit?
7. Ano ang paksa ng usapan?
8. Ano ang diskursong ginamit? Nasasalaysay ba, nakikipagtalo o
nangangatwiran?
KONSIERASYON SA
MABISANG
KOMUNIKASYON
Binibigyang-halaga ni Dell Hymes (1972) ang tinatawag na etnograpiya ng
komunikasyon na nagsisilbing batayan para maikategorya at maunawaan ang
iba’t ibang sitwasyon at konteksto ng pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan
ng mga tao (Slembrouck, 2003). Ang salitang “etnograpiya” ay mula sa
larangan ng antropolohiya na nangangahulugang personal na pagdanas at
pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglahok, pagmamasid at
pakikipamuhay sa mga taong nasa ibang pamayanan.

Nararapat kung gayon na sa paglahok sa isang sitwasyong pangkomunikatibo


ay masusing pahalagahan ang sinabi ni Dell Hymes tungkol sa Speaking bilang
kahingian sa isang maayos at mabisang komunikasyon.
Narito ang iba’t ibang halimbawa at sitwasyong pangkomunikatibo: misa sa simbahan, tsismisan
sa kalye, tawaran sa palengke, debate satelebisyon, talumpati ng mga mambabatas sa Kongreso
at marami pang iba. Ang sitwasyong ito ay kumakatawan sa deskriptibong konteskto ng pag-
uusap, na naglalaman pa na mahalagang salik batay sa paliwanag ni Dell Hymes (1972) tungkol
sa akronim na SPEAKING:

Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?


S – etting
Sino-sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan?
P – articipant
E – nds Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?
A – ct sequence Paano ang takbo ng usapan?
Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal?
K – eys
I – nstrumentalities Anong tsanel ang ginamit?
N – orms Ano ang paksa ng usapan?
ano ang diskursong ginamit? Nasasalaysay ba,
G – enre nakikipagtalo o nangangatwiran?
Tukuyin natin kung paano ginagamit ang akronim na ito sa sitwastong
pangkomunikatibo.

Halimbawa:

May kumperensyang dinaluhan ang mga peryodistang mag-aaral sa


Bulwagang San Pablo ng Faculty Center Conference Hall sa UP
Diliman. Layunin ng kumperensyang ito na magkaroon ng karagdagang
kaalaman sa pamamahayag at malutas ang mga usapin sa pahayagang
pampaarlan. May programang sinusunod ang kumperensyang ito para
hind imaging magulo ang talakayan.
Pag-aralan ang paglalapat ng akronim sa SPEAKING ni Dell Hymes
Saan ginanap ang kumperensya ng mga
S peryodistang mag-aaral?
Faculty Center Conference Hall sa UP Diliman

Sinu-sino ang mga kalahok sa kumperensyang Mga delegadong estudyante na pawing mamamahayag o
P ito? peryodista na galing sa iba’t ibang kolehiyo o pamantasan

Magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pamamahayag batay


E Ano ang pakay o layunin ng kumperensyang ito?
sa mga karanasan ng mga batikang mamamahayag sa bansa

Maayos ang dloy ng talakayan dahil may sistemang sinusunod


A Paano ang takbo ng usapan?
at may tagapamagitan sa bahagi ng talakayan at tanugan
K Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ang talakayan sa kumperensya
I Pasalita ba o pasulat ang tsanel na ginamit? Pasalita ang ginagamit na instrument sa talakayan
Kasalukuyang isyu at usapin sa mga pahayagang pampaaralan
N Ano ang paksa ng usapan? gaya ng karapatan ng mga peryodista at mga suliranin ng
pahayagang pangkampus
Gumagamit dito ng pagsasalaysay, pangangatwiran at
G Ano ang diskursong ginagamit?
pagpapaliwanag
GAWAIN

1. Ano ang etnograpiya ng komunikasyon?


2. Bakit mahalaga ang etnograpiya sa komunikasyon?
3. Bumuo ng apat na pangkat. Magsagawa ng maikling dula-dulaan
ang dalawang pangkat na ginagamit na paksa ang pagtaas ng singil
sa kuryente.
4. Susuriin naman ng dalawang pangkat ang ipinakitang dula-dulaan
gamit ang SPEAKING ni Hymes.
Maglaro’t umawin

Panuto: Habang kinakanta ang “Pinoy Ako” ipinapasa ang


papel na naglalaman ng mensahe.
· Pagbabahagi sa klase ng mensahe (bawal ang pasalita at
pasulat)

Halimbawa:
Pagod na ako! Hindi pa ako nagpapahinga
KAHULUGAN
NG
WIKA
Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha
ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa
isang kumplikado at simetrikal na estruktura. Ang mga simbolong ito ay
mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
(Archibald A. Hill)
Ayon naman kay Henry Gleason ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ang bawat wika ay may
sariling arbitraryo (set ng salita) na siyang ginagamit ng mga tao sa iisang
lipunan o pangkat. Katulad halimbawa ng mga guro, ang mga salitang grade
sheet, assignment, project, participation, quiz at iba pa ay kanilang arbitraryo.
Gayundin sa iba pang larangan o propesyon.
Ang wikang buhay, saanman at kailanman ito’y umuunlad
habang ginagamit. Nagaganap ito sa prosesong natural sa
kusang pag-aangkin ng mga elementong pangwika at
intensyonal sa bisa ng progresibong pagpaplanong
pangwika. Ang nagkakakontak na mga wika at
nagkakahiraman sa alin man sa nabanggit na mga aspeto
bagaman higit na ekstensibo sa antas na bokabularyo. Ito’y
ibinubunsod ng partikular o espesyal na pangangailangan ng
humihiram na wika. (KWF. 1997:20)
Ayon kay Constantino (1996), ang wika ay siyang pangunahing
instrumento ng komunikasyong panlipunan bilang instrumento,
maaaring matamo sa pamamagitan nito ang instrumental at
sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para
maisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang
matamo ang mga pangangailangan nito. Walang isa man sa atin ang
nakikipag-ugnayan o nakikipagkomunikasyon sa ating kapwa na
hindi gumagamit ng wika. Dahil sa paggamit natin ng wika mas
madali nating naipahahayag ang ating nais o gusto sa ating kapwa,
mas malinaw nating naipaaabot ang ating saloobin at kaisipan
tungkol sa isang paksa.
Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at
naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at
binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na
mga sangkap ng pananalita.

Habang tumatagal ang wika ay napauunlad at napayayabong dahil na rin sa


patuloy itong ginagamit. Sa kanyang pag-unlad ang wika ay hindi na lamang
binibigkas, ito ay naisusulat na rin at naipakikita gamit ang mga simbolo na
nakikita natin sa daan, establisyemento, mga produktong binibili at kumpas,
galaw ng ating ating katawan upang iparating ang ating pagsang-ayon o
pagsalungat sa isang bagay.
TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA
1. Teorya ng Tore ng Babel - ito’y hango sa Bibliya (Magandang Balita
para sa Ating Panahon 11:1-9.)

2. Teoryang Bow-wow - ang wika ay natutunan sa panggagaya ng mga


tunog na nalilikha ng mga hayop (tahol ng aso, tilaok ng manok, huni ng
ibon.)

3. Teoryang Ding-dong - mula sa mga tunog ng mga bagay-bagay sa


ating kapaligiran (tunog ng kampana.)

4. Teoryang Pooh-Pooh - ito’y mga salitang nagsasaad ng matinding


damdamin o silakbo ng damdamin (takot, sakit, labis na katuwaan o
kalungkutan, pagkabigla.)
5. Teoryang Yo-He-Ho - nagsimula ang wika sa indayog ng
awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.

6. Teoryang Yum-yum - nagmula ang wika sa kumpas ng


maestro sa musika at ang bawat kumpas na kanyang
ginagawa’y lumalabas sa kanyang bibig.

7. Jean Jacques Rousseau - ang mga sinaunang tao ay may


kagustuhang makalaya at ang paghahangad na ito ang
nagtulak sa kanya upang lumikha ng wika. Ang unang
wika ng mga tao ay magaspang at primiitbo.
KATANGIAN NG WIKA
1. Ang wika ay masistemang balangkas-lahat ng wika sa daigdig ay
sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Ang isang
wika ay nagsisimula sa ponema (pinakamaliit na yunit ng tunog.)
Ponolohiya naman ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog.
Kapag pinagsama-sama ang mga ponema nakabubuo ng isang
morpema (pinakamaliit na yunit ng salita.) Morpolohiya naman ang
tawag sa maagham na pag-aaral ng mga salita. Ang mga morpemang
pinagsama-sama ay makabubuo ng isang pangungusap o sintaks
(kahulugan ng isang pangungusap.) Sintaksis naman ang tawag sa
maagham na pag-aaral ng mga pangungusap. Ang sintaks kapag
ginamit sa pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa kapwa, ito ang
tinatawag na diskurso.
KATANGIAN NG WIKA
2. Ang wika ay sinasalitang tunog-hindi lahat ng tunog ay wika
sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Ang isang tunog ay
nagiging wika kapag ito’y tinugunan o binigyang-kahulugan.
Halimbawa, kapag ang isang tao’y nakarinig ng alulong ng aso sa
hatinggabi at hindi niya ito pinansin ang alulong ng aso ay isang
simpleng tunog lamang subalit kapag ang taong nakarinig sa alulong
ay nagtalukbong, ang tunog na kanyang narinig ay naging isang wika
sapag ito’y kanyang binigyang-kahulugan. Isa pang halimbawa nito’y
kapag umiyak ang isang sanggol at narinig ng kanyang ina ngunit
hindi niya ito pinansin ang iyak ng sanggol na kanyang narinig ay
hindi wika ngunit kapag lumapit ang ina at kinapa ang lampin kung
basa o hindi o kanya itong pinadede, ang iyak ng sanggol ay naging
isang wika.
KATANGIAN NG WIKA

3. Ang wika ay pinipili at isinaayos-sa lahat ng pagkakataon,


pinipili natin ang wikang ating ginagamit. Sa ating pakikipag-
ugnayan sa ating kapwa, ang mga salitang ating sinasabi,
isinusulat o maging ang reaksyon ng ating mukha, kilos at/o
galaw ng ating katawan ay ating pinipili upang hindi ito
maging sagabal sa pag-unawa ng ating kausap. Magkakaroon
tayo nang mabuti at maayos na pakikipag-ugnayan sa ating
kapwa sapagkat pinipili natin ang wikang ating ginagamit na
umaayon sa sitwasyong ating kinasasangkutan at sa lipunang
ating kinabibilangan.
4. Ang wika ay arbitraryo-ayon kay Archibald A. Hill,
just that the sound of speech and their connections with
entitles of experience are passed in to all members of any
community by older members of that community. Ang bawat wika ay may sariling
arbitraryo (set ng salita) na siyang ginagamit ng bawat miyembro ng isang
pangkat/grupo o lipunan. Halimbawa, ang mga guro ay may sariling arbitraryo
katulad ng: class record, assignment, syllabus, grade sheet, participation, project, at iba
pa. Gayundin ang mga kumukuha ng Hotel and Restaurant Management may
sarili rin silang set ng salita. Ilan samga ito’y sauté, blanch, 1 cup, 1 teaspoon,
simmer, cook. Isa pa rito ay ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang kahulugan
ng isang salita batay sa arbitraryo. Halimbawa, ang love, kapag ang tinutukoy
natin ay pagmamahalan ng dalawang tao ang love ay tumutukoy sa pag-ibig
ngunit kapag ito ay sa larangan ng tennis o badminton ang love ay tumutukoy sa
zero o walang iskor.
5. Ang wika ay ginagamit-ang wika ay kasangakapan
sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkaapan. Ang wikang hindi ginagamit ay
magiging wikang patay sapagkat ito’y hindi
napaunlad, napayabong at hindi nagamit bilang
instrumento sa paghahatid ng damdamin, saloobin,
pananaw at i ba pa. Dahil sa ang wika ay ginagamit
higit itong napauunlad at ang bawat taong nakatira
sa iisang bayan o komunidad ay nagkakaintindihan
dahil sa paggamit ng wika.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura-dahil sa pagkakaiba-
iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat ang
wikang ginagamit sa isang kultura o pangkat-etniko ay
nakabatay rin sa kanilang kultura. Katulad halimbawa, sa
mga katagalugan katulad sa Nueva Ecija, ang sinumang
mga bata na nakikipag-usap sa nakatatanda’y kailangang
gumamit ng “po” o “opo” sapagkat alam ng mga batang
Novo Ecijano na sa kanilang kultura kailangang igalang
ang mga nakatatanda kung kaya’t ang wikang ginamit
nilang “po” o “opo” ay batay sa kanilang kultura.
v
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG WIKANG
PAMBANSA
KONSTITUSYON NG 1935, ART. XIV, S.3
o ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng
isang panlahat na Wikang Pambansa na nasasalig sa isa sa mga wikang katutubo. Hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay magpapatuloy na mga wikang opisyal.

PANGULONG MANUEL L. QUEZON


o nanguna sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa.
o isinulong ang pagkakaroon ng isang tanggapan para sa ganitong layunin.

NOBYEMBRE 13, 1936


o pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184.
o “isang batas na nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtatakda ng mga Kapangyarihan
at tungkulin nito.”
o magsasagawa ng pag-aaral sa mga diyalekto ng Pilipinas upang malinang at mapagtibay ang
isang wikang pambansa batay sa mga wika ng bansa ginamit na saligan sa pagpili ay ang wikang
maunlad sa kayarian, mekanismo at literatura at ginagamit ng nakararaming Pilipino.
ENERO 12, 1937
o pinasinayaan ni Pang. Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa.

Mga Kagawad

Jaime C. de Veyra –Tagapangulo (Samar-Leyte)


Cecilio Lopez – Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap (Tagalog)
Felix B. Salas – Kagawad (Hiligaynon)
Santiago A. Fonacier – Kagawad (Ilokano)
Casimiro F. Perfecto - Kagawad (Bikolano)
Filemon Sotto – Kagawad (Cebuano)
Hadji Butu – Kagawad (Muslim)

Filemon Sotto Isidro Abad


o hindi tinanggap ang pagkakahirang dahil sa kapansanan
DISYEMBRE 30, 1937
o kasabay ng anibersaryo ng kamatayan ni Rizal nilagdaan ni Pangulong Quezon
ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagtatakda sa Tagalog bilang
sanligan ng Wikang Pambansa.
o opisyal na ipinahayag ni Pangulong Quezon sa kanyang talumpati sa radyo na
binigkas niya sa Tagalog ang pagkakabisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134.

ABRIL 1, 1940
o sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, pinahintulutan ng Pangulo ng
Pilipinas ang pagpapalimbag ng A Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng
Wikang Pambansa.

HUNYO 19, 1940


o sinimulang ituro sa mga paaralang publiko at pribado ang wikang pambansa.
HULYO 4, 1946
o ipinahayag ang pagiging isa sa mga wikang opisyal ng wikang pambansa sa
pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 570.
o sinimulan ding ituro mula unang baitang ng elementarya hanggang ikaapat na
taon sa sekundarya.

AGOSTO 13, 1959


o nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, si Kalihim Jose E. Romero
(Kagawaran ng Edukasyon) na nag-aatas na tawaging Pilipino ang wikang
pambansa.

1963–1969
o isang kaso sibil ang iniharap ni Kongresista Inocencio V. Ferrer sa Hukumang
Unang Dulugan dahil sa maling paggamit ng pondo ng pamahalaan sa
pagpapalaganap ng “puristang Tagalog” sa halip na isang wikang binubuo ng lahat
ng wika sa Pilipinas.
1973 KONSTITUSYON
o ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng
panlahat na wikang pambansa na tatawaging FILIPINO.
o hanggang walang ibang ipinapasya ang batas, ang Ingles at Pilipino ay magpapatuloy na wikang opisyal.
o ang FILIPINO na batay sa Pilipino na batay naman sa Tagalog ang napili ng mga delegado ng Kumbensiyong
Konstitusyunal. Patuloy na ginamit ang Filipino bilang wikang pambansa kahit na walang probisyon na
nagtatakda ng paglinang at pagpapaunlad dito.
o nanatiling wikang pambansa at opisyal na wika ang Pilipino hanggang sa pagtibayin ang Konstitusyon ng 1987
(Art. 14, sek. 6).

1987 KONSTITUSYON (Art. 14, Sek. 6)


o ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
o kinilala ng mga delegado ang Pilipino na nukleo ng Filipino. Kinilala nila ito na may mayamang bokabularyo
at literatura at sinasalita ng nakararaming mamamayang Pilipino. Upang lalong mapaunlad at magamit ang
wikang Filipino, nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335.

KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335


o nag-aatas sa lahat ng kagawaran/ kawanihan/ tanggapan/ ahensiya/ instrumentaliti ng pamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang para sa layuning magamit ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon,
komunikasyon at korespondensiya. Ang noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (na dating Surian ng Wikang
Pambansa) ang nagpatupad ng kautusang ito.
PANGULONG CORAZON C. AQUINO
o nilikha ang Batas Republika Blg. 7104.
o nalikha ang Komisyon sa Wikang Filipino noong Agosto 14, 1991.
o ito ay may tungkuling magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino
at ng iba pang mga wika sa Pilipinas.

EBOLUSYON

Disyembre 30, 1937 - iprinoklamang wikang Tagalog ang magiging batayan ng


Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos
itong mapagtibay.

1940 - ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat


ng pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong
pasanayang pangguro sa buong bansa.
Hunyo 4, 1946 - nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng
pambansang Asamblea noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang
Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang
opisyal.

1959 - ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang


Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na ang wikang Pambansa ay tatawaging
Pilipino upang mailagan ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang
Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog.”

1987 - Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na


nagtatadhanang <<ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.>> Ito ay hindi
pinaghalo-halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y
may nukleus, ang Pilipino o Tagalog.
MGA PROBISYONG PA
MGA PROBISYONG PANGWIKA - SALIGANG-BATAS
Saligang-Batas ng Biyak-na-bato (1896)
· Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Saligang-Batas ng 1935
· Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tung sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi
nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal.
Saligang-Batas 1973
· Ang Batasang pambansa as dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na
adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.

Saligang-Batas 1987
· Seksyon 6. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
· Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo. Dapat itaguyod
nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

· Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat


isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

· Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang


pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik
para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang
mga wika.
ANTAS NG WIKA
1. Pormal – ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
§Pambansa–ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambarilala sa
lahat ng mga paaralan.
§Pampanitikan–ito ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan. Mga salitang matatayog, malalalim, makukulay at masining.

2. Impormal–salitang palasak, pang-araw-araw na gamitin sa pakikipag-usap at


pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
§Lalawigan–ito ang mga bokabularyong diyalektal. Makikilala ito sa pagkakaroon ng tono o punto.
§Kolokyal–pang-araw-araw na salita na gimagamit sa pagkakataong impormal may kagaspangan
ng kaunti ang pag papaikli ng isa o higit pang salita.
§Balbal–ito ang tinatawag sa ingles na slang o sa mga pangkat–pangkat nagmumula ang mga ito
upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling kowds.
§Bulgar–ito ang mga salitang magagaspang at masasama.
TUNGKULIN NG WIKA
Nagbigay si M. A. K. Halliday sa kanyang Explorations in the Functions of Language (1973) ng pitong
tungkulin ng wika.
TUNGKULIN NG WIKA KATANGIAN PASALITA PASULAT
INTERAKSYONAL Nakapagpapanatili/Nakapagpapatatag Pormularyong Panlipunan, Liham–Pangkaibigan
ng relasyong sosyal Pangungumusta, Pagpapalitan
ng biro
INSTRUMENTAL Tumutugon sa mga pangangailangan Pakikiusap,Pag-uutos Liham–Pangangalakal

REGULATORI Kumokontrol at gumagabay sa Pagbibigay ng Direksyon, Panuto


kilos/asal ng iba Paalala o Babala
PERSONAL Nakapagpapahayag ng sariling Pormal/Di pormal na Talakayan Liham sa Patnugot
damdamin o opinion
IMAHINATIBO Nakapagpapahayag ng imahinasyon Pagsasalaysay, Paglalarawan Akdang Pampanitikan
sa malikhaing paraan
HEURISTIK Naghahanap ng mga Pagtatanong, Pakikipanayam Sarbey, Pananaliksik
impormasyon/Datos
IMPORMATIB Nagbibigay ng mga Pag-uulat, Pagtuturo Ulat, Pamanahong– Papel
impormasyon/Datos
Ayon kay Emile Durkheim (1985) Ama ng Makabagong Sosyolohiya, ang lipunan ay nabubuo
sa pamamagitan ng mga taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang bawat isa ay may
kani-kanyang papel na ginagampanan. Binigyang-diin din niya na ang kalikasan ng buhay ay
nagmumula sa isang maayos na lipunan. Ang tao raw ay nabubuhay, nakikipagtalastasan at
nakikisama sa lipunang kinabibilangan niya.

Ayon ka Jakobson (2003), may anim na paraan ng paggamit ng wika.

1. Pagpapahayag ng Damdamin (emotive)–ginagamit ang wika upang palutangin


ang karakter ng nagsasalita.
o Masaya ako sa bayang kinagisnan ko.

2. Panghihikayat (conative)–ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o


magpakilos ng taong kinakausap.
o Magluto ka ng maaga dahil maagang darating ang mga panauhin.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)-ginagamit ang wika bilang panimula
ng usapan o pakiki-ugnayan sa kapwa.
o Kumusta ka?
4. Paggamit bilang sanggunian (referential)–ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang
babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman.
o Ayon kay Aristotle, sa kanyang aklat na Retorika, kailangang makilala muna ng isang manunulat
ang sarili bago siya magsimulang sumulat.

5. Pagbibigay ng kuro-kuro (metalimgual)–ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng


komentaryo sa isang kodigo o batas.
o Malinaw na isinasaad sa Batas Komenwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang
Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino.

6. Patalinghaga (poetic)–gimagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng


panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
o Totoong may mga impresyon tayo kapag nakakikita at nakakikilala tayo ng bagong mukha. Ang daming
lumalabas na alingasngas na kalimitan hindi mo alam kung saan nagmula na tila parang singaw sa labi o dila
na bigla nalang lumabas at apektado pati panlasa mo. Parang masamang hangin na nakaiirita sa ilong at
nanunuot ang kasula-sulasok na amoy sa kaibuturan ng iyong kalamnan. Hindi man lantad subalit ganito
ang tao. Mga taong hindi mo mailarawan kung anong pag-uugali ang taglay kapag kapwa na nila ang pinag-
uusapan daig pa nila ang bagong kasal na sabik na sabik sa isa’t isa at tila bulkang gusto ng magpakawala ng
BARAYTI NG WIKA

Ipinaliliwanag ng teoryang sosyo-linggwistik na pinagbatayan ng ideya ng


pagiging heterogeneous ng wika.

1. Dalawang Dimensyon ng Wika


o Dimensyong Heograpiko–makakalikha ng diyalekto. Ginagamit ng
isang rehiyon, lalawigan o pook malaki man o maliit. Ang mga diyalek
ay makikilala sa punto o tono at estraktura ng pangungusap.
o Dimensyong Sosyal–nakabubuo ng sosyolek. Nakabatay ito sa pangkat
ng panlipunan.

2. Diyalekto–ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong


heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat.
3. Sosyolek–naman ang tinatawag sa barayting nabubuo batay sa
dimensyong sosyal.
o Kosa, pupuga tayo mamaya.
o Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
o Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day.
o Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon sa
Robinson.
o Pare, punta tayo mamaya sa SM Cauayan. Me jamming dun, e.

4. Jargon–ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na


pangkat ng gawain.
5. Idyolek–ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang
indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit
ng wika.
Homogenous–iisang wikang ginagamit sa iisang lugar o pangkat-etniko.

Heterogenous–iba’t ibang wikang ginagamit sa iisang lugar, lipunan, o/at


pangkat-etniko.

Linggwistikong Komunidad–mga salitang natatangi sa isang partikular na


lugar, lipunan, o/at pangkat-etniko.

Unang Wika–wikang natututunan sa pagkamulat. Tinatawag din itong inang


wika.

Pangalawang Wika at iba pa–wikang natututunan kasunod ng unang wika.


GAWAIN
Pagtatapat-Tapat. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A. Isulat
ang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
_____1. Emotive ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian
o batayan ng pinagmulan ng kaalaman
_____2. Conative gimagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay at iba pa
_____3. Phatic ginagamit ang wika upang palutangin ang karakter ng nagsasalita
_____4. Referential ginagamit ang wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kawpa
_____5. Metalingual ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang
kodigo o batas
_____6. Poetic ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos ng taong
kinakausap
ginagamit ang wika bilang panimula ng usapan o pakiki-ugnayan sa kapwa
KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG WIKANG FILIPINO
Panahon ng mga Katutubo
§ Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat
§ binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig

Alibata
§Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/.
Kung nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o
/i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/
o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang
inilalagay. Kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama
ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang kruz (+)
bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog. Gumagamit ng dalawang
pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang
=s = sa

= se/si = so/su
Panahon ng mga Kastila
§ Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng
ating pagsulat
§Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo
naman ng 20 titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig
§a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
§Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng
pananakop ng mga Kastila.
§Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon
Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng
wikang Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle
§Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang
katutubo.
o Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro
ito sa lahat ang Espanyol
o Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang
banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika
§Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-
panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis na
pagkatuto nila ng katutubong wika
§Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga
Pilipino
§Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng
pananampalataya subalit hindi naman ito nasunod
Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
§Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino
§Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila
§Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol
sa pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo

§Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si


Carlos II ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga
nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod
dito
§Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito
na nag-uutos na gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat
ng mga pamayanan ng Indio
Panahon ng Propaganda
§Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging
matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa
upang kumuha ng mga karunungan
§Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H.
del Pilar
§Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang
Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan,
masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa
ng kanilang mga isinulat
Panahon ng mga Amerikano
§Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang
dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey
§Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng
publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko
§Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga
naging guro noon
§William Cameron Forbes – naniniwala ang mga kawal
Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang
wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at
Amerikano
§Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay
alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino
o Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino
o Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang Ingles
§Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang
Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong local
§N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende – kahit na napakahusay ang maaaring
pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga
Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang
mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na gawain
§Bise Gobernador Heneral George Butte – naniniwalang epektibong gamitin ang mga
wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino
§Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang
bernakular sa mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang panturo at pantulong
naman ang wikang rehiyonal
Panahon ng Hapones
§Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng
mga Amerikano, ipinagamit nila ang katutubong wika
partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan
§Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog
§Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos
na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapon
Panahon nga Malasariling Pamahalaan
§Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV – “Ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.”
§Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang
Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Sentro ng Wikang
Filipino upang mamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikang pambansa
§Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth Blg. 184
– opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13
ng Nobyembre 1936
§Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at
alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng
Pilipinas
§Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite
§Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging
Wikang Pambansa
Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 – nag-aatas na Tagalog ang batayan ng
wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa
§Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika:
o Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa
ibang wika
o Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat
sa wikang ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat
o Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng
kalakalan sa Pilipinas
o Ang wikang Tagalog ay may hostorikal na basehan sapagkat ito ang
wikang ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio
o May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog
§Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon na magkaroon tayo ng wikang
pagkakakilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa”
§Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1940 –
nagpapahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang
Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa
§Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan
pampubliko at pampribado sa buong bansa
§Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang Pambansang
Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas
simula sa Hulyo 4, 1940
§Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12
noong Marso 26, 1954 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng
Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa
kaarawan ni Balagtas (Abril 2)
§Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong
Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika
mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa
kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19)
§Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng
Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang
Pambansang Awit sa mga paaralan
§Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang
gagamitin
§Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96 na nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali,
edipisyo at tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967
§Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang
Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino
sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyonng pamahalaan
§Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa
lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
§Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 – “Ang Batasang
Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas”
§Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan
Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang
Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas
§Nabagong muli ang Konstitusyon nang sumiklab ang Edsa I noong Pebrero 25,
1986 at nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino
§ Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad tungkol sa wika:
o Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
o Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles
o Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol
o Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili
GAWAIN

Panuto: Baybayin ang mga salitang alibata sa


Filipino. Isulat ang sagot sa patlang.

(Ipaprint mo nlang
mudra) @maritesB.G.
Maraming
Salamat
sa
Pakikinig!!! @maritesB.G.

You might also like