You are on page 1of 42

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA
WIKA
AT KULTURANG
PILIPINO
KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
Ang komunikasyon ay isang
paraan ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng mga sagisag o
tunog.
•Ito ay isang paraan o proseso ng
pagpapahayag, pagbabahagi o
pagpapalitan ng ideya, damdamdamin,
impormasyon at katulad sa
pamamagitan ng pagsulat, pagsasalita
o pagsenyas.
-UP Diksyunaryong Filipino (2012)
•Ang komunikasyon ay maaaring
maging berbal at di berbal.
•Subalit maaari rin naman itong gamitin
nang magkasabay upang higit na
maging tiyak at malinaw ang
mensaheng inihahatid.
•Sa kabila nang pagiging natural ng wika
sa buhay ng tao at sa patuloy na
paggamit niya nito bilang pangunahing
instrumento sa komunikasyon ay may
mga komponent ito na dapat ay alam ng
lahat ng gumagamit ng wika upang
ituring siya bilang isang mabisang
komyunikeytor.
•Tandaan na sa mga isyu ng pag-aaral
at pagkatuto ng wika ay may nabuong
teorya/isyu na tinatawag na
competence at performance.
•Competence tumutukoy sa
kaalaman ng isang tao sa isang tiyak na
Sistema, pangyayari o isang
katotohanan. Ito ay hindi nakikita o
naoobserbahan.
•Performance naoobserbahan o
nakikitang tuwirang manipestasyon o
reyalisasyon ng competence. Ito ay
aktwal na pagsasagawa ng isang
bagay gaya ng paglalakad, pag-awit,
pagsasayaw at pagsasalita.
•Isang katotohanan kung gayon na
lahat ng tao ay may kaalaman tungkol
sa kanyang wika subalit ang
reyalisasyon nito ay hind pare-pareho
sa lahat ng tao.
•Ipinakilala ni Dell Hymes(1972) ang
konsepto ng kakayahang komunikatibo
bunga ng kanyang pagtanggi sa
konsepto ng kakayahang linggwistika na
binuo ni Noam Chomsky(1965).
•Pinaniniwalaan at pinaninindigan ni
Hymes na hindi sapat ang kaalaman at
kasanayan lamang sa linggwistika
upang maging epektibong
komyunikeytor ang isang tao.
•Ayon sa kanya, ang konsepto ng
kakayahang komunikatibo ay nagnanais
na maunawaan ang kasanayan at
kakayahan ng isang tao sa paggamit
niya ng wika.
Kabilang ito sa mga ss:
(Canale at Swain,1990).

• kakayahang sosyolinggwistik
• kakayahang gramatikal
• kakayahang istratedyik at
pragmatic
• kakayahang diskorsal
KAKAYAHANG
SOSYOLINGGWISTIK
• Bakit may mga pagkakataong
hindi ka nauunawaan ng mga
tao sa iyong paligid?

• Bakit may mga taong sa iyo ay


nagtatampo o nagagalit?
• Kakayang Sosyolinggwistik ay tumutukoy
sa kakayahan ng nagsasalita na
maiangkop at makaunawa ng wika mula
sa iba’t ibang kontekstong sosyol o
panlipunan.
•Napakikinabangan nila ang kahusayan sa
kakayahang ito gaya na lamang ng mga
sales representative, call center agent at
iba pa.
•Ayon kay Spolsky (1998), ito ay pag-aaral
sa pagitan ng wika at lipunan gayundin sa
pagitan ng gamit at kayarian ng wika.
• Taglay ng isang komyunikeytor ang
kakayahang sosyolinggwistik kung
kanyang naisasaalang-alang ang mga
taong kanyang kinakausap at ang
layunin ng kanyang pakikipag-usap.
Iniisa-isa sa pamamagitan ng akronim
na SPEAKING na binuo ni DELL
HYMES(1967)
- ito’y tumutukoy sa lugar o pook na
pinaggaganapan ng sitwasyong
pangkomunikasyon. Kinakailangan itong
isaalang-alang sa ikatatagumpay ng
komunikasyon. Halimbawa, iba ang paraan
ng pakikipag-usap kapag nasa loob ng
simbahan kung ihahambing sa palengke.
- Sino-sino ang mga taong kasali sa
komunikasyon? Sila man ay kailangang
isaalang-alang. Ang kanilang edad,
katayuan at kalagayan sa lipunan ay
nakaaapekto sa kung paano sila
kakausapin. Halimbawa, kahit na
parehong nasa klasrum ang guro at iyong
mga kamag-aral ay iba ang paraan ang
pakikipag-usap mo sa iyong grupo
kumpara sa iyong mga kamag-aral
- Dapat ding isaalang-alang kung ano
ang layunin mo sa
pakikipagkomunikasyon. Humihingi ka ba
ng pabor o tulong? Pinangangatwiranan
mo ba ang isang isyu? Nagsusumamo ka
bang sagutin ng iyong nililigawan? Sa
mga pagkakataong ito ay may iba’t ibang
paraan upang maging matagumpay ang
iyong layunin.
- tumutukoy ito sa takbo o daloy ng
usapan sa pagitan ng tagapagsalita at ng
tagapakinig. Maaaring ang kumbersasyon
ay magsimula sa simpleng kamustahan
hanggang sa mapag-usapan ang
kasalukuyang isyu sa bayan at iba pa.
- Ang pagiging pormal o di
pormal ng usapan ang
kinokonsidera rito. Angkop bang
gumamit ng mga salitang balbal at
kolokyal ang isang pari o pastor?
Naririnig mo bang nag-uusap ang
mga tambay sa kanto gamit ang
pampanitikan at pambansa?
- Paano ba ang ugnayan ng mga tao,
pasulat ba o pasalita? Dapat tandaan na
hindi kasing istrikto ng pasalita ang pasulat.
Bagamat may mga pagsasaalang-alang din
sa pagsasalita ay higit na dapat pag-ingatan
ang pasulat sapagkat tanging wika lamang
ang kasangkapan ng paghahatid ng
mensahe at walang mga di berbal na
pamamaraan na magsisilbing panulong nito.
- Ano ang paksa ng usapan?
Maalam ka ba rito? Maiaangkop
mo ba ang sarili mo rito? Kung
minsan kasi ay may mga paksang
labas o lagpas sa iyong paniniwala
o pamantayang moral.
- Ano ang diskurso sa pag-
uusap? Naglalarawan lang ba?
Nagakukwento? O baka naman
ito’y naglalahad at
nangangatwiran?
KAKAYAHANG
GRAMATIKAL
•Ang kakayahang gramatikal ay
pinaniniwalaan ng maraming dalubwika
na katulad lang din ng kakayahang
linggwistiko na unang inilahad ni
Chomsky (1965).
•Ayon sa kanila, isang sangkap sa
pagiging mabuting komyunikeytor ang
pagkakaroon ng tamang gramatika sa
pagpapahayag.
•Maraming gumagamit ng wika ang
inaakala mong epektibo at episyente sa
kanilang pagsasalita o maging sa
pagsulat subalit kapag sinuri ang
gramatika nito ay kakikitaan ng
maraming pagkakamali.
•Saklaw ng kakayahang ito ang tamang
pagbigkas ng mga salita, wasto at
angkop na pagpili ng mga salitang
gagamitin sa pagpapahayag, ang
tamang estruktura ng pangungusap,
ang ortograpiya at iba pa.
HINDI ANGKOP ANGKOP
Bagay sa nagwaging Bagay sa nagwaging
Bb. Pilipinas ang Bb. Pilipinas ang
kanyang bunganga. kanyang may
kalakihang bibig.
Ang pambansang wika Ang pambansang wika
ay panaling bumibigkis ay tanikalang
sa mga mamamayan bumibigkis sa mga
ng bansa. mamamayan ng bansa.

Si Nicole ay kinuha Kinuha ni Nicole ang


ang hinog na papaya hinog na papaya sa
sa puno. puno.
Kapanapanabik ang Kapanapanabik
teleseryeng Ang talaga ang
Probinsyano talaga. teleseryeng Ang
Probinsyano.
Hindi magpapatuloy sa Hindi magpapatuloy sa
pagyabong ang wikang pagyabong ang wikang
Filipino kung hindi Filipino kung hindi natin
natin ito gagamitin at ito gagamitin.
mahihilig tayong
magbasa.
PANGKATANG GAWAIN
Lumikha ng maikling iskrip na
isasadula sa klase gamit ang
SPEAKING ni Dell Hymes.
•Rubrik:
Nilalaman - 10 puntos
Pagkamalikhain- 8 puntos
Mekaniks - 7 puntos
Kabuuan : 25 puntos

You might also like