You are on page 1of 34

KAKAYAHANG DISKORSAL

Ma.Theresa E. Macaltao
DISKURSO
•  Malayang nasasabi ng tao ang kanyang
saloobin, kaisipan o ideya sa kahit
sinumang lahi ng tao sa mundo. Kung
kaya mahalaga ang pakikipagdiskurso sa
buhay ng tao
• .Nagmula ito sa Middle English na
“discourse” na mula sa Medieval at Late
Latin na “discursus” at “kumbersasyon.”  
  
Sa makalumang kahulugan
nito,tumutukoy ito sa kakayahan
ng pagsasaayos ng kaisipan,
pamamaraan o pagiging
makatwiran ng isang tao.
• Ayon naman sa diksyunaryo ni Leo James
English (2007) ang kahulugan ng diskurso ay
may kinalaman sa pagsasalita at pagtatalumpati.
Marapat lamang na sabihin na ang diskurso ay
isang pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t-ibang
paksa, pasulat man o pasalita.
• Dahil sa diskurso maraming nalaman ang
tao mula sa mga taong nagsisipagsulat ng kani-
kanilang mga akda at gayundin sa mga taong
nakipagpalitan-tugon sa pamamagitanng
pagsasalita sa kanilang mga kausap.
Pasalita at Pasulat na Diskurso

Ang kakayahang komunikatibo ay


tumutukoy sa kakayahang tekstwal o
abilidad na sumulat o magsalita nang may
organisasyon o kohisyon at ang abilidad
na magamit ang wika para sa
manipulasyon, imahinasyon o sa
paglilinaw ng ideya at maging sa
pagtuturo. 
Nangangahulugan ito na ang isang tao
ay marunong kung kailan niya dapat sabihin
ang isang bagay o ideya sa isang partikular
na tao sa isang angkop na panahon, lugar at
pamamaraan.
Ang kakayahang pangwika ay
tumutukoy sa kaalaman sa sistema ng
wika. 
Ibig sabihin ay mahusay sa gramatika
ang isang ispiker o manunulat at may
kakayahan siyang manipulahin ang wika
upang makamit ang layunin ng diskurso.
Sa pasalitang diskurso…

Ano ang mahalaga?


 ang kakayahang pangwika sa pakikipag-
usap ngunit minsan ay naaapektohan ang
kahulugan. Bakit?
 kung hindi bibigyang-pansin ang
kalagayang sosyal habang nagaganap
ang diskurso ? Ano ang maaring mangyari
 kung kaya’t mahalaga rin ang
kakayahang komunikatibo.  
Dapat na iangkop ang sasabihin
sa panahon, sa lugar at maging sa
taong kausap upang makamit ang
layunin.
Sa pasulat na diskurso, mas
nakatuon ang atensyon ng nagsusulat
sa kanyang kakayahang pangwika
upang matiyak na malinaw niyang
maipapahayag sa kanyang isinulat ang
kanyang mensahe dahil maaaring
maging iba ang pakaunawa ng
tatanggap nito. 
Salik sa pasulat na diskurso
anyo ng sulatin  o format, uri ng papel at
iba pa.
Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito
ay nakasulat at;
 Mayroong ebidensya ng teksto.
Konteksto ng diskurso
Nagbabago ang anyo at pamamaraan ng
diskurso maging ang daloy nito depende sa
konteksto ng diskurso.
  Ang konteksto ay tumutukoy sa oras,
espasyo at maging ang taong kasangkot sa
diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng
diskurso ay nararapat na pagtuunan din ng
pansin dahil maaaring makaapekto ito di
lamang sa daloy ng komunikasyon kundi
maging ng kalalabasan nito.
 
• 1) Interpersonal, usapang magkaibigan o
malapit ang kasangkot sa isa’t isa
• (2) Panggrupo, ang mga kasapi ay may ugnayan
dahil bahagi sila ng isang pangkat tulad
ng isang klase
• (3) Pang-organisasyon , ang mga kasapi ay
bahagi ng isang organisasyon o samahan tulad
ng isang kumpanya, sa pagitan ng pamunuan at
ng mga empleyado
• (4) Pangmasa , sa harap ng malaking
grupo ng tao tulad ng pangangampanya
• (5) Interkultural , ang mga kasapi ay
nabibilang sa magkakaibang kultural na
pangkat
• (6) Pangkasarian , ang mga kasapi ay
nabibilang sa isang partikular na
kasarian tulad ng usapang lalake
Salik na nakakaapekto sa daloy ng diskurso:

• paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng


paksa ay angkop sa lahat ng konteksto dahil may
paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di
kaya ay pambbabae o panlalake
• layunin – bawat diskurso ay nagaganap dahil
mayroong ninanais ang mga taong sangkot, dahil
dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa
pamamaraang magiging daan sa katuparan ng
layunin, maaaring mapabago ang pananaw ng
isang tao, makaimpluwensya, makabenta o iba pa
 
• pagsasawika ng ideya – ang isang
kaisipan ay maaaring maipahayag sa
samu’t saring pamamaraan dahil na rin sa
ang wika ay malikhain at ang taong may
kakayahang pangwika ay maisasagawa
ito; kung papaano ipapahayag ang
kaisipan ay makakaapekto sa pagtanggap
ng kinakausap.
• Tagatanggap – ang tagahatid at
tagatanggap ay 2 magkaibang nilalang na
may iba’t ibang takbo ng pag-iisip;
nangangahulugan na kahit na sa
pakiramdam ng tagahatid na malinaw ang
mensahe niya, maaaring iba naman ang
persepsyon ng tagatanggap kaya
mahalagang isaalang-alang niya ang
tagatanggap.
Sa talakayang diskorsal, ituon
ang talakay sa:
• Ano (Paksa, nilalaman ng usapan)
• Sino ( Mga nag- uusap )
• Paano (Paraan ng pag- uusap, akto,
gawi)
• Bakit (Layunin ng pag-uusap)
• Saan ( Lugar ng pag- uusap)
• Kailan (Oras ng pag- uusap)
Halimbawa: Sitwasyon 1
Ann Magandang umaga po.
Gng. Malvar Magandang umaga rin. Halika maupo ka.
Ann Salamat po.
Gng. Malvar May problema ka ba iha? Napansin ko kasi na matamlay ka sa
klase pati na sa mga kaibigan mo.
Ann Nalilito po kasi ako sa nangyayari sa amin.
Gng. Malvar Nais mo bang ihinga sa akin ang problema mo, iha? Baka
matulungan kita.
Ann Nagmula po kasi nang nagkaroon ng bagong trabaho ang
Tatay ko, halos gabi-gabi na po siyang umuwi. Nagagalit tuloy
kung minsan ang nanay. Naninibago na po ako sa ikinikilos ng
Tatay ko.
Gng. Malvar Ano sa palagay mo ang pagkakaganoon ng Tatay mo?
Ann Palagay ko po ay ang mga kaopisina niya. Sinusundo pa nga
po siya sa bahay kung minsan.
Gng. Malvar Di lang siguro maiiwasan ng Tatay mo ang kanyang mga
kaopisina. Mahirap kasi kung minsan ang umiwas dahil
kailangang makisama. Sabi mo nga’y hidi siya ganoon dati
hindi ba?...
Sino ang mga
nag- uusap?
Saan sila nag-
uusap?
Ano ang paksa
ng kanilang
usapan?
Paano sila nag-
usap?
Ano ang layunin
ng kanilang
usapan?
Bakit sila nag-
uusap?
Kailan naganap
ang usapan
Halimbawa: Sitwasyon 2
Jay Ano kaya ang ginagawa nila sa bundok na iyon? Bakit kaya
may usok?
Mang Mario Aba! May nagkakaingin na naman pala.
Jay Ano po yung nagkakaingin?
Mang Mario Ang kaingin ay ang pagsusunog ng bundok. Pagkatapos,
kinukuha nila ang mga kahoy at ginagawa nilang troso.
Jay Paano po yung mga maliliit na kahoy at saka iyong mga hayop?
Di wala na silang matitirhan, siyempre po, nasusunog eh di
makakalbo. Parang katulad ng ulo ni Mang Kalbo.
Mang Mario Bakit naman napasok sa usapan si Mang Edong?
(at sa papasok naman si Mang Edong)
Mang Edong Bakit, ano ba yung napakinggan kong mang Edong Jan?
Mang Mario Pa’no kasi pare, pinag-uusapan namin ang nakakalbong
bundok dahil sa kaingin.
Mang Edong Iyon nga rin, madalas kong napapansin, paano na lang kaya
itong mga malilit pa nating mga anak pagdating ng araw…
Jay Mang Edong alam po kaya ito ng mga kinauukulan?
Sino ang mga Batay sa dalawang halaimbawang usapan,
nag- uusap? ano pa ang maaaring talakayin at ipagawa
Saan sila nag- maliban sa pagtukoy ng SINO, SAAN, ANO,
uusap? PAANO, LAYUNIN, BAKIT AT KAILAN?
Ano ang paksa
Malayang talakayan
ng kanilang
Debate sa nilalaman ng paksa
usapan?
Pagsasaliksik at pag- uulat
Paano sila nag- Pagbuo ng iskit at pagpapakita ito sa klase
usap? na walang kopya ng usapan o walang
Ano ang layunin paghahanda
ng kanilang Talumpating walang paghahanda
usapan? Q&A
Bakit sila nag- Pagpapasulat ng sanaysay (Ginabayan o
uusap? malayang pagsulat)

Kailan naganap
ang usapan
Mapanuring pagtukoy sa sino, ano, saan, kailan,
bakit, paano at layunin:

“mabilis ang bawat pagkawag ng krus sa


mga kamay ni inay, paulit- ulit, mahigpit
na mahigpit, at nakita ko ang pagdaloy ng
mapulang iyon sa kanyang ilong at
bibig…”
Suriin at tukuyin sa sino, ano,
saan, kailan, bakit, paano at
layunin

1. “malalim na tiim baga ang namayani at


ang malabubog na tubig na kumislap at
malayang pumaimbulog ay pumatak at
bumasak sa katahimikan…”
2. “Namatay ang aking asawa
ngunit hindi siya nakaburol sa
aming tahanan”

3. “Ang bata kong puso ay uhaw


na uhaw…”
4.
Sana
Hindi na ako
Susukatin
Sa pamamagitan ng kanta.

Sana hindi mahuhulog


Ang pagkatao ko
Tulad ng
Pagbagsak ng barya
Sa lata.

Himig sa overpass
Elyrah L. Salanga
TUNGTUNGAN

You might also like