You are on page 1of 8

Mga Iba't ibang

Komponent ng
Kakayahang
Pangkomunikatibo

Kakayahang
Lingguwistiko o
Gramatikal
Ayon kina Canale at Swain ito ay ang pagunawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika,
gayundin ang mga tuntuning pangortograpiya.
Ito ay magbibigay kakayahan sa taong
nagsasalita upang magamit ang kaalaman at
kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag
sa literal na kahulugan ng mga salita.

Kakayahang
Sosyolingguwistiko
Ito ang pagsaalang-alang ng isang
tao sa ugnayan niya sa mga kausap,
ang impormasyong pinag-uusapan,
at ang lugar ng kanilang pinaguusapan. Isinasa-alang-alang dito
ang kontekstong sosyal ng isang
wika.

Komunikasyon
Akto ng pagpapahayag ng ideya o
kaisipan sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat na paraan
Ito ay proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mga mensahe sa
pamamagitan ng mga simbolikong
cues na maaaring berbal o di-berbal.

Kakayahang Pragmatik
Natutukoy nito ang kahulugan ng
mensaheng sinasabi at di sinasabi,
batay sa ikinikilos ng taong kausap.
Natutukoy rin nito ang kaugnayan
ng mga salita sa kanilang
kahulugan, batay sa paggamit ng
konteksto.

Kakayahang Istratedyik
Ito ang kakayahang magamit ang
berbal at di-berbal na mga hudyat
upang maipabatid nang mas
malinaw ang mensahe at maiwasan
o maisaayos ang mga hindi
pagkakaunawaan o mga puwang
(gaps) sa komunikasyon.

You might also like