You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Dr. Bonifacio A Masilungan National High School
Lalayat San Jose, Batangas

Detalyadong Banghay Aralin sa


Filipino 11- Komunikasyon sa Wika at Kulturang Pilipino

Asignatura: Filipino 11 Blg. Ng Linggo:


Semester: Unang Semestre Petsa:

I.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Nauunawaan ng may masusing pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na
katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

II. PAMANTAYAN SA PAGGANAP:


Nakakagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t- ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa
loob ng kultura at lipunang Pilipino.

III. KASANAYAN SA PAGKATUTO:


Nabibigyan ng kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan. F11PT-IIe-87

Mga tiyak na kasanayan:


1. Nakapagsusuri ng isang palabas sa tlebisyon nang naisasaalang-alang ang pagkakaroon ng
kakayahang sosyolingguwistiko.

Estratehiya:

IV. PAKSANG ARALIN:

Paksa:
Kakayahang Sosyolingguwistiko: Pag-unawa batay sa pagtukoy sa kung sino, paano, kailan,
saan, at kung bakit nangayri ang sitwasyong komunikatibo

Sanggunian:
Roderick V. Nuncio, Elizabeth-Morales V.Nuncio. Sidhaya11 Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. p.280-281

Instruksyunal na kagamitan:
Kartolina, manila paper, pisara at yeso, prodyektor at laptap

Istratehiya:
Read, Examine, Analyze, Deliver (READ)

V. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panimulang Gawain

Ang lahat ay magsitayo para sa panalangin na


pamumunuan ni …. (pipili ng mag-aaral)
“AMEN ”
AMEN!
Isaayos ang linya ng upuan, pulutin ang kalat at
bumati ng saby-sabay.
Magandang Umaga!
Magandang umaga din po!
At isaisip ang mga katagang PAK PAK
GANERN
Ang kalihim ng klase itala ang liban at ibigay ito
sa akin.

B.Pagbabalik Aral
Tayo munang magbalik aral. Ano nga ang ating
pinag-aralan noong nakaraang araw?
(tatawag ng mag-aaral)

C. Pagganyak
Pagmasadan at pag-aralan ang patalastas ng isang
alak.
(ipapakita ang larawan)
Susuriin ang larawan.
D. Aktibiti

Batay sa larawan ay sagutin ang bawat


katanungan.

1. Ano ang iyong unang impresyon.


2. Ano ang literal (denotasyon) na
kahulugan ng mga salita?
3. Sa konteksto ng palatastas, ano ang
lumitawna kahulugan (konotasyon) ng
mga nabanggit na salita?
4. Sa iyong palagay, ano ang posibleng
maging epekto ng palastas sa mga
makababasa nito?
5. Kung ikaw ang gagawa ng tagline ng
isang patalastas ano kaya ito?
Sasagot ang mag-aaral

Batay sa ating nagging gwain ano kaya ang ating


pagtatalakayan?
Maam ang kakaayahan ng isang taong
makaunawa at makapagbigay ng interpretasyon
sa isang lipunan o sa sosyal.
Tama! O ang tinatawag na kakayahang
sosyolingguwistiko.

E. Analisis

Paano malalaman na nagtataglay ng kakayahang


sosyolingguwistiko ang isang
indibidwal?(tatawag ng mag-aaral)
Sasagot ang mag-aaral

F. Abstraksyon

Isa sa uri ng kakayahang komunikatibo ay ang


kakayahang sosyolingguwistiko. Para sa inyo ano
kaya ito? (tatawag ng mag-aaral)
Sasagot ang mag-aaral
Magaling!
Bahagi ng pag-aaral ng lingguwistika ang
tinatawag na sosyolingguwistika. Sinisipat sa
pag-aaral nito ang ugnayan ng wika at lipunan
partikular ang kaangkupan ng gamit ng isang
wika batay sa iba’t-ibang konteksto.
Ayon kay Sappir, ang wika ay maituturing na
gamit o kasangkapan sa sosyolisasyon, na ang
ugnayang sosyal ay hindi ganap o buo kung wala
ang wika.
Saang mga salik o aspeto kaya ng buhay
kakikitaan ang kakayahang sosyolingguwistiko?
 panahon
 kontekstong kultural
 lunan ng usapan maging ang edad,
 kasarian
 propesyon
 pangkat ng mga taong sangkot sa usapan
Kailangang bigyang-pansin at unawain sapagkat
ang mga ito ay maaaring makaapekto sa
kaangkupan ng gamit ng isang wika sa isang
sitwasyong komunikatibo.

Pakibasa ng kahulugan ng
sosyolingguwistiko…… Kakayahang Sosyolingguwistiko (sociolinguistic
competence)-kapag ang isang tao ay may
kakayahang manipulahin ng kaniyang gamit ng
wika upang ito umayon sa hinihinging sitwasyon
ng pakikipagtalastasan.
Isinasaalang-alang din nito ang ugnayan ng nag-
uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang
lugar ng kanilang pinag-uusapan. Samakatuwid,
itinuturing na mahalaga rin ang pag-unawa sa
kontekstong sosyal ng isang wika.

Ayon sa pagpapaliwanag ni Hymes,


Hindi lamang dapat binibigyang pansin ang
gramatika, mahalagang malaman kung kailan
tayo magsasalita at hindi magsasalita, ano ang
pag-uusapan, sino ang kakausapin, saan at sa
paanong paraan.
Sapagkat katangian ng wika ang pagiging buhay
at dinamiko, patuloy ang pagbabago nito sa
pamamagitan ng panghihiram sa ibang wika.
Nagbibigay daan ito upang umusbong ang
pagkakaiba ng wika o tinatawag na uri o baryti ng
wika.

Positibong penomenon na pangwika ang


pagkakaroon ng uri at barayti dahil nagagawa
nitong mapaunlad ang wika, natutulungan nito
ang mga tao na makapamili ng mga salitang
gagamitin sa pinakaangkop na paraan at
napapalawak nito ang iskolarling na pananaliksik
na pangwika.

Ang Etnograpiya ng Komunikasyon.

Sa anumang sitwasyong komunitibo


mahalagang isaalang-alang ng tao ang ugnayan
ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-
uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan.
Ang pag-unawa sa ugnayang namamagitan sa
wika at sa lipunan ay may malaking papel na
ginagampampanan tungo sa isang mabisang
pagpapahayag. Sa pagkakataong to ang pagbuo ni
Dell Hyme sa paggamit ng isang modelo sa
pamamagitan ng akrostik na SPEAKING.
Setting at scene(lugar at oras ng usapan;
naglalarawan ng kalikasan ng sitwasyon ng pag-
uusap)
Participants(mga taong sangkot sa usapan; ang
nagsasalita at ang kinakausap)
Ends(layunin at mithiin ng usapin gayundin ang
maaaring bunga ng pag-uusap)
Act sequence(pagkakasund-sunod ng pangyayari
habng nagaganap ang pag-uusap)
Keys (pangkalahatang tono o paraan ng
pagsasalita:pormal at di pormal ang takbo ng
usapan)
Instrumentalities(anyo at estilong gingamit sa
usapan:pasalit, pasulat,harapan, kasama rin ang
uri ng wikang gamit)
Norms (kaangkuoan at kaakmaan ng usapan ng
isang sitwasyon)
Genre (uri ng pananalita na nakalahad mula sa
isang sitwasyon:nagsasalaysay, nakikipagtalo o
nagmamatuwid)

G. Aplikasyon

Upang malaman kung kayo ay may naintindihan


ay mga bidyo akong ipapanood sa inyo, ito ay
mula sa sa isang panayam sa isang telebisyon.
Ang bawat grupo ay kinakailangan na suriin at
ilapat ang modelo ni Dell Hymes na SPEAKING.
(Ipapanood ng bidyo)

(Isasagawa ang gawain)


H. Pagbubuod

Sa iyong sariling pananawa, mahalaga bang


mapaunlad ang kakayahang sosyolingguwistiko
ng isang inbidibwal?
(tatawag ng mag-aaral)
(sasagot ng mag-aaral)

VI. EBALWASYON

Sa kalhating pirasong papel, ibigay ang hinihingi g sumusunod:

1-6. Ano-ano ang mga salik o aspeto kaya ng buhay kakikitaan ang kakayahang sosyolingguwistiko?
7-14. Ibigay ang gingawang akrostik ni Dell Hyme sa salitang SPEAKING.

Susi sa pagwawasto

1. panahon
2. kontekstong kultural
3. lunan ng usapan maging ang edad,
4. kasarian
5. propesyon
6. pangkat ng mga taong sangkot sa usapan
7. Setting at scene
8. Participants
9. Ends
10. Act sequence
11. Keys
12. Instrumentalities
13. Norms
14. Genre

Inihanda ni: Gurong tagapayo:

GISELLE N. PEÑA PROSPHY C. SELGA JR


Gurong Nagsasanay GuroII

You might also like