You are on page 1of 3

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

PETSA: BAITANG:
Grade 11 - SAPPHIRE
Grade 11 - ONYX
Ika- 18 ng Hunyo 2021 Grade 11- AQUAMARINE

I. Layunin:
Nabubuo ang pagsusuri kung paano makikita ang gamit ng register, barayti, homogenous, at
heterogenous sa wikang sinasalita ng mayorya.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Mga Konseptong Pangwika (Register, Barayti, Homogenous, Heterogenous)
b. Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
c. Kagamitan: Aklat, Hand-outs
d. Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang paggamit ng ibat ibang konseptong pangwika.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati
Pagtala ng liban
Balik aral
Pagganyak
4 Pics 1 Word
B. Pagtatalakay

Mga Konseptong Pangwika


(Register, Barayti, Homogenous at Heterogenous)
Register- baryasyon batay sa gamit at tinatawag ding estilo estilo ng pananalita.
Barayti- isang maliit na grupo o pormal o makabuluhang katangian na nag-uugnay sa
partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal
Binubuo ito ng idyolek at diyalekto.
Punto o paraan ng pagsasalita ng tao
Barayti na batay sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay.
Homogenous- may iisang katangian ang wika. Ang layunin at ang gumagamit ay isa
lamang.
Heterogenous- iba-iba ang gamit, layunin at gumagamit.
1. Pangkatang Gawain

Panuto: Batay sa aralin na tinalakay, bumuo ng apat na pangkat gamit ang


Multiple Intelligences ni Howard Gardner, pagkatapos isagawa ang sumusunod.
Unang Pangkat: Verbal- Linguistic
Gumawa ng isang maikling diyalogo, isaisip ang paggamit ng register ng
wika.
Pangalawang Pangkat- Logical-Mathematical
Gamit ang dayagram o table magsaliksik ng ilang salitang galing sa ibat
ibang rehiyon at isalin ito sa ibang diyalekto. Limang salita lamang at isalin sa apat na diyalekto.
Pangatlong Pangkat- Bodily-Kinesthetic
Gamit ang isang sikat na diyalogo, isabuhay ito gamit ang 2 ibat-ibang
wika ng Pilipinas.

C. Paglalahat
- Ano-ano ang mga konseptong pangwika na tinalakay?
- Ano ang register?
- Ano ang barayti ng wika?
- Ano ang Homogenous na wika?
- Ano ang Heterogenous na wika?

D. Paglalapat
- Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo mapahahalagahan at magagamit ang
ibat ibang konseptong pangwika na tinalakay?
IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang sumusunod na mga pahayag. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Ito ay baryasyon batay sa gamit o estilo ng pananalita.
a.Barayti b. Diyalekto c. Homogenous d. Heterogenous
2. Ito ay konseptong pangwika na may iisang katangian at layunin.
a.Barayti b. Diyalekto c. Homogenous d. Heterogenous
3. Ito ay konseptong pangwika na may ibat ibang katangian at layunin.
a.Barayti b. Diyalekto c. Homogenous d. Heterogenous
4. Ito ay konseptong pangwika na batay naman sa taong gumagamit.
a.Barayti b. Diyalekto c. Homogenous d. Heterogenous
5. Ito ay punto o paraan ng pananalita ng tao,
a.Barayti b. Idyolek c. Diyalekto d. Heterogenous
3. Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa linggwistikong komunidad. Isulat sa iyong kwaderno.

Inihanda ni:
Bb. Glory Mae V. Atilledo

You might also like