You are on page 1of 3

Malikhaing

Panunulat
MAIKLING KUWENTO

IPINASA NI:
KAREN M. DINAGUIT
GLORY MAE ATILLEDO

IPINASA KAY:
JENNYBEB D. PAOYON, MAEd

MATULUNGIN SI MA’AM
Sa isang tahimik na lugar sa nayon ng Binicuil, Lungsod ng
Kabankalan may nakatirang Pamilya More. Sila ay mapayapang
namumuhay at nagtutulungan kasama ang masipag na ama, mapagmahal
na ina at dalawang mababait na anak na babae.

Araw ng Sabado, pumunta sa lungsod si Aling Wendy para mamili ng


mga pangangailangan nila sa bahay. Siya ay isang guro, matulungin na
nanay at may bukas na puso para sa mga taong pumapasok sa kanilang
tahanan. Sinama niya ang kanyang labing-apat na taong gulang na anak
na babae na si Cassy. Sumakay sila ng traysikel papuntang
lungsod.Pagdating nila’y nasaksihan nila ang hindi magkamayaw na ingay
ng mga mamimili at nagtitinda. Maingay,magulo at nagsisigawan ang mga
tao. Sari sari ang tinitinda mayroong mga gulay, prutas, mga sangkap,
damit at iba pa.Habang sila ay namimili, may lumapit sa kanila na isang
batang babae. Siya ay payat, naka tsinelas at nakasuot ng punit-punit na
damit. Siya ay si Nerry, walong taong gulang. “Ale bilhan niyo naman ako
ng aking paninda. Pambili lang po ng gamot ng aking lola na maysakit.”
Nagkatinginan ang mag-ina at nakita sa kanilang mukha na sila ay awang
awa sa kalagayan ng bata. “Nanay kaawa-awa naman ang bata, bilhan
natin siya ng kanyang paninda”, sabi ni Cassy na maluha-luha. “Sige
anak!” sagot ni Aling Wendy sa kanyang anak. Pero bago niya ibigay ang
pera sa bata, tinanong muna niya ito. “Anak, wala ka na bang mga
magulang?” Yumuko at nanginginig ang boses ng bata sa pagsagot. “Wala
na po Ale sila ay namatay sa isang aksidente. Iniwan po nila ako noong
tatlong gulang pa lang ako. May isa po akong kapatid na dalawang taong
gulang pa lang at iniwan ko siya sa aming lola. Ako lang po ang
nagtatrabaho dahil may sakit ang aking lola. Siya ay mayroong hika.
Kailangan ko pong bumili ng kanyang gamot dahil naawa po akong makita
si Lola na nahihirapan sa paghinga. Siya ang gumagawa ng mga basahang
itinitinda ko.” Napaluha ang bata habang kinakausap ang mag-iina.
“Kumain ka na ba iha?” “Hindi pa po Ale. O sige,kakain tayo!” “Hindi na po
ale, sa bahay na lang po ako kakain. Uuwi na lang ako, kasi hihintay pa
ako ng Lola at luluto pa ako.” “Alam mo iha ako ay isang guro,
nararamdaman ko ang sitwasyon mo dahil ako rin ay nagmula sa isang
mahirap na pamilya. Nagtitinda rin ako noong kabataan pa ako, dahil sa
sipag at tiyaga ko nakapagtapos ako sa aking pag-aaral. Heto guro ako
ngayon. May dalawang anak na mababait. Yan ang buhay ko iha.!”

“Wow guro ka pala ma’am?” “Oo iha.” O sige, kung nahihiya ka iha
bibili na lang tayo ng pagkain ninyo para hindi kana magluluto.” “Maraming
salamat po ma’am may mabuti kang kalooban sa mga mahihirap kagaya
ko. Sana may maraming ka pang matulungan at mabigyan ka ng
mahabang buhay ng Diyos!” ‘Walang anuman, o sige, heto na ang pera sa
basahan na itininda mo. Mag-ingat ka sa pag-uwi. ‘Sige po mam,maraming
salamat muli.Ingat din kayo!’

Wow! Nakaka proud po kaya nay! Masipag na guro, matulungin pa.


Hangang hanga po ako sa iyo. “Ganyan anak kung may humingi ng tulong
dapat bukas palad ka sa mga nangangailangan. Binigyan ka ng Panginoon
ng magandang buhay dapat ibahagi mo rin sa iba!”

Masayang umuwi ang bata.

Umuwi ang bata na nagsisigaw. “Lola, lola may dala po akong


pagkain. Binigay po ito sa akin ng isang guro, si Teacher Wendy po na
napakamatulungin. “Apo ko, maraming salamat napakasipag mo talaga.
Sana’y pagpalain ka ng Diyos at makatapos ka ng pag-aaral para hindi ka
mahirapan sa paglaki mo.” Walang anuman po iyon Lola, sige kumain na
tayo at gutom na rin ako!”

Kung ano ang ginagawa mo sa iyong kapwa ginagawa mo rin sa


akin. Isang mapukaw na salita na isinambit ng Diyos sa atin. Tulungan ang
mas nangangailangan.

(HULYO 21,2021)

PROJECT FREE

You might also like