You are on page 1of 52

PONOLOHIYA

TRINA MARIE CATIPAY M.A.


PONOLOHIYA
MASISTEMANG
BALANGKAS
(Tunog)

MORPOLOHIYA
(Salita)
SINTAKSIS
(Pangungusap)
 Ang wika ay
tunog.
 PONEMA
- ang tawag sa
representasyon ng
mga yunit ng
tanging tunog sa
pamamagitan ng
iba’t ibang PONOLOHIYA
sagisag na
nakapagbibigay
ng pag-iiba-iba ng
kahulugan ng
salita.
 Ponemang Segmental
Pinakamaliit na yunit ng makabuluhang
tunog.
-Ponemang Patinig
/a/, /e/, /i/, /o/, /u/
-Ponemang Katinig
/b/, /k/, /d/, /g/, /h/, /l/, /m/, /n/, ng, / p/,
/r/, /s/, /t/, /w/, /y/, at /?/
 Ponemang Suprasegmental
- May kinalaman sa tamang pagbigkas ng
mga ponemang segmaental.
- Diin, Tono at Antala/Hinto
Ponemang Segmental
 Ponemang Malayang Nagpapalitan
- Ito ay mga salita na ang isa sa mga
ponema nito ay naipagpapalit ng ibang
ponema ngunit hindi naman nagbabago
ang kahulugan ng nasabing salita.
- Halimbawa:
Baket – Bakit Politiko – Pulitiko
Kurot – Kurut Sampo – Sampu
 Pares Minimal
- Ito ay pares ng salita na magkatulad ang bigkas
maliban sa isang ponema ngunit magkaiba
ang kahulugan.
Halimbawa:
Mesa – Misa Patay – Panay
Boto – Buto Kulay – Gulay
 Diptonggo
- Magkasamang tunog ng isang patinig at isang
malapatinig na nasa isang pantig.
- iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy.
Halimbawa:
Giliw Tulay Bataw
Tuloy Kasuy Kulay
 Klaster
o Kambal Katinig
- Magkasunod na ponemang katinig na
matatagpuan sa isang pantig.
Halibawa:
Drama Nars Transportasyon
Ekstra Kontrol Empleyado
Pagsasanay
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na
pares ng mga salita ay Ponemang Malayang
Nagpapalitan o Pares Minimal.
1. Dumudugo – Dumurugo
2. Kulong – Gulong 9. Pala - Bala
3. Pare – Pari 10. Tala - Tela
4. Titik – Titig
5. Gulay – Kulay
6. Gawa – Nawa
7. Sabaw – Sabay
8. Bahag - Bahay
Pagsasanay
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na mga
salita ay Klaster o Diptonggo.
1. Bahay 11. Globo
2. Bataw 12. Buhay
3. Twalya 13. drayb
4. Blangko 14. plantsa
5. Dragon 15. beywang
6. Liwayway 16. bleyd
7. Kard 17. tsuper
8. Ekspresib 18. Baliw
9. Aliw 19. Tsart
10. Reyna 20. Dyanitor
Ponemang Suprasegmental
 Maykinalaman sa kung paano binibigkas
ang mga ponemang segmental na
nakatutukoy upang ang mga pahayag
ay maging malinaw, tiyak at mabisa.
 Diin (stress)
- Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa
pantig ng salita.
/?/ - impit
/:/ - haba
/./ - dagliang haba
/ђ/ - tunog ng “ng”
/h/ - hangin

// isulat sa pagitan ng simbolong ito


ang mga trasnskripsyon ng ponema.
 Tono (pitch) Intonasyon
- Ang pagtaas at pagbaba ng pantig ng
isang salita upang higit na naging epektibo
ang komunikasyon.
- lebel 1 (mababa)
- Lebel 2 (normal)
- Lebel 3 (mataas)
 Antala / Hinto (juncture)
- Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang
lalong maging tiyak sa paghahatid ng
mensahe.
- Halimbawa:

Hindi ako ang nagtext.


Hindi, ako ang nagtext.
Mayo at Disyembre
ni: Lamberto Cabual
“MAHUSAY ang pagkasulat mo nitong
iyong essay tungkol sa pag-ibig,
Bheng,” may paghangang puna ni
Leo sa matalino at maganda niyang
estudyante. “Journalism o creative
writing ang naghihintay sa iyong
kinabukasan."
Pumalakpak sa papuri ang buong klase.
Tumunog ang bell at nagmamadaling
nagsilabas ang mga mag-aaral na nasa silid-
aralan, liban kay Bheng.

“Sir, salamat sa papuri mo. Pinagbuti ko iyan


para sa iyo. Ikaw, Sir, ang inspirasyon ko sa
pagsulat.”

“Talaga, tila wala na akong ituturo sa iyo


tungkol sa pagsusulat sa tema ng Pag-ibig.”

“Theory lamang iyan, Sir, gusto kong ituro mo


sa akin ang application.”
“Miminsan ko lang naranasan iyon sa aking misis.
Wala akong maraming karanasan tungkol
doon.”

“Titser ka, maaaring turuan mong muli ang


iyong puso.”

“Natuturuan ba ang puso?”

“Siyempre naman,” ngiti ni Bheng habang


nakatitig ang malamlam na mata kay
Leo. “Mas alam mo ’yan, Sir, dahil guro ka.”

“Sa parteng iyan e tila magaling ka kaysa


akin.”
“Kung gusto mo, Sir, e, ituturo kong lahat sa iyo
ang nalalaman ko sa paksang iyan.”

“Sige nga, bigyan mo ako ng lecture sa


ganyang topic.”

“Doon tayo sa Plaza Mabini, Sir. Sasabihin ko


sa iyo ang lahat.”

“Okey.”
MAGKASAMANG nagtungo sa liwasan ang matalisik
na guro at ang brain and beauty na estudyante.
Sa una’y masayang-masaya ang pag-uusap
nila. Pinag-usapan nila ang iba’t ibang
kahulugan ng pag-ibig. Ang pakahulugan ni
Balagtas sa temang ito sa walang kamatayang
Florante at Laura, “O, pagsintalng labis ang
kapangyarihan, sampung mag-aama’y iyong
nasasaklaw…” Ang pananaludtod ni Huseng
Batute, “Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig
ay di bulag, ang marunong na umibig, bawat
sugat ay bulaklak!” at ang sinabi ni Apostol Pablo
sa kanyang sulat sa mga taga-
Conrinto, “Matiyaga ang pag-ibig at may
kagandahang-loob, hindi ito naninibugho,
nagmamapuri o nagmamataas…”
Anupa’t masiglang-masigla ang kanilang
makabuluhang pag-uusap. Ang bawa’t isa sa
kanila’y naghanay ng magagandang opinion
tungkol sa paksang matamang pinag-uusapan.

Nguni’t sa dakong huli’y may sinabi ang


dalagang labis na ikinagulat ng guro.
“What?” tarantang napatingin si Leo kay Bheng,
“ano’ng pinagsasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng
ulo?” marahan subali’t may tatag na bulalas ni
Leo habang minamalas ang tila hugis-pusong
mukha ng dalaga. Inaaninaw niya sa kislap ng
mga mata ni Bheng ang katotohanan ng
ipinagtapat nito.
Matipid at may bahagyang pait ang ngiting
sumilay sa maninipis na labi ng binibining
estudyante bago nagsilita. "Kung pagkasira ng ulo
ang pakahulugan mo roon, ay Oo…nasisiraan
ako ng bait nang dahil sa iyo," may katiyakang
sagot ni Bheng habang minamalas ang
maamong mukha ng kausap na guro.

Tumanaw sa malayo, nakakunot ang noo at


seryosong-seryoso ang mukha, ipinakita ni Leo sa
dalaga ang tibay ng kalooban sa kanyang mga
pahayag.
“Sorry, Sir,” nangilid ang luha ng dalagang
estudyante. “’Yon talaga ang aking
nararamdaman.”

“Naiintidihan mo ba ang sinasabi mo?”


mabalasik na tanong ng guro.

“Sir, alam ko ang aking ginagawa at sinasabi.”

“Isang malaking kahibangan!”


“Hindi, Sir,” nakatungo si Bheng, “basta ang alam
ko’y mahal kita!”

“Tumigil ka sa kabaliwan mo!” pinandilatan ng


guro ang magandang mag-aaral niya.

“Sir, h’wag mo akong kagalitan,” hilam na sa


luha ang mga mata ni Bheng. Umiibig ako, at
nagkataong ikaw ang itinitibok ng puso ko.”
MALAKI ang agwat ng edad nina Leo at
Bheng. Mag-aapatnapung taon na ang guro
samantalang ang mag-aaral niya ay labing-anim
na taon pa lamang. Kumbaga sa santaon, ang
dalaga’y buwan pa lamang ng Mayo, buwan ng
pamumukadkad ng bulaklak, at ng paglulunti ng
paligid sa pagpatak ng ulan.
Subali’t kahima’t buko pa lamang kumbaga sa
bulaklak si Bheng, dahil sa di pangkaraniwang
ganda at talino ay di kataka-takang magkaroon
ng hukbo ng mga tagahanga at
manliligaw. Katunaya’y nagkaroon na siya ng
boy friend, subali’t sa napakaikling panahon
lamang. Kinalasan niya agad ang unang
kasintahan sa isang malalim na dahilang hindi
niya maarok. At nangyari ang pakikipagkalas na
yaon nang makilala ang iniidolo niyang guro.
Kung ihahambing ang guro sa bata pang binibini,
siya’y nagsisimula nang tumapak sa buwan ng
Disyembre, na bagama’t malamig ang dapyo ng
hangin dahil sa nalalapit na kapaskuhan at sa
pagpapahimakas ng lumang taon, siya’y
dumanas na ng pag-uulayaw ng init at lamig, ng
dilim at liwanag. Hinog na siya sa karanasan at
bantad na sa kaway ng mahiwagang pagsinta.
Kabilang si Bheng sa Advising Section ni Leo at sa
simula pa lamang nang pasukan nila ng taong
iyon ay naging malapit na sila sa isa’t
isa. Pinakamahusay palibhasa ang dalaga sa
mga tinuturuan ni Leo kaya palagay ang loob ng
gurong ang paglapit-lapit nito ay bahagi lamang
ng pamimitagan. Datapwa’t
ngayo’y nagulumihanan siya sa narinig sa
pinakamatalino at pinakamagandang mag-
aaral. Hindi siya makapaniwala!
“Please, Bheng, huwag naman ako,”
nagsusumamong tinig ni Leo. “Guro mo ako at
eskuwela kita.”
“Ito ang aking nararamdaman, Sir.”

“Supilin mo na ang damdaming, iyan,” giit ng


guro, “nakikiusap ako.”

“A, basta’t mahal kita,” biglang niyapos ni


Bheng si Leo at sa pagkakaupo ng guro’y
inihinang ng dalaga ang kanyang mga labi sa
mga labi nito.
May daluyong na nag-alimpuyo sa dibdib ng
guro na hindi napigilan. Sinalubong niya ng nag-
aapoy ring halik ang mga labi ng magandang
mag-aaral.

Pagkatapos ng simbuyong yaon ay pinagala


ng guro ang paningin sa paligid. Salamat at
walang ibang tao, nasabi niya sa sarili.
ANG totoo, sa kabila ng mga pagbabawal
ng guro sa iginigiit ni Bheng, ang pagtutol na iyon
ay may bahid ng pagtitimpi. May hiwagang
namumugad sa kanyang dibdib. May bugtong
sa puso niyang di maihanap ng sagot.

Dapat niyang aminin sa sariling mahal din niya


ang maganda at masigla niyang eskuwela. Noon
pa mang una niya itong makita at makilala ay
ibig na niya itong suubin ng papuri, ibig niyang
bumigkas ng isang malamyos na tula para sa
binibini, palibhasa’y isa siyang makata at guro ng
panitikang Ingles at Filipino.
Ibig kong ibukas yaring abang puso
Na bihag ng isang lihim na pagsuyo;
Mag-aaral ka ma’t ako’y iyong guro,
Nawa’y marinig mo ang piping pagsamo!

Hindi niya magawa ang pagtulang iyon, baka


pagtawanan siya, dahil sa agwat ng kanilang
edad. Si Bheng ay Mayo, siya ay
Disyembre. Nag-aalang-alang siya sa
batambatang mag-aaral na itinitibok ng
puso. Ang mga taludtod at rimang iyon ay
nanatili na lamang na naglalatak sa kanyang
kaibuturan.
Ang lalo pang malaking dahilan kaya ayaw
niyang patulan ang dalaga ay may
pananagutan na siya sa buhay, bagama’t hindi
sila nagkakaanak ng kabiyak sa loob ng
dalawampung taong pagsasama.
NANG binata pa si Leo ay ipinagkasundo siya ng
kanyang mga magulang na ipakasal sa babaeng
anak ng kumpare ng kanyang ama, si
Helen. Halos magsing-edad sila nito. Hindi na siya
tumutol sa mga magulang dahil nang makita niya
ang babaeng gusto ng mga magulang ay
hinangaan na rin niya ito. Ang isa pa’y ayaw
niyang bigyan ng sama ng loob ang mga
magulang. Laki siya sa tradisyon ng pamilya na
ang anak ay walang tanung-tanong na
sumusunod sa ginugusto ng ama’t ina.
Gusto rin ni Helen si Leo, kaya naganap ang
kasalan. Magkaiba sila ng propesyon ni
Helen. Ang babae’y tagapagbalita sa radyo sa
lokal na himpilan sa Lungsod ng Batangas,
samantalang si Leo ay isang guro sa mataas na
paaralan. Gayunma’y magkasundo sila sa mga
unang taon ng kanilang pagsasama.
Ang hindi pagkakasupling ng mag-asawa’y
naging sanhi ng unti-unting panlalamig ng
kanilang buhay-may-asawa. Gustung-gusto ni
Leo na magkaanak datapwa’t ang babae’y hindi
mandin interesado sa gayon. Magandang
babae si Helen, matangkad, at ang lalong
makatatawag ng pansin ay ang magandang
hubog ng katawan nito. Sa loob ng unang pitong
taong pagsasama’y ayaw pang mag-anak, hindi
niya nais na masira ang anyo ng balingkinitang
katawan.
Sa pakiusap ni Leo ay pumayag na rin si Helen na
mag-anak sa ikawalong taon ng kanilang
pagiging mag-asawa. Subali’t ang kasunduang
yao’y biniro ng tadhana. Sinabi ng doktor ng
pamilya na si Helen ay hindi na maaaring
magkaanak. May kapansanan siya sa matris at
hindi maaaring magdalantao.

Ang mga pangyayaring ito’y lubhang


ikinalungkot ni Leo. Pumanaw ang pag-asa
niyang magkaroon ng mga anak. Nalungkot din
si Helen. Mula noo’y mag-usap-dili ang mag-
asawa, bagama’t hindi naman sila nag-aaway.
“SIR, mahal mo rin ako, hindi ba?” nakatingin si Bheng
sa guro.

Nakatungo si Leo, animo’y aliping natutop sa


pang-uumit ng mahalagang bagay na pag-aari ng
kanyang panginoon, animo’y bilanggong nadakip
ng kanyang tanod sa tangkang pagtakas.

“Huwag mong linlangin ang iyong sarili, Sir,”


pagpapatuloy ng dalaga, “sabihin mo ang
katotohanan.”

“Magtigil ka,” pagmamatigas pa rin ni Leo. “Di mo


ba alam na kung papatulan kita’y masisira ang
buhay mo?”
“Ano’ng halaga ng buhay kung wala ka?”

“Dala ka lamang ng simbuyo ng damdamin,


Bheng.”

“Aminin mong mahal mo ako,” yumakap ang


dalaga sa guro.

Ang yakap na yao’y ginanti ni Leo ng kapuwa


yakap, at sa kanyang mga mata’y gumilid ang
luha. “Oo, mahal din kita,” tuluyan nang
naglandas ang luha sa pisngi ng guro.
Napaiyak din si Bheng, “Sir, mahal na mahal
kita!”

“Magtungo tayo sa upuan sa tabi ng punong-


akasya,” kumalas sa pagkakayakap si
Leo. “Kubli ang lugar na iyon, at walang
makapapansin sa atin.”

Kumalas din sa pagkakayakap ang dalagang


mag-aaral, “Sige, tayo na.”
At sa upuang yaon, sa may punong-akasya,
sa pagkukubli ng araw sa kanluran, sa
pagtugtog ng orasyon, ay ganap na sumanib
ang Mayo sa Disyembre. Ang nagbabalang
dagim ng ulan sa tigang na bukirin ng Mayo ay
tuluyang ibinuhos ng balumbon ng mga
ulap. Pinaram ng Mayo ang lamig at hinahong
taglay ng Disyembre. At pinagsaluhan nila ang
di karaniwang timyas ng bagong luwal na
pagsuyo.
Bago sila maghiwalay ay muling naghinang ang
kanilang mga labi. Nasa gayon silang akto nang
biglang humantad ang asawa ni Leo, si Helen.

“Aha, ang magaling kong asawa,” malakas


ang tinig ng maybahay ni Leo, “at kaya pala
ginagabi sa pag-uwi ng bahay ay may batang-
batang kerida!”

“Helen!” mangha ni Leo.


“Sayang, guro ka pa naman na dapat maging
huwaran ng iyong mga mag-aaral,” galit na galit
ang ginang. “At ikaw, batang babae, na
eskuwela yata niya, di mo ba alam na
mawawasak ang kinabukasan mo sa lalaking
iyan!”

Walang kibong napatungo si Bheng.

Matalim na tingin ang itinudla ni Helen kay


Leo, “Sa bahay, Leonardo, pagkikita natin …
magtutuos tayo!”
Magsasalita pa sana si Leo, nguni’t biglang
tumalilis si Helen. Sumakay ng kotse at
pinaharurot iyon.

Sa pangingipuspos, napaupong nanlulumo si


Leo, samantalang si Bheng ay umiyak nang
umiyak sa dibdib ng itinatanging guro.

Sa kanilang mga puso’y gustung-gustong


papaghugpungin nina Leo at Bheng ang
malaking puwang ng kanilang panahon. Bakit
hindi sila naging magkapanahon?—
bakit kailangang si Bheng ay maging Mayo at si
Leo ay maging Disyembre? Bakit?
Hindi batid ng Mayo at Disyembre kung sa
takipsilim ng kanilang lunting suyuan ay may
umaga pang naghihintay! —
1. Ano ang iyong impresyon sa kwento?
2. Ano ba ang tema na naka-sentro sa kwento?
3. Ano ang pag-ibig?
4. Matatawag mo ba na pag-ibig ang
namamagitan kay Bheng at kay Leo?
5. May kasalanan ba ang tauhan sa kwento? Sino
kaya ang may kasalanan?
6. Sa tingin mo, maaari ba itong mangyari sa
tunay na buhay?
7. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Leo, ano ang
iyong gagawin?
8. Bakit pinamagatan itong Mayo at Disyembre?
Anupa’t - Ano pa man at
Katotohanan - Ka+totoo+han+an
Pamumukadkad - Pang+Bukadkad
Dumanas - Ranas+um
Pasukan - Pasok+an
MORPOLOHIYA
TRINA MARIE CATIPAY, M.A.
MORPOLOHIYA
 (Palabuuan)
 Bahagi ng lingguwistika na nagsusuri sa
kahalagahan ng MORPEMA ng isang wika at ng
pagsasama ng mga ito upang makabuo ngg
salita.

MORPEMA  Ang pinakamaliit na bahagi


o yunit ng isang salita.
 Salitang ugat at panlapi.
SALITANG-UGAT

PANLAPI

PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO

Pagbabago ng mga morpema dulot


na rin ng pagkakabit ng iba pang
maliliit na mga morpema.
URI NG PAGBABAGONG-
MORPOPONEMIKO
 Asimilasyon
 Pagpapalit ng Ponema
 Metatesis
 Pagkakaltasng Ponema
 Pagsusudlong
 Pag-aangkop

You might also like