You are on page 1of 1

Paano ba magsalita ang isang Pilipino na ang unang wika ay Tagalog at paano ba magsalita ang

taong nag-aaral ng wikang Filipino o ng Tagalog na siyang mas kilalang tawag sa wikang ito?
Marami ang pagkakaiba ng pagsasalita ng isang taal na nagsasalita ng wikang Filipino at ng isang
baguhang nag-aaral nito. Ang taal na nagsasalita ng Filipino ay inuuna ang panaguri bago ang
paksa. Halimbawa, “Maganda siya.” (Salin: She is beautiful.) Para naman sa mga taong nagsisimula
pa lang mag-aral ng Filipino, madalas nilang inuuna ang paksa bago ang panaguri dahil mas madali
silang makabuo ng pangungusap kung isusunod nila ito sa wikang Ingles at pananaw sa mundo;
samakatwid, madalas silang gumagamit ng salitang “ay” sa kanilang mga pangungusap. Ang “ay” sa
Filipino ay nagbibigay palatandaan na ang kasunod na salita ay panaguri; kung kaya ganito ang
kanilang pagbuo ng pangungusap, “Siya ay maganda.” Subalit, ang paggamit ng salitang “ay” sa
ating pangungusap ay pormal na pananalita at nagbibigay ng positibong pananaw sa mundo.
Hayaan ninyong ipaliwanag ko ang aking ibig-sabihin.

Sa wikang Ingles kapag ikaw ay bumubuo ng pangungusap nararapat na ang paksa o simuno ay
nauuna sa panaguri na tinatawag na active voice; samantalang sa Filipino naman ay tinitingnan
na passive voice ang konstruksyon ng pangungusap dahil nauuna ang panaguri sa paksa. Dahil sa
pagkakaiba ng istruktura ng pangungusap sa wikang Ingles at Filipino, iba rin ang ipinaparating
nilang pananaw sa mundo. Sa pangungusap na Filipino, maiisip mo na parang hinuhusgahan ka na
kaagad bago ka pa man nila makilala, dahil nakikita agad nila ang katangian bago pa man ang
pinag-uusapan. Halimbawa, sa pangungusap na “Maganda siya.”, mayroong kaagad paghuhusga –
maganda. Kabaliktaran naman ang nangyayari kapag ikaw ay bumubuo ng pangungusap sa Ingles
dahil pinagtutuunan muna ng pansin ang paksa bago ang panaguri. Dahil dito, sa aking pananaw,
mas nagbibigay ng positibong pananaw sa mundo ang pangungusap sa wikang Ingles.

You might also like