You are on page 1of 22

SANSKRIT/O

Ang paraan ng pagsulat na ito ay isang uri ng paraang abiguda


na gumagamit ng katinig-patinig na kombinasyon. kung kaya’t
mapapansin na ang pinakapayak na anyo nito ay mayroon
lamang tunog sa hulihan na /a/. nilalagyan lamang ng kudlit sa
itaas upang makalikha ng tunog na nagtatapos sa /e/ at /i/ at sa
ibaba naman inilalagay upang makalikha ng tunog na /o/ at
/u/.
ALIFBATA 0 ALIBATA
(BAYBAYIN)
Isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang
mga kastila. ito ay kahalintulad sa sistema o paraan ng
pagsulat ng mga taong java na tinatawag na kayi. ang paraan
ng pagsulat na ito ay pinaniniwalaang ginagamit na noong 14
na siglo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga kastila.
ang salitang baybayin ay nangangahulugang ispeling o
pagbaybay.
•baybayin hango sa salitang “baybay” (to spell)
•alibata hango sa “alif bata” (2 unang titik sa arabic:
“alif” at “bet”)
•may kaunting pagkakaiba ang bawat alibata para sa
bawat partikular na wika (iba ang sa tagalog, iba ang
sa bisaya atbp.)
ABECEDARIO
•Itoay binubuo ng 29 na letra at hango sa romanong paraan ng
pagbigkas at pagsulat.
•Alpabetong kastila; mula sa alpabetong romano. Isinusulat ang mga
titik gaya ng sa alpabetong romano. Itinuro sa piling mga mag-aaral
(sa mga klaseng tinatawag na caton, kadalasan sa mga kumbento
atbp.) Ayaw turuan ng mga kastila sa pilipinas ang mga indio dahil
alam nilang matatalino ang mga ito at kapag tinuruan ng wikang
espanyol ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila
Pilipinas lang ang dating kolonya ng espanya na di
natutong magsalita ng espanyol (maliban sa mga
intelektwal na nasa alta sociedad at gitnang uri/middle
class)
ANG ALPABETONG
INGLES
Nang matapos ang pananakop ng mga kastila noong 1898, humalili
naman ang mga amerikano. Dahil sa ang pinakamahalagang pokus ng
pamahalaang amerikano ay edukasyon ng mga pilipino, naging sapilitan
ang pag-aaral ng wikang ingles. Itinuro ng mga gurong thomasites ang
alpabetong ingles na may 26 na titik, tulad ng mga sumusunod:
A B C D E F
G H I J K L
M N O P Q R
S T U V W X
Y Z
Mapapansing parehong titik-romano ang
ginagamit ng mga alpabetong ingles at kastila,
palibhasa’y kapwa kanluranin ang mga ito. Ngunit may
mga tunog sa ingles na wala rin sa dila ng mga pilipino.
At sapagkat ang ispeling sa ingles ay hindi na
konsistent tulad ng sa kastila, hindi na maaari ang
regular na tumbasan ng mga titik. Halimbawa ng mga
sumusunod:
•Football - putbol
•violin - bayolin
• Sexy - seksi
• magazine - magasin
ABAKADA
•- Mula kay lope k. Santos (1940)
•- Binubuo ng 20 letra
•- Lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u)
•- Labinglima (15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y)
•Alpabetong batay sa wikang tagalog; binuo ni lope k. Santos at
naisapubliko sa aklat na balarila ng wikang pambansa (1940):
Noong panahon ng pangulong manuel L. Quezon ay
binigyan-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
wikang pambansa. Nadama niya ang pangangailangang ito
sapagkat malimit na hindi niya makausap ang karamihan ng
mg pilipinong iba’t iba ang wikang sinasalin. Hindi niya
makausap ang mga ito sa wikang kastila. At lalong hindi rin
sa wikang ingles. Kayat nang sulatin ang konstitusyon ng
1935, sinikap niyang magkaroon ito ng probisyon tungkol sa
pagbuo ng isang wikang pambansa.
Ganito ang sinasabi sa konstitusyon ng 1935: “ang Pambansang
Asemblea ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkaroon ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na mga pangunahing
wika ng Pilipinas.”
Upang maitupad ang batas na ito, pinagtibay ng kongreso ang
batas komonwelt 184 na nag-aatas na bumuo ng Institute of National
Language o surian ng wikang pambansa na siyang magsasagawa ng
pag-aaral kung alin sa mga pangunahing katutubong wika ng bansa
ang higit na karapat-dapat na maging wikang pambansa.
At Tagalog ang napiling maging batayan ng wikang
pambansa. Ngunit hinihingi rin ng batas na bago ipahayag
ang napiling batayan ng wikang pambansa ay kailangang
mayroon na munang magagamit na aklat panggramatika sa
paaralan. Si Lope K. Santos, isa sa mga kagawad noon ng
surian ng wikang pambansa, ang sumulat ng nasabing
gramatika na nakilala sa tawag na balarila ng wikang
pambansa.
Noon isinilang, batay sa balarila, ang abakada na
binubuo ng 20 titik na gaya ng mga sumusunod:
A B K D E G H I
L M N NG
O P R S T U W Y
ALPABETONG PILIPINO
(1976)
• Binubuo ng 31 titik
•Ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik
ay nadagdagan ng labing-isa (11) pang titik mula sa
abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q,
rr, v, x at z
ALPABETONG FILIPINO
(1987)
Ang Alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra. Ang
tawag sa mga letra ay ayon sa bigkas-ingles ng mga
Pilipino maliban sa ñ (enye) na tawag-kastila. Ang
walong (8) letra na dagdag ay galing sa mga umiiral na
wika ng Pilipinas at sa mga iba pang wika.
A B C D E F G H I J K
/EY/ /BI/ /SI/ /DI/ /I/ /EF/ /JI/ /EYCH/ /AY/ /JEY/ /KEY/

L M N Ň NG O P Q R S T
/EL/ /EM/ /EN/ /ENYE/ /ENJI/ /O/ /PI/ /KYU/ /AR/ /ES/ /TI/

U V W X Y Z
/YU/ /VI/ /DOBOLYU/ /EKS/ /WAY/ /ZI/

You might also like