You are on page 1of 23

Pagsusuri sa mga Piling Akda ni Francisco Penoñes - Panitikang Bikol

Panitikang Rehiyonal

Lady Ann C. Marcelo

Master ng Artes sa Filipino

Prof. Jun Cruz Reyes

1
Abstrak

Layunin ng pag-aaral na ito na maipakita ang mga ugnayan ng akdang naisulat ng

manunulat na si Francisco Peñones na pinamagatang “Cancion Kan mga Tawong Lipod” sa

Panitikang Pambansa ayon sa pagpapakahulugan ng mga maalam na manunulat tungkol dito.

Upang maisakatuparan ang pag-aaral, ang mga naiwikang pahayag sa “Dagdag na Panukala sa

Pagbubuo ng Panitikang Pambansa” ni Epifanio San Juan ay gagamiting instrumentong pansuri

sa akdang Cancion Kan mga Tawong Lipod kasabay na rin ang pagsusuri sa mismong manunulat

na si Francisco Peñones.

Ang mga tawong lipod, bilang pangunahing ideya ng tulang ito ay isa ring uri ng nilalang

na napapabilang sa Philippine Mythical Creatures. Sa patuloy na pagsusuri sa aklat, mapapansin

na ginamit ni Francisco Peñones ang mga tawong lipod bilang pagbibigay ayos o direksyon sa

nais ipahiwatig ng akda, maging ang mga linyang bumubuo dito.

Panimula

Sa bawat rehiyon na mayroon ang Pilipinas, tiyak na mayroon itong iba’t ibang

panitikan, wika at kultura. Isa na nga sa halimbawa ng rehiyon na may mayamang panitikan ay

ang rehiyon V o ang rehiyon ng Bikol. Pagdating sa panitikan, kakaunti ang nalalaman sa

Panitikang Bikol na nasusulat sa katutubong wika maliban sa “Daragang Magayon” at “Sarong

Banggi”. Karamihan sa mga akdang nasusulat sa wikang Bikol ay hindi nailimbag at kalat-kalat

pa, bagamat mayaman ito sa bugtong, salawikain, awiting-bayan at kwentong-bayan. Ang mga

ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Marami ring mito at alamat ang matatagpuan

kaugnay ng mga magagandang lugar, lawa at bulkan. Sa likod ng bawat mga akdang-

pampanitikan na nailimbag sa rehiyong ito, ay ang mga manunulat ng akdang bikolnon na siyang

itinuturing na yaman ng kanilang rehiyon. Isa sa mga manunulat na ito ay si Higino Francisco

2
Peñones o “Frank Peñones” na itinuturing na isa sa pinakahamahalagang alagad ng sining ng

panitikang Bikolano. Sa pagdaan ng panahon ng pagsulat niya ng kanyang mga akda, nakilala

din si Peñones bilang tagapagtaguyod ng muling pagsilang ng panitikan sa kanyang bayan. Ilan

sa kanyang mga akda ay ginamitan niya ng ideya o simbolismo na nag-ugat sa kanyang rehiyon,

na lalong nagpatibay at nagpakilala sa panitikan ng bikol sa mas malawak na saklaw.

Ang ideya na kanyang ginamit ay ang mga Tawong Lipod na matatagpuan sa katimugang

bahagi ng Luzon, partikular sa Bikol. Sinasabing ang mga tawong lipod ay mga kathang isip na

nilalang na bahagi naman ng Philippine Mythical Creatures. Ayon kay Paz Verdades Santos, ang

mga nilalang na ito ay maaari lamang makita ng mga taong may ikatlong mata, paminsan-minsan

lang nadarama at kadalasang nakalilimutan o kinalilimutan. Ang tanging panahon lang kung

kailan naaalala ang mga tawong lipod ay tuwing may kaganapan o okasyon sa lugar na kanilang

pinaninirahan, ngunit nananatili pa din silang tikom at hindi nakikita.

Sa puntong ito, ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang mga ugnayan ng

akdang Cancion kan tawong mga Lipod na siyang ginamitan ni Peñones ng ideya ng mga tawong

lipod sa panitikang pambansa ayon sa pagpapakahulugan ng mga maalam na manunulat ukol

dito.

1. HIGINO FRANCISCO PENONES, ANG KANYANG ISTILO AT RELASYON SA

PANITIKAN

Nagsimulang magsulat ng mga tula si Francisco Peñones bilang pang-usig sa rehimeng

Marcos noong siya ay kasulukuyang nag-aaral pa lamang sa paaralang pansekundarya ng Ateneo

De Naga. Para sa kanya, ang pagsusulat ay katotohanan. Winika din niya na ang pagsusulat ay

isang-craft, at kung meron sa iyong katawan nito, mabubuhay kang kasa-kasama ang

pagmamahal sa pagsusulat. Sinabi rin niya na ito ang pinakamura at pinakamalikhaing paraan ng

3
pagpapahayag ng kanyang galit sa rehimeng Marcos. Sa kabilang banda, ang kanyang akdang

Cancion Kan tawong mga Lipod (songs of the unseen), ayon kay Paz Verdades Santos,

nagmistula siyang mang-aawit ng mga kanta ng mga tawong lipod na hindi kailanman

tatalikuran ang naunang kinagisnang pagkakalinlan. Ayon naman kay Merlinda Bobis na isang

ring huwarang manunulat, “In his poetry, the unseen is made visible, the visible made more

palpable”.

Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, nagsimula lamang magsulat ng mga akdang

bikolano si Peñones noong dekada ’70. Nagbigay daan ang simulang ito upang mapansin siya ng

isang yumaong propesor ng UP na si Dr. Ma. Lilia F. Realubit. Hinikayat siya nito na patuloy na

magsulat at minsan din siyang pinasali sa patimpalak sa CCP kung saan nagwagi siya, na naging

simula na ng kanyang pagsulat ng akdang bikolano.

Nakipagsabayan siya sa iba pang manunulat ng kanyang panahon at ng makabagong

henerasyon. Isa pa sa nagbigay din sa galing ni Peñones sa pagsulat ay ang may-akda ng “In the

Buddha Factory” na si Alan Soldofsky, ayon sa kanya “Frank Peñones’ poems are a meeting of

fire and water, a major new voice risen from the islands of the Philippines that commands

attention. With language both compact and resonant, this book constructs a fresh and powerful

“tropical trope” that engraves itself on the imagination.”

2. IDEYA BATAY SA AKDANG CANCION KAN TAWONG LIPOD AT ANG

RELASYON NITO SA KATANGIAN NG SIMBOLISMONG TAWONG LIPOD

2.1 SONG OF THE UNSEEN

I
All night I walked
And sang the lament
Of our dying tongue,

The chaos
And our country’s

4
Eternal night.

I spoke and sang


Before those I hoped
Could give some comfort.

The cold dark


And close doors
Were their only response.

Some looked out


Their windows and said
Better to bury him,

He should be given
His proper rest
His time is done.

For now’s the time


Of the tongue
Of the marketplace
That was what they thought
Even in their dreams
Where death was widespread.

I continued walking
For they said the road
Would lead nowhere.

But the age called


For the light not to yield
To the night.

So I strummed
A song in my beloved tongue
About my beloved land

My song reached the sky


Until at road’s end
I saw our sun rising.

II
At the rising of our sun, no beggar will walk the paved streets
and called it progress

At the rising of our sun, no one will be seized at midnight


And announce it as peace

At the rising of our sun, no one will dip in the coffers of government
And praise it as righteousness.

5
At the rising of our sun no lies will be smoothed out
And presented as the truth.

At the rising of our sun, no necks will be strangled


And bandied freedom.

At the rising of our sun, no one will bend the word of God
And name it holiness.

At the rising of our sun, no one will jump from the cliffs of another land
And proclaim there’s hope in our own land.

At the rising of our sun, no one will trample the common man
And deny he is drunk with power.

At the rising of our sun, no one will be lost in the dark


And teach it as wisdom.

At the rising of our sun, no one’s breast will heave in fear


And assure everyone it’s security

At the rising of our sun, no one will be intimidated and obey


Then preach it as faith.

At the rising of our sun, no one will turn away from the wounded
And write a story of love.

Translation by Marne L. Kilates (M.L.K.)

CANCION NIN MGA TAWONG LIPOD

I
Magdamlag akong nagbaklay
Inaawit an agrangay
Dila tang naghihingagdan

An mga kariribukan,
Magin daing katapusan
Na banggi ka’ning banwaan,

Sinaysay, inawit ko man


Sa tangod asin atubang
Hinuhunang mapaumay.

An lipot nin kadikluman,


Mga saradong puertahan
An saindang kasimbagan.

6
Igwa man mga nagdungaw
Nagsabing siguro marhay
Kun siya ilubong ko na lang.

Inabot na niya an aldaw


Bagay sanang taan naman
Tamang kapahingaloan.

Huling panahon na ngonian


Kan dilang nasasabutan
Nin kadaklan sa saudan.

Iyan an saindang olay


Maski sa pangiturugan
Mahiwas na kagadanan.

Dinagos ko ang paglakaw


Ta hiling ninda sa dalan
Dai man nin padumanan.

An panahon nangapudan
Dai itugot an ilaw
Mapara sa kabanggihan.

Kaya sakuyang kinabray


Awit sa dilang namotan
Asin dagang namundagan

Abot na sa kalangitan,
Sa dalan sakong madalan
Pagbutwa kan satong saldang.

II
Pagbutwa kan satong saldang mayong makikilimos sa sementadong dalan
Asin aapodon ining kauswagan,

Pagbutwa kan satong saldang, mayong sasakloton sa pangaturugan


Asin ibabandilyo ining katoninongan

Pagbutwa kan satong saldang, mayong mabutbot sa kaban nin banwaan


Asin oomawon ining katanusan

Pagbutwa kan satong saldang, mayong tatanuson na mga kaputikan


Asin ipapahiling ini an katotohanan

Pagbutwa kan satong saldang, mayon titilokon na mga liog


Asin ikukurahaw ining katalingkasan

Pagbutwa kan satong saldang, mayong titikoon na tataramon nin Diyos

7
Asin tatandaan ining kabanalan.

Pagbutwa kan satong saldang, mayong matagbang sa hampas sa ibang pangpang


Asin ibabandera may paglaom sa sadiri tang banwaan

Pagbutwa kan satong saldang, mayong sadit na tawong sisikadan


Asin iririrong ining pagkaburat sa kapangyarihan.

Pagbutwa kan satong saldang, mayong mawawara sa kadikluman


Asin itutukdo ining kadunungan

Pagbutwa kan satong saldang, mayong makurad-kutad an daghan


Asin sisigurohon ining kamurawayan

Pagbutwa kan satong saldang, mayong masunod huli sa pantatakot


Asin ibabalangibog ining pagtubod.

Pagbutwa kan satong saldang, mayong matalikod sa nalugadan


Asin isusurat ining pagdamay asin pagkamoot.

Sa tulang ito, ipinaparating ng manunulat sa kanyang mambabasa ang unti-unting

pagkamatay ng kanilang wika na binibigyang patunay ng unang saknong: (All night I walked

and sang the lament of our dying tongue) Mula sa kanyang paglalakad ay inilahad niya ang

mga totoong pangyayari sa lipunan sa pamamagitan ng pag-awit gamit ang kaniyang natatanging

wika. Sa kanyang pag-awit, binigyang pansin niya ang kaguluhang nagaganap sa tila walang

katapusang gabi o kadiliman sa lipunan na kanyang ginagalawan. Bilang isang mamamayan na

puno pa rin ng pag-asa sa kabila ng lahat ng pangyayari sa kapaligiran, sinubukan niyang

makipagdiskurso sa pamamagitan ng pag-awit ngunit nabanggit sa tula na tanging malamig at

saradong pintuan (The cold dark and close doors) ang naging tugon sa kanya na

nangangahulugan na wala talagang tugon ni isa. Sa pagpapatuloy ng tula, nabanggit ng

manunulat na may ilan na nagsabing nararapat lang na ilibing na ang wika na kaniyang tinutukoy

sapagkat tapos na ang panahon nito, at oras naman para sa makabagong wika para mamayagpag:

(Some looked out their windows and said better to bury him. He should be given his proper

8
rest. His time is done. For now’s the time of the tongue of the marketplace) Sa huling bahagi

ng tula, patuloy na umawit ang manunulat gamit ang wika na kanyang kinagisnan ng may buong

pag-asa na lahat ng kanilang nararanasan ngayon ay matatapos din kasabay ng pagbubukang-

liwayway kagaya ng isa sa mga inawit ng may-akda na walang pulubi na ang maglalakad sa mga

kalye at tatawagin ito bilang pag-unlad (At the rising of our sun, no beggar will walk the paved

streets and called it progress.)

Upang ihambing ito sa konotasyon ng tawong lipod, mababatid na ang wika ng may-akda

ang nagsisilbing simbolismo ng tawong lipod sa tula. Isa sa mga katangian ng tawong lipod ang

malimutan o sadyang kinakalimutan dahil hindi sila madalas makita (nababanggit na lamang sila

sa tuwing may okasyon o kapistahan) at higit naman na mas marami silang kakumpitensiyang

nilalang na mas nagiging kilala kaysa sa kanila. Kagaya ng wika, madalas, ito’y naipagpapalit sa

dayuhang wika. Ang wikang tinutukoy sa akdang ito ay ang wikang Bikolano. Ayon sa mga

dalubhasa sa wika, upang mapanatili mo ito, kailangang panatilihin ang paggamit nito. Ngunit

dahil sa dami ng wikang nakahain sa hapag ng mga mamamayan, hindi na napagtutuunan ng

pansin ang pagpapanatili dito. Bago pa maisulat ang akdang ito, unti-unti nang nawawala ang

Panitikang Bikolano, na bunga ng pagkalimot sa wikang ito. Dahil sa limitado lang ang maaaring

makaintindi sa mga akda na nakasulat dito, mas binigyang pansin ng mga manunulat na buhat sa

rehiyong ito ang pagsusulat ng mga akda sang-ayon sa dayuhang wika. Bukod sa mga ito, isa pa

sa katangian ng tawong lipod ay hindi nakikita, kung saan ang mga taong may ikatlong mata

lamang ang may kakayahang makita sila. Sa akdang ito, ang nakakita o ang taong may ikatlong

mata ay walang iba kundi ang manunulat, na siyang nagsiwalat ng katotohanan na hindi nakikita

ng ibang tao kagaya ng kasinungalingan na ihahayag bilang totoo. (At the rising of our sun no

lies will be smoothed out and presented as the truth)

9
2.2 WAITING FOR GODOT
For WWII Veterans

In the last light of an afternoon


You will stretch out on a cane chair
Like the cat curled at your feet.
You will watch the day die,
The dark falling
Like a curtain on the trees.
It will flicked and fade
Like your failing vision.
So let those mute medals,
Earned during the last war,
Be your witnesses, anonymous hero.
Leave them
In the chest in our memory,
Together with the documents
Promising your benefits.
There no pesky cockroach
Will nibble them to pieces.

Translation of M.L.K.

PAGHAHALAT KI GODOT
Para sa mga beterano kan ika-2 giyera mundial

An huring liwanag sa sarong hapon


Ika maunat sa huyong butaka
Arog kan pagkakabulukon nin ikos
Sa simong pamitisan,
Tinatan-aw an aldaw na nauupos
O kun paano minataklob
An kadikluman sa rarom nin kakahuyan
Minakimat-kimat arog
Kan de-grado mong mata.
Kaya bayan mo na sana
Magin pulang saksi
Ining nagunong medalya
Kan naka-aging giyera,
Saimo, bayaning nakamaskara.
Isaray mo na sana
Sa baulk an samong memorya
Kaibahan kan mga papeles
Nin hinahalat na grasya,
Huli ta duman dai ini mapipispis
Kan mga pesteng curacha.

10
Sa unang bahagi ng tula, ipinahayag na ng manunulat na iniaalay ang tulang ito para sa

mga beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig (For WWII Veterans) na kung saan ay nasa

dapithapon na ng kani-kanilang buhay (In the last light of an afternoon you will stretch out on

a cane chair). Sa pagpapatuloy, ang mga sinasabing beterano ay tiyak ding malilimutan gaya ng

isang nanlalabong paningin na ang tanging pagkakakilanlan bilang isang bayani ay ang mga

medalyang natamo sa pinakahuling digmaan na kinabilangan nila (It will flicked and fade like

your failing vision. So let those mute medals, earned during the last war, be your witnesses,

anonymous hero) Upang ihambing ito sa pangkabuuang simbolismo ng tula na Tawong Lipod -

na sinasabi sa unang bahagi ng papel bilang mga nilalang na hindi nakikita o minsan lang

mabigyan ng pansin gaya ng mga beterano na isinasaad sa tula.

Ang terminolohiyang “Godot” batay sa akda ni Samuel Beckett, ay tumutukoy sa isang

tao na hinihintay ang kanyang pagbabalik ngunit hindi na tuluyang dumating. Bilang

pagpapakahulugan sa tula, ginamit ng may-akda ang salitang “Godot” bilang simbolismo ng mga

pangakong benepisyo na dapat matatanggap ng mga bayaning nakipaglaban sa ikalawang

digmaang pandaigdig (Leave them in the chest in our memory, together with the documents

promising your benefits) Ngunit sa kasamaang palad, nanatili lang itong mga pangakong hindi

kailanman natupad, kagaya ni Godot sa akdang “Waiting for Godot” na hinihintay ngunit hindi

na dumating pa.

*Waiting for Godot – is a play by Samuel Beckett, in which two characters, Vladimir and

Estragon, wait for the arrival of someone named Godot who never arrives.

2.3 EMILY’S LETTER

11
Migration is the failure of roots.
Displaced men are ecological victims.
Between them and the sustaining earth, a wedge has been driven.
-ERNESTO GALARZA

Back home, these are the dreams I dreamed


In the islands where the sun is always bright,
Unlike this high-rise flat where it is always night:
Send my six children to school and redeem
What remains of my inherited land
(Ay*, if only my do – nothing husband
Was like these relentless hooves on the stairs
It would not have been taken
By Don Serafin and his four horsemen).

Is it them? Are they now going to take me in?

Ay, but I have been discreet.


Each time I went to market,
I bought a few kilos of salt and lime,
Stashed in a basket.

On moonless nights, after my classes.


My hands are deft
In gilling and salting the fishes
My father caught from out at sea.

Is it the waves or the hooves on the steps?

Ay, the sea was kind, but for the dynamiting


And the poison.
The fish are fewer,
They’ve moved perhaps to other seas,
As I have.

I left the classroom and my children behind,


(with my sister who had taken over my role as both
Mother and wife, ah, how the tongues of gossip clucked!),
To care for this spoiled brat
In this dark, dark flat which is what I got
For the price our land, the payment for the passport
And the job recruiters’ fees,
And for my dreams to work overseas.
But my sir since day one
Had been disrobing me with his eyes,
Scrutinizing me from front and behind.
In turn, my Madam would look at me
With suspicion, as if I had eaten the food
In the fridge for the kid (which I did and the dog food,
As I only get a plateful less than the bitch.)

12
And from the stares and glares,
And screams strange to my ears
But kin to pins in my heart, it came to hands
Feeling up my thighs at night, and my face
Being slapped that turned off the light in my head.

And I never saw my pay


For months, months, months.
And no letters from home
For months, months, months.

Is it a fly that taps, taps on the window glass?

So I did what was right –


What fishermen’s wives did back home at night.
Now, the salt and the lime
Will take care of them inside the closet.
When they come, they can’t bring me with them.
I’ll fly like the fly on the windowpane.

Translation of M.L.K.
*interjection, “alas,””oh me”

SURAT NI EMILY

An pagdayo sa ibang nasyon sarong kaluyahan nin gamot.


An mga nagdayo biktima nin ekolohika.
Sa saindang tahaw asin an nagtataong sustanciang kinaban, igwang nakasuksok na salugsog.
-ERNESTO GALARZA

Duman sa sakong banwaan, ini an sakong mga pangaturugan


Sa isla kun sain pirmeng maliwanag an saldang
Bakong arog sa halangkaw na istaran na ining pirmeng madiklom:
Paeskwelahon an sakong anom na mga aki asin balukaton
An natatada sa minana kong daga
(ay, kun kuta an istambay kong agom
Arog kaining desididong panaka sa hagyan
Dai kuta ini kinua ni Don Serafin
Asin an apat niyang kabalyerong tauhan.)

Sinda na daw ini? Kukuanon na ninda ako?

Ay, nagin man ako mahilom.


Pag naduman ako sa saud,
Minabakal akong perang kilo nin asin sagkod apog,
Nakatago sa bay-ong.

Kung banging dain bulan, pakatapos kan sakong pagtukdo,


Tood an sakong mga kamot

13
Sa pagbaak asin pag-asin kan mga sira
Nadakop kan sakong ama hali sa lawod.

Alon daw ini o an mga panaka sa hagyan?

Ay an dagat maboot, alagad huli sa dinamita


Asin mga hilo.
Nagdikit an populasyon
Kan mga sira na garo nagdayo na sa ibang lugar
Siring ko man.

Binayaan ko an pagtukdo asin an sakong mga aki,


(sa sakong tugang na iyong nagsangli sa sakong papel bilang
Ina asin agom, an mga matatabil na dila!)
Nganing mag-ataman kaining sutil na aki
Sa madiklom, madiklom na istaran na karibay
Kan samong daga, pambayad sa pasaporte
Asin tarifa kan nagtaong obra sako.
Sa sakong pangaturugan, makapagtrabaho sa ibang nasyon.

Alagad an sakong mga among, magpoon kan enot kong aldaw


Hinihiling akong garo dai akong sulot
Rinirikisa an sakong atubang, an sakong likod.
An sakong amang, pigsususpetsahan man ako,
Na garong kinakan ko ang pagkakan sa fridge
Para sa aki (na totoo man magin si pagkakan kan ido,
Ta tadol lang an sakong pagkakan asin dikit pa kan para sa dayo).
Asin magpoon sa mga burarat na hiling nin mata,
Sa mga kurahaw na estranyo sa sakong talinga
Alagad erencia nin dagom sa sakong puso, nakaabot ini
Sa luhay – luhay na hapihap nin kamot sa sakong tabay
Pag banggi, asin an mga biglang sampaling
Na nakakapaling kan sakong paghiling.

Asin dai ako sinusueldohan


Nin pirang bulan, pirang bulan, pirang bulan
Asin daing surat na nagaabot haling harong
Nin pirang bulan, pirang bulan, pirang bulan.

Langaw daw an nagtataptap, nagtataptap sa salming na bintana?

Kaya ginibo ko sana an tama,


Kun ano an ginigibo kan mga agom kan mga parasira
Sa samong banwaan pag banggi.

Ngonian, an asin sagkod an apog


Iyo nang bahala sainda sa laog kan istante.
Kun magabot sinda, dai ninda ako madadara,
Malayog akong siring kan langaw sa bintana.

14
Sa pag-uumpisa ng tula, ibinahagi ng manunulat ang kahilingan ng bawat magulang para

sa kanilang anak, sa sarili niyang bayan na nakagisnan, at hindi tulad ng sitwasyon na nailathala

sa tula na nagsasabuhay sa isang OFW. (Back home, these are the dreams I dreamed in the

islands where the sun is always bright, unlike this high-rise flat where it is always night: Send

my six children to school and redeem what remains of my inherited land) Sa parte ng akda na ito,

inilarawan ang buhay ng tauhan na nagngangalang Emily, kung saan inaalala niya ang kanyang

pinagmulan kasama ng pangarap na makapag-aral ang anim niyang mga anak. Hindi man literal

na binanggit sa tula na si Emily ay isang guro, pinatunayan naman ito sa parte ng akda na: I left

the classroom and my children behind, To care for this spoiled brat. Sinasabi sa tula na iniwan

ni Emily ang kanyang buhay bilang guro at isang ina sa kanyang sariling bayan upang

magkaroon ng mas malaking kita sa pamamagitan ng pag-aalaga sa ibang bata kahit pa ilang

pang-aabuso na ang dinaranas niya mula sa kanyang among lalaki at babae (But my sir since day

one had been disrobing me with his eyes, scrutinizing me from front and behind. In turn, my

Madam would look at me with suspicion, as if I had eaten the foodi in the fridge for the kid ).

Nang umabot na sa kasukdulan ang kahirapan na dinanas niya kasabay ng kita na hindi na niya

nahawakan pa, tuluyan na lang niyang binalikan ang buhay na iniwan niya sa kanyang sariling

bayan.

Sa pagtatapos ng tulang ito, mapapansin na isa sa ginamit na denotatibong

pagpapakahulugan ng may-akda upang ilahad ang kabuuang mensahe nito ay sa pamamagitan ng

isang liham. Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang

tao patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan inihahatid sa ibang lugar. Sa tula, ang nagsilbing

mensahe na nais iparating dito ay ang reyalidad na nangyayari sa isang manggagawa na tulad

15
niya. Ilan sa reyalidad na tinutukoy dito ay hindi lahat ng kagaya niyang nagtatrabaho sa ibang

bansa ay malaki ang kinikita, dahil gaya niya, ang perang nakukuha niya ang kasing halaga

lamang ng bayad sa pasaporte.

2.3 FIRST SONG

I do not know when it flew


Its roost – or whether it felt
Abandoned that’s why
It abandoned the lonely evenings
Of dreamers whose pillows are words.
Was it swallowed by the storms
That guard this region
Like a murderous gaze?
Or was it its own magic made it
Return, drove away those
Who tried to follow it, only
To realize in the end:
It can be caught, but never
Held captive, it can be seen
But never fixed with a gaze.
Many indeed have been lost
In such a quest.
Even I, have also wanted
To leave this madness for its voice.
But its call
Is a plea I can’t ignore.
And so I shall continue in this journey
Until I reach the place
Where we’ll be singing in the voice
That warmed and hatched us
In the nest of our tongue.

Enot na Cancion

Dai ko aram kasuarin siya huminali


Sa sadirig tugdunan –
O kun siya napabayaan
Kaya binayaan an kabanggihan,
Pagsolo-solo kan mga nangaturugan
Na mga tataramon an inuulanan.

16
Sa pagsusuring nagawa sa tulang ito, ang pamagat ng akda na First Song ay sumisimbolo

sa mismong lengguwahe ng manunulat – Lengguwaheng Bikolano na ayon sa may-akda ay

nahahati rin sa iba’t ibang diyalekto gaya ng Rinconada at Bikol Naga na kakaunti lamang ang

nakakaunawa. Sinasabing walang tiyak na panahon kung kailan ipinanganak ang lengguwaheng

ginamit niya upang mailimbag ang akdang Cancion Kan Tawong mga Lipod kung saan sa

paglipas ng panahon ay nakakalimutan at hindi na napapansin ang tuluyang pagtalikod nito sa

pagkakakilanlan bilang isang rehiyon. Kung ihahambing naman ito sa simbolismong ginamit ng

manunulat sa buong akda na Tawong Lipod, ang panitikang bikolano ay maaaring nabalewala

ngunit kailanma’y hindi malilimutan at muling inalala at binuhay sa pamamagitan ng pagsulat ng

mga akdang bikolano at isa sa magandang halimbawa nito ay ang akdang pinamagatang Cancion

Nin Mga Tawong Lipod.

2.4 SARIKAW*

You thought I was nowhere,


That my lessons and boundaries are an open territory
For your arrows and dog.

Yet, there are lessons hard to learn not because they are hard,
But because of the one learning them.

You think, everything is there for you to test,


deer, birds and wild pig are there for you to capture or kill.

Ah, male hunter, the world is not a forest


you will survive and rule by your brawn alone

Take the tikling** and the deer that escaped your spear

17
Because of their grace
Didn’t you notice how deer run, and tikling’s cry,
How they sound so near when in fact they’re gone?

Even the wind envies how they turn to grass,


When they became the trees and the breeze
That’s why my lessons are not hard
Because the earth moves with our grace.

It revolves in the curve of its orbit,


The loving rain making the flowers bloom.

It is here I draw my power,


Not from the brawn of your arms.
I, faerie and the forest are one.
We, women are twins of the earth

We are life’s primeval forest.


When we set the boundaries,
the purpose is to ensure that life continues,
not because our hearts are hard
Now you know – I can be hard, as I can harden a rock.
Translation of M.L.K.

Sarikaw
Hona mo mayo ako.
An mga adal asin pangalad ko
Bukas na teritoryo
Para sa pana asin ido mo.

Alagad, may mga adal


Na matagas manudan,

18
Bakong sa katagasan
Kaini kundi sa pigtutukduan.

Hona mo gabos na bagay


Yaon nganing purbaran,
Mga usa, gamgam asin opon
Na dadakopon o gagadanon.

Ay, lalaking para-ayam


An kinaban bakong kadlagan
Sain huli sa simong kusog
Ika mabubuhay asin mangongorog.

Hilinga si tikling o si usa


Nakabuhi baga
Sa saimong mara
Huli sa bini ninda.

Dai mo narisa
Kun pa’no minadalagan an usa,
An tikling, kun mina-awit
Garo harani pero harayo na?

Maski an doros
naaara kun paano sinda
nagigin an mga doot
kahoy asin paros.

Kaya bakong matagas


An sakong adal
Huling an kinaban
Minapadagos sa samong kabinian.

19
Minaitok ini
Sa kurba kan saiyang orbita,
Pinapabuswak an mga burak
Kan uran na mapagpadangat.

Digdi ako minahugot


Kan sakong kusog
Bakong sa dahas
Kan saimong kalamias.

Ako na diwata
Asin an kadlangan sasaro sana.
Kaming kababaihan
Kakambal an kinaban.

Kami an gurang na kadlangan


Nin buhay.
Kun minapangalad man
An katuyuhan

Nganing mapadagos ini


Bako na matagas an puso mi.
Ngonian aram mo na – kaya ko.
Magin matagas o magpatagas nin bato.
* Ito ang tawag sa bato (monolithic) na anyong lalaki na may kasamang aso at matatagpuan sa

bundok ng Iriga. Ayon sa alamat, isang mangangaso si Sarikaw na ginawang bato ng minsang

pumasok ito sa teritoryong ipinagbabawal ng Diwata ng nasabing lugar.

**Slate-breasted rail

20
Inilalahad sa tulang ito ang pagsuway ng isang mangangaso sa bilin ng tagabantay ng

gubat o ng diwata para lamang makahuli ng hayop tulad ng usa, ibon at baboy ramo. (You

thought I was nowhere, You think, everything is there for you to test, deer, birds and wild pig

are there for you to capture or kill) Inihayag ng manunulat ang maling pag-iisip ng mangangaso

sap ag-aakalang wala ang siyang nagbabantay sa gubat na kanyang pinasok ng walang pahintulot

sa pamamagitan ng paggamit ng persona ng mga diwata. Ayon pa sa kanya, ang mundo ay hindi

isang malaking kagubatan na papahintulutan siyang makaligtas sa pamamagitan ng kanyang

sariling lakas. Sa huling bahagi ng tula, sinabi ng diwata na sila ng kagubatan ay iisa, kung saan

sila’y nagtatakda ng hangganan sa kagubatan upang masiguradong mapapangalagaan pa ang

buhay nito. Ngunit, dahil sa pagsuway ng mangangaso, pinarusahan siya ng diwata at ginawa

siyang bato (Now you know – I can be hard, as I harden a rock)

Sa pagsusuri sa tula, ang diwata ay maihahambing sa mga Tawong Lipod na siyang hindi

nakikita. Si Sarikaw naman ang siyang mangangaso na sumubok sa diwatang tInutukoy sa akda.

Ayon sa may-akda, ang Tawong Lipod ay may katangiang hindi gugustuhin nino man kapag

ito’y nakanti. Naipakita ang katangiang ito nang gawing bato ng Diwata si Sarikaw dahil sa

panghihimasok nito sa ipinagbabawal na kagubatan.

Konklusyon

Sa tuwing nagbabasa ang isang tao, bukod sa magagandang benepisyong nakukuha mula

rito, nakapagbibigay rin ito ng aliw sa mga mambabasa na higit na nakakapagdagdag sa kanila

ng interes upang mahikayat lalo sa pagbabasa. Sa bawat akda ay may nakapaloob na kuwento.

Magkakaiba ang mga kuwentong maaaring taglayin ng bawat tulang gaya ng mga naibigay ng

21
mananaliksik kung saan, nakasalalay na sa mismong mambabasa kung paano niya bibigyan ng

ugnayan o hinuha ang mga ito sang-ayon sa kanyang sariling pagkatao at pagkakakilanlan.

Batay sa pagsusuring nagawa ng mananaliksik sa akdang Cancion Nin Tawong Mga Lipod

nabuo ang mga sumusunod:

Ang pag-aaral na ito ay maipakita ang ugnayan ng akdang Cancion Nin Mga Tawong

Lipod bilang isang Panitikang Pambansa na ayon sa pagpapakahulugan ng mga maalam sa

panitikan ay dapat naglalaman ng Social Realism o Pambansang Kamalayan para sa mga tao na

bumubuo sa lipunan.

Sa Pagsusuri sa akdang ito, nailahad ang interpretasyon ng mga tula na siyang naging

pagpapakahulugan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito na batay sa ideya ng mga Tawong Lipod

bagama’t hindi niya ito ginamit ng literal, ginamit niya ito bilang representasyong nga mga

bagay na hindi nakikita ng iba.

Sa kabilang banda, mababatid naman na gumamit ng parehong Konotatibo at

Denotatibong pagpapakahulugan ang manunulat sa bawat akdang nailathala niya, na nakatulong

naman upang mailabas ang tunay na mensahe ng tula.

Bilang kabuuan, ang kaisipan na nais ipabatid ng mga akda ay ang mga pangyayari o

katotohanan na lingid sa alam ng karamihan. Inilahad dito ang kabunyagan ng mga bagay na

binigyang pansin ng may-akda gaya na lamang ng pagmamaltrato sa isang OFW (Emily’s

Letter). Nagpapatunay lamang ito na ang akdang Cancion Nin Tawong Lipod ay nagbibigay

kamalayan sa mga bagay na inilahad ng may-akda na humahantong sa iisang kahulugan at

ugnayan.

Glosari

22
Lipod, nalilipudan- covered, in the shadows, silent, harmless.

Sarikaw – Ito ang tawag sa bato (monolithic) na anyong lalaki na may kasamang aso at

matatagpuan sa bundok ng Iriga. Ayon sa alamat, isang mangangaso si Sarikaw na ginawang

bato ng minsang pumasok ito sa teritoryong ipinagbabawal ng Diwata ng nasabing lugar.

Tawong Lipod - , ang mga nilalang na ito ay maaari lamang makita ng mga taong may ikatlong

mata, paminsan-minsan lang nadarama at kadalasang nakalilimutan o kinalilimutan. Ang tanging

panahon lang kung kailan naaalala ang mga tawong lipod ay tuwing may kaganapan o okasyon

sa lugar na kanilang pinaninirahan, ngunit nananatili pa din silang tikom at hindi nakikita.

Social Consciousness - or social awareness, is defined as consciousness shared by individuals

within a society. It essentially means to be conscious or aware of the problems within a society

or community

Tikling-Slate-breasted rail

Waiting for Godot – is a play by Samuel Beckett, in which two characters, Vladimir and

Estragon, wait for the arrival of someone named Godot who never arrives.

Bibliography

https://en.m.wikipedia/org/wiki/Waiting_for_Godot

Santos, P.V.M., Panitikang Bikol at ang Pagbuo ng Panitikang Pambansa (Malay vol.2 no. 1

pg.30) 2017

Penones, H.F., Cancion Kan Mga Tawong Mga Lipod , 2014.

23

You might also like