You are on page 1of 3

JHONA MA. DELA M. BAUTISTA GRADE 9 ST.

FRANCIS

Si Dr. Jose Rizal ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Senior
Francisco Mercado Rizal at Seniora Teodora Alonzo Realonda -Rizal. Siya ay pampito sa labing-isang
magkakapatid - na sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad,
at Soledad. Una niyang guro ang kanyang ina. Sa edad na tatlo, marunong na siyang bumasa at sumulat
dahil na rin sa tulong ng kanyang ina. Sa Ateneo Municipal de Manila siya nag-aral nang siya ay labing-
isang taon. Napatunayan ang likas na galing, nakamit niya ang pinakamataas na karangalan sa
pagtatapos niya ng Bachiller en Artes sa gulang na labinganim na taon. Sa Unibersidad ng Santo Tomas,
Pilosopiya ang unang kursong kinuha niya rito. Noong Taong-Aralang 1878-1879, lumipat siya sa kursong
Medisina udyok ng Rektor ng Ateneo. Mahalaga sa kaniya ang bagong kurso dahil nais niyang magamot
ang nanlalabong paningin ng ina. Kasabay rito, kumuha siya ng kursong agrimensor sa Ateneo. Naipasa
niya ang pagsusulit sa kursong ito sa gulang na labimpito. Sa Universidad nang Taal ipinanganak si Rizal
na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral ng Medisina. Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang at ng
mga Indian ang kaniyang pagtungo sa Europa. Tanging si Paciano ang nakatatandang kapatid na lalaki at
ang kaniyang tiyuhin na si Antonio Rivera ang nakabatid sa kaniyang pag-alis. Noong Agosto 21, 1484,
natapos niya ang Medisina na kung saan nakamit niya ang titulong "Licenciado en Medisina" sa
unibersidad na ito. Sa sumunod na taon, Hunyo 19, 1385, natamo naman niya ang titulong "Licenciado
en Filosopia y Letras" na may markang "Sobrasaliente" (Excellent).

Ang Uncle Tom’s cabin na isinulat ni Harriet Beecher na siyang pinakamaimpluwensiyang panitikan mula
sa Estados Unidos na inilarawan sa panitikan na ito ang di makatarungang pagmamaltrastado sa mga
aliping negro mula sa Africa. Ang akdang iyon ang nakaimpluwensiya kay Rizal upang isulat ang kanyang
unang nobela na Noli me Tangere na ang ibig sabihin ay “Huwag mo akong Siligin”. Gusto sanang isulat
ni Rizal ang Noli sa tulong ng kanyang mga kaibigan at sa kapwa pilipinong manunulat ngunit hindi
naisakatuparan sapagkat ang rason ay hingil sa babae ang gustong isulat ng kaniyang mga kaibigan,kayat
boung lakas niyang isinulat ito ng mag isa. Ang mga taong unang nakabatid sa pagsusulat ay sina
Graciano Lopez-Jaena, Pedro Maximo, Antonio Paterno, Valentine Ventura, Julio Lurente, Melecio
Giguerora de lete at Evaristo Aguirre.

Noong 1884 ay natapos niyang isulat ang unang kalahating bahagi ng Noli sa Madrid. Noong 1885
naman sa Europa ay natapos niya ang ikatatlong kalahati. Abril hunyo 1886 ay natapos niya ang huli
ngunit ang mga huling kabanata nito ay natapos niya sa Wilhelsfold,Alemanya. Sa Pebrero 1886 ay
nireserba ang huling manuskripto ng nobela sa Berlin. Halos nauwi ang pagkakasunog ang manuskripto
na siyang pinaghirapan ni Rizal sapagkat naubos ang kanyang pondo at dahil siya ay nagkasakit, tila hindi
maililimbag ang nobela. Ngunit sa tulong ng kaibigan ni Rizal nasi Dr. Maximo Viola na siyang nagmula sa
mayamang angkan ng San Miguel, Bulacan. Itinuring siyang tagapaglista ng Noli yamang siya ang naging
instrument upang mailathala ang Noli. Pinahiram nya si Rizal ng sapat na pondo para sa pang araw-araw
na panggastos na si Rizal ay noong naghihikahos. Noong Pebrero 21 1887 ay nakahanap sina Rizal at
Viola ng palimbagan sa Almanya. Ito ay ang Berliner buckruckrei Action Gesslsschaft. Pinili nila ito dahil
mababa ang singil, 300 piso para sa 2000 sipi ng akda. Marso 21 1887 lumabas ang mga sipi ng Noli me
Tangere. Nang dumating ay sina Dr. Ferdinand Blumentritt , Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez
Jaena, Mariano Ponce at Felix Hidalgo ang mga unang nakatanggap sa unang sipi ng nobela ni Rizal.
Noong marso 19 1887 ay nakatanggap si Maximo Viola ng mapapahalagang nota mula kay Rizal. Kasama
rin na ibinigay ni rizal ang kanyang “golley droof” ng Noli, panulat na ginamit at isang komplemenaryong
sinipi kung saan isinulat ni Rizal ang nota.
Nakatanggap ng sulat si Rizal mula kay Goberno Heneral Emilio Ferrero upang imbitahan siya sa
malakanyang. Una pa rito , nabalitaan nang Gobernador na ang Noli ay humihimok sa subersibing
kaisipan. Ipinaliwanag ni Rizal na malayong hangarin ng Noli ang magtanim ng nabanggit na ideya
bagamat isinulat niya ang totoong kalagayan ng lipunan noon . Tinanggap ng Gobernador ang paliwanag
ni Rizal at humingi pa ito sa kanya ng kopya upang mabasa niya. Sinikap ni Rizal na makakuha ng kopya
dahil siya mismo ay naubusan ng personal na sipi. Noong dumating ang noli ay tuwang-tuwa ang mga
guro sa aklat anupat ayaw na nilang mawala ang kani-kanilang kopya sa kanilang mga kamay kahit ng
humingi si Rizal ng isang kopya mula sa kanila upang ibigay sa Gobernador Heneral. Ang mga guro ay
sina Padre Francisco de Paula Sanchez, Padre Jose Bech at Padre Federico Faura. Dahil sa libro ng Noli ay
Batid ng Gobernador Heneral na manganganib ang buhay ni Rizal lalo na sa kamay ng mga prayle.
Inatasan niya si Don Jose Taviel Andrade, isang batang tenyenteng Espanyol, upang bantayan si Rizal.
Ngunit sa kabila ng lahat ay lumantad ang mga kaaway sa noli at ito ay ang mga makapangyarihang
Dominikong pinuno ng simbahan ang lumabas na pangunahing kalaban ng nobela.

Ang mga sumusunod ay ang mga kumakalaban sa nobelang noli.

1.Msgr. Pedro Payo - Arsobispo ng Maynila na nagpalaki ng siping Noli kay Padre Rektor Gregorio
Echavarria ng Unibersidad ng Sto. Tomas sa layuning maeksamen ng isang komite ang nasabing akda.

2. Mga Dominikang Propesor -bumuo o miyembro ng komite.

3.Padre Rektor Gregorio Echavarria - pinadala ang resulta ng pag-aaral sa Noli.

4.Padre Salvador Font Agustinong Kura ng Tondo; pinamunuan ang permanenteng komisyon na


sa Noli, iniulat niya na ang nobela ay nagtataglay ng makasedisyong ideya hindi lamang laban sa
simbahan kundi laban din sa pamahalaan. Inirekomenda niya ang pagbabawal sa "importasyon,
reproduksyon at pamamahagi ng mapanganib na aklat na ito."

5.Padre Jose Rodriguez - isa ring Agustino at Superior ng Guadalupe. Naglathala siya ng serye ng walong
polyeto na may pamagat na 'Cuestiones de Sumo Interes' (katanungan na may Dakilang Interes) upang
tuligsain ang nobela.

6.Mga Senador ng Cortes ng Espanya: Nakarating ang kontrobersya ng Noli hanggang Espanya. Kabilang
sa mga senador na tumulig sa ay sina Heneral Jose de Salamanca, Sr. Fernando Vida at Heneral Luis M.
de Pando.

7. Vicente Barrantes' - akademiko ng Madrid at dating nanungkulan sa pamahalaan sa Pilipinas. Siniraan


niya ang Noli sa pamamagitan ng kanyang artikulong inilathala sa La Espana Moderna noong Enero
1890.

Ngunit sa kabila ng mga kalaban sa Noli me Tangere ay may mga repormista na sina Marcelo H. Dil pilar,
Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce at marami pang iba. Ipinaglaban ni
marcelo h dil pilar at pinagtanggol kayat sagisag na "Dolores Managat", naglathala siya ng munti aklat
na may pamagat na "Caiigat Cayo" na nangangahulugang maging madulas tulad ng igat sa pagtatanggol
sa Noli. Ang aklat ay pantapat sa "Caiingat Cayo", isang munting aklat ni Padre Jose Rodriguez.
Ipinamahagi sa loob ng simbahan at hindi napuna ng mga prayle sa pag-aakalang ito ang aklat ni Padre
Rodriguez.

Dahil rin sa tumulong kay rizal at sa pagtatangol ay ating nakamit ang kapayapaan at ating nalaman ang
kasaysayan ng ating bansa. Si Padre Sanchez ay ang paboritong guro ni rizal, kapag wala siya ay walang
rizal na kilalanin nating bayani ng pilipinas. Don Segismundo Moret -mananalaysay at estadista at
Propesor Ferdinand Blumentritt -propesor at edukador at naging matalik na kaibigan ni Rizal. Rev.
Vicente Garcia -isang di-inaasahang taga-depensa ng Noli. Isa siyang Pilipinong katolikong Pari at iskolar
ng katedral ng Maynila. Sa pamamagitan ng kanyang pangalawang panulat na Justo Desiderio Magalang,
naisulat niya ang kanyang pagtatanggol na nailathala pa sa Singapore. Alin sa mga argumento ni Padre
Garcia laban kay Padre Rodriguez ay Maling sabihing si Rizal ay "ignorante" sapagkat siya ay
nakapagtapos sa mga Unibersidad ng Espanya kung saan siya ay nakatanggap ng mga karangalan. Hindi
totoong tinuligsa ni Rizal ang simbahan at ang pamahalaang Epanya kundi ang masasamang opisyal at
tiwaling mga prayle lamang. Itinuring ni Padre Rodriguez ang mga bumasa sa Noli bilang mga gumawa
ng kasalanang mortal. Samakatuwid, si Rodriguez ay may kasalanang mortal sapagkat nabasa niya ang
aklat. Sa kabila ng sakripisyo, tyaga at at sa mga dinaana ni rizal upang ipamulat lamang sa mga Pilipino
ang kanilang kasalukuyang problema na hindi nila agat mawari na nag babalatkayo pala, ay talagang
kailangan siyang kilalanin bilang ating bayani. Maraming tao ang napamulat niya mula man sa isip pati
na sa puso na kahit ano man ang ginawa niya at nag tyaga ay kaniyang ipinaglaban ang inaasam na
kalayaan. Ngunit sa kung saan napamulat niya ang mga Pilipino ay kung saan hinatulan siya ng
kamatayan sa bagumbayan sa pamamagitan ng pagbaril. Kahit na namatay si Jose Rizal ay mananatili
parin sa kaisipan ng mga Pilipino ang kanyang ginawa upang mabigay ang kalayaan na hinahangad.

You might also like