You are on page 1of 23

tangere

ng Pabalat
Pagpapakilala ng Pabalat

• Ang pabalat ng Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni Rizal para sa kaniyang nobela.

• Pinili ni Rizal ang elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang sa aspektong astetiko ang
kaniyang naging konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo.

• Pagkatapos mong mabasa ang pagsusuring ito sa disenyo ng pabalat ng nobela ay maaring
maituring na ito ang siyang pinakamahusay sa lahat ng mga likhang guhit ni Rizal

Sa pabalat pa lamang ng Noli Me Tangere ay tila ninanais na


ni Rizal na magkaroon kaagad ng paunang pagkaunawa ang kaniyang
mga mambabasa ukol sa nilalaman ng nobela.

Sa pabalat pa lamang ng Noli Me Tangere ay tila ninanais na


ni Rizal na magkaroon kaagad ng paunang pagkaunawa ang kaniyang
mga mambabasa ukol sa nilalaman ng nobela.

Pansinin ang mga sumusunod

Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo ng


Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang mga mambabasa sa maaring
maging epekto ng pagbabasa nito sa kaniyang kapanahunan.

pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa Filipino ng


pamagat ng Nobela ay HUWAG MO AKONG HIPUIN.
Itaas na Bahagi

Ang pamagat ng nobela ay humahati sa pabalat


sa dalawang magkahiwalay na bahagi.

Ibabang bahagi

Ang kaliwang triangulo na makitid ang


paanan,subalit lumalapad sa ulunan.

Sa kabilang dako, ang paghahati ay hindi itaas


at ibaba – mayroon tayong mapapansin na hugis.

Ang kanang triangulo na malapad ang


paanan,subalit papakitid ang ulunan.
PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA ITAAS/KALIWANG
BAHAGI

Ang krus

Dahon ng laurel

Supang ng kalamansi

Ulo ng babae

Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere

Simetrikal na sulo

Bulaklak ng sunflower

PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA IBABA O


KANANG BAHAGI

Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me


tangere

Punong Kawayan

Lagda ni Rizal

Pamalo sa Penitensiya

Tanikala

Latigo

capacete ng guardia sibil

Paa ng prayle na labas ang balahibo


Subalit tingnan natin ang
pabalat ng nobela, mula
sa ibaba pataas.

Ang magkabilang triyangulo na inyong


nakikita na hinahati ng pamagat ay
kumakatawan sa dalawang magkaibang
kapanahunan.

Ang Kahapon

Ang hinaharap ng bayan


PAGBALIKAN NATIN NG PANSIN ANG SIMBOLISMO PARA
SA GAGAWIN NATING PAGBIBIGAY PAKAHULUGAN

Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me


tangere

Punong Kawayan

Lagda ni Rizal

Pamalo sa Penitensiya

Tanikala

Latigo

capacete ng guardia sibil

Paa ng prayle na labas ang balahibo

MGA KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO

Ang kanang triangulo ay isang paglalarawan ng


mga elemento na bumubuo ng panlipunang
realidad sa kapanahunan ni Rizal.
KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO

Paa ng prayle

Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng


tatsulo ang paa ng prayle.

Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano


ang pinakabase ng kolonyal na lipunan sa kaniyang
kapanahunan.

At bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa


kung sino ang tunay na nagpapalakad ng bayan.

Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle


sa aral ni Cristo para sa kaniyang mga tunay na
alagad.

Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa


paglalakad; kahit dalawang bihisan, kahit panyapak,
o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may
karapatan sa kaniyang ikabubuhay.

Mateo 10:10

Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng


prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging
maluho ng mga prayle sa Pilipinas.

Sapatos
Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng
pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na kaniyang
hayagang tinalakay sa loob ng nobela.

O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa


balahibo ng lobo na nasa loob ng damit ng kordero.

Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni


Rizal sa Kabanata 14 noong murahin ni Don Filipo si
San Agustin ng “putris” at sa isang sulat ni Rizal kay
Blumentritt (Peb. 2, 1890)

Nakalabas na binti sa ibaba ng abito.

Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong


sandatahan na nang-aabuso sa karapatang pantao
ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan.

Pansinin na inilagay ni Rizal ang helmet sa ilalim ng


paanan ng prayle

Helmet ng guardia sibil.


Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na
hukbong sandatahan.

Maging si Rizal ay personal na naging biktima ng


latigo ng alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo
ng alperes ay pagpapakita na hindi niya
malimutan ang ginawang pananakit sa kaniya ng
alperes sa Calamba noong kaniyang kabataan.

Pansinin na inilagay ni Rizal ang latigo sa ilalim ng


paanan ng prayle.

Latigo ng alperes

Inilagay ni Rizal ang kadena sa pabalat ng aklat


bilang simbolo ng kawalang kalayaan ng mga
Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.

Kadena
Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa
kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang
mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito
ay makapaglilinis sa kanilang mga nagawang
kasalanan.

Para kay Rizal, wari bang ang pananakit at


pagpapahirap ng mga guardia sibil ay hindi pa
sapat para sa mga Pilipino at kailangan pang sila
na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang
mga sarili.

Suplina

Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan


sa triangulong nakaukol sa kaniyang kapanahunan.

Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan


na kaniyang inilalarawan.

Lagda ni Rizal
Halamang kawayan

Isang mataas ngunit malambot na puno. Ang


pangunahing katangian nito ay ang pagkakaroon
nito ng malaking kahalagahan sa paggawa ng bahay
at maraming mga mahahalagang kagamitan at
kasangkapan sa kapanahunan ni Rizal.

• Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang


ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa
pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at
pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa kanilang
lipunan.

Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ng Noli Me


Tangere

• Makikita na bago ang bahagi ng


paghahandog ni Rizal sa kaniyang nobela ay ang
taong 1887.

• Paiitaas sa taong 1887 ang malaking bahagi


ng manuskrito paghahandog ng nobela.

• Pansinin sana na pagkatapos ng


paghahandog ay unti-unti ng lumiliit ang panig ng
tatsulok.

• Isa kaya itong paraan ng pagpapahiwatig ni


Rizal na nakikini-kinita na niya ang paglalaho ng
kolonyal na lipunan, bilang resulta ng kaniyang
nobela.
TINGNAN NAMAN NATIN
ANG KAHULUGAN NG MGA
NILALAMAN SA
KALIWANG TRIANGULO
Bulaklak ng sunflower

• Ang sunflower ay isang natatanging bulaklak


dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa sikat ng
araw.

• Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito sa


layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga
mambabasa na sundan at ipagpatuloy ang
pagbabasa ng kaniyang nobela, na sa kaniyang
kapanahunan ay ninanais ni Rizal na maging liwanag
ng kaniyang bayan.

Simetrikal na sulo

• Iginuhit ni Rizal ang sulo bilang simbolo ng


Noli Me Tangere.

• Pansining mabuti ang disenyo na


kinalalagyan ng liwanag.

• Mapupuna ng mga nakapagbabasa ng mga


lumang libro, na ito ang karaniwang disenyo na
ginagamit noon sa mga pahina ng aklat.
• Pansining mabuti ang relasyon ng liwanag ng
sulo at ng oryentasyon ng sunflower.

• Mapapansin na ang sunflower ay nakatingala


sa liwanag ng sulo, na sa panahon ng kadiliman ng
panunupil ng kaisipan ay simbolo ng preserbasyon
ng kaalaman ng tao.

Mapapansin ninyo ang salitang “Berlin” – ang lugar


kung saan ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere.

Subalit ang paglalagay ni Rizal ng “Berlin” sa pabalat


ay mayroon din layunin na ipaalam sa kaniyang mga
mambabasa ang mayamang koleksiyon ng lungsod
sa mga materyales ukol sa Pilipinas.

Ang bagay na ito ay sinabi mismo ni Rizal sa


kaniyang kaibigang si Blumentritt.
Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ni Rizal.

• Pansining mabuti na ang sulo ay nag-


ooverlap sa manuskrito ng paghahandog ni Rizal ng
kaniyang nobela.

• Ito ay dahilan sa layunin ni Rizal na ang


kaniyang sinulat na nobela ay magsilbing liwanag ng
bayan, upang makita natin ang ating mga kahinaan
na siyang nagiging dahilan ng ating pagiging huli sa
karera ng kaunlaran.

• O maaring ang mga taong mayroong


maliwanag na isipan lamang ang makakatuklas ng
tunay na kahulugan ng nobela.

Ulo ng babae

Sino ang babaeng ito?

Pansining mabuti ang kasagutan

Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng


paglalagay niya sa tabi ng pinag-uukulan niya ng
paghahandog sa nobela.

Ito ay walang iba kundi ang INANG BAYAN


Krus

• Ang krus ang siyang simbolo ng


relihiyosidad ng malaking bilang ng mga
mamamayang Pilipino.

• Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa


halos pinakamataas na lugar ng pabalat.

• Nakakataas o nakapaghahari sa isipan ng


Inang Bayan at ng mga Pilipino.

Krus

• Teka, bakit inilagay ni Rizal ang krus sa


pinakamataas na lugar sa pabalat ng nobela?

• Hindi ba siya kontra sa kolonyal na


simbahan?
Krus

• Siguro ay optical illusion lamang kaya


maaring sabihing ang krus ang pinakamataas na
elemento sa pabalat.

• Ang pinakamataas na elemento sa pabalat


ay ang dulo ng triangulo na hindi pa nagtatapos at
patuloy na lumalapad ayon sa takbo ng panahon.

• Pansinin sana na tila isang padalisdis ang


direksiyon ng triangulo.

• Parang napanhik ka sa isang bundok.


Pansining Mabuti

• Na bago ang krus ay makikita ang supang ng


kalamansi.

Ano ang kahalagahan ng supang ng kalamansi at


isinama ito ni Rizal bilang elemento sa pabalat ng
kaniyang nobela

Isa sa laganap na paniniwala natin ang kalamansi ay


mahusay na sangkap sa paglilinis.

Ito ang dahilan, kung bakit mayroon pang mga


produktong panlaba at panlinis ng plato na
ipinagmamalaki na mayroong halong sangkap ng
kalamansi,
• Ang masakit na katotohanan, ang paglalagay
ni Rizal supang nga kalamansi sa tabi ng krus ay
isang mataas na anyo kaniyang ng insulto para sa
kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang
kapanahunan.

• Walang pinag-iwan sa isang tao na alam


mong hindi naliligo at naamoy mo na ang pagiging
mabaho.

• Pagkatapos mong makita at maamoy ang


baho ay saka mo ilalagay sa kaniyang tabi ang isang
sabong pampaligo.

• Ganyang mang-insulto si Rizal sa kaniyang


sining. Masasabi ko ito, dahilan sa halos maraming
mga sining si Rizal na kaniyang nilikha bilang isang
anyo ng protesta.

Mga Dahon ng Laurel

• Ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa


matatandang sibilisasyong kanluranin.

• Ito ginagawang korona para sa kanilang


mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at
mapanlikhaing mga mamamayan.
• Mapapansin na ang mga dahon laurel ay
hindi pa napipitas sa halaman.

• Isang paglalarawan ni Rizal ng kaniyang pag-


asa na ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang
mga laurel na ito upang gawing korona ng inang
bayan.

• Subalit ang higit na dapat na mapansin na


ang krus ay gawa sa bato.

• Subalit ang halaman ng kalamansi at laurel


ay mga buhay na elemento.

• Na maaring lumago sa pagsapit ng panahon.


• Mamimili ang krus, kung siya
magpapakalinis at makiki-agapay sa pagtalino ng
bayan.

• O sa pagdating ng panahon ay matatabunan


lamang siya ng paglilinis at katalinuhan ng bayan na
hindi na bulag sa panatisismo.

• Ang katotohanan ay pinagtabi ni Rizal ang


krus at supang nga kalamansi at mga dahong
laurel.

• Dahilan sa mayroong dalawang uri ng


konsensiya ang nais na ilarawan ni Rizal sa
kaniyang nobela.

• Una ay ang sinasabi ni Ibarra na “bulag na


konsensiya ng bayan”.

• At ang pangalawa ay ang isang


“PAMBANSANG KONSENSIYA” na nais ni Rizal na
sumibol para sa sambayanang Pilipino na
hinahadlangan lamang noon ng mga
makapangyarihang alagad ng kolonyal na
simbahan.
• Maaring mapagbintangan ako sa pagiging
mapagmalabis sa aking ginawang
pagpapakahulugan.

• Subalit wala akong takot na ipaalam na ang


mga kahulugang aking binanggit ay nakapalaman
sa loob mismo ng nobela na ating pag-aaralan.

• At sa marami niyang mga artikulo at


personal na sulat sa kaniyang mga kamag-anak at
mga kasamahan sa kilusang propaganda.

HANDA KA NA BANG BASAHIN ANG TUNAY NA NOLI ME TANGERE


Pabalat ng
Noli me
tangere

Rigil Mae P. Calantog


9-St.Bonaventure
Ms.Maglalang

You might also like