You are on page 1of 4

GNED 12- DALUMAT NG/SA FILIPINO

 DALUMAT - Malalim na pag-iisip at interpretasyon


Interpretasyon sa isang bagay kung paano bigyang paliwanag ang isang paksa
 Ang awiting “Loob” ni Jess Santiago (2008) ay isang halimbawa ng matalinong
pagdadalumat
 sama ng loob-hinanakit
 nanloloob- magnanakaw
 looban- sulok ng pook
 masasamang loob- mandurugas
 lakas ng loob- katapangan
 mahina ang loob- natatakot
 SAWIKAAN- Isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitâng
namayani sa diskurso ng sambayanang Filipino sa nakalipas na taon.

 Mga Pamantayan sa Pagpili ng Salita ng Taon


 Bagong imbento
 Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika
 Luma ngunit may bagong kahulugan
 Patáy na salitâng muling binuhay
 Mga isinaalang-alang sa Pagpili ng Salita ng Taon
 Ang kabuluhan ng mga salita sa buhay ng mga Pilipino
 Ang pagsasalamin nito sa kalagayan ng lipunan.
 Ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita
 Ang paraan ng pagpepresenta nito sa madla

Salita ng Taon
 2004 - Canvas ni Prof. Randy David
 2005 - Huweteng ni Roberto T. Anonuevo
 2006 - Lobat
 2007 - Miskol
 2010 - Jejemon
 2012 - Wangwang
 2014 - Selfie
 2016 - Fotobam
 2018 - Tokhang
Mga Salita ng Taon 2018
1. TOKHANG- Bisayang salita: “TOKTOK” (Katok) at “HANGYO” (Pakiusap). Salitang
gamit kapag napapatay ang suspek sa drugs
2. DENGVAXIA- Bakuna laban sa Dengue
3. DDS- Davao Death Squad
4. DILAWAN- Pangungutya sa Yellow Crowd
5. FAKE NEWS- Tawag ng mga tao sa tunay na balita na hindi nila gusto.
6. FEDERALISMO- Sistemang isinusulong ng administrasyong Duterte.
7. FOODIE- Kadalasan, kinukuhanan din nila ng litrato ang kanilang pagkain
8. QUO WARRANTO- Petisyong kumukwestiyon sa kwalipikasyon ng opisyal sa isang
posisyon
9. RESIBO- Ebidensya o Katunayan
10. TRAIN- Acronym para sa Tax Reformfor Acceleration and Inclusion Law
11. TROLL- Social media user na nang-iinis o nanghahamon para sumagot nang pagalit ang
nag-post o iba pang nagbabasa.

Ambagan ng mga Salita


Ang Ambagan ay isinasagawa tuwing dalawang taon. Pinagyayaman ng kumperensiya ang iba’t
ibang mga wika sa Filipino sa pamamagitan ng pagsangguni sa balarila’t leksikon ng mga wika
sa bansa.
Ang Leksikon ay ang mapanuring pagbuo ng mga salita na naglalayong makapagbigay ng
kahulugan at depenisyon sa mga bagay na may kinalaman sa araw -araw na pamumuhay.
Ito ay hindi basta basta isinasagawa ng hindi pinag-iisipan sapagkat ang resulta ng mga nabuong
salita ay ipinakikilala sa buong mundo para magamit sa lipunan.
Sa taong (2011), itinatampok sa Ambagan ang mga wikang Ilokano, Kapampangan, Bikol,
Tagalog-Batangas, Kankana-ey, Higaonon, Mansaka, Hiligaynon, Aklanon, Tagalog-
Laguna, at Kinaray-a.
1. Mga Salitang Iluko/Iloko ni Cles Rambaud at Ariel Tabag
 Kabus- kabilugan ng buwan
 Murmuray- panunumbalik sa normal ng mga sentido pagkagising
 Kibin- magkahawak-kamay habang naglalakad

2. Mga Salitang Pampanga ni Lucena Samson


 mánúcluan - iskwater
 tángî - pag-aaring nakuha sa panahon ng pagpapakasal ng mag-asawa
 síbul ning lugud - walang hangganang pagmamahal
3. Mga Salitang Bikolano ni Kristian Cordero
 Hablóndawani - bahaghari
 Tuntón-balagón - alitaptap
 Mangíndara - mga sirena sa lawa

4. Mga Salitang Tagalog-Batangas ni Renerio Conception


 Baysánan - kasalan
 Hímatlúgin - nanghihina ang katawan
 Malì-malì – magugulatin

5. Mga Salitang Kankana ey ni Ruth Tindaan


 Gait - kasama
 Benge - palamuti sa buhok ng mga kababaihan
 Inayan - pagpigil sa isang tao sa paggawa ng isang bagay at ito ay isang
ekspresyon na nagpapahayag ng pagkadismaya

6. Mga Salitang Higaonon ni Rosario Butron-Dizon


 Kaamulan - piyestang kultural
 Búuy - lola sa tuhod
 Kapú-un - pinagmulan ng lahi

7. Mga Salitang Mansaka ni Marilyn Arbes


 Takláy - pulseras
 Búnong - pagbibinyag
 Bayók - pagsasalaysay ng mga pangyayari sa nakaraan

8. Mga Salitang Hiligaynon ni John Teodoro


 Pangayaw - dayuhan
 Inday - pantawag ito sa mga mahal mo sa buhay na babae katulad ng kapatid,
asawa, anak, pamangkin, at kahit na malayong kamag-anak

9. Mga Salitang Aklaonon ni John Barrios


 ílis - palitan
 Panakáyon - biyahe
 Panáad - pangako

10. Mga Salitang Tagalog-Laguna ni Edgar Samar


 Kinís - magkasabay na pamumula’t pamamawis
 Waswás - ubos na ubos
 Himpíl - paghuhugas ng pinggan
11. Mga Salitang Kinaray-a ni Genevieve Asenjo
 Búngkag - paghiwalayin
 Pìnàlínpín - palay na walang laman
 Pásí - trumpo

You might also like