You are on page 1of 27

University of the Philippines

Diliman Campus
Tri-College
(College of Social Science and Philosophy, College of Arts and Letters, Asian Center)
Doctor of Philippine Studies Program

Ang Mga Kababaihan at ang Kilusang Paggawa


sa

ni Prof. Judy M. Taguiwalo, PhD

A Seminar Paper in PS 301


(Perspectives in Philippine Studies)

Prepared by
Jay Neil G. Verano

Submitted to
Prof. Maria Theresa T. Payongayong, Ph D
Ano ang naging papel ng kababaihang anakpawis sa mga
pakikibakang panlipunan sa Pilipinas?

Ito ang katanungang naging sandigan ni Propesor Judy M.


Taguiwalo sa kanyang masusing pag-aaral tungkol sa mga karanasan ng
mga kababaihan sa paggawa’t pakikibaka sa Kamaynilaan mula 1901
hanggang 1941. Inipon niya ang mga primarya at sekundaryang batis
mula sa mga opisyal na publikasyon at sensus ng pamahalaan, mga
desisyon ng Korte Suprema, mga publikasyon ng mga manggagawa sa
Kamaynilaan, mga diyaryo at magasing pangkababaihan, mga regular na
diyaryo at magasin sa panahon ng mga Amerikano, mga batas at patakaran sa edukasyon at
paggawa, mga akdang pampanitikan, at ang kanyang mga panayam. Bagamat may kakulangan
sa mga datos at impormasyon, matagumpay na dinugtungan ng disertasyong ito na inangkla
mula sa pamamaraang historikal, araling pangkababaihan, at araling paggawa ang mga
limitadong naisulat tungkol sa mga kababaihan at ang kanilang mahalagang papel sa pamilya’t
lipunan sa pagwawakas ng pananakop ng mga Espanyol hanggang sa pagtatag ng imperyo ng
Estados Unidos sa Pilipinas.
Ang pananaliksik ni Prop. Taguiwalo ay tumutugon sa pagtuklas ng naging papel ng
kababaihang manggagawa sa kilusang paggawa sa panahon ng kolonyal na paghahari ng
Estados Unidos sa Pilipinas. Ang kanyang pag-aaral ay nakabatay sa mga sumusunod na
layunin:
1. maiguhit ang pangkalahatang konteksto ng ekonomiya, paggawa, at pananaw sa
kababaihan at ang hugpungan ng mga ito sa panahon ng kolonyal na paghahari ng
Estados Unidos sa Pilipinas;
2. maisalarawan ang katayuang pang-ekonomiya at panlipunan ng kababaihang
manggagawa sa Maynila sa panahon ng kolonyal na paghahari ng Estados Unidos
sa Pilipinas;

2
3. mabigyang-linaw ang naging papel ng kababaihan sa kilusang paggawa sa
panahong ito;
4. matukoy ang naging tindig ng kilusang paggawa sa isyu ng kababaihang
manggagawa;
5. masuri ang mga salik na nakapagbunsod at nakapaglimita sa partisipasyon ng
kababaihan sa kilusang paggawa sa panahong naturan; at
6. makapaghalaw ng ilang kaalaman ukol sa mga batis at metodong pangkasaysayan
kaugnay sa pagpapalitaw ng kababaihang anakpawis sa kasaysayan ng Pilipinas sa
panahong natukoy.
Ang librong ito ay nagsumikap na maipalabas sa literatura ang mga babaeng
anakpawis sa kasaysayan ng kilusang kababaihan at kilusang paggawa hindi lamang para
sa pang-akademikong pangangailangan kundi, higit pa, para makapaglingkod sa mga
kasalukuyang organisasyon ng mga babae at manggagawang patuloy na nagsusulong ng
mga hangarin ng kilusang kababaihan at kilusang paggawa.
Ang mananaliksik at manunulat ng akdang ito ay
propesor ng Kagawaran ng Aralin ukol sa Kababaihan at
Kaunlaran ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at
Pagpapaunlad ng Pamayanan ng Unibersidad ng Pilipinas
Diliman. Matibay ang kanyang paniniwala na ang disiplina ng
kasaysayan, tulad ng disiplina ng araling kababaihan, ay may
layuning di lamang limitado sa paglikha ng bagong kaalaman
kundi mahigpit na nakakawing sa patuloy na pagpapaunlad ng bayan at ng relasyong
panlipunan. Sa kasalukuyan, si Prop. Taguiwalo ay itinalagang kalihim ng Kagawaran ng
Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad sa ilalim ng administrasyong Duterte. Siya rin ay
naging katuwang patnugot ng aklat na Serve the People: Ang Kasaysayan ng Radikal na
Kilusan sa Unibersidad ng Pilipinas (2008) at patnugot ng aklat na Intensifying Working
Women’s Burden: The Impact of Globalization on Women Labour in Asia (2005).

3
Ang Kabuuang Konteksto: Ang Hugpungan ng Kolonyal na Ekonomiya, Paggawa,
Uri, at Kasarian

Sa pagpasok ng Estados Unidos sa Pilipinas, hindi lamang edukasyon ang kanilang


tinutukan; sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang insular na pamahalaan, inilatag at
ipanatupad ng imperyo ang kanilang mga plano’t panuntunang pang-ekonomiya. Ayon Corpuz
sa kanyang librong An Economic History of the Philippines, ang pangunahing adyenda ng
pamahalaang insular ay ang palawakin ang kalakalan ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ang
estratehiya ay gawing merkado ang Pilipinas para sa mga eksport ng Estados Unidos sa isang
banda at pagmulan ng murang hilaw na materyales para sa mga industriya ng Amerika sa
kabilang banda. Ito ay nagdulot ng malaking epekto sa pagtatakda sa katangian ng mga
relasyong panlipunan ng bansa kabilang na ang relasyong makauri at relasyong pangkasarian.
Sa huling bahagi ng paghaharing Espanyol, naging malawak ang sektor ng agrikultura
habang maliit na sektor naman ang manupaktura dahil na rin sa pagbubukas ng Pilipinas sa
dayuhang kalakalan. Ang katangiang ito ay nanatili hanggang sa pagtatapos ng direktang
paghahari ng Estados Unidos na nagpabansot sa ekonomiya ng bansa sapagkat ito ay
tumutugon lamang sa pangangailangan ng mga Amerikano para sa murang hilaw na mga
materyales at murang lakas-paggawa.
Paghahambing sa Porsiyento ng mga Manggagawa sa Agrikultura at sa Paggawa noong Taong 1903, 1918, at 1939
Bilang ng Manggagawa 1903 1918 1939
Kabuuang Bilang 6,987, 686 6,441,150 8,466,493
Bilang ng manggagawa sa agrikultura 1,254,063 2,602,299 3,456,370
% ng bilang ng manggagawa sa agrikultura 17.9% 40.3% 40.8%
Bilang ng manggagawa sa pagawaan 959, 670 865, 698 601, 335
% ng bilang ng manggagawa sa pagawaan 13.7% 13.4% 7.1%
Batis: Hinalaw kay Francis A. Gealogo, “Kasarian at Kabuhayan: Ilang Tala sa Kasaysayang Demograpikal ng Paggawa at Pasahod sa Pilipinas, 1903-1948,”
Philippine Social Science Review 53, nos. 1-4 (January-December 1995, 52-53.

Ang panahong ding ito ay kinakitaan ng mababang antas ng manupaktura sa unang


sampung pagawaan sa Pilipinas – magagaan na manupakturang labor intensive at lumilikha ng
mga produktong pangkonsumo.

4
Unang Sampung Pangunahing Pagawaan sa Pilipinas ayon sa Industriya
1903 1918 1939
Tabako, sigarilyo Sigarilyo Pagbuburda at pananahi
Baradero Lagarian Karpintero
Alak Pagawaan ng Mantika Paggawa ng katutubong tela
Tinapay at produktong panaderya Panaderya at pagawaan ng cake Hindi naitalang industriya
Troso Pananahi Paggawa ng banig
Pandayan at paggawa ng makina Bordahan Sastre at paggawa ng kurbata
Pag-imprenta at paglalathala Gas, kuryente, at mga planta Paggawa ng sombrero
Ladrilyo at baldosa Patuyuan ng kopra Kabyawan
Abaka Pagmimina ng ginto Lagarian
Asin Iba pang pagawaan Paggawa ng sapatos at tsinelas
Batis: Hinalaw kay Francis A. Gealogo, “Kasarian at Kabuhayan: Ilang Tala sa Kasaysayang Demograpikal ng Paggawa at Pasahod sa Pilipinas, 1903-1948,”
Philippine Social Science Review 53, nos. 1-4 (January-December 1995, 52-53.

Ang mababang antas ng manupaktura habang agrikultural ang pangunahing katangian


ng ekonomiya ay nagbunga ng kakarampot na oportunidad sa paggawa. Naging pundamental
na problema ang kawalan ng mapapasukang trabaho at mababang pasahod. Lalong
tumingkad ang pagkakaiba ng mga uri bunga ng maliit na porsiyentong nakinabang sa
paglawak ng kalakalan ng Pilipinas sa Estados Unidos habang ang nakararami ay nakasadlak
sa karukhaan. Naging marangya ang buhay ng mga “kapitalista” at “asendero” samantalang
ang “tao” bilang gulugod na bansa, kung saan nagmumula ang suplay ng paggawa sa bansa,
ay naghihikahos .
Ang agrikultural na ekonomiya at pananatili ng kapangyarihan ng simbahang Katoliko
ay naging sanhi ng patuloy na pag-iral ng piyudal at patriyarkal na pananaw. Ang
pangkasariang pananaw na ito ay nasasalamin sa pagturing sa lalaki bilang puno ng
sambahayan at ang kababaihan bilang sekundarya sa kalalakihan at mahihina kaya’t kailangan
ng proteksiyon.
Sa proto-nobelang Urbana at Feliza at sa mga silent films noong 1912 hanggang 1932,
isinilarawan ang babae bilang pangalawang uri, martir, at sunud-sunuran. Samantala, mas
naging matingkad ang pagkakahati ng kababaihang Filipino batay sa uri. Batay na rin sa mga
panulat ni Carlos Bulosan, hindi lamang sa hanapbuhay, sa pananamit, at sa tindig ang

5
pagkakaiba ng mga babaeng mahihirap at may kaya, binigyang-diin din niya ang pangungutya
at pagmamaliit ng babaeng maykaya sa mahihirap.
Bagamat may kaunting pagbabagong naganap sa mga kababaihan dulot na rin ng
kanilang pagiging edukado’t palaban at paglahok sa mga usaping pulitikal, nanatili pa rin ang
pagkakahon sa kanila sa kanilang pangunahing larangan – ang tahanan at ang pag-aaruga sa
mga anak.

Ang “Malayang Kalakalan” at ang Epekto sa Paggawa ng Kababaihang


Manggagawa

Ang imposisyon ng “free trade” o “malayang kalakalan” ang pangunahing instrumento


ng kolonyalismong Amerikano sa pagpapanatili at sa patuloy na paghubog sa ekonomiya ng
Pilipinas bilang appendage lamang ng ekonomiya ng mga bansang kapitalista, pangunahin na
ng ekonomiya ng Estados Unidos. Ang pagsasabatas ng Payne-Aldrich Act ng 1909 (na
tumatanggal sa lahat ng taripa sa kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas pero
naglagay ng kantitatibong limitasyon sa mga produkto ng Pilipinas na papasok sa Amerika) at ng
Underwood-Simmons Tariff Act ng 1913 (na nag-alis sa lahat ng kantitatibong restriksyon sa
pagpasok ng mga produkto ng Pilipinas sa Amerika) ay mas nagpabansot pa ng ekonomiya ng
bansa. Itinutok ang produksiyon sa bansa upang tugunan ang mga pangangailangan ng Estados
Unidos. Lumaki nang mula 16 porsiyento noong 1899, 42 porsiyento noong 1913, at 75
porsiyento noong 1939 ang bahagi ng Amerika sa kalakalan ng Pilipinas.
Kalakalan ng Pilipinas sa Amerika bilang Porsiyento ng Kabuuang Kalakalan
Taon % ng kabuuang import % ng kabuuang export % ng kabuuang kalakalan
1899 7 26 16
1902 12 40 25
1909 21 42 32
1913 50 34 42
1919 64 50 57
1939 65 83 75
Batis: Pedro E. Abelarde, American Tariff Policy towards the Philippines, 1898-1946 (King’s Crown Press, 1947), 215: Rene Ofreneo, “Labor and the
Philippine Economy” (PhD diss., University of the Philippines, 1986), 40.

6
Ayon kina Joseph E. Jacobs at J. Bartlett Richards, ang inagurasyon ng resiprokal na
malayang kalakalan noong 1909 ay naging dahilan ng substansiyal na pagbuti sa posisyon ng
Amerika sa kalakalang pag-angkat ng Pilipinas. Ang malayang kalakalan sa pagitan ng isang
bansang mahina ang ekonomiya at ng isang malakas at industriyalisadong bansa ay nagdulot ng
dependency at underdevelopment para sa Pilipinas, pumigil sa pag-unlad ng local na
industriyalisasyon, at nagpatuloy sa katayuang agraryo ng bansa. Ayon pa sa ulat ng Joint
Committee on Philippine Affairs noong 1938, nagbigay ng mainam na kondisyon ang malayang
kalakalan para sa mga dayuhang pamumuhunan at sa pagpapanatili sa Pilipinas bilang
tagaluwas lamang ng mga hilaw na materyales para sa pangangailangan ng mga industriya ng
Estados Unidos. Ayon pa kay Shirley Jenkins, sa kabuuan, nagdulot ng mga sumusunod na
epekto ang malayang kalakalan:
1. Ang pagtutok sa iilang espesyalisadong pananim na pang-eksport ay
nangangahulugan ng pagpapatuloy sa isang palaasa, sa kalakhan ay, isang
ekonomiyang pang-agrikultura ng Pilipinas.
2. Ang pagtatangi sa ilang produktong tulad ng asukal, kopra, at abaka ay nagtulak sa
sa namumuhunang Filipino at Amerikano sa mga larangang ito na nangangailangan
ng di-sanay na paggawa at mababang pasahod.
3. Ang pagdepende sa produktong pamplantasyon at ang sobrang espesyalisado at de-
mekanisadong agrikultura ay lumikha ng katulad na kasamaan sa buong mundo:
mababang sahod, mababang uri ng pamumuhay, at kawalan ng motibasyon para
sa rasyonalisasyon ng produksiyon at modernisasyon ng mga teknik.
4. Ang promosyon ng mga industriyang pantahanan, tulad ng pananahi at pagbuburda
ay nakabatay rin sa mababang pasahod.
Sa mga kababaihan naman, ang pagkawasak (destruction) ng yaring-kamay
(handicrafts) sa kanayunan, limitadong oportunidad sa pagpasok sa sahurang gawain na ang
katangian ay mga ekstensiyon ng gawaing pantahanan, at mababang pasahod ang mga
pangunahing epekto ng malayang kalakalan. Mapapansin na ang katangian ng limitadong
trabaho sa manupaktura na bukas sa kababaihan ay karaniwang ekstensiyon ng mga Gawain ng

7
babae sa bahay – pananahi, pagbuburda, at paghahabi ng tela, banig o sombrero. Sa pagtagal
ng kolonyal na paghahari ng Estados Unidos, kumitid ang partisipasyon ng kababaihan sa
modernong sector ng ekonomiya. Nanatili ang nakararami sa gawaing walang bayad sa
agrikultura (family labor), sa loob ng tahanan at sa “serbisyong personal.”

Mga Manggagawa sa Pilipinas ayon sa Industriya at Kasarian, Sensus 1903, 1918, at 1939
Kabuuan Lalaki Babae Bahagdan na Babae sa Bahagdan ng Bilang ng
Kabuuang Bilang ng Babae sa Isang
Manggagawa Kategorya Kompara
sa Buong Bilang ng
Kababaihang
Manggagawa
Lahat ng Gawain, 1903 6,987,686 3,496,652 3,491,034 49.96 100%
Agrikultura 1,254,063 1,163,777 90,286 7.20 2.58
Serbisyong Propesyonal 25,637 23,358 2,279 8.89 .07
Serbisyong Pantahanan at Personal 571,955 431,388 140,567 24.58 4.03
Kalakalan at Transportasyon 226,555 150,989 75,566 33.35 2.16
Manupaktura 959,670 243,081 716,589 74.67 20.52
Walang pasahod, hindi naitala 3,949,806 1,484,059 2,465,747 62.43 70.63

Lahat ng Gawain, 1918 6,441,150 3,224,596 3,216,554 49.94 100%


Agrikultura 2,601,299 1,871,197 730,102 28.07 22.70
Serbisyong Propesyonal 685,507 409,737 275,770 40.23 8.57
Serbisyong Pantahanan at Personal 1,853,804 518,103 1,335,701 70.05 41.53
Kalakalan at Transportasyon 426,547 252,894 173,653 40.71 5.39
Manupaktura 865,698 168,999 696,999 80.48 21.66
Hindi Alam 8,295 3,666 4,629 55.80 0.14

Lahat ng Gawain, 1939 8,466,493 4,219,278 4,247,215 50.16 100%


Agrikultura 3,456,370 2,981,551 474,819 13.74 11.18
Serbisyong Pantahanan at Personal 3,480,084 125,508 3,354,576 96.45 78.98
Serbisyong Propesyonal 103,415 65,438 37,977 36.72 .89
Iba pang serbisyo 180,569 175,841 4,728 2.62 .11
Pangingisda at Pangangaso 26,820 24,903 1,917 7.15 .04
Pagmimina at Pagtitibag 47,109 46,625 394 0.84 0.01
Manupaktura 601,335 333,976 267,359 44.46 6.29
Transportasyon at Komunikasyon 203,596 202,449 1147 0.56 .03
Klerikal 48,899 44,904 3,995 8.17 .09
Kalakalan 270,766 171,099 99,667 36.81 2.35
Batis: Francis a. Gealogo, “Kasarian at Kabuhayan: Ilang Tala sa Kasaysayang Demograpikal ng Paggawa at Pasahod sa Pilipinas, 1903-1948,” Philippine
Social Sciences Review 53, nos. 1-4 (January-December 1995), 48.

8
Hindi rin nalalayo ang sitwaysong ng paggawa ng mga kababaihan sa Maynila sapagkat
ikinahon din sila sa mga pambabaeng trabaho na kadalasan ay may mababang sahod at
ekstensiyon din ng mga gawaing pambahay. Maraming bilang nga mga kababaihan ang nasa
non-gainful occupations o di kaya’y sa mga serbisyong pantahanan at personal. Karaniway ay
nasa hanay sila ng mga serbisyong personal na pambahay at nilimita sa pananahi, pagbuburda,
paglalaba, pagtatrabaho sa pagawaan ng tabako at sigarilyo, at pagkakatulong o pagtitinda.

Ang Bilang ng Lalaki at Babae sa Bawat Sektor ng Ekonomiya sa Maynila noong 1939
Pangkat ng Gawain 1939 1903
Babae Lalaki Babae Lalaki
Agrikultura 86 1,325 86 2,605
Serbisyong Propesyonal 6,208 12,461 481 2,827
Serbisyong Pambuliko 172 6,208
Gawaing Clerical 1,777 15,985
Serbisyong personal/domestic 120,948 21,934 11,784 36,060
(housewives/housekeepers) (95, 808)

Manupaktura 14,890 45,237 13,075 21,291


Pangangalakal 6,036 25,536 3,729 41,020
Transportasyon at Komunikasyon 210 28,536

Non-gainful Occupations 68,403 81,937 59,114 27,956

Kabuuan 218,730 239,159 88,269 131,759


Porsiyento ng Kababaihan sa Kabuuang Bilang ng 48% 40%
Manggagawa
Batis: Census of the Philippines, 1903, 865; Census of the Philippines, 1939, 45-49.

Paghahambing sa Bilang ng Kababaihan at Kalalakihan sa Manupaktura sa Maynila noong 1903, 1918, at 1939
Kasarian 1903 1918 1939
Babae 13,075 9,584 14,890
Lalaki 21,291 25,368 45,237
Kabuuan 34,366 34,952 60,127
% ng Babae 38% 27.4% 25%
Batis: Census of the Philippines, 1939, 1, part 3 (Manila: Bureau of Printing, 1940), 293.

9
Tipo ng Trabaho ng Kababaihan sa Maynila noong 1903, 1918, at 1939
Tipo ng Trabaho Bilang ng Manggagawang Babae
1939* 1918 1903
Mananahi (seamstresses) 751 6,965
Tagaburda 701
Bordadora at mananahi 6,909
Tagalaba (launderers) 4,608 6,714
Cigarmakers 4,013
Cigarettemakers 525
Cigar and Cigarettemakers 2,665 6,855
Maids 4,475
Katulong (servants) 12,987 682
Nagtitinda (Merchants) 6,971 3,453
Tagagawa ng Kamiseta 7,009
Kusinera (cooks) 821 370
Guro 2,809 204
Nars at Hilot 178
Trained Nurses 752
Physician’s Attendants 581
Manghahabi (weavers and spinners) 154
Native Textile Manufacture 139
Tagagawa ng Sombrero 73 133 32
Tagagawa ng Sombrero’t Payong 359
Tagagawa ng Sapatos 354 55 289
Tagagawa ngTsinelas 82
Tagagawa ng Kamiseta 907
Tagagawa ng Tela 172
Tagagawa ng Posporo 115
Batis: 1903 Census: 1003-1005; 1918 Census: 293-94; 1939 Census, 1, part 3: 41-55.

Ang integrasyon ng kababaihan sa sahurang paggawa ay nakabatay sa pangkasariang


pananaw sa kanila bilang sekundaryang tagagawa. Kaya bukod sa katangiang ng mga
ekstensiyon ng gawaing pantahanan, dumanas sila ng mababang pasahod, naging bulnerable
sa seksuwal na karahasan, at sa maraming pagkakataon ay nangangailangang sabay na
gampanan ang mga gawain bilang ina at mga gawaing sahuran.
Pasahod Batay sa Kasarian, 1903
Kasarian Pagawaan ng Posporo Pagawaan ng Sombrero
Babae 25-27 cents/araw 34-55 cents/araw
Lalaki 34-63 cents/araw 63 cents - $1.05/araw
Batis: Victor S. Clark, “Labor Conditions in the Philippines,” Bulletin of the Bureau of Labor, no. 58, May 1905 (Washington: Government and Printing
Office, 1905), 824.

10
Nanatili ang sitwasyong ito para sa mga manggagawang bata at kababaihan sa ikatlo at
ikaapat na dekada (1920s-1930s) ng paghahari ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Arawang Sahod Batay sa Kasarian, 1926
Minimum Average Maksimum
Cigarmakers
Lalaki P.050 P1.49 P3.42
Babae .33 1.05 2.00
Bata .30 .71 1.20
Manggagawa sa Bordahan
Lalaki P0.70 P1.66 P4.00
Babae .33 1.05 2.50
Bata .50 .73 1.00
Manggagawa sa Pagawaan ng Sapatos
Lalaki P0.83 P2.50 P6.00
Babae .50 1.06 2.00
Bata .40 .85 1.50
Batis: Bureau of Labor, Labor Conditions in the Philippine Islands (September 1926) 55.

Buwanang Sahod Batay sa Kasarian, 1926


Minimum Average Maksimum
Cigarmakers
Lalaki P30.00 P57.50 P85.00
Babae 12.00 28.00 45.00
Manggagawa sa Bordahan
Lalaki P15.00 P59.00 P110.00
Babae 15.00 36.42 175.00
Stenographers
Lalaki P80.00 P123.00 P200.00
Babae 60.00 121.00 175.00
Office Clerks
Lalaki P25.00 P120.00 P300.00
Babae 20.00 35.00 50.00
Batis: Bureau of Labor, Labor Conditions in the Philippine Islands (September 1926) 55.

Sa isang inspeksyon ng Bureau of Labor noong 1928 para alamin ang kalagayan ng mga
manggagawang babae at bata sa Maynila, pinansin ng mga inspektor ang mga sumusunod na
sitwasyon: sa mga pagawaan ng tabako at sigarilyo, tinukoy nila ang masikip at maruming
kalagayan sa paggawa ng mga manggagawa sa “stripping work”, ang madidilim na silid-
pagawaan sa mga pabrika ng payong na nakakasira sa mga mata ng mga manggagawa, at ang

11
reklamo sa pagkahilo ng mga manggagawa sa butonesan dahil sa makikinang na butones na
nakakasilaw sa mata. Pinansin din nila ang diskriminasyon sa mga babaeng may-asawa sa
pagtanggap ng mga bagong manggagawa, ang mababang pasahod para sa walo o hanggang
siyam na oras ng paggawa.
Noong 1930s, nakakonsentra ang mga lalaking manggagawa sa mga pagawaang
industriyal habang ang mga babaeng manggagawa naman ang nakakonsentra sa mga
pagawaang agrikultural. Iniugnay din na ang mababang kita ng kababaihan sa kalagayang ang
kita ng main breadwinner (ang lalaki) ay hindi sapat para buhayin ang pamilya kaya naitulak ang
mga asawa’t anak na maghanap ng trabaho kahit na mababa ang sahod. Sa panahong ding ito’y
patuloy na umiral ang sistemang piece-rate kung saan kadalasa’y napipilitan ang mga
manggagawang magtrabaho nang higit sa 12 oras kada araw kung may trabaho at
nakakaranas ng mga araw na wala naming natatanggap na trabaho. Sa ganitong Sistema, mas
nakikinabang ang mga may-ari ng mga pabrika dahil madaling napapababa ang sahod ng mga
manggagawa sa simpleng pagtatakda ng mas mababang kota.
Sa kabuuan, malaking salik ang kasarian sa katangian ng gawain, sahod at kondisyon ng
kababaihang manggagawa sa panahon ng paglatag at pagtagal ng “malayang kalakalan” sa
Pilipinas.

Ang Sistema sa Edukasyon: Sanayan sa Kababaihang Anakpawis para Maging


Maybahay at Murang Sahurang Paggawa

Edukasyon ang isa sa mga pangunahing sandata ng mga Amerikano sa kanilang


pananakop. Ito rin ang isa sa mga pangunahing naghugis ng hatian ng gawain batay sa
kasarian na nagbigay lamang ng sapat na kaalaman para sa maraming kababaihang
nakatuntong sa primary para maging “maybahay” ng mga magsasaka at murang bayaran na
katulong o manggagawa sa pagawaan.
Ang panimulang paglatag ng edukasyong pambuliko ay nainstitusyonalisa at pinalawak
ng Taft Commission sa pamumuno ni William Howard Taft. Pinagtibay ng komisyong ito ang

12
Act 74 na nagpatayo ng Department of Public Instruction sa Pilipinas na nagbigay ng libreng
instruksiyong primarya sa mga eskwelahang pampubliko sa buong kapuluan, at ang pagtuturo
ng Ingles bilang lengguwahe ng instruksiyon. Itinakda naman ni Frederick W. Atkinson
(Pangkalahatang Superintendete, 1901-1902) na ang instruksiyong primarya ay obligado para
sa lahat ng mga batang nasa edad anim hanggang 12. Ang mga magulang na hindi susunod ay
sapilitang papatuparin sa pamamagitan ng multa. Subalit, lumilitaw na malaking bilang ng mga
batang nakatuntong sa primarya ang hindi umaabot sa intermedya. Sa panayam kay na Aling
Peling at Aling Oning, kahirapan ang pangunahing dahilan ng kanilang pagtigil sa pag-aaral.
Dagdag pa rito ang pangkasariang pananaw na natatapos ang pag-aaral ng kababaihan sa
pagkatutong bumasa at sumulat lamang sapagkat ang mga babae ay nasa bahay/pambahay
lamang. Sa kanilang panahon, may mga nakapagpatuloy sa pag-aaral at nagsipagtapos na mga
kababaihan ngunit ito ay ang may mga kaya lamang.
Bilang ng mga Mag-aaral sa Pampublikong Eskuwelahan (Elementarya) sa Pilipinas, 1903-1930
Taon Bilang ng Mag-aaral sa Primarya Bilang ng Mag-aaral sa % ng Mag-aaral sa Primarya na
Intermedya Nakatuntong sa Intermedya
1903 174,200 6,000 3.44
1904 263,974 NA
1905 356,362 NA
1910 407,592 17,144 4.21
1915 472,709 45,049 9.53
1919 492,714 62,370 12.65
1920 686,286 88,136 12.84
1925 904,079 176,490 19.52
1930 892,021 205,957 23.08
Batis: Mariano S. Flores, “The Development of Elementary Schools in the Philippine Islands” (MA Dissertation, University of Chicago, 1933), 35, 40 at 41.

Sa unang mga taon ng edukasyong kolonyal na Amerikano, binigyang-prayoridad ang


pagtuturo ng Ingles. Kabilang sa mga paksa sa primaryang edukasyon ay ang reading, writing,
arithmetic, English grammar, geography, history, physiology, nature study, music, drawing,
physical exercise at industrial work. Sa umpisa pa lamang ay may paghahati sa babae’t lalaki
kaugnay ng likhang kamay. Ang mga babae ay sinanay sa pananahi at pag-aayos ng
pamamahay habang ang mga lalaki nama’y sinanay sa paghahardin at industrial work tulad ng
weaving, clay modeling, carving, o katulad ng mga ito.

13
Sa mga pagbabagong naganap sa sistema ng pampublikong edukasyon, kapansinpansin
na hindi naging parte ng kurikulum ang pagtuturo ng kasaysayan at siyensiya. Mas binigyang
diin ang industrial work na mas nagkahon pa sa kababaihan sa gawaing bahay. Noong 1915,
itinuro sa mga lalaking estyudante ang home gardening, woordwork, at weaving samantalang
pagbuburda, paggagantsilyo, pananahi, at pagluluto naman ang sa mga babae. Sa taon ding ito,
ipinahayag ng pamahalaan ang mga pakay ng kurikulum sa elementarya.
Mga Layunin ng Bawat Antas ng Elementarya
The Unit Courses
Completed
No. of Years in School What is this Person Good for? What is He Worth as a Citizen?
Blg. ng Taon sa
Ang mga Yunit Kursong
Paaralan Ano ang Silbi ng Taong ito? Ano ang Kanyang Halaga bilang Mamamayan?
Nakompleto
Grade 1 (Primary) 1 Manggagawang marunong Taong marunong bumasa at sumulat
bumasa at sumulat A literate person
A literate laborer
Primary 4 Matalinong manggagawa Ang batang lalaki ay may sapat na edukasyon para bumuto.
Intelligent worker The boy is educationally well-qualified for franchise.
Ang batang babae ay sinanay para sa pangangalaga ng
tahanan.
The girl is trained in the care of the home.
Intermediate 7 Edukadong tao para sa mabuting Ang batang lalaki ay may sapat na edukasyon para sa lokal
posisyon sa buhay. na pamumuno.
A well-schooled person for a The boy is educationally qualified for local leadership.
good station in life. Ang batang babae ay mahusay na maybahay at
makakabuo ng tunay na tahanan.
The girl is a good housekeeper and will make a real
home.
Batis: The Philippine Publis Schools at the Panama-Pacific International Exposition (San Francisco, California: Marnell and Company, 1915), 59.

Lumalabas na ang direksiyon ng pormal na pag-aaral sa nakararaming kababaihan sa


Pilipinas na hanggang elementarya lamang ang natapos ay para sa mga “home-related
activities” tulad ng pananahi, pagbuburda, at pagluluto na maghahanda sa kanila bilang mga
maybahay ng mga magsasaka o magpapahusay sa kanilang kakayahan sa mga likhang-kamay
tungo sa pagpapaunlad ng kalidad ng mga produktong panluwas ng Pilipinas. Sa kabilang banda,
nabuksan sa kababaihang Filipino ang pagkakataong makatuntong at makapagtapos sa
kolehiyo. Ang Unibersidad ng Pilipinas na itinayo noong Hunyo 1908 ay kaagad naging bukas sa
pagtanggap ng mga babaeng estuydante. Binuksan din ng Unibersidad ng Sto. Tomas ang
parmasyutika sa mga babaeng mag-aaral noong 1924 na sinundan ng University of Manila at

14
National University. Binuksan din and Centro Escolar de Señoritas noong 1907 at ang
Philippine Women’s College noong 1917 bilang mga paaralang eksklusibo sa kababaihan.
Limitado sa iilang kababaihang Filipino ang tersiyaryong edukasyon. Noong 1931, 3,604 na
kababaihan lamang ang may digring pang-akademiko. Bagama’t nakapagtapos, nakakahon pa
rin sila sa inaasahang papel bilang mga ina at maybahay.

Ang Batas Ukol sa Proteksiyon ng mga Manggagawang Kababaihan at Bata:


Limitadong Proteksiyong Nakabalangkas sa Pangkasariang Pananaw sa
Kababaihan bilang Mahihina at Ina
Sa paghahari ng mga Espanyol sa bansa, ang Code of Commerce ng 1885 lamang ang
natatanging batas na sumasaklaw sa kababaihan at trabaho. Nakasaad dito na ang babaeng
may-asawa na lampas sa 21 taong gulang ay maaring lumahok sa negosyo kung may
nakasulat na pagsang-ayon ang kanyang asawa. Inilagay ng batas na ito ang kababaihan sa
ilalim ng kanilang mga asawa bilang sekundaryang kasarian na nakakahon sa pagiging mahina at
maybahay lamang.
Sa pag-uumpisa pa lamang ng pamahalaang kolonyal na Amerikano, naghain na ng
petisyon ang Union Obrera Democratica (UOD) para sa isang batas na makapagbibigay
proteksiyon sa mga manggagawang kababaihan at bata (1902). Ito ay inendorso sa
pamamagitan ng isang resolusyon na ipinagtibay ng isang Kongreso sa Paggawa na idinaos
noong 1913 sa unang opisyal na selebrasyon ng Mayo Uno bilang Araw ng Paggawa sa Pilipinas.
Makalipas ang mahigit 20 taon, nabigyang katuparan ang petisyon ng UOD nang ipasa ng
Lehislatura sa Pilipinas ang Act No. 3071 noong Marso 16, 1923 na nauukol sa mga
manggagawang babae at bata. Kung titingnan sa kabuuan, pangunahing nakatutok ang batas
sa pagtatakda ng mga limitasyon sa pag-eempleo ng mga batang manggagawa at
pumapangalawa lamang ang paglilinaw na may kaugnayan sa kababaihan. Sa 16 na probisyon
ng batas, dalawa ay patungkol sa paglabag sa mga probisyon at sa panahon ng pagkabisa ng
batas, sampu ang nakatutok sa mga bata, dalawa ay kaugnay sa kababaihan at kabataan, at
dalawa lamang ang tungkol sa kababaihan sa kabuuan. Ang mga probisyon na patungkol sa

15
kapuwa mga babae at mga bata ay tumutukoy sa pagtakda ng mga angkop na pasilidad para sa
kanila kagaya ng mga upuan at mga palikuran at silid-bihisan na tanging para sa kanila. Ang
dalawang probisyong nakatutok sa mga kababaihan ay nagsaad ng pagbabawal sa pag-empleo
sa kababaihan sa pagawaan, tindahan, at iba pang lugar na trabaho na nangangailangan ng
palagiang pagtayo at ang pag-oobliga sa mga may-ari ng mga pinagtatrabahuan ng mga
kababaihan na pagkalooban sila ng maternity leave (30 araw bago manganak at karagdagang
30 araw pagkatapos manganak). Gayunman, hindi natuloy ang pagpapatupad nito sapagkat
idineklara ng Korte Suprema na labag sa konstitusyon ang probisyong ito (maternity leave)
noong Nobyember 3, 1924 sa kaso sa pagitan ng kapitalistang si Julio Pomar at ng
manggagawang si Macaria Fajardo.
Sa kabuuan, naging limitado ang pagpapatupad ng Act 3071. Ang kakulangan ng mga
tauhan lalung lalo na ng mga inspektor sa Bureau of Labor (na itinatag noong 1908) at ang
mga limitasyon mismo ng mga probisyon ng batas ay mas nagpalubha pa sa kalagayan ng
paggawa sa bansa. Nanatiling walang benepisyo kaugnay ng maternity leave ang
manggagawang kababaihan sa pribadong sektor hanggang 1952 nang ipasa ang RA 679. Dagdag
pa dito, ang pagkawing ng kababaihang manggagawa sa mga batang manggagawa sa Act 3071
ay nagbibigay-diin sa pananaw ng pamahalaan at ng lipunan na ang kababaihan ay mahihina
tulad ng mga bata at ang kanilang pangunahing papel ay hindi manggagawa kundi bilang ina
at maybahay.

Ang Larawan ng Pakikibaka ng Kababaihang Manggagawa sa Maynila


Nahahati sa dalawang yugto ang pakikibaka ng mga kababaihang manggagawa sa
Kamaynilaan noong panahon ng mga Amerikano. Ang unang yugto, mula 1901 hanggang 1925,
ay nagpamalas ng paglahok ng kababaihan sa kilusang manggagawa bilang mga tagasuporta.
Ang ikalawang yugto, mula 1926 hanggang 1941, ay kinakitaan ng masiglang partisipasyon ng
kababaihang manggagawa sa mga welga para sa sahod, trabaho, at karapatan.

16
Ang mga Kababaihan Bilang Tagasuporta sa Kilusang Paggawa: 1901-1925
Sa unang dalawang dekada ng pananakop ng mga Amerikano, naging mga tagasuporta
ang mga kababaihan sa mga makabayan at makauring pagkilos ng mga manggagawa sa
Kamaynilaan. Naging bukas sa pagsapi ng mga babaeng kapamilya ng mga lalaking
manggagawa ang iba’t ibang unyon at organisasyon sa kalakhang Maynila. Sa katanuyan, apat
na kababaihan (Celerina de la Cruz, Fausta Bernardo, Margarita Pasamola, at Antonina Zamora)
ang naging miyembro ng unang unyon ng mga manggagawa sa Pilipinas, ang unyon ng mga
manggagawa sa Carmelo and Bauermann na itinatag noong Agosto 17, 1901.
Sa pagtatag ng UOD bilang unang pederasyon ng mga manggagawa sa Pilipinas
(Pebrero 2, 1902), tinutukan nito ang dalawang uri ng aktibidad: ang pagpepetisyon sa
kolonyal na kapangyarihan para sa kagalingan ng mga manggagawa at ang pagdaraos ng mga
pagtitipong pinaghalong pangkultural na libangan at pagtalakay sa mga isyu (velada o
panggabing pagtitipon). Isa sa mga pangunahing kahilingan ng pederasyon ay ang batas na
magbibigay proteksiyon sa mga babae’t bata. Bagama’t lahat ng nahalal sa pamunuan ng UOD
ay mga lalaki, bumuo ang organisasyon ng ladies committee para mangasiwa sa mga plano at
programa ng unyon. Nang naging Union Obrera Democratica de Filipinas (UODF) ang UOD,
naging bukas pa rin ito sa pagsapi ng mga kababaihan. Sa katunayan, nagkaroon pa ito ng mga
komite ng kababaihan o comite de damas. Naging mga tagapagsalita sa mga pagtitipon,
tagatula, at tagapabigay ng bilang na pang-aliw ang mga kababaihang manggagawa sa mga
pagtitipon. Ginampanan din nila ang pagiging tagalikom ng pinansiya para sa mga proyekto ng
samahan at para sa mga welgang gaganapin. Bagama’t limitado ang papel, ang paglahok ng
kababaihan sa mga lupon at pulong manggagawa ay nagbigay sa kanila ng pagkakataon na
malantad sa mga bagong kaisipan at ideya.
Subalit, kapansinpansin din ang pakikianib ng mga naghaharing uri (elite) sa mga
talakayan at kongreso nga mga manggagawa. Halimbawa ay ang pagdalo ng mga babaeng
maykaya bilang kinatawan ng mga kababaihan sa Congreso Obrero de Filipinas noong Mayo 1,
1913. Tila ito ay nagpapatibay sa responsabilidad ng mga maykaya sa mga anakpawis o elite
responsibility to the laboring classes. Pinuna din ni Crisanto Evangelista, isa sa pinakunang

17
lider-unyonista at tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang hindi malinaw na
batayan sa pag-oorganisa at ang hindi pagkalinaw kung unyon ng mga manggagawa ang
bumubuo ng pederasyon (pag-anib ng mga gremyo at ibang lupong pambayan). Sa ganitong
oryentasyon, ang paglahok ng kababaihan ay nalimitahan lamang bilang kabahagi ng pamilyang
manggagawa, bilang kasapi ng mga komite sa komunidad, at bilang mga estyudante.
Sa panahong ito, kinilala si Pilar Lazaro, isang parmasyutika at mahusay na manunulat,
bilang tagasuporta ng kilusang manggagawa at tagapagtaguyod ng pagkakapantay ng
kasarian sa unang dekada ng paghahari ng Amerikano sa Pilipinas. Siya ay makabayan,
makamanggagawa, makababae, at aktibo sa mga aktibidad sa komunidad at lipunan. Nagamit
niya ang kanyang kahusayan sa pagsulat at ang matapang na paninindigan para sa katarungan
para isulong ang karapatan ng mga manggagawa, ng kababaihan, at ng sarili.

Ang Kababaihan Bilang Bahagi ng mga Welga para sa Sahod, Trabaho, at Karapatan: 1926-
1941
Pagkatapos ng unang bugso ng pakikilahok ng kababaihan sa kilusang manggagawa, mas
pinaigting pa ng mga isyung panlipunan ang pakikilahok ng mga babae sa pakikibaka. Naging
masigla ang partisipasyon ng kababaihan sa pagkilos dahil na rin sa kanilang mga kahilingang
tungkol sa maternity leave, hiwalay na bihisan at palikuran, at ang protesta laban sa
“panghahalay ng superbisor”. Maraming mga pagkilos at welga ang idinaos sa huling dalawang
dekada ng paghahari ng mga Amerikano lalung lalo na sa mga taon bago ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang pagdami ng mga pag-aaklas sa panahong ito ay maiuugnay sa
epekto ng “economic depression” na nagbunga ng pagbabawas ng mga manggagawa at
mababang pasahod. Ipinaglaban ng mga kababaihan sa paggawa, kasama ang mga lalaking
manggagawa, ang usapin ng sahod at pagkondena sa pagbabawas ng mga manggagawa.
Isinulong din nila ang mga pagkilos laban sa mga abusado at mapagsamantalang superbisor ng
mga pagawaan. Nang mas maging aktibo ang mga unyon at iba pang mga organisasyong
manggagawa, sinibak ng ilang mga kapitalista ang ibang lider manggagawa at iba pang mga
manggagawang nag-aaklas at sumusuporta sa mga pagkilos. Ito ay nagbigay daan para sa mas
malawakang mga pagkilos at mga kasong isinasampa sa Kawanihan ng Paggawa na

18
humihiling sa pagpapabalik sa mga natanggal sa trabaho at ang pagbibigay sa lahat ng mga
kauukulang benepisyo’t sahod.
Sa pakikiisa ng mga kababaihan sa mga welga at programa ng kilusan, isinulong nila ang
mga partikular na mga isyung pangkababaihan. Kabilang dito ang pagtaas ng sahod, pagbibigay
ng bayad sa overtime at holiday work, ang pagpapatupad ng maternity leave, at ang pagpasok
ng mga unyon sa collective bargaining. Hiniling din nila ang pagpapatupad ng Commonwealth
Act No. 44 o ang batas sa walong oras na paggawa, pagtaas ng sahod, ang hindi pag-alis sa
trabaho ng manggagawa sa hindi makatarungang batayan, pagkakaroon ng malinis na banga
ng tubig at mga basong pag-iinuman, at hiwalay na palikuran para sa mga lalaki at babaeng
manggagawa. Naglunsad din ng mga welga kaugnay sa mga panghahalay ng superbisor
katulad ng nangyari sa Philippine Match Factory noong 1939 na nilahukan ng mahigit 500
manggagawa. Naglunsad din nga mga sariling pagkilos ang mga grupo ng kababaihan. Isa na
dito ang welga na ginawa ng 33 manggagagawang babae ng Dalisay Cigar and Cigarette Factory
na tumagal ng 24 na araw noong Setyembre 1928 nang patalsikin ng may-ari ng pabrika si
Victoria Salazar (president ng unyon) at Aniceta Santa Maria (ingat-yaman). Ang militansiyang
ipinakita ng mga manggagawa, kabilang na ang kababaihan, sa yugtong ito ay maaring
maiugnay sa muling pagsigla ng militanteng samahan ng mga manggagawa sa harap ng pag-
ibayo ng krisis sa kabuhayan dulot ng pandaigdigang depresyon. Noong Nobyembre 7, 1930,
inilunsad ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na ang mga pangunahing lider ay nagmula
sa Katipunan ng Anakpawis (KAP). Mas naging masigla ang KAP na kung saan ang ikalima
nitong kongreso noong 1933 ay dinaluhan ng 338 delegado kabilang na ang 35 na kababaihan
mula sa 80,000 na mga kasapi.
Sa pangkalahatang welga sa Maynila noong Agosto-Setyembre 1934 na dinaluhan ng
mahigit sa 11, 500 na mga manggagawa, markado at militante ang partispasyon ng
kababaihang manggagawa sa martsa, sa pakikipagharap sa matataas na opisyal ng
pamahalaan, at sa pagliban sa trabaho o pagwelga. Kabilang ang mga babaeng lider-
manggagawa na nanguna sa mga welga at nanghimok sa iba pang mga manggagawa na
lumahok sa kanilang pagkilos. Mas pina-igting pa ito matapos ang pamamaslang sa apat na mga

19
manggagawa noong Setyembre 17, 1934, sa pabrika ng Minerva. Marami rin ang nasugatan at
nakulong sa salang sedisyon. Kasama ang mga lalaki sa kilusan, naging kasagabay ang mga
babae sa pakikipagpulong at pagharap sa Manila Tobacco Association at sa Ayuntamiento.
Nagpunta rin sila sa Malakanyang para idulong ang kanilang mga hinaing at kahilingan kay Frank
Murphy (na siyang gobernador-heneral noon).
Sa mga pakikibakang ito, markado ang naging papel ng mga kababaihan. Marami sa
kanila ang naaresto at nasugatan sa mga pagtitipon at demonstrasyon. Hindi na lamang sila
tagasuporta ngunit kasama na rin sila sa mga nanguna at nakibaka sa lansangan at sa iba’t ibang
ahensiya ng pamahalaan. Mula sa hanay nila ay lumitaw ang pangalang Narcisa Paguibitan na
natatanging babae sa apat na lider-manggagawa na nakapirma sa petisyong dinala ng 3000
welgista sa mga opisyal ng pamahalaan sa Ayuntamiento. Kabilang din siya sa nakipagpulong
kay Gobernador-Heneral Frank Murphy. Nanguna rin siya sa mga pagtitipon sa mga lansangan.
Isa rin siya sa mga pangunahing babaeng kasapi ng PKP. Nagmula siya sa pamilyang
manggagawa sa mga pabrika ng tabako. Noong 1934, hinuli siya at ang kanyang mga kapatid at
magulang dahil sa aktibong pakikilahok nila sa mga pagkilos.
Ang partisipasyon na ito ng mga kababaihang manggagawa sa Maynila ay muling
nagpapasinungaling sa sinasabing pagiging pasibo’t kiming kababaihan. Sa proseso ng
paglahok sa kilusang manggagawa, ipinamalas ng mga babaeng obrera ang militansiya at
determinsayong ipaglaban ang mas mataas na sahod, mabuting kondisyon sa paggawa, at
karapatan sa pag-oorganisa kasama ng kalalakihan.

Ang Tindig ng mga Lider-Manggagawa sa Isyu ng Kababaihang Manggagawa


May malinaw na pagkilala ang mga militanteng lider-manggagawa sa kahalagahan ng
kababaihan sa kilusang paggawa at sa pangangailanganng magkaroon sila ng dagdag na
proteksiyon bilang mga manggagawa. Gayunpaman, hindi rin sila nakahulagpos sa pananaw sa
kababaihan bilang pangunahing mga ina.

20
Ipinanukala ni Lope K. Santos ang kahalagahan ng pagkakaisa ng lalaki’t babae na
mahalaga para sa paglaya ng kababaihan. Gayundin, binigyan niya ng pagpapahalaga ang
responsabilidad ng babae’t lalaki sa pamilya at sa bayan. Kinilala ni Santos ang mga imahen ng
kalakasan ng loob para sa mga lalaki at kahinaan naman para sa mga babae. Para sa kanya,
ang kahinaan ng loob ng babae ay mapapangibabawan sa pagkakaroon ng pagkakaisa, at sa
kanilang responsabilidad, tulad din ng kalalakihan, ay hindi lamang sa pamilya kundi sa bayan
rin.
At kung ang mga lalaki ngayo’y nagmamadali na sa pag-ahon at paglayo
sa tinurang bangin ay lalo’t higit kayong dapat magsiilag kahit sa bingit
man, sapagkat ang kalakasan ng loob ng lalaki, paano man sa kanya’y
madalas bumubuhay, ngunit ang kahinaan ng loob ng babayi sa
kaniya’y siyang lalong madalas pumatay. Kaya ang mahigpit na
pagkapit sa alin mang matibay na bagay, ang pagdaan sa lalong patag at
malaking landas, sa malinaw na sabi: ang pagyapos ng lahat sa matatag
na PAGKAKAISA, ay siyang malinaw na tanda ng pag-ilag sa aping palad,
ng paglayo sa bangin ng kamatayan. (Lope K. Santos)

Mapapansin rin sa mga pananaw ni Crisanto Evangelista ang pagkahon sa kababaihan


bilang pangunahing ina at maybahay. Habang tinurol ng pahayag ang di-pantay na pasahod
batay sa kasarian, ang patungkol sa pagbibigay ng magaan na trabaho sa babae dahil sa
gawain nila sa tahanan at pamilya ay hindi kumikilala sa pangangailangan ng pagkakapantay
sa loob ng tahanan. Sa gayon, nakabalot pa rin sa ideolohiyang pangkasarian, ang ideolohiyang
nagtatakda na pangunahing responsabilidad ng kababaihan ang pamilya at tahanan, ang
panawagan ng militanteng organisasyon na mga manggagawa noong 1928, para sa karapatan
ng kababaihang manggagawa sa pantay na pasahod sa pagawaan.
Paano ang pagtangkilik na magagawa natin sa mga manggagawang
babae at bata? Maraming paraan. Una, ang ukol sa sahod, na
ipaglalaban nating ang sahod ng babae ay mapantay sa sahod ng lalaki;
ikalawa, mabigyan sila ng magaang at maluwag na paggawa, sapagka’t
bukod sa kanilang pagka-manggagawa sa loob ng pagawaan, ay
tagapangasiwa pa sila ng ating tahanan, tagapagpalaki ng ating mga
anak na siyang mangagiging mamamayan sa araw ng bukas, kaya dahil
diya’y may karapatan silang higit sa mga karapatang dapat tamuhin ng
mga lalaki… (Crisanto Evangelista)

21
Ang pagsuporta sa partikular na pangangailangan ng kababaihang manggagawa ay
nasasalamin din sa artikulong “Kung Paano Tinatangkilik ang mga Babaeng Nagsisigawa sa
mga Pabrika sa Rusia, Ang Kahangahangang mga Day Nursery o Alagaan ng mga Bata” na
sinulat ni Jacinto G. Manahan (isang lider-magbubukid na kasapi ng PKP) noong Disyembre 30,
1929 at lumabas sa Ang Manggagawa. Isinalaysay ni Manahan ang kanyang mga obserbasyon
nang siya ay dumalaw sa Red Star Factory sa Russia kung saan pantay ang sahod ng mga lalaki
at babae, may maternity leave benefits bago at pagkatapos manganak ang mga kababaihan,
may dagdag na 30 ruble na pabuya sa panganganak ng babae , at day nursery sa loob ng pabrika
na binabantayan ng mga nars. Malinaw lalo ang makababaeng tindig sa pahayag ni Manahan
kaugnay sa pangangailangang maging mulat ang kilusang paggawa sa pagkabig sa kababaihan
sa kilusan para sa lipunang pagbabago.
Sadya yatang ang alin mang kilusan ay talagang hindi nabubuo nang
hindi kasama ang nauukol sa pagkatig, pagtulong, at kilusan ng mga
babae. Isang malaking pagkukulang kung hindi man isang kasalanan, na
ang mga babae ay iwan at hindi makasama sa alin mang kilusang
pangbayan, lalo na ang nauukol sa kilusang anak-pawis. Ang bayan ay
nahahati sa babae at lalaki, at ang dalawang ito ay dapat magkasama
at magkatulong sa lahat ng kilusan sa ikatutubos ng mga anak-pawis.
(Jacinto Manahan)

Ang mga nakasulat na tindig ng ilang kilalang lider-manggagawa sa mga usaping


pangkababaihan sa kilusang paggawa ay dagdag na patunay na hindi naging bulag ang kilusang
paggawa sa isyu ng kababaihan. Gayunpaman, hindi napalawak ang partisipasyon ng
kababaihang manggagawa sa pang-organisasyong buhay ng mga unyon dahil ang mga ito ay
hindi rin nakaalpas sa pananaw na ang babae ay pangunahing ina at maybahay.

Pinagtibay ng mga nakalap na batis ni Taguiwalo na ang ekonomiya ng Pilipinas sa


panahon ng paghahari ng mga Amerikano ay anino lamang at pinaiikot ng mga kapitalistang
bansa, pangunahin na ang Estados Unidos. Sinasang-ayunan ko na ang paglalatag at
pagpapatupad ng free trade o malayang kalakalan ay mas humubog pa sa agrikultural na
ekonomiya ng bansa na siyang pangunahing naghugis sa mga isyung pangkasarian sa paggawa.

22
Ang agrikultural na katangian ng ekonomiya ng Pilipinas na namana pa sa pananakop ng mga
Espanyol ay nagpaigting sa piyudal-patriyarkal na lipunan kung saan ang babae ay tinatratong
sekundaryang kasarian at kinakahon sa pagiging ina at maybahay lamang. Ang pagiging
tagasuplay ng Pilipinas ng mga hilaw na materyales para sa mga industriya sa Amerika ay mas
nagpahirap pa sa mga Filipino – mas mababa ang naging pasahod sapagkat ang paggawa ay
nakulong sa mga mababang uri ng klase ng manupaktura.
Ang mga datos at impormasyong nakalap ng may-akda ay naglarawan ng pakikilahok ng
mga kababaihan sa paggawa upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya na hindi
kayang buhayin ng kakarampot na sahod ng mga breadwinner na kadalasan ay mga lalaki. Mula
sa mga gawaing ekstensiyon ng mga gawaing pantahanan na hinulma ng sistema ng edukasyon
na ipinakilala at ipinatupad ng mga Amerikano, pinasok ng mga kababaihan ang iba’t-ibang
industriya sa Kamaynilaan. Kasabay ng kanilang pagkayod, hinarap nila ang iba’t ibang suliranin
tulad ng mababang sahod, pagmamaliit at pang-aabuso na mas nagpalala pa sa isyu ng
kahirapan na pilit nilang hinarap at nilutas.
Pinagtitibay ng pag-aaral na ito na ang paglabas ng kababaihan sa kanikanilang mga
tahanan ay nagmulat sa kanila sa iba’t ibang isyung panlipunan at pangkasarian na sa kalauna’y
nagbigay sa kanila ng boses para makilahok at lumaban para sa kanilang pag-unlad at sa
pagsulong ng kanilang mga karapatan. Bilang mga manggagawa, naging miyembro at
tagasuporta ang mga kababaihan ng iba’t ibang unyon at organisasyon na naglalayong
maproteksyionan ang mga karapatan at interes ng sektor ng paggawa na siyang nagsisilbing
gulugod ng ekonomiya ng bansa. Ang pagkawalang ngipin ng batas at ang pagiging tuta ng
pamahalaang insular sa imperyalistang kapitalista ay nag-udyok sa mga kababaihan na mas
maging aktibo at masigla sa pakikibaka. Hindi lamang sila nakilahok at sumuporta, nanguna rin
sila sa mga pagkilos at demonstrasyon para sa mas mataas na sahod, dagdag na benepisyo, mas
maikling oras ng paggawa, karapatan sa makataong paggawa, at karapatang mag-organisa at
magwelga.
Bagamat masasabing may limitasyon at nakatutok sa sentro (Kamaynilaan) ang mga
batis na nakalap, ang pag-aaral na ito ay isang patunay na bahagi ang mga kababaihang

23
anakpawis sa paglikha ng kasaysayan. Masalimuot ang hinubog na kasaysayang ng mga
babaeng manggagawa, hindi lamang sila mga palamuti, malayo sila sa imaheng makulay at
mahalimuyak na mga bulaklak. Sa yugtong pinili nilang makilahok at makialam, hindi lamang
ang samyo at bango ang kanilang dinala – ipinakita din nila ang tinik at bangis na tila ikinulong
at itinago sa mga madidilim na gubat ng patriyarkal na lipunan.
Sinikap ng mga kababaihan na mag-iba ng bihis at imahe. Umusbong sa kanila ang
paninindigan at tapang. Subalit, sa kabila ng pagkilala at pagtanggap sa kanila ng mga kilusan at
ng lipunan, hindi pa rin nakawala ang mga kababaihang manggagawa sa imaheng sila ay
pantahanan at mga ina. Sa bahaging ito ng kasaysayan ng bansa, ipinakita ni Taguiwalo hindi
lamang ang pagkamulat ng mga kababaihan sa kanilang mga karapatan kundi ang pagnanais
nila na makilala bilang matatag na haligi ng lipunan. Sa patuloy na pagdaloy ng kasaysayan, mas
naging aktibo ang mga kababaihan sa iba’t ibang larangan sa paghubog ng kanilang mahalagang
papel sa lipunan. Tulad ng kalalakihan, haligi rin ang sektor ng kababaihan sa paghubog ng
kasaysayan at kamalayang Pilipino.
Sa kasalukuyan, marami na nga ang nagawa at napatunayan, subalit, hindi pa rin
maipagkakaila na may mga tao pa rin na mababa at sekundarya ang tingin at turing sa mga
babae. Bagama’t Marxismo ang batayan ng pag-aaral na ito, nais kong gamitin ang mga salita ni
Ernest Jones noong 1953 sa kanyang akdang Sigmund Freud: Life and Work:
The great question that has never been answered, and which I have not
yet been able to answer, despite my thirty years of research into the
feminine soul, is “What does a woman want?”

Sa aking pagtatapos, nais kong magtanong… mga tanong na hindi ko pa rin mahanapan
ng mga konkretong kasagutan…
What do men want?
What does the society want?

24
Para mas maunawaan ang kabuuan ng akda, pinili ko na rin na ibahagi at ipaliwanag na bagamat
ukol sa kababaihan ang akdang ito, idinugtong ni Taguiwalo ang feminismo sa Marxismo o sa Sosyalismo
bilang teoretikal na tanglaw sa pag-aaral.

Ayon kay Taguiwalo, may katuturan pa rin ang Marxismo sa orihinal na pagsusuri at tindig nito
para maintindihan ang aping kalagayan ng kababaihan sa isang lipunang makauri at para mabago ang
kalagayang ito bilang bahagi ng kabuuang adyenda ng panlipunang pagbabago. Ayon sa Marxistang
materyalismong historiko, nakabase sa estruktura ng lipunan, relasyong sosyal, at kamalayan ng lipunan
ang materyal na kalagayan at buhay ng lipunan at sa kalagayan ng produksiyon at palitan ng mga
materyal na pangangailangan para mabuhay. Nasa mga pagbabago sa materyal na kalagayan at buhay
pang-ekonomiya ng lipunan ang tunay na ugat ng mga pagbabago sa kamalayan, ideya, at institusyong
politikal. Pero hindi economic determinism ang ganitong pagsusuri. May diyalektikang ugnayan ang
ekonomiya at ang kamalayan, at ang mga ideya at institusyong pampolitika at pang-ekonomiya. Ayon sa
materyalistikong pananaw sa kasaysayan, sa huli, ang produksiyon at reproduksiyon ng totoong buhay
ang nagpapasiya ng kasaysayan.

Habang susing usapin ang antas ng pang-ekonomiyang pag-unlad ng isang lipunan sa pagtatakda
ng mga relasyong sosyal, dinamiko ang ugnayan ng dalawa: may tunggalian at pagkakaisa na siyang
nagbubunsod sa patuloy na pag-unlad ng lipunan. Kinikilala ng Marxismo na imposibleng magkaroon ng
pangkalahatang panig ng panlipunang transpormasyon kung walang aktibong partisipasyon ng
kababaihan. Ayon kina Marx at Lenin, imposibleng magkaroon ng mga dakilang panlipunang pagbabago
kung hindi kalahok ang mga babae. Ang opresyon ng kababaihan ay inilugar ng Marxismo sa kontekstong
pangkasaysayan at inaangkla ito sa antas ng pag-unlad ng sistemang pang-ekonomiya. Para sa
Marxismo, ang hindi pantay na relasyon ng babae at lalaki ay hindi lubusang mauunawaan at radikal na
mababago kung hindi ito nakaangkla sa pundamental na relasyon ng mga uri na siyang balangkas
(framework) ng lahat ng sosyal na interaksiyon sa isang lipunan.

Sa uri ng sistemang pang-ekonomiyang tinalakay, napaiilalim ang babae’t lalaki sa tatlong


sistema ng dominasyon: ang dominasyon ng estado, ang dominasyon ng clan, at ang dominasyon ng
relihiyon. Ngunit may karagdagang dominasyon sa kababaihan at ito ay ang awtoridad ng mga lalaki (the
authority of the husband). Ang apat na dominasyong ito ang bumubuo ng piyudal-patriyarkal na sistema
at ideolohiya. Ang pinakagulugod ng dominasyong ito ay ang awtoridad ng mga panginoong maylupa at
ng mga kapitalista na siyang may control sa sistemang pampolitika. Ginagamit ng kapitalista ang
kababaihan para sa pagpapanatili o pagpapababa pa ng sahod ng buong uring manggagawa.

Ang paglaya ng kababaihan ay hindi lubusang makakamit kung hindi mapapawi ang mga uri sa
lipunan. Ang ebolusyon lamang ng mga puwersang minsa’y naging sanhi ng pang-aapi ng kababaihan,
ang makaiimpluwensiya at makapagpapabago ng kanilang kalagayang panlipunan sa pundamental na
paraan. Magsisimula lamang ang tunay na paglaya ng kababaihan, o totoong komunismo, kapag
nagtaguyod ng isang pakikibakang pang-masa laban sa maliit na ekonomiyang domestikong ito, o kapag
mula rito ay naging isang malawakang sosyalistang ekonomiya. Matalas na tinurol ni Lenin ang papel ng
patriyarkal na kamalayan (the master ideas) sa hanay ng kalalakihan, bilang mahalagang salik sa patuloy
na pagkaalipin ng kababaihan. Mahalaga sa Marxistang programa para sa pagkakapantay ng kababaihan
at kalalakihan ang pagkakaroon ng mga kababaihan ng sariling ikinabubuhay o ang paglahok sa

25
produktibong gawain. Kung gayon, ang paglahok ng kababaihan sa produksiyong sosyal ay kailangan
pero hindi nakasasapat para wakasan ang lahat ng manipestasiyon ng pang-aapi sa kababaihan.

Representasyon ng Teoretikal at Konseptuwal na Tanglaw na Gumabay sa Pag-aaral na Ito

Mga Institusyon at mga Ideyang Pampolitika at


Pangkultura

Politika
Edukasyon
Relasyong Pangkasarian: Patriyarka, Hatian ng Gawain
Batay sa Kasarian

SUPERESTRUKTURA
Kababaihang
Manggagawa

Kababaihang
Kilusang Maykaya
Paggawa

Pang-ekonomiyang Kalagayan
Puwersa sa Produksiyon
Relasyon sa Produksiyon

Unang Ilustrasyon

Ang Marxistang Pagsusuri sa Relasyon ng Ekonomiya, Superestruktura, at ang Kilusang Paggawa at


Kababaihan

Pangkasariang Pananaw
Kilusang Kababaihan

Posisyon ng Kababaihang Paglaya ng


Manggagawa sa Lipunan Kababaihan

Kilusang Paggawa
Sistemang Pang-ekonomiya

Ikalawang Ilustrasyon

Ang Hugpungan ng Ekonomiya, Paggawa, Uri, at Ksariang Materyal na Bayatan

26
Mga Patakarang Kolonyal:
Ekonomiya
Edukasyon
Batas sa Paggawa

Ang Kilusang Paggawa

Ang
Kababaihang
Kababaihang Manggagawa sa Maykaya
Maynila:
Katangian ng Trabaho
Kondisyon sa Paggawa
Partisipasyon ng Kababaihan sa
Kilusang Paggawa

Ikatlong Ilustrasyon

Ang Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

27

You might also like