You are on page 1of 59

Modyul sa Litr 101

MGA NILALAMAN

PAUNANG SALITA

I. Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan 1


Panitikan at Kahalagahan Nito
Mga Sangay ng Panunuring Pampanitikan
Mga Halimbawa sa Bawat Sangay
Mga Bahagi ng ng Panunuring Pampanitikan
Mga Pakinabang sa Panunuring Pampanitikan
Katangian ng Mahusay na Kritiko sa Panitikan
Mga Kritikong Pilipino at Banyaga
Gawain

II. Panitikan Hinggil sa Kahirapan 47


Mga Isyung Panlipunan
Mga Sangkap ng
Kahirapan
Ang Limang Malalaki ni Phil Bartle, PhD
Isinalin ni Dionisio R. Vitan III
PARALEGAL AT MARALITA
Sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.
BACLARAN Tula ni Edelio De los Santos
Paano natin ipapaliwanag ang kahirapan sa Pilipinas?
Akda ni Philip Emmanuel Penaflor, PhD

III. Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao 79


Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao
Historikal ng Pag-unlad ng Konsepto ng Karapatang Pantao
Klasipikasyon, Katangian at Uri ng Karapatang Pantao
Mga Artikulo sa Saligang-Batas ng Pilipinas na Kumikilala sa Karapatang
Pantao Mga Hakbang Upang Mabigyang Proteksyon Laban sa Mga
Paglabag sa Karapatang
Pantao
Barya
(Sanaysay)
Nakalathala sa Daloy Dalumat, Paggalang sa Karapatang Pantao
(tula) ni Charlene L. Lizardo
ITO ANG GUSTO KO! (Awit) ni Francis Magalona

IV. Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmanggagawa, Pangmagsasaka,


at Pambansa
128
Kahalagahan ng Manggagawa at Magsasaka sa Bansa
Mga Batas na Nagtatanggol sa Karapatan ng mga Manggagawa at
i
Magsasaka Pagsusuri ng Tula: Paunang Kaalaman
Ang Manunulat

ii
Ang Akdang Tula: Di na Ako Makahahabi ng Tula ni Rogelio L. Ordonez
Pagtatayang Gawain: Pagsusuri ng Tula gamit ang Sosyolohikal na
Pagdulog
Pagsusuri ng mga akda ukol sa Kasalukuyang Isyung Panlipunan

V. Panitikan Hinggil sa Isyung Pangkasarian 136


Paglilinaw sa Ilang Mga Terminolohiyang Pangkasarian
Paglilinaw sa Mga Isyu: LGBT, SOGIE, at iba pa
Mga Espisipikong Isyu at Batas Pangkasarian
Mga Halimbawa ng Panitikan na may mga Isyung Pangkasarian

VI. Panitikan Hinggil sa Sitwasyon ng mga Pangkat Minorya 159


Pag-unawa sa Sitwasyon ng Pangkat Minorya Mga Batas na Nagtatanggol
sa Karapatan ng mga Manggagawa at Magsasaka
Pagsusuri ng Tula para sa Lumad: Pagsubang sa Adlaw - Hikbi ng Anak ng
Isang Bayani ni Shella Abayon
Pagtatayang Gawain: Pagsusuri ng Tula gamit ang
Sikolohikal na Pagdulog
Pagsusuri ng akda ukol sa Kasalukuyang Isyung Panlipunan

VII. Panitikan Hinggil sa Diaspora/Migrasyon 168


Iba‘t – Ibang Epekto at Dahilan ng
Migrasyon Bayan Ko(Awit) ni: Jose
Corazon De Jesus
SA PAMILIHAN NG PUSO (Tula) ni: Jose Corazon De Jesus
ARALIN 2: PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN

PANITIKAN
– Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan,
mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At
ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran
o tuluyan at patula.

Kahirapan
– Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang
tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.

Komyun 1 Komyun 2

– Natitipon dito ang iba't ibang sulatin hinggil sa mga isyu ng maralita, tulad
ng karapatan sa pabahay, paglaban sa demolisyon, kahirapan, ang adhikaing
pagbabago ng sistema, pagsusulong ng sosyalismo, at iba pa; inilathala
bilang aklat na "KOMYUN: Katipunan ng Panitikang Maralita", Na
nakapaglathala na ng dalawang aklat (unang aklat - disyembre 2007,
ikalawang aklat - disyembre 2008), at inilathala ng Aklatang Obrero
Publishing Collective.

MGA SANGKAP NG KAHIRAPAN


Ang Limang Malalaki
ni Phil Bartle, PhD
isinalin ni Dionisio R. Vitan
III

Ano ba ang mga malalaking sangkap ng kahirapan?

Ang kahirapan Bilang Pangkalahatang Suliranin


Lahat tayo ay madalas na nakararanas ng kakulangan sa pananalapi.
4
Ito ay isang karanasan ng bawat isa. Hindi ito katulad ng suliranin ng
kahirapan na

5
pangkalahatan. Habang ang salapi ay ay sukatan ng kayamanan, ang
kakulangan ng salapi naman ay maaaring maging sukatan ng kakulangan ng
kayamanan, ngunit hindi iyan isang pangkalahatang suliranin ng kahirapan.
Mga Prinsipyo." Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang
malalim na sugat na makikita sa bawat sukat ng kultura at lipunan. Kasama
rito ang mga kasapi ng pamayanan na may sadyang maliit na kita. Kasama rin
ang kakulangan ng mga serbisyo katulad ng edukasyon, pamilihan,
pangangalang pang-kalusugan, kawalan ng kakayanan na gumawa ng mga
pagpapasya sa sarili, at ang kawalan ng malinis na tubig, kalinisan at
kaayusan, maayos na kalye, transportasyon, at komunikasyon.
Sa mas malalim na kahulugan, ito ay isang "kahirapan sa ispiritu," na
siyang nagbibigay ng pahayag sa mga kasapi ng pamayanan na siya nilang
pinaniniwalaan at pinagsasaluhan sa isa't-isa, kawalan ng pag-asa, kawalang
ng pagpapahalaga, at katamaran. Ang kahirapan, lalo na ang mga sangkap na
nagpapalala nito, ay isang pangkalahatang suliranin, at ang kalutasan nito ay
makikita rin sa paligid kung saan ito namumutawi. Natutunan natin sa mga
pahina ng web site na ito na hindi natin malalabanan ang kahirapan sa
pamamagitan ng pag-angat ng mga sintomas o ipinapakita nitong mga bunga.
Ang kahirapan ay matatalo lamang sa pamamagitan ng paglusob mismo sa
mga dahilan ng pinagmumulan nito. Ang mga pulyetos nito ay ay naglilista at
nagbibigay-kahulugan sa "Limang Malalaki" na siyang dahilan na lalong
nagpapalaki ng suliranin sa kahirapan sa pangkalahatan.
Ang simpleng paglilipat ng mga pondo ay hindi nakakatulong sa pag-alis
ng kahirapan kahit na ito ay para sa mga biktima ng kahirapan. Sandali
lamang nitong naiaalis ang sintomas ng kahirapan kung kaya hindi ito isang
mabisang paraan. Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay
nangangailangan ng isang pangkalahatang solusyon. Ang solusyon ay ang
malinaw, may kamalayan at sadyang pag-alis ng limang malalaking sangkap
ng kahirapan.

Mga Sangkap, Dahilan at Kasaysayan:


Ang salitang "sangkap" at ang "dahilan" ay hindi magkapareho. Ang
"dahilan" ay ang bagay na nakakaragdag sa pinagmulan ng isang suliranin
tulad ng kahirapan. Samantala, ang "sangkap" ay maaaring bagay na
nakakaragdag sa patuloy na pagkakaroon ng suliranin matapos na ito ay
lumitaw.
Ang kahirapan sa pandaigdigang pagsukat ay maraming mga
kasaysayang dahilan: paghahari ng dayuhan, pang-aalipin, digmaan at
pananakop. Mayroong mahalagang kaibahan sa pagitan ng mga dahilan na
yaon at sa mga tinatawag nating mga sangkap na siyang nagpapanatili ng
kalagayan ng kahirapan. Ang kaibahan ay sa kahulugan ng kung ano ang ating
magagawa sa ngayon para sa mga bagay na ito. Hindi tayo maaaring bumalik
sa kasaysayan upang baguhin pa ang nakalipas na. Ang kahirapan ay
nananatili. Ang kahirapan ay may dahilan. Ang ating maaaring gawin sa
suliraning ito ay ang arukin ang mga sangkap na siyang nagpapalaganap at
nagpapalala ng kahirapan.
Isang hayag na kaalaman na maraming mga bansa sa Europa ang
lubusang naghirap matapos ang maraming mga digmaan na naganap sa kanila
tulad ng World War I at II. Kung saan ang mga tao ay nbuhay na lamang sa
pamamalimos at awa ng ibang mga tao. Makalipas ang ilang mga dekada,
kanilang dinala ang kanilang mga sarili sa tunay na pagkakaroon ng
pagkakaitaan sa loob ng kani-kanilang mga bansa. Ito ay nagdulot ng ibayong
yaman at sila ay nauwi sa pagiging moderno, at makapangyarihan mga bansa
ng mga masagang mga tao. Alam rin natin na maraming mga bansa ang
nananatiling mga mahihirap pa rin sa kabila ng mga bilyong-dolyar na "tulong"
na pera na ginastos sa kanila. Bakit? Dahil ang mga sangkap ng kahirapan ay
hindi tinumbok kungdi yaong mga sintomas lamang. Sa mataas na antas na
pang- bansa, ang isang mababang GNP (gross domestic product) ay hindi ang
kahirapan mismo; ito ay sintomas lamang ng kahirapan, bilang isang
pangkalahatang suliranin.
Mga sangkap ng kahirapan (bilang isang pangkalahatang suliranin) na
nakatala rito ay ang, kawalang-kaalaman, sakit, kawalang-
pagpapahalaga, hindi mapagkakatiwalaan at pagiging palaasa, ay dapat
makita bilang mga kalagayan. Walang moral na paghuhusga ang sinadya.
Hindi sila mabuti o masama, kungdi sadyang ganyan lang. Kung magiging
isang desisyon ng isang pangkat ng tao sa isang lipunan o pamayanan ang
pag-alis ng kahirapan, kailangang gawin nila iyon ng walang paghuhusga.
Bantayan at kilalanin dapat ang mga sangkap at alamin kung papaano ang
mga ito ay maaalis upang matanggal ang kahirapan.
Ang limang malalaki sa kabilang banda, ay nakakaragdag pa lalo sa mga
sangkap ng kahirapan tulad ng kawalan ng lugar na kung saan
makakapagtinda, masamang-lagay ng mga daan o gusali, mahinang at
masamang pamumuno, kawalan ng mapapasukang trabaho, kawalan ng mga
kasanayan sa ba't-ibang uri ng trabaho, laging pagliban sa pinapasukan,
kawalan ng kapital, at iba pa. Ang alin man sa mga ito ay isang
pangkalahatang suliranin, at ang bawat isa ay naging bunga ng isa o higit pa
mula sa limang malalaki. Ang alin man sa mga nabanggit ay nagpapatagal ng
kahirapan at ang kanilang tuluyang pag-alis ay kailangan upang matanggal
ang kahirapan.
Ating bigyang-sulyap ang lahat ng limang malalaki.

Kawalang-Kaalaman:
Ang kawalan ng kaalaman ay nangangahulugan ng kakapusan sa
impormasyon o kahibalo. Iba ito sa pagiging bobo na ang ibig sabihin ay
kakapusan ng talino. Iba rin ito sa pagiging tanga o hangal na kakapusan
naman sa karanasan. Madalas kasi na ang tatalong ito ay napapagpalit-palit at
madalas inaakala ng mga tao na iisa lamang ang kahulugan nila.
"Ang kaalaman ay kapangyarihan," ayon sa kasabihan. Ang malungkot
lamang, alam ito ng ibang mga tao ngunit mas ninanais nila na sarilin ang
kanilang kaalaman (bilang isang kasangkapan sa pagkuha ng lamang sa ibang
tao), at kanila pa itong itinatago mula sa ibang tao. Huwag mong asahan na
kapag ikaw ay nagturo sa isang tao ng kasanayan o nagbigay ka kaya ng
impormasyon sa kanya ay kusang kakalat ang impormasyon o kasanayan na
iyon sa buong pamayanan.
Mahalaga na malaman at maintindihan kung anong impormasyon ang
hindi napaloob. Maraming nagpla-plano at matatalinong mga tao ang
naniniwala na kung nais mong tulungan ang isang pamayanan na lumakas, ito
ay nakasalalay sa edukasyon. Ngunit ang edukasyon ay maraming mga mukha
at bagay. Ang ibang mg impormasyon ay maaaring hindi mahalaga sa kung
ano ang sitwasyon sa isang pamayanan. Hindi makakatulong sa isang
magsasaka na malaman na sina Florante at Laura ay may masalimuot na pag-
iibigan. Mainam pa ang pag-alam sa kung anong uri ng buto ng halaman ang
maaaring mabuhay sa kanilang lupang sinasaka at ano ang hindi na dapat
pang itanim pa.
Ang pagsasanay sa mga serye ng dokumento sa pagbibigay-
kapangyarihan sa pamayanan ay naglalaman rin ng pagtatawid ng kaalaman.
Hindi ito katulad ng isang pag-aaral na makikita sa silid-aralan na kung saan ay
may sinusunod na mga
alituntunin ayon sa antas ng kaalaman ng mag-aaral. Dito ay itinutuon ang
pag-aaral sa mga kaalaman sa kung papaano magkakaroon ng kakayanan na
lalo pang lumakas ang isang pamayanan.

Sakit:
Kapag ang isang pamayanan ay may mataas na antas ng pagkakasakit,
mas
madalas ang pagliban sa trabaho, mas mababa ang producksiyon, at mas
maliit na kita ang nagagawa. Maliban sa mga bagay na hatid ng mga sakit,
tulad ng paghihirap, kawalan ng saya, at kamatayan, ito rin ay isang malaking
sangkap sa paghihirap na nadarama ng isang pamayanan. Ang pagging
malusog ay hindi lamang nakatutulong sa isang tao upang mamuhay ng
maayos. Ito rin ay nakakaragdag sa pag-alis ng kahirapan sa isang
pamayanan.
Kahit saang lugar man, ang pag-iingat ay mas mainam na pansangga sa
mga sakit kaysa sa mga gamot. Ito ay isa sa mga pangunahing isinusulong ng
PHC (primary health care o pangunahing pangangalaga sa kalusugan). Ang
ekonomiya ay mas masagana kung ang mga tao ay malulusog; mas higit kaysa
kung ang tao ay nagkakasakit at kailangang gamutin. Ang kalusugan ay
tumutulong upang maalis ang kahirapan, na mas lalong naipapakita sa
pagkakaroon ng ligtas at malinis na maiinom na tubig, pagkakaroon ng
maayos na sanitasyon o pagkakahiwalay ng mga dumi sa pinagkukunan ng
tubig, kaalaman sa kalinisan at pag-iwas sa mga sakit. Ang mga ito ay
nakahihigit kaysa sa pagkakaroon ng mga klinika, mga doktor at mga gamot
na alam naman nating may kamahalan. Mas makakatipid ang pamayanan sa
pagkakaroon ng kaalaman sa pag-iwas sa mga sakit.
Tandaan na mas nakatuon angpansin natin sa mga sangkap, hindi sa
mga pinagmumulan. Hindi na mahalaga kung ang TB o tuberkolosis man ay
dala ng mga dayuhang-puti na unang nakipagkalalakal sa ating mga ninuno o
ang sakit na ito ay likas na sa ating lugar. Hindi na mahalaga kung ang HIV na
siyang nagdadala ng sakit na AIDS ay sanhi ng CIA (Central Intelligence
Agency ng Amerika) dahil sa kagustuhan nilang gumawa ng sandatang
bayolohikal, o kung ito man ay galing sa mga berdeng mga unggoy sa mga
sopas. Ang lahat ng nabanggit ay maaaring mga pinanggalingan ng mga sakit.
Ang pag-alam sa pinaggalingan ng sakit ay hindi mag-aalis ng mga sakit. Ang
pag-alam sa mga sangkap na nagdudulot ng sakit ay makapagbibigay ng
tamang direksiyon tungo sa mas mainam na kalinisan at tamang asal sa
kalusugan. Ang mga ito ay tuluyang makapag-aalis ng sakit.
Maraming mga tao ang naniniwala na ang pagkakaroon ng pag-aalagang
pangkalusugan mula sa mga mnamumuno ay isang karapatan ng tao.
Nakapaloob rito ang pagtanggal ng sakit at paghihirap at mas mataas na
kalidad ng pamumuhay ng mga tao. Ang lahat ng mga ito ay isang balidong
katwiran na siyang nagpapalawig ng kalusugan ng mga tao. Ang
pinagtatalunan rito ay ang katwiran na ang malusog na
mamamayan ay nakakatulong sa pag-alis ng kahirapan, at hindi dapat sukatin
lamang ang kahirapan sa antas ng pagkakaroon ng sakit at kamatayan.
Tandaan rin ang mga sakit ay nakararagdag sa iabng mga porma at aspeto ng
kahirapan.

Kawalang-Pagpapahalaga:
Ang kawalang-pagpapahalaga ay nangyayari sa tao kapag nawalan na
sila ng pakialam, o kung pakiramdam nila ay wala silang kapangyarihan upang
mabago ang mga bagay sa paligid nila, na itama ang isang kamalian o
pagkakamali, o kaya ay gawing mas mainam ang ayos ng kanilang
pamumuhay.
Minsan, ang mga tao ay nakararamdam na hindi nila makakamit ang isang
bagay. Madalas rin na nakararamdam sila ng selos o inggit sa mga kamag-
anak o tao sa pamayanan na nagsisikap na makamit ang mga bagay na hindi
nila masubukang kamtin. Pagkatapos ay pinipilit nilang ibagsak ang taong
nagsisikap upang maging katulad nilang naghihirap rin. Ang pagiging walang
pakialam ay nagbubunga ng kawalan ng pagpapahalaga.
Minsan, ang kawalan ng pagpapahalaga ay tama ayon sa relihiyong
pinaniniwalaan, "Tanggapin kung ano ang nandiyan, dahil itinakda na ng Diyos
ang iyong kapalaran." Ngunit ang ganyang paniniwala ay maaaring maabuso o
gamitin sa mali. Tama lamang na maniwala na ang Diyos ang nagtakda ng
iyong kapalaran, kung ating tatanggapin na ang Diyos ay maaaring magpasya
na kailangang iahon natin ang ating sarili sa kahirapan sa pamamagitan ng
pagsisikap."Manalangin sa Diyos, ngunit patuloy pa ring sumagwan patungo sa
katihan," isang kasabihan ng mga Ruso, na nagpapakita na tayo ay nasa mga
kamay ng Diyos, ngunit mayroon rin tayong pananagutan sa ating mga sarili.
Tayo ay nilikha na mayroong mga kakayanan at abilidad: upang mamili,
upang makipagtulungan, upang maging maayos para sa ikauunlad ng antas ng
ating mga buhay; hindi natin dapat gamitin ang Diyos o si Allah upang huwag
ng kumilos pa. Iyan ay masama tulad ng isang sumpa mula sa Diyos. Marapat
na ating purihin ang Diyos at gamitin ang angking kakayanan na nagmula sa
Kanya.
Sa laban kontra sa kahirapan, ang isang tagapagpakilos ay gumagamit
ng panghihikayat at pagpupuri, upang ang mga tao ay (1) magkaroon ng
kagustuhan at
(2) at matuto kung papaano ang gagawin ─ sa tamang pagpapatakbo ng
kanilang sariling mga buhay.

Hindi Mapagkakatiwalaan:
Higit pa sa usaping moral ang naganap kapag ang mga dapat magamit
na mga bagay para sa serbisyo o pasilidad ng isang pamayanan ay napunta
lamang sa bulsa ng mga taong nasa kapangyarihan. Sa mga serye ng
pagsasanay na ito, hindi natin binibigyan ng husga kung ito ba ay tama o mali.
Atin lamang ipinupunto na ito ay isa sa
mga malaking dahilan ng kahirapan. Kawalan ng tiwala sa mga taong dapat ay
binibigyan ng tiwala, mga taong nasa poder at kapangyarihan. Ang halaga na
ninakaw sa masa, na siyang najuha at tinatamasa ng taong kumuha, ay
malayo kaysa sa pagliit ng kayamanan na siyang dapat na nakalaan para sa
masa.
Ang halaga ng salapi na sapilitang kinuha o kaya ay winaldas ay hindi
ang halaga ng pagpapababa ng kayamanan para sa isang pamayanan.
Sinasabi ng mga Ekonomista ang tungkol sa "multiplier effect" o epektong-
pangmaramihan. ito ay ang katotohanang higit pa sa bagay na kapalit ng
salapi o bagay na ipinunla sa isang pamayanan ang makukuha, sapagkat ang
ekonomiya mismo ang siyang magkakaroon ng positibong epekto sa ginawang
pagpupunla. Kapag ang ipinunla na salapi o bagay ay inalis ng tuluyan sa
sirkulasyon ng pagpupuhunan, ang halaga ng kayamanan na naialis sa
pamayanan ay higit pa sa halaga ng nakuha ng isang nagwaldas. Kapag ang
isang tauhan o opisyales ng pamahalaan ay kumuha ng 100 pisong suhol, ang
puhunan para sa pangkalahatan ng pamayanan ay nababawasan ng hanggang
400 piso para sa kayamanan ng lipunan.
Nakalulungkot isipin na tayo ay nagagalit kapag ang isang simpleng
magnanakaw ay nanguha ng 10 pisong halaga ng bagay mula sa isang
palengke, samantalang ang isang opisyal ng pamahalaan ay nakapagnanakaw
ng libo-libo hanggang milyung-milyong pisong halaga ng salapi mula sa kaban
ng bayan. Ang halagang nananakaw na ito mula sa kaban ng bayan ay may
katumbas na apat na beses na pagkasira sa lipunan sa kabuuan, ngunit hindi
natin sila napapansin o nahuhuli kaya. Iyan ay sapagkat ating iginagalang,
pinangingilagan ang mga ganitong uri ng tao dahil sa kanilang kayamanan at
madalas nga ay pinupuri pa nating sila kapag sila ay nakakatulong sa kanilang
mga kamag-anakan o kababayan. Sa isang simpleng magnanakaw, pulis ang
ating inaasahan upang sila ay mahuli, samantalang sa isang magnanakaw na
opisyales ay halos 'bulag' ang ating hustisya.
Ang mga ganitong opisyales na hindi mapagkakatiwalaan ang siyang
malaking dahilan ng kahirapan samantalang ang simpleng magnanakaw ay
isang biktima ng kahirapan na gawa ng opisyales na hindi magnanakaw. Ang
nabanggit na sitwasyon ay higit pa sa isang nakalulungkot na kaisipan; iyon ay
isang sangkap na nagpapatagal ng kahirapan. Kapag ating binibigyang
gantimpala (sa pamamagitan ng pagtingala sa kanilang estado sa buhay
bilang mayaman) ang mga magnanakaw sa gobyerno na siyang malaking
sangkap ng kahirapan, at pinarurusahan lamang ang mga maliliit na
magnanakaw (na siyang tunay na biktima ng mga pangyayari), tayo ay may
pag-uugali na siyang lalong nagpapalala ng kahirapan. Kapag ang ninakaw na
pera ng bayan ay inilabas ng bansa at inilagak sa isang dayuhang (halimbawa
ay sa mga Swiso) bangko, hindi na ito nakakatulong sa pambansang
ekonomiya; tinutulungan lamang nito ang bansang nagpapatakbo ng mga
naturang mga bangko.
Pagiging Palaasa:
Ang pagiging palaasa ay nagiging bunga ng pagtanggap ng limos o awa.
Kung minsan, ang pagtanggap ng limos ay hindi masama, kung ito ay
nagaganap para sa panandaliang pagsagip ng buhay. Ang halimbawa ay kung
makalipas ang isang sakuna o kalamidad. Ngunit kung ang pagtanggap ng
limos ay gaganapin sa mahabang panahon, ito ay maaaring makasama ng
tuluyan sa tumatanggap, at lalo lamang nagpapalaganap ng kahirapan.
Isang ugali, o paniniwala na ang kung ang isang tao ay napakahirap at
walang kakayanan at hindi niya kayang tulungan ang kanyang sarili ay
kailangang umasa na lamang siya sa tulong mula sa ibang tao. Ganoon rin ang
nangyayari sa isang lugar na may kahalintulad na ugali o paniniwala. Ang
malungkot, ang ganyang ugali at ang magkakaparehong maling paniniwala
ang siyang pinakamalaking katwiran sa sarili upang mapanatili ang antas ng
tao o grupo ng tao na umasa na lamang mula sa tulong ng iba.
Marami pang ibang mga dokumento at sulatin sa web site na ito na
tumatalakay sa pagiging palaasa Tignan: Pagiging Palaasa, at Paglantad ng
mga Nakatagong mga Pagkukunan. Kapag ipapakita kung papaano gagamitin
ang paglalahad ng mga istorya o kuwento upang mas mainam na maiparating
ang mga mahahalaganag mga prinsipyo
o paniniwala ng pag-unlad, tignan ang istorya ni Mohammed at ang Tali. Ito
ay ginagamit bilang isang magandang pagpapakita ng prinsipyo na ang
tulong ay hindi dapat isang uri ng limos na maaaring magpahina ng
kakayanan, at mas lalong maghikayat ng pagiging palaasa. Ang dapat na
tulong na binibigay ay iyung nagbibigay- kapangyarihan.
Ang metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan sa isang pamayanan ay
isang alternatibo o kapalit sa pagbibigay-limos (na nagpapahina). Ito ay
nagbibigay tulong o asistiya, kapital at pagsasanay na nakatuon sa mga may
maliliit na kitang mga pamayanan, pagkilala ng kanilang mga pagkukunan-
yaman at sariling-pagpapatakbo ng kanilang sariling kaunlaran--pagiging may-
kapangyarihan sa madaling salita. Madalas, kapag ang isang proyekto ay
nakatuon sa pagpapakilala at pagpapa-unlad ng pagtayo sa sariling mga paa
ng isang pamayanan sa pamamagitan ng pagpapataas ng kaalaman at
kamalayan ng mga tao, inaakala na ang proyekto ay dumating para lamang sa
pagpapatayo o paglalagay ng isang pasilidad o serbisyo sa isang pamayanan.
Bilang isa sa mga limang-malalaking sangkap ng kahirapan, ang
pagiging palaasa ay isa sa mga pinakamalapit na inaalala ng isang
tagapagpakilos sa isang pamayanan.
Kabuuan:
Itong limang sanhi ay hindi nagsasarili sa bawa‘t isa. Ang karamdaman
ay tumutulong sa kamangmangan at kawalang-damdamin. Ang panlilinlang ay
tumutulong sa karamdaman at pagpapakalinga. Kapwa sila tumutulong sa
bawa‘t isa.
In any social change process, we are encouraged to "think globally,
act locally." The Big Five factors of poverty appear to be widespread and
deeply embedded in cultural values and practices. We may mistakenly
believe that any of us, at our small level of life, can do nothing about
them.
Huwag malungkot o mawalan ng pag-asa. Kung ang bawat isa sa atin ay
magkakaroon ng sariling paglalaan upang malaban ang kahirapan sa kahit
anong mukha nito sa ating buhay, tayo ay makapag-aambag upang mapuksa
ang mga sangkap ng kahirapan na nabanggit para sa tunay na tagumpay
laban sa kahirapan. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng
paggawa ng bawat tao na may parehong layunin, isama pa ang epekto nito na
makikita sa ibang mga tao na maaaring tumulad sa ating mga ginagawa para
sa iisang layunin: pagpuksa ng kahirapan.
Ang mga materyales ng pagsasanay sa web site na ito ay nakatuon sa
pagpapaliit ng antas ng kahirapan sa dalawang antas, (1) pagpapababa ng
kahirapan sa pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga tao o
grupo ng tao sa isang pamayanan upang sila ay magkaisa, bumuo kilusan at
kumilos para sa sama-samang pagkilos ng pamayanan, at (2) pagpapababa ng
kahirapan sa sarili sa pamamagitan ng paggawa upang magkaroon ng
pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga maliliit na negosyo.
Ikaw, bilang isang tagapagpakilos ay nasa isang mahalagang
posisyon upang magkaroon ng epekto sa limang-malalaki na mga
sangkap ng kahirapan. Sa paggamit ninyo ng inyong mga kasanayan
at pagpapakilos para sa pagpapababa ng kahirapan, makakasiguro
kayo ng inyong mabuting layunin, makapipigil sa mga taong may
masamang layunin upang sirain ang mabuting kaayusan, at
makapanghihikayat kayo sa tamang paraan sa mga kalahok na tao
upang subukang magamit nila ang mga kasanayan sa paglaban sa
mga sangkap ng kahirapan.
Ang limang malalaking mga sangkap ng kahirapan (bilang isang
problemang- pangkalahatan) ay naglalaman ni : kawalang-kaalaman, sakit,
kawalang- pagpapahalaga, hindi mapagkakatiwalaan at pagiging palaasa.
Ang mga ito, sa isang banda, ay nagpapalala sa pangalawang mga
sangkap ng kahirapan tulad ng kawalan ng palengke o lugar na
mapagnenegosyuhan, kawalan ng mabuting mga inprastraktura (mga daan,
tulay, gusali), mahinang pamumuno, masamang pamamahala, kawalan ng
trabahong may tamang pasahod, kawalan ng mga kasanayan, kawalan ng
perang gagamiting kapital at marami pang iba.
Ang solusyon sa pangkalahatang suliranin sa kahirapan ay ang
pangkalahatang solusyon sa pag-alis ng mga sangkap ng kahirapan.

AKDANG TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN

PARALEGAL AT MARALITA
Sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.
Libu-libong mga maralita ang pinalalayas na lamang na parang hayop sa
mga pampubliko at mga pribadong lupa, sa mga lupang tatayuan ng proyekto
ng gobyerno, tulad ng imprastruktura, tulad ng kalsada, tulay, at iba pa.
Winawasak ang kanilang mga tahanan dahil nakatirik sa mga delikadong lugar,
tulad ng estero, tabing-ilog, riles, at bangketa. Sila umano‘y masakit sa mata
ng gobyerno‘t mga kapitalista, lalo na‘t may bumibisitang ―importanteng‖
dayuhan sa bansa. Kailangan silang idemolis at itapon sa malalayong lugar.
Parang pusang gala ang tingin sa kanila ng mga matapobreng nasa poder ng
kapangyarihan. Winawasak ng mga nasa kapangyarihan ang mismong
dignidad ng maralita. Dinedemolis ang tahanan ng maralita ng walang ―due
process of law‖, walang ―equal protection of the laws‖, at walang
makatarungang kumpensasyon. Ang matindi pa rito, mabilisan ang
pagpapatupad ng desisyon kapag ito ay hindi pabor sa mga tao.
Sa ganitong kadahilanan, tama lamang na malaman ng maralita ang
ilang mga batas na may kaugnayan sa kanila at sa lipunang ginagalawan
upang kanilang maipagtanggol ang kanilang karapatang mabuhay ng maayos
at marangal, karapatang magsalita at magpahayag, karapatang magkaroon ng
disenteng paninirahan, karapatang magkaroon ng sapat na trabaho,
karapatang ituring na tao at hindi basura, at iba pang karapatang nasusulat sa
Universal Declaration of Human Rights (1948), International Covenant on Civil
and Political Rights (1966), International Covenant on Economic, Social and
Cultural Rights (1966), Konstitusyon ng Pilipinas (1987), at iba pa. Ang batas
ay dapat kumiling sa maralita, pagkat sa katayuan pa lang ay agrabyado na
sila. Sila ay mahirap, habang ang nagpapademolis sa kanila ay mayaman, o
kaya‘y makapangyarihan, o nasa poder. Kaya nararapat lamang idepensa ng
maralita ang kanilang sarili, laluna ang kanilang komunidad, kung sila‘y
idedemolis at sapilitang palalayasin sa lugar ng hindi dumaan sa makataong
proseso.
Kadalasan, nabibigla na lamang ang maralita na may demolition order
mula sa korte. At ang asal ng mga nagdedemolis sa mga maralita ay katulad
ng mataderong kumakatay ng baboy. Wala silang pakialam sa maralita, kahit
na lalong mapariwara ang dati nang aping buhay nito.
Pero dapat may gawin ang maralita. Dapat niyang ipagtanggol ang
kanyang dignidad na matagal nang ninakaw ng sistemang panlipunang
umiiral. Sistemang ang tingin sa mga maralita ay hayop na walang karapatang
mabuhay.
Narito ang ilang ibinahaging kaalaman sa mga maralita hinggil sa
usaping paralegal. Ang paralegal ay ang pag-alam at paggamit ng sinumang
hindi abogado ng mga batas na umiiral sa layuning ipagtanggol o idepensa
ang sinuman sa ngalan ng hustisyang panlipunan.
Ilan sa mga batas na may kaugnayan sa maralita ay ang mga sumusunod:
a. Artikulo XIII, Seksyon 9 at 10 ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987
b. Artikulo III, Bill of Rights ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987
c. Republic Act 7279, mas kilala sa tawag na UDHA (Urban
Development and Housing Act), o Lina Law
d. Executive Order 152
Mga maaaring isampang kaso pagkatapos ng sapilitang pagdemolis.
a. Kasong kriminal – maaaring sampahan ng kasong kriminal ang mga
nagdemolis kung lumabag ang mga ito sa batas-kriminal, tulad ng damage
to property, theft, robbery, grave threats, grave coercion, atbp, kung saan
maaaring mabilanggo ang mga nagdemolis at magbayad ng multa
b. Kasong sibil – maaari ding pagbayarin ng damages, tulad ng
disturbance fee at moral damages, ang mga nagdemolis dahil sa
perwisyong kanilang naidulot.
c. Kasong administratibo – maaari ding kasuhan ang mga nagdemolis
ng kasong administratibo, tulad ng reprimand o warning, suspension, at
dismissal.
Dapat na tandaan na lahat ng ito ay may legal forms, o mga kasulatang
tumatalakay o nagsasabi hinggil sa bawat transaksyon, kasunduan, ligal na
liham, apidabit, subpoena, resibo, at iba pa. At hindi dapat katakutan ang
anumang legal forms, kundi unawaing mabuti ang nilalaman.
Dapat din nating maunawaan ang iba‘t ibang doktrina ng pag-aari ng
lupa, tulad ng Regalian na noong panahon ng Kastila, lahat ng pampublikong
lupa sa Pilipinas ay pag-aari ng Espanya (ngayon ay wala na ang batas na ito,
dahil wala na tayo sa panahon ng mga Kastila). Nariyan din ang Torrens
system, kung saan ang mga titulo ng lupa ang siyang mapagpasya o matibay
na patunay ng pag-aari ng lupa. Dapat ding alamin kung ano ang OCT (original
certificate of title) at TCT (transfer certificate of title) para matiyak na hindi
mapupunta sa kamay ng sindikato ang lupa.
Halimbawa namang idinemolis na ang bahay ng maralita, dapat niyang
idemanda ang nagpademolis kung hindi ito sumunod sa tamang proseso.
Dapat ding humingi ng disturbance fee ang mga maralita.
Kapag nasira ang mga kagamitan ng maralita, sampahan nila ng kasong
damage to property ang mga nagdemolis. Kapag nangawala ang mga
kagamitan ng maralita dahil sa mga demolition teams, dapat silang magsampa
ng theft o robbery. O kung sapilitang kinumpiska o inagaw ng sinuman sa
demolition teams ang kanilang mga ari- arian, kailangan nilang magsampa ng
qualified theft.
At ang mahalaga ay ang paggamit natin ng mga metalegal na
pamamaraan, tulad ng rali, barikada, atbp., upang depensahan ang ating
karapatang mabuhay sa lipunang ito.

KOMPREHENSIBONG LARAWAN NG KAHIRAPAN NA DAPAT UGATIN ni


Ka
Pedring Fadrigon
– Nalathala sa kolum ni Ka Pedring Fadrigon, pambansang pangulo ng
kongreso ng pagkakaisa ng maralitang lungsod (KPML), at nalathala sa
pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng KPML,
isyu ng Hulyo 1-15, 2019, p. 4- 6.
– Ito ay tumutukoy sa kung paano ilarawan ang mga pangunahing
dahilan sa paglala at paglaganap ng KAHIRAPAN.

KOMPREHENSIBONG LARAWAN NG KAHIRAPAN NA DAPAT UGATIN


ni Ka Pedring Fadrigon

 ANG KAGUTUMAN BUNGA NG PAGBALEWALA SA PAGPAPAUNLAD


NG AGRIKULTURA
– Ang ating pamahalaan ay nahirati na lamang sa pag-angkat ng
produkto sa labas o sa ibang bansa. 3.1 milyon ng ating populasyon
ang nagugutom mula noong 3rd quarter ng 2018 dahil sa kitang
mababa pa para sa pangangailangan sa pagkain. Dapat ang reporma
sa lupa para sa mga magsasaka para walang magugutom.

 KAKULANGAN SA MAIINOM NA MALINIS NA TUBIG


– Batay sa datos, 55 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa hindi
malinis na tubig at 20 milyon ang walang basic sanitation facilities.
Nang dahil sa pribatisasyon, ang ating mga tubig na dumadaloy sa
mga bukirin mula sa kabundukan at dati ay libre, ay nilagay na sa bote
at pinababayaran na sa sangkatauhan. Dati ay libre ang mga halaman
sa tubig na ating inaani, ngunit ngayon, dagdag bayarin na o gastos ng
manggagawa sa bukid ang bayad sa irigasyon.

 WALANG ABOTKAYANG PABAHAY ANG GOBYERNO NA MATITIRAHAN


– Ang pitong milyong (7M) backlog sa pabahay at milyon ding maralita
ang nanganganib na mapalayas sa mga relokasyon dahil sa hindi
makabayad sa pabahay. Patuloy hanggang sa kasalukuyan ang
pagdagsa ng mga maralitang naghahanap ng katiyakan sa
paninirahan. Ang batayan ay ang 7M backlog ng pamahalaan sa
pabahay dahil sa korapsyon at governance.

 KAWALAN NG TRABAHO O HANAPBUHAY


– Batay sa LFS (Labor Force Survey), ang Pilipinas ang may
pinakamataas na bilang ng walang trabaho sa Southeast Asia. Kung
mayroon mang trabaho ay hindi sapat ang kinikita dahil sa baba ng
sahod. Sa Metro Manila, ang arawang
sahod lamang ng manggagawa ay P537 (2019), na malayo sa
kahilingan ng mga manggagawa na P750 minimum wage. Mayorya ng
mga trabahador ay kontraktwal at walang mga benepisyo.

 KAKULANGAN SA BATAYANG SERBISYO SA PANGANGAILANGAN SA


KALUSUGAN
– Malaki ang bilang ng mamamayang walang akses sa basic health
care, lalo na ang mga nasa malalayong lugar ng ating bansa. Batay sa
mga datos, 11 hospital beds lamang sa bawat 10,000 Pilipino noong
2014, at 1 doktor lamang sa bawat 33,000 pasyente o may mga
karamdaman.

 LUMALAKI ANG BILANG NG MGA OUT-OF-SCHOOL YOUTH


– Dahil sa kahirapan at kakulangan din sa mga pasilidad sa mga
paaralan, 10% ng mga Pilipino na edad 6-24 ay out-of-school youth.
Makikita natin ito sa mga lansangan, mga naglalako ng kung anu-ano.
Ang ilan ay natututong gumawa ng masama. Ang ilan ay makikita mo
sa lansangan at napasama na sa mga batang hamog, kalaban ng mga
naghahanapbuhay na drayber at pasaheros.

 KAKULANGAN SA MGA PROGRAMANG MAY KAUGNAYAN SA


SOCIAL PROTECTION
– Tulad ng mga livelihood. 4 out of 5 senior citizens ay walang
benepisyo sa retirement o pension, dapat ay magkaroon sila ng social
protection. Ang social protection ay mga patakaran at mga
programang makababawas sa kahirapan.

 WALANG MALUSOG NA KAPALIGIRAN.


– Mula noong 2015 hanggang sa kasalukuyan ay mayroong 274 natural
disasters na umapekto sa milyun-milyong Pilipino. Hindi lamang ito
natural na kalamidad kundi kasama na rin ang man-made calamities,
dahil sa di maayos na urban planning at waste displacement.

 DISPLACEMENT AT ARMED CONFLICT AT IBA PANG ANYO NG


KARAHASAN.
– Naoobliga ang mga mamamayang lumikas mula sa kanilang mga
lugar para umiwas sa kaguluhan. At karamihan ay sa lungsod ang
kanilang pinupuntahan. Ayon sa datos, 87,000 ang lumikas noong 2017
at 523 munisipalidad ang pinanggalingan dahil sa gera. Mayroon ding
mga dinemolis ang mga tirahan sa mga danger zones, tulad ng ilalim
ng tulay, basurahan, riles ng tren, at mga sirang sasakyan.

 ELITE RULE AT DI TUNAY NA DEMOKRASYANG PAMUMUNO


– Ang isang epektibong pamamahala sa isang demokrasyang bansa ay
dapat bigyang pahalaga ang partisipasyon ng kanyang mamamayan.
At iyan ay nasa ating Saligang Batas (our right to effective and
reasonable participation) sa lahat ng antas (economic, social at
political). Titiyakin ng pamahalaan na ang boses ng maralita at mga
nasa laylayan ay mapakinggan, hindi lang sa tuwing may eleksyon,
kundi sa panahong pinag-uusapan ang ekonomya, pulitikal at sosyal na
patakaran at mga programa. Subalit hindi ito demokrasya kung hindi
pinakikinggan ang mamamayan. Kapag nagkumento ang maralita, siya
ay kalaban. Kapag tumutol ka sa gusto ng pamahalaan, ikaw ay
kalaban, kulong ka. Kapag di ka paawat, patay kang bata ka. Sa
demokrasya sa bansa, ang kapitalista ang nagdidikta dahil magkauri
sila ng mga elitista. Sa ating mga maralita, magkaisa tayo at sama-
samang magsuri sa sistemang umiiral. Ang sanhi ng kahirapan ay ang
mga maling sistema at kalakaran.

Ang sistemang kapitalismo ay palitan ng sosyalismo. Sapagkat sa


kapitalismo, alipin tayo, squatter tayo, dominado tayo, at agrabyado.
Sa mga asunto at hustisya, lagi tayong talo. Dahil sila ang may pera at
koneksyon sa gobyerno. Sa kapitalismo, silang nasa tuktok, sa hotel at
sa palasyo nakaluklok, samantalang tayo ay nasa sulok. Sa sosyalismo,
walang mayaman at walang mahirap. Ang walang trabaho ay
binibigyan ng trabaho ng walang mga kondisyon. Ang mga mag-aaral
ay binibigyan ng pagkakataong makapag-aral ng libre. Ang mga
mayroong karamdaman ay ginagamot sa mga libreng pagamutan. Ang
mga yaman ng kalikasan ay nakasentro sa pamahalaan na lahat ay
nakikinabang.

Iyan ang kaibhan ng lipunan sa kasalukuyan. Kaya sana'y maitanong


natin sa ating mga sarili kung tama ang ating mga pagsusuri. Para hindi natin
danasin pa sa mahabang panahon ang kahirapan, lalo na sa ating susunod na
salinglahi.

Gitnang Uring Fantasya At Materyal Na Kahirapan Sa


Neoliberalismo: Politikal Na Kritisismo Ng Kulturang Popular

Ang ―Gitnang Uring Fantasya at Materyal na Kahirapan sa


Neoliberalismo‖ ni Rolando B. Tolentino ay magpapakita ng pag-angat sa
politikal na pagsusuri sa kulturang popular. Politikal ang pagsusuri dito dahil sa
kulturang popular na nakakaapektado sa sensibilidad ng mga tao na kaya
nilang abutin ang malalaking pangarap nila kahit mahirap sila ngayon.

 Ang kulturang popular ay ang lingguwistiko at kultural na translasyon


ng gitnang uring fantasya o ang panunutunan ng pagkamamamayang
nakabatay sa markers at mga muhon ng gitnang uri ng buhay.
 20% -kabilang sa gitnang uri
 80% - kabilang sa mahihirap
 1% - kabilang sa kumikita ng lampas-lampasan sa 99% ng mamamayan
 Ang kondisyon ng posibilidad ng kapangyarihan ng estado – gobyerno
at malaking negosyo – ay nakapaghari
 ―Politikal na Pagsusuri‖ sa kulturang popular

1. Pagtukoy sa kondisyong sumisikil sa aktuwal na materyal na kondisyon,


pagwaksi sa pagiging kulang sa materyal na lagay at marka ng gitnang uri
ng panuntunan, at
pribatisadong paghahabol sa panahon na walang sistemikong serbisyo publiko
at pagtulong na mahihita sa estado.

Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa Kulturang Popular


• korolaryong metapora at trope ng pagbalikwas sa teksto-konteksto ng
kulturang popular na maaaring umalingawngaw sa aktuwal na lipunan
• Na tulad ng metapora, madulas at hindi lamang iisa ang tinutumbok,
na ang rosas ay hindi lamang pagsisinta at pag-ibig, pagdurugo rin at
katapangan, kahiwagahan at kaginhawaan.
• Nagmo-malling ang mga estudyante; may mga preferensiya sa tugtog
na pinapakinggan, damit na sinusuot, gupit ng buhok, gimik places,
modelo ng cellphones, at iba pa; ito ang henerasyong pinakababad sa
kulturang popular sa global na diin sa mga industriyang service sector,
tulad ng entertainment, fashion, edukasyon, kalusugan, turismo, at
iba pa.
• Sa karaoke, etika ng partisipasyon ang paglahok ng lahat. At least
once ay kailangang kumanta dahil hating kapatid naman ang bayad.
Kaya whether-you- like-it-or-not, kakanta ka kahit wala kang boses,
kahit nga sapilitan kahit pa alam naman ang etikang ito bago pa man
pumaloob sa karanasan ng karaoke. Peer pressure gaya ng pagpili sa
karaoke bilang bonding mode ng barkada o office mates.
• Kakatwang ritwalisasyon ng konsumpsiyon (malling)

Tripleng negation ng karanasan:


1. Supplanting ng manaka-manaka at panandaliang kasiyahan at
elitismo, relief na historikal at panlipunang realidad
2. Tila partnership pero wala namang pakialam ang estado kundi ang
paglikha ng produktibong docile subject
3. Replacement ng karanasan sa kulturang populara
utopia at praxis ng pagrerebolusyon

• Kontraryong kosmopolitanismo ang nagpapatunghay sa kontra-


produktibong kalidad ng kosmopolitanismo ng pambansang
modernidad
• Ang pambansang modernidad ay nakaangkla sa pagpapadanas ng
gitnang uring fantasya bilang kalakaran para maitago ang
perpetwasyon ng kahirapan at elitismo, kasama ang korupsiyon at
siste ng patronahe.
Ang mga idolo at politiko ay nangangako lamang ng posibilidad ng
pag-angat, hindi ng aktwal na pag-angat.
• Walang kalakarang politikal na protesta sa kulturang popular (walang
matagumpay na consumer group, walang nagtagumpay na boykot…)
• Ang politikal na protesta ay matatagpuan sa labas ng karanasan ng
kulturang popular.
• Ang kosmopolitanismo ng politikal na protesta ay pagdadala ng agenda
(fantasy ideal) ng organisadong mamamayan para sa pagpapatupad
ng hustisya sosyal, ekonomiyang kalagayan, at politikal na
empowerment.

2. Melankolia ng Gitnang Uri


• Ang melankolia ay isang mental na estado ng pagluluksa ( mourning).
Ang sintomas ay depression, at mas matindi raw ito tuwing umaga. Sa
psychoanalysis, mayroong tanging puwang ang melankolia. Paratihan
ang pagluluksa sa love object, at hindi magawang ilibing ito.
• Sa politika, ang melankolia ay ang sistematisasyon ng pag-aabang sa
nais dumating kahit mas malaki ang posibilidad na hindi ito
makakarating.
• Nag-aantay ng tunay na pagbabago. Isang pangulong hindi magiging
gahaman, hindi lubos ang pangungurakot, may kapasidad na mag-
moderate ng greed. Isang pamahalaang pinahahalagahan ang
serbisyo publiko, hindi ang pananaw na ang publiko ang
magseserbisyo sa kaniya. Isang pamayanang ligtas sa kapahamakan,
maunlad at makatao. Isang lipunang may trabaho, katarungan at
nakasasapat na kita para sa lahat.
• Paratihan na lamang nag-aantay sa pagbabago ang mamamayan. Para
mapabilang sa gitnang uri, ang taunang kita ay dapat nakapaloob sa
₧251,283 hanggang ₧2,045,280. Sa sosyoekonomikong katangian,
ang gitnang uring pamilya ay dapat nakapasok sa lahat ng sumusunod
na mga requirement: ―1) whose housing unit is made of strong roof
materials; 2) who owns a house and lot; 3) who owns a refrigerator;
and 4) who owns a radio.‖ Natagpuan ng pag- aaral ng National
Statistics Office na ang pangkalahatang populasyon ay gumagasta ng
mga sumusunod: 1) pagkain, 46.58 porsiyento; 2) pabahay at
pagkumpuni, 16.8 porsiyento; 3) transportasyon at komunikasyon, 7.52
porsiyento; 4) gasolina, ilaw at tubig, 6.95 porsiyento; at 5) edukasyon,
3.83 porsiyento.
• Batay pa rin sa pag-aaral, ang pinakamababang pinagkakagastusan ay
ang mga sumusunod: 1) libangan, 0.38 porsiyento; 2) iba pang bagay,
1.04 porsiyento; 3) tabako, 1.19 porsiyento; 4) kalakaran sa bahay,
1.23 porsiyento; at 5) gamit at kasangkapan sa bahay, 1.76 porsiyento.
Maging ang gitnang uri sa bansa ay hindi rin nakapaglulustay nang
lampasan. May pagkakahalintulad ang kaniyang paggastos sa
nakararami sa populasyon.
• Mayroong melankolia ang gitnang uri dahil sa dalawang bagay. Una,
intermittent o irregular ang gitnang uring buhay, na sa isang aksidente,
trahedya, matinding pagkakasakit o sabayang enrollment ng mga
anak ay hindi na nakakayanang matustusan ng sariling kita,
nangungutang na kundi man nakapagsasangla at nakapagbebenta ng
mga ari-arian. Serialisadong melankolia dahil panandalian lamang ang
posisyon ng gitnang uri. Paratihang nagsisimula na naman sa sikliko ng
pagtratrabaho, pagtustos sa malakihang gastos, pangungutang,
pagbabayad- utang, at muling pagtatrabaho.
• Ikalawa, hindi naman talaga gitnang uri ang ―gitnang uri,‖
napapaastang gitnang uri ang gusto—lifestyle, kalakaran,
operasyonalisasyon, tunguhin at kalidad ng buhay—ng hindi aktuwal
na gitnang uri.
• Melankolia dahil paratihang ibinabalik ng pagiging di gitnang uri—ang
mayoryang underclass—ang gitnang uri. Na kahit saglit at panandalian
itong nadaranas, kahit mas matagal ang kinakailangang paggawa para
kumita, itinuturing na ito bilang preferensiya ng kalidad ng buhay.
• Sa lente ng buhay ng gitnang uri, ang uring afiliasyon ay nagbabago.
Nagkakaroon ng pagtatraydor (betrayal) sa uring pinagmulan (class
origin) para ang identifikasyon ay pumanig sa abstraksiyon at
materyalisasyon ng gitnang uri. Abstraksiyon ito dahil nga sa mas
maraming pagkakataon ay dinaranas lamang ito sa malawakang antas
ng fantasya, ng imahinaryong makakamit din ang gitnang uri sa di
malayong hinaharap. Materyalisasyon ito dahil nga sa pamamagitan ng
sachet
• economy, charity at casino public service, manaka-nakang
napaparating ang pribilehiyadong karanasan ng gitnang uri. Tulad ng
imahinaryo, ang gitnang uri
ay nililikha bilang abot-kamay,
• abot-tanaw na panuntunan. Parang kay daling abutin kahit hindi.
• Ang akses man sa kulturang popular ay sa pamamagitan ng gitnang
uring panuntunan. Kailangang gumasta—ibig ding sabihin, kailangang
tumbasan ng lakas-paggawa—para makaranas ng kulturang popular.
• Nagpapaalam tayo sa pasakit at pighati para matagpuan ang
kasiyahan. May ligaya sa kamangmangan ang umaastang gitnang uri.
Kahilingang i-off ang switch ng aktuwalisasyon ng kahirapan para
madanas ang ilang saglit na kaligayahan o kayamanan. Sa bawat saglit
ng abang buhay—ang kolektibisasyon ng 80 porsiyentong mababang
uri at 20 porsiyentong gitnang uri— napapaindayog sa kumpas ng
tugtog ng isang porsiyento.

3. Materyal na Kahirapan, Gitnang Uring Fantasya


• Ang kaniyang materyal na kahirapan ay napapalitan ng imahinaryo ng
abot- tanaw (puwede-puwede na muna), at abotkamay na gitnang
uring panuntunan ng buhay.
• Ang nangyari sa edad ng neoliberalismo ay ang pagtanggal ng welfare
na aspekto ng estado, ang pag-alis ng inaasahang tulong ng mga
mamamayang nawalan ng kabutihan ng buhay dulot ng masibong
ekonomiyang maniobra ng pamahalaan at negosyo. Kung nawala ito,
ang direksiyon ay tungo sa kaniya- kaniyang pagsagip ng sarili. Wala
nang katiyakan ang bukas, o kundi man, wala nang maasahan sa
gobyerno dahil nagsisiste na ito sa sariling papel sa global na buhay—
ang buksan ang landas para sa pagpasok ng dayuhang kapital, at ang
pagsasabatas ng mga alituntuning kaugnay nito.
• Isinusugal niya ang kaniyang kinabukasan dahil ang materyal na
kasalukuyan— kasama ng historikal na uring pinanggalingan— ay hindi
nakasasapat. Nadadale siya sa pyramiding scheme na get-rich-quick
na modalidad na pang-ekonomiyang
pag-angat. Nalulugi siya sa negosyong pinasok. Natatalo sa mga
isinugal. Nangungutang kapag may nagkakasakit sa pamilya. Silang
gitnang uri ay naniniwala sa imahinaryo ng gitnang uring fantasya.
• Kulturang popular na lamang ang malawakang tinatangkilik, at dito na
lamang naghahanap ng subersibong kahulugan at pagbasa na taliwas
sa hegemoniya ng naghaharing uri. Akademiko ang treatment, at alam
natin na walang nabago ang akademya sa praktika ng pag-iisip at
pagkilos ng malawakang mamamayan.

MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON :


Maikling kwento ni Greg Bituin Jr.
– Ang MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON ay tumatalakay sa isang
makatotohanang senaryo na kung saan masasalamin kung paano
nabubuhay ang mga tao sa ―squatter area‖.

MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON


Maikling kwento ni Greg Bituin Jr.

Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang


tahanan. Wala nang tirahan ang kanyang pamilya. Ang kanyang bunso'y iyak
ng iyak dahil marahil sa lamig ng gabi. Ang langit na ang kanilang kisame.
Kanina, nasa trabaho siya. Nakatutok maghapon sa makina. Walang
obertaym kaya maagang nakalabas. Subalit nagyaya pa ang isang kasamahan.
Tigalawang bote ng beer muna bago umuwi.
Pagdating sa inuuwian, nag-iiyakan, nagsisigawan, malalakas na boses
ang kanyang nadatnan. Habang ang iba'y muli namang itinatayo ang kanilang
nagibang barungbarong. Nagbabakasakaling maibalik ang buhay na nawala sa
buong maghapon.
Inilagay niya sa pinggan ang binili niyang pansit upang pagsaluhan
nilang mag- anak. Habang kanyang iniisip, anong kinabukasan mayroon ang
kanyang mga anak sa lugar na iyon? Kailangan na ba nilang lumipat at ialis
ang kanyang pamilya roon? Magiging makasarili siya kung iyon ang gagawin.
Iiwan ang iba sa laban habang siya'y tatakbo sa kinakaharap na suliranin
upang pamilya'y iligtas.
Ah, naisip niya. Dapat pag-usapan ng buong komunidad ang kanilang
kalagayan at anong mga hakbang ang dapat nilang gawin. Hindi dapat
magkawatak-watak para isa-isang iligtas ang kani-kanilang pamilya. Dapat
ngang mag-usap na sila't magkaisa kung may relokasyon bang nakalaan? Kung
paano ang gagawin kung gigibain silang muli? o magkaisang magmartsa ang
buong komunidad sa tanggapan ng punong alkalde upang malutas ang
kanilang problema sa paninirahan.
Tama. Ito ang kanyang gagawin. Sasabihan niya ang mga kapitbahay
niyang magbuo na ng samahan ng nagkakaisang magkakapitbahay sa lugar na
iyon. Dapat nilang pagkaisahin ang buong komunidad upang ipagtanggol ang
kanilang karapatan sa paninirahan at para sa kinabukasan ng kanilang mga
anak. Bukas na bukas din.
ANG MAHIRAP, LALONG PINAHIHIRAPAN Ni Kokoy Gan
– Mula sa akda masasalamin ang kawalan ng pagkakapantay pantay sa
pagitan ng ibat ibang estado ng ating lipunan.Makikita na mas
nagkakaroon ng mas magandang opurtunidad at pagtrato ang mga
taong may mas mataas na estado sa ating lipunan.

ANG MAHIRAP, LALONG PINAHIHIRAPAN


Ni Kokoy Gan

Sabi nga... "Ang mayaman lalong yumayaman at ang mahirap lalong


naghihirap.‖ Bakit nga ba may ganitong salita. Totoo ba ito? Pero may isang
nakakarinding panunuya ng mga mayaman. Kaya raw may mahirap dahil
tamad at walang walang diskarte sa buhay. Hindi raw nagsusumikap. Pero may
mga iba diyan may mga ilang pinalad at naging instant yaman.
Bulnerable talaga ang mahirap, dahil may mga pagkakataon na
nagagamit ng mayaman ang mahirap. Nagagawang alipin dahil sa kakarampot
na salapi para sa kanyang pangangailangan para mabuhay. Ang iba
nasasadlak sa kumunoy,naipagpapalit ang dangal at puri dahil pag hindi nya
ginawa ito siya ay unti unting mamatay.
Isa lamang iyan sa mga dinadanas ng mga mahihirap na hindi man iyan
maitatanggi dahil kitang kita iyan sa mga nangyayari. Pero ang mayaman ay
nagsasamantala sa mahirap, ginagamit ang pera para sa kanilang kapakanan
at kapritso.
Hindi kapani-paniwala, meron ding taong mayaman na ipinapantay niya
ang kanyang pamumuhay para lasapin o pantayan ang maging mahirap
sapagkat ito lang ay pagkukunwari. Hindi ko sinasabi na ang mahirap ay
madaling mabili lalo na sa mga panahon ng eleksyon pero may patunay
naman lalo sa mga kanayunang mataas ang antas ng kahirapan. Sa tuwing
halalan, bumabaha ang salapi at nanalo ang kandidatong nakakalamang ang
yaman.
Pero hindi pa iyon ang mga politikong trapo lalo na sa mga mambabatas
ang ginagawa nila para mapanatili sa poder ng kapangyarihan at yaman.
Nakikipag-alyado sa mga malalaking bilang na pareho ng kanilang interes. Ang
siste pa, gagawa sila ng mga batas na pumapabor sa mayaman. Isang
kahibangan at kitang-kita na inilusot nila ang chacha na sa pormang
federalismo. Nakakarindi at nakakatakot ang ganitong nakikita natin sa
ganitong resulta, ipinagpapalit na ang kapakanan ng bayan at ng kanilang
dignidad.
Ang nakakatakot pa tiyak gagamitin ng mga kaalyado ang kanilang
pondo para siguraduhing pag nagkaroon ng plebisito, lalansihin ng mga
birador ang mayorya ng mahihirap para sa kanilang kapakanan. Ano ba ang
mga binago nila sa mga probisyon na ginawa ng constitutional convention na
paglimita sa 3 terms na ginawa nilang no term limit at tuloy ang political
daynasty. Pag nangyari iyon tuloy-tuloy ang kanilang
kasawapangan na kahit batas ang kanilang gagawin ay malaya na nila itong
magagawa dahil maglalagay na sila ng mga regulasyon para sa kanilang
proteksyon.
Kitang-kita naman ang kanilang balak. Magkakadugtong ang pulitikong
trapo at kapitalistang namumuhunan sa panahon ng eleksyon, para pag
naipanalo na, magiging proteksyon na sa kanilang negosyo na ang iba pa sa
kanayunan ang mga politikong nakaupo ay kinukontrol ang negosyo sa
kanilang lugar. Yong mga serbisyo gaya ng tubig, cable at kung anu-ano pa ay
kanilang pinapasok para magpayaman at pag may eleksyon uli may pambili n
naman ng boto??
Bakit may may manluluko at naluluko? Sabi nga kung walang
magpapaluko walang manluluko. Bakit ang mahirap nagpapauto sa mayaman
at pulitikong trapo? Samantalang may mga batayan na. Saan ba dapat
matuto? Di ba sa karanasan at pagtuklas? Matuto na ‗yong mga uring api.
Huwag magpa-bodol-bodol sa mapanlinlang na ang hangad lamang ay
kanilang sariling interes. Bagamat nandiyan ang kamay ng neoliberal na
huhugpong.
Dapat nating ipakita ang pagkakaisa bilang mayorya at labanan ang
pang-aapi sa mahirap.

Tula: BACLARAN ni Edelio De los Santos


– Ang akda ni Edelio De los Santos ay nagpapahiwatig ng paglalarawan
sa estado ng mga taong lansangan sa may Baclaran. Ito rin ay
nagpapahiwatig kung paano sila mamuhay sa pang araw-araw.
Inilarawan rin kung paano sila tingnan ng ibang tao na mistulang mga
basura.

BACLARAN
tula ni Edelio De los Santos

Tahanan ng diyos ay 'di


kalayuan, may mga mag-anak,
higaa'y bangketa, katabi'y
sugalan nilang mayayaman.

Amoy-palikuran, ugong ng
lansangan, sa lupa ang langit ay
hindi makita, tahanan ng diyos
ay 'di kalayuan.

Sa sidhi ng hangad masidlan ang


tiyan, dangal niyang taya, barya
ang kinita, katabi'y sugalan nilang
mayayaman.

Kung buhay magbiro, papatak ang


ulan, hahanap ng silong ang basang
pamilya, tahanan ng diyos ay 'di
kalayuan.
Sa kulob at erkon na mga
sasakyan, ang tingin sa kapwa,
hawig ng basura, katabi'y
sugalan nilang mayayaman.

Sa gilid ng panghi't tuwid daw na


daan, pag-unlad ng bansa'y huwad
na pag-asa, tahanan ng diyos ay 'di
kalayuan, katabi'y sugalan nilang
mayayaman.

IBA PANG AKDANG TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN

Kahirapan sa
Pilipinas Akda
ni Ghie
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa.
Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa,
pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?
Sabi nga nila, ―Katamaran ay katumbas ng Kahirapan‖. Tama sila, at
tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali.
Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang
trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang
mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na
lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat
na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang
ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.
Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng
ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa
pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para
sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang
totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa
rin sila sa maling gawain nila.
Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating
bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng
matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa
kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang
empleyado lamang.
Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang
naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong
pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking
kamalian sa parte ng mga pinuno.
Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga
Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang
ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat
na bata ngayon sa lansangan,
walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga
mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.
Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay
magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang
kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating
pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero mukhang hindi
nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at
ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno.
Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap,
tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang
pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng
ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago
para sa ikauunlad nating lahat.

Itaboy ang Kahirapan, Hindi ang


Mahihirap Akda ni Gregorio V. Bituin Jr.
(Taliba ng Maralita, Oktubre-Disyembre 2003)
Ayon sa gobyerno, kailangang labanan ang kahirapan. Pero ang solusyon
nila para labanan ang kahirapan ay itaboy ang mga mahihirap. Ang pananaw
na ito ng gobyerno, pati na rin ng mga kapitalista at naghaharing iilan sa
lipunan, ay makikita sa sumusunod na kwentong bayan:
―Bibisita ang isang hari sa probinsyang kanyang nasasakupan, at
ipinabatid niya ito sa mga namumuno sa bayang yaon. Dahil dito, naghanda
ang gobernador ng lalawigan at inatasan ang lahat ng kanyang mga kabig na
kailangang matuwa ang hari sa pagdalaw nito sa kanilang bayan. Ngunit sa
dadaanan ng hari ay may mga barung- barong na pawang mga mahihirap ang
nangakatira. Hindi nila maitaboy agad-agad ang mga tao dahil tiyak na lalaban
ang mga ito. Kaya ang ginawa ng gobernador ay pinatayuan ang paligid nito
ng mahabang pader upang sa pagdaan ng hari, ay hindi nito makita ang
karumal-dumal na kalagayan ng mga mahihirap.‖
Hindi ko maalala kung saan ko nabasa ang kwentong ito, pero ang aral
ng kwentong ito‘y nahalukay ko pa sa aking memorya. Sa esensya, karima-
rimarim sa mga mata ng naghaharing uri sa lipunan ang mga mahihirap dahil
ang mga ito‘y
―nanlilimahid, mababaho, mga patay-gutom at mababang uri‖. Kaya
nararapat lamang na ang mga mahihirap na ito‘y itago sa mata ng hari, at
palayasin o itaboy na parang mga daga sa malalayong lugar.
Kaya naman pala patuloy ang demolisyon sa panahong ito. Demolisyon
ng barung-barong ng mga mahihirap dahil sila‘y masakit sa mata ng
gobyerno‘t kapitalista. Demolisyong ang pinag-uusapan lamang ay maitaboy
sa malalayong lugar ang mga mahihirap. Demolisyong hindi pinag-uusapan
ang kahihinatnan ng mga mahihirap sa lugar ng relokasyon at pagkalayo nila
sa lugar ng kanilang hanapbuhay.
Kung ganoon, para sa gobyerno‘t kapitalista, para labanan ang
kahirapan, itaboy ang mahihirap. Ito ang esensya ng demolisyon.
Pero para sa mahihirap, para labanan ang kahirapan, itaboy ang
nagpapahirap.
Ito ang esensya ng rebolusyon.
Teka, hindi pa tapos ang kwento: ―Nang dumating ang hari sa bayang
nasabi, ipinagbunyi siya ng mga tao at nakita ang kaayusan at kaunlaran ng
lugar. Kaya ang
sabi ng hari ay gagantimpalaan niya ang gobernador dahil sa malaking
nagawa niya sa lalawigan. Sa pag-uwi ng hari mula sa maghapong pagdalaw
sa probinsya, napansin niya ang mahabang pader na agarang ipinatayo ng
gobernador. Hiniling niyang makita ang nasa kabila nito. Walang nagawa ang
gobernador. Dito‘y agad nakita ng hari ang kalunus-lunos na kalagayan ng
mga nakatirang mahihirap sa kabila ng pader. Itinatago pala ng gobernador
ang tunay na kalagayan ng lalawigan. Bumaba ang hari‘t nakitang maraming
namamayat at ang iba‘y halos mamatay sa gutom, marami ang nagkakasakit
at walang nag-aasikaso. Dahil dito, binawi ng hari ang gantimpalang sana‘y
ibibigay niya sa gobrnador.‖
Sa pinakasimple, para itaboy ang kahirapan, dapat resolbahin ito ng
pamahalaan pagkat sila ang namumuno at nasa poder ng kapangyarihan.
Hindi nararapat na basta na lamang itaboy ang mahihirap pagkat sila‘y biktima
lamang ng kahirapan, biktima ng bulok na sistemang nag-anak sa kahirapang
kanilang nararanasan. Walang silbi ang isang gobyernong hindi kayang lutasin
ang problema ng kanyang mga nasasakupan. Dahil doon, nararapat lamang
silang mawala sa poder.

Kahirapan na walang katapusan


(Pang-Masa, Marso 30, 2015. Galing sa Philstar.com)
Maganda ang forecast sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2015. Maaari
raw umangat ng 6-7 percent ang kabuhayan. Nakikita na umano ang mga
palatandaan. Noong 2012, umangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent.
Tuwang-tuwa si President Noynoy Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki
niya ito. Sabi, ang pag- angat ng ekonomiya ay dahil sa ―maayos na
pamamahala‖ ng kasalukuyang pamahalaan.
Ang nakapagtataka, sa kabila na umaangat ang ekonomiya, bakit
marami pa rin ang naghihirap at nagugutom. Bakit marami pa rin ang walang
trabaho? Bakit marami pa ring palaboy?
Sa latest Pulse Asia survey, 40 percent ng mga Pilipino ang nagsabing
hindi sila satisfied sa ginagawa ng gobyerno kung paano malulutas ang
kahirapan ng buhay. Wala pa ring pagbabago sa buhay ng mga dukha at lalo
pa umanong nalulubog sa kumunoy ng kahirapan. May ginagawang paraan
ang gobyerno gaya ng pagbibigay ng financial na tulong sa mga mahihirap na
pamilya pero ito ay hindi garantiya na magpapabago sa buhay ng mga dukha,
sa halip tinuturuan lamang na umasa at maging depende sa pamahalaan.
Hindi na nagnanais magsikap at bagkus naghihintay na lamang ng babagsak
sa kanilang bunganga.
Hindi magawa ng gobyerno na mapagaan ang pasanin ng mga
mahihirap. Kahit na maraming beses nang nag-rollback ang petroleum
products, ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nananatili pa ring mataas.
Walang makitang pagsisikap ang pamahalaan para mabigyan ng kagaanan
ang maraming Pinoy na isang kahig, isang tuka.
Marami sanang mapagkukunan ng ikabubuhay sa bansang ito pero
kulang ang pagsisikap ng gobyerno. Ang agricultural sector na maraming
pagkukunan ng pagkakakitaan ay nakakaligtaan. Sa halip na tulungan ang
mga magsasaka na kumita
mula sa inaani, mas pinapaboran pa ang pag-iimport ng produkto – halimbawa
ang bigas at sibuyas.
Hindi matatakasan ang kahirapan at kagutuman, dahil walang sistema
ang gobyeno kung paano lulutasin ang problema. Nababaluktot ang daang
matuwid.

Ugat ng “katamaran” sa kasaysayan


Panahon pa ng mga Kastila‘y naobserbahan na ang katamaran daw ng
mga
―Indiyo‖ (―Indiyo‖ ang tawag noon ng mga Kastila sa mga katutubong
Pilipino). Ang kanilang obserbasyon, magtatrabaho lamang daw ng ilang oras
ang mga Pilipino pagkatapos ay uuwi na sa bahay at wala nang gagawin,
tatambay na kung baga, hanggang hapon na. Pagkatapos sa hapon naman ay
pupuntang muli sa linang na sinasaka magbubungkal ng kaunti tapos uuwi na
at kung may makakasama ay mag- iinom na ng ―tuba‖ o kahit na anong alak.
Kaya naturingang tamad ang mga ninuno natin.
Ang hindi naisip ng mga Kastila ay magkaiba ang klima ng Pilipinas at
Espanya. Sa Espanya malamig at iba‘t iba ang panahon, may tag-araw
(summer), may tag-yelo (winter), may tinatawag na tagsibol (spring) at
taglagas (autumn/fall). Sa Pilipinas dalawa lang ang panahon, tag-araw at tag-
ulan. Sa Espanya iba‘t ibang panahon iba‘t ibang pamamaraan ng pagtrabaho,
madalian ang pagtanim dahil tatlong buwan lang ang tagsibol, kailangang
mayroon sapat ng supply ng pagkain sa panahon ng taglamig dahil walang
tumutubo sa panahong ito. Samantalang sa Pilipinas napakasimple lang ng
panahon at sa buong taon ay maaaring magtanim, at noong panahong iyon
sagana sa kagubatan at mga hayop. At dahil mainit ang klima hindi maaaring
magtrabaho sa maghapon kung kaya nagpapahinga ang mga tao sa tanghali
hanggang hapon.
Hindi dahil sa katamaran ang dahilan kung bakit naghirap ang ating mga
ninuno. Ang dahilan ay ang pananakop ng mga Kastila na kumamkam ng ating
mga lupain. Nawalan ng lupang sasakahin ang mga Indiyo at ang mga ito‘y
napunta sa kamay ng mga dayuhang mananakop. Ano‘ng nangyari sa mga
Indiyong ninuno natin? Sila‘y naging mga mangagawa sa mga malalawak na
hacienda ng mga Kastila at nang mga may dugong Kastila, na halos mistulang
alipin ng mga mananakop. Ang iba‘y sapilitang pinagtrabaho sa mga
pagawaan ng ―galleon‖ at sumasama sa paglaban sa mga pirata, at iba pang
mga gawain tulad ng paggawa ng mga Simbahan, mga gusali ng gobyerno at
ng mga kalsada. Ang tawag dito‘y ―polo‖ o ―forced labor‖ at walang bayad.
Sino ang gaganahang magtrabaho sa ganitong kalagayan? Araw-araw,
taun- taon, dekada kada dekada, at daang taon, ang mga ninuno natin ay
naging mga alipin ng mga mayayamang haciendero at walang nakikinitang
paglaya sa ganitong uri ng pagkaalipin, kung kayat napaniwala nila ang
kanilang mga sarili na iyon na talaga ang swerte ng kanilang buhay.
Kailangang magtiis dahil sa langit, ayon sa turo ng Simbahan, ay may
nakalaang biyaya ng kaligtasan at kaluwalhatian. Kaya tinawag na
―fatalistic‖ ang mga mahirap dahil sa paniniwalang ang kahirapan ang swerte
nila sa buhay.
Ang mga ninuno natin sa gitna ng kaapihan at pagkaalipin ay madalas
pang inaalipusta ng mga mayayamang haciendero komo sasabihing sila‘y mga
hampaslupa,
walang pinag-aralan, mga bobo at ignorante, patay-gutom, at ito‘y natanim sa
kanilang diwa sa mahabang panahon hanggang sa ngayon, kung kaya‘t
ganoon na nga ang paniniwala ng mga mahihirap. Ang pakiramdam nila‘y
kulang ang kanilang pagkatao, kakaiba sila sa mga marangya at nakakataas sa
lipunan. Kaya‘t sa tuwing makakaharap sa mga mayayaman ay sunud-sunuran
lamang ang mga ito at wari‘y nanginginig pa, hindi makapangatwiran kahit na
hindi makatarungan para sa kanilang ang ipinagagawa o ang nais mangyari ng
mga naghaharing uri.
Sa panahon ngayon ito‘y nagaganap pa rin, katulad ng pagtrato ng mga
namamahala ng mga kumpanya sa kanilang mga empleyado o ng mga pinuno
ng pamahalaan o burukrasya sa mga karaniwang kawani nito, maging sa
Simbahan man sa pagitan ng mga pari at madre at ng karaniwang layko, o sa
tahahan mismo kung paano ituring ng mga amo ang kanilang mga katulong o
kasambahay. Dahil sa pag- tratong may pang-aalipusta ang mga mahirap ay
tuluyan nang nawalan ng tiwala sa sarili nilang kakayahan sa paniniwalang
wala silang magagawa dahil sa sila‘y ―pobre‖ lamang. At dahil dito‘y hindi na
nagkaroon ng hangad na magsikap kaya‘t naging
―apathetic‖ na rin sila. Nakaukilkil na sa kanilang mga puso, isip at kaluluwa
na ganito na talaga ang buhay. At ito‘y namana natin sa ating mga ninuno
hanggang sa ngayon.
Ngunit sa kabila ng kanilang mababang pagtingin sa sarili ang mga
mahirap ay nangangarap din na magkaroon ng magandang buhay, na maging
katulad ng mga mayayaman at naghaharing uri sa lipunan. Sa kanilang
palagay ang pagiging ganap na tao ay ang katulad ng mga mayayaman, at sa
tingin nila magiging ganap lamang ang kanilang pagkatao kung sila‘y
makaahon sa kahirapan. Kaya nga marami sa mga mahihirap, na tinatawag na
―masa‖, ang nalululong sa mga telenobela o mga palabas sa telebisyon lalo‘t
kung may kuwento ng mahihirap na umasenso, pagka‘t sa sandaling panahon
ng panonood ay nakakalimutan nila ang kanilang mga suliranin sa buhay at
nakikita nila ang kanilang mga sarili doon sa mga bida sa mga telenobela at
nangangarap na mangyari din ang pagtatagumpay sa kanilang buhay.
Ganito rin maipapaliwanag ang pagkakalulong ng mga mahihirap sa
alak. Sa karaniwang araw ang turing nila sa kanilang mga sarili‘y mga
hampaslupa, walang kwenta at api, ngunit sa kaibuturan ng kanilang mga
puso‘y naghahangad ding umasenso at makaahon sa kahirapan. Datapwa‘t
dahil wala silang nakikinitang pag-asa sa abang kalagayan, ay idinadaan na
lamang ang kanilang mga problema sa pag-inom kung saan panandaliang
nakakalimutan nila ang kanilang abang kalagayan. Sa kalasingan nagkakaroon
sila ng sariling mundo, ang mundo na nais nilang manyari sa kanilang buhay
na hindi nangyayari sa tunay na buhay. Kapag sila‘y nalalasing lumalabas sa
kanilang mga bibig ang mga hindi nila masabi sa karaniwang araw, katulad ng
mga hinaing, mga hinanakit, o mga hangarin nila sa buhay, kasama na rin ang
pagyayabang na kaya nilang gawin ang lahat.

Paano natin ipapaliwanag ang kahirapan sa Pilipinas?


Akda ni Philip Emmanuel Penaflor, PhD
Bakit ba mahirap tayo kahit na umaangat daw ang ekonomiya ng ating
bansa? Ilang pangulo na ba ang nagsabing umuunlad na ang ekonomiya ng
bansa ngunit ito ba‘y nararamdaman ng karaniwang mamamayan? Sino ba
ang nakikinabang sa pag-
angat ng ating ekonomiya? Babalik tayo sa tanong noon ng mga awtor o
manunulat patungkol sa human development na ―Development for Whom?‖
―Para kanino ba ang pag-unlad‖?
Masalimuot ang usaping kahirapan sa ating bansa. Kung tatanungin
natin ang mga mayayaman ang tiyak na sasabihin nila‘y ―marami kasi sa atin
ang tamad‖. At hindi naman natin sila masisisi sa ganitong pananaw dahil
umagang-umaga pa lamang nakikipag-inuman na ang ibang mga kalalakihan
sa barangay, walang kusang magbanat ng buto, at naghahangad na lamang
ng biglaang kita na parang ―instant coffee‖. Ang iba sa halip na maghanap ng
kapakipakinabang na trabaho ay nagbabakasakali sa sugal, at habang natatalo
ay lalong nagpipilit na makabawi hanggang sa malulong sa sugal at
magkabaon-baon sa utang na lalong nagpapalugmok sa kahirapan. Ang lalong
nagpapabigat sa ganitong problema, wala na ngang trabaho, ayaw magbanat
ng buto, saksakan pa ng bisyo – sugal, alak o droga. Siga pa, palaaway,
nambubugbog ng asawa o mga anak. Kaya paano nga naman aasenso?
Bakit nga ba marami sa atin ang tamad, batugan, ayaw magbanat ng
buto, pero nangangarap ng masarap na buhay? Ay di hanggang pangarap na
lang tayo?
Kung tatanungin naman ang mga aktibista kung bakit mahirap tayo ang
kanilang sasabihin ay ―dahil sa pagkakasakal ng mga mayayaman at
naghaharing-uri sa lipunan‖ katulad ng mga panginoong may-lupa at mga
negosyante na madalas sila rin ang mga pinuno sa pulitika. At dahil sila ang
mga namumuno sa pulitika ang kanilang mga balakin at gawain ay patungo sa
higit na pagpapaibayo ng kanilang mga interes, ng kanilang mga negosyo at
ng kapakanan ng kanilang mga pamilya lamang. Kaya nga sila tumatakbo sa
pulitika ay upang ma-proteksiyunan ang kanilang mga negosyo at iba pang
mga interes, hindi talaga kapakanan ng mga tao ang layunin nila. Kaya patuloy
na lumalaki ang agwat ng mayaman at mahirap.
Kaya ano nga ba ang dahilan ng ating kahirapan? Katamaran nga ba? O
ang paghahari ng mga mayayamang panginoong may-lupa o may-negosyo?
Maaaring may katuwiran ang parehong argumento, at higit pa, sapagkat
maaaring may kaugnayan ang dalawang dahilang ito.

Mga Akda ni Rogelio L. Ordonez Patungkol sa Kahirapan


– Unan
– Natitigan Ko Mukha Ng Pagdurusa
– Di na Ako Makahabi ng Tula
– Lumuluha Tayo‘t Nananaghoy
– Sa Pasigan Ng Kamalayan
– Sa Pagitan Ng Dilim At Liwanag
– Kape Ko‘y Walang Krema Ni Asukal

Bisitahin lamang sa: https://plumaatpapel.wordpress.com/page/2/


Mga Tula Hinggil sa
Kahirapan Unan
August 6, 2015 by plumaatpapel ni oo, isang totoong unan
Rogelio L. Ordonez lamang kahit punda‘y katsa o
(Tula) kamiseta isang totoong unan
lamang hindi kapirasong bato
(masidhing pinapangarap ng isang o nilamukot na mga diyaryo
batang babaing matagal nang upang mapayapang
nakatira‘t natutulog sa bangketa) mahimbing naglalagalag na
isipan
totoong unan lamang
at sandaling matakasan
laging naglulunoy sa iyong
rumaragasang hilahil
pangarap sa halos limang taon
sa bawat gabi ng pananagimpan
nang paglalakbay
para sa pagsilay ng umagang
sa lumuluhang gabi ng dilim at
makulimlim
sagimsim sa bangketa man ng recto
at lagi‘t laging
o abenida
naninimdim di matamlay
sa gubat ng lungsod ng dalita‘t
na apuhapin
dusa.
sa bituka ng nagtatanod na kariton
alinman sa dadalawang
totoong unan lamang
unipormeng halinhinang humahalik
kahit gawa lamang sa lumang
sa katawan
basahan at di sa malambot na
sa pagpasok sa pampublikong
bulak ng mayaman
paaralan at sa paglalakbay ng
kapiling mong matutulog sa
isipan
bangketa bulag na ina at amang
daluhungin man lamang kahit
lupaypay sa pagpadyak
saglit ng anag-ag ng pag-asa
sa traysikel ng buhay at pag-asa.
puso‘t diwang nangungulila
sa mailap na mga petalya ng
oo, isang totoong unan lamang
rosas ng lantay na pagsinta.
huwag nang isang parisukat na
kuwarto sa barungbarong man sa
oo, isang totoong unan
gilid ng estero huwag nang isang
lamang tangi mong pangarap
tablang bangkinito… sapat na
sa bawat paghimlay
kapirasong karton at malamig na
sa malupit at
semento
marahas
habang pinaglalaro sa utak
madilim na gabi ng buhay!
mga lapis at libro
mga papel at Natitigan Ko Mukha
kuwaderno mga letra Ng Pagdurusa
at numero January 25, 2015 by plumaatpapel
hubad na pisara‘t daliri ng ni Rogelio L. Ordonez
yeso mga pandesal at
biskotso (Tula)
at mga ngiti ng kawalang-
natitigan ko
malay sa ilang oras na
mga mukha ng pagdurusa
paglalakbay
nakaukit sa mga bangketa
sa munti‘t nakabilanggong mundo.
ng sanga-sangang mga kalsada
nakapaskel sa dibdib ng mga
eskinita naghilera sa balikat ng mga pangamba.
canal de la reina sa kalunsuran ng
nakapinta rin ang mga nagmamakaawa?
iyon sa naninilaw na anong iyong ginawa
damuhan nang maulinigan mo hinaing
nakatulala sa mga pilapil at
pinitak ng kabukirang di sibulan
ng pag-asa.

natitigan ko
mga mukha ng pagdurusa
sa mahaba ko nang
paglalakbay sa pagitan ng
dilim at liwanag sa mga burol
at sabana
hanggang sa aspaltadong mga
kalsada mga mukha iyong
malamlam ang mga mata
kumikibot mamad na mga
labing umaamot ng
kapirasong ligaya sa kulimlim
na papawirin
ng dalita‘t dusa.

oo, natitigan ko
lahat na yata ng mukha ng
pagdurusa umuukilkil, nanunumbat
sa puso ko‘t kaluluwa
gumugutay sa himaymay ng
aking laman
humahagupit sa pinto ng isipa‘t
katinuan anong iyong ginawa nang
parang ulilang sigang
unti-unting naghihingalo apoy ng
pag- asa
sa mga mukhang kamukha ng
iyong mukha?
mahimbing ka na lamang bang
matutulog
sa daluyong ng
pagsasamantala‘t inhustisya?

oo, natitigan ko‘t laging umaali-


aligid mga mukha ng pagdurusa
anong iyong ginawa nang makita
mong sila‘y humihikbi‘t lumuluha
sa hangin at sinag ng araw ay
ng mga labing natatakam ibig pang gahasain ng mga buntala.
at nangungulila sa kapirasong pag-
asa? matutulog ka na lamang ba‘t di na ako makahabi ng tula
magpapantasya pilantod na ang mga
o hihimuking lahat nang taludtod mga saknong ay
kamukhang ihasa‘t iwasiwas uugud-ugod di tuloy
tabak ng laya‘t ligaya? makaakyat sa gulod
mga eskinita ng parnaso‘y di
Di na Ako Makahabi ng Tula mayakap dibdib ng bangketa‘y di
February 7, 2016 by malamutak kinulaba mga mata at
plumaatpapel ni Rogelio L. di makita luha‘t pawis ng
Ordonez manggagawa‘t magsasaka
di marinig hinagpis ng mga
ilang araw na akong sawimpalad paano tutulain pa epiko
nakatulala sa papawiring ng pakikibaka ng sambayanang
makulimlim masa kung mga daliri‘y
di ako makahabi ng tula ikinadena‘t dinurog ng dusa?
tumakas at nagliwaliw ang mga muli akong maglulunoy sa iyong mga
salita nagkagutay-gutay papel ng alaala
kamalayan mga metapora‘y muli kong sasamyuin mga pulang
pumailanlang rosas sa ulilang hardin ng mga
sa kalawakang nilunok ng dilim pangarap muli kong idadampi ang
mga imaheng mapagmulat at palad
matulain at mga talinghagang sa nagnaknak na sugat ng mga
dapat arukin ibinartolina sa dantaon muli‘t muli kong
kagubatan ng pangamba at sa palalanguyin ang diwa
kabukirang di sibulan ng pag-asa
sa ilog ng dugo at luha nating mga kasawian
at magbabanyuhay ang lahat o dinudurog sarili nating mga
muling aalingawngaw singasing puso ng mga dagok ng karalitaan
ng punglo lumuluha tayo‘t nananaghoy
atungal ng kulog at bombang dahil napagmasdan natin
pumutok saka lamang, oo, saka mga aninong walang
lamang makahahabi ako ng tulang masulingan at mga katawang
magsasabog ng mga talulot ng ginagahasa ng karimlan
apoy sa puso‘t diwa ng uring sa mga gabi ng paglalakbay at
busabos at dayukdok! paglalamay
sa paghahanap ng liwanag
Lumuluha Tayo’t Nananaghoy sa gubat ng dilim at sagimsim
September 8, 2014 by lalo‘t walang kumikindat ni isang bituin
plumaatpapel ni Rogelio L. sa papawirin ng ating sagradong
Ordonez mithiin.
(Tula)
lumuluha tayo‘t nananaghoy
lumuluha tayo‘t dahil patuloy na binubukalan ating
nananaghoy di dahil mga mata
ipinagdaramdam natin sarili ng mga luha ng dalamhati ng
lahi habang naglilingkisan sa di para sa ating sarili
telon ng balintataw di para sa ating sikmura‘t katawang
mga eksena ng malagim na dinudusta
pelikula sa pinakasisintang la sa maalindog na mga templo‘t
tierra pobreza. lumuluha tayo‘t palasyo ng mga
nananaghoy mapagsamantalang pinagpala.
dahil hitik sa matimyas na bawat araw, namumukadkad ang
pagmamahal ating mga puso pagmamahal
sa himaymay ng ating laman
dahil mga ugat nati‘y karugtong ng
mga ugat
ng mga sawimpalad, ng uring
dayukdok at binubusabos
silang walang habas na ikinakadena
ng mga diyus-diyosan sa bilangguan
ng dalita‘t dusa

lumuluha tayo‘t nananaghoy


dahil dugo nila‘t dugo nati‘y
nagmumula sa iisang batis
ng sagradong mga pangarap at
adhikain at kapwa natin nakikita
mabining pagdausdos ng hamog
sa dila ng naninilaw na mga damo
sa burol man o sabana ng
pakikibaka oo, tigib ng
pagmamahal ating mga puso
para sa laya‘t ligaya ng
bayang pinakasisinta.
oo, lumuluha tayo‘t nananaghoy
dahil hitik puso natin ng matimyas
na pagmamahal
dinadaluyan ng malasakit at
pakikiramay sa lahat ng naglalagos
mga titig
sa mga bubong na pawid sa
kabukiran sa inaagiw na mga
eskinita sa kalunsuran
at nagdarasal na mga
barungbarong sa balikat ng
nagbalatay na estero
mulang tripa de gallina hanggang
canal de la reina.

lumuluha tayo‘t nananaghoy


dahil bumubulwak sa ating mga
puso matimyas na pagmamahal
ngunit nag-aalab ating mga kasakiman
utak habang nagdiriwang sa lulunod sa mga eskribano‘t
mesa pariseo sa mga hari-haria‘t diyus-
ng karangyaan at diyosan ng lipunang walang
mapagsamantalang kapangyarihan galang
silang mga diyus-diyosan ng sa sagrado nating
balintunang lipunan karapatan? wawasakin na
at titiguk-tigok naman lalamunan bang ganap
ng masang sambayanang
ibinubulid sa kumunoy ng
kahimahimagsik na karalitaan.
oo, lumuluha tayo‘t nananaghoy
ngunit ito‘y hindi magpakailanman
kapag tuluyang naglagablab mga
apoy ng sigang sinindihan sa ating
dibdib ng mga aninong kalansay na
ngayon magbabanyuhay rin ang
lahat
bawat patak ng ating luha‘y
huhulmahin sa pandayan ng layang
dakila
at magiging mga punglong
itutudla sa puso‘t lalamunan
ng uring baligho‘t gahaman
para sa ganap na katubusan
ng kadugong dayukdok at
alipin at ganap ding
kasarinlan
ng lugaming la tierra pobreza!
Sa Pasigan Ng Kamalayan
September 15, 2013 by
plumaatpapel ni Rogelio L.
Ordonez

(Tula)
sa pasigan ng
kamalayan hinihintay
ko tsunami
ng ngitngit ng
sambayanan… sa laot ng
dagat ng kamulatan
dumadagundong na‘t dumaramba
nag-aalimpuyong alon ng dugo‘t
luha ng dinustang mamamayan.
daluyong kaya silang
dadaluhong sa pader ng
ng delubyo ng pagbabago ―pagpag‖ mula sa inuuod na
mapanlinlang na mga templo basurahan silang hukot na mga
mapagsamantalang mga aninong naglalamay
palasyo ng iilang mga tuso‘t sa mga asyenda‘t pabrikang walang
abusado? humpay
sa kanila‘y umaalipi‘t nanlalamang.
sa pasigan ng kamalayan
nagnanaknak makadurog- oo, sa pasigan ng
puso‘t nananangis kamalayan di ako
na mga larawan ng hubad na magsasawang hintayin
kaapihan… tsunami ng ngitngit ng
silang hinihilamusan sambayanan parang mga bomba
ng dusa‘t luha‘t panambitan rin itong sasabog sa mesa ng
silang namamaluktot walang pakundangang
sa miserableng mga kapangyarihan
―condo‖ sa ilalim ng tulay at walang budhing karangyaan
ng kabiguan habang dinarambong ng iilang
kaulayaw ng mga insekto‘t tulisan
dagang ayaw kalingain ng di pati barya sa lukbutan ng
patas na lipunan silang araw- mamamayan at magiliw na
araw na sinisinghot alingasaw ng sinasamyo ng diyos ni mammon
nagbalatay na estero sa gilid- halimuyak ng kanilang hugo
gilid ng kalunsuran boss miyaki‘t bulgari‘t pierre
silang araw-araw na palaman sa cardin oo, may hangganan din
tiyan ang walanghanggan
kapag nag-alimpuyo‘t nanalasa
tsunami ng ngitngit ng ng mayayaman, saanman nanggaling
sambayanan di mapipigil ng ang kanilang kayamanan.
pader ng kaimbihan daluyong ng ——————————————————
paghingi ng katarungan delubyo —
itong lulunod-papatag
sa nabubulok-inuuod na lipunan! Sa Pagitan Ng Dilim At Liwanag
—————————————————— June 9, 2013 by plumaatpapel ni
— Rogelio
condo — mumunti, tagpi-tagpi‘t L. Ordonez
miserableng bahay ng mga (Tula)
naninirahan na lamang sa ilalim ng
mga tulay sa kalunsuran. kahit malimit
tayong nagugutom
pagpag — mga tira-tirang pagkain at kinakayod
na itinapon na sa basurahan at tumigas na tutong
pinagtitiyagaang pulutin ng mga sa puwit ng kalderong
maralita, huhugasan at muling ginahasa ng panahon
iluluto upang sila‘y may makain. tuloy pa rin
hugo boss, miyaki, bulgari at pierre madamdamin nating paglalakbay
cardin — mamahaling mga pabango sa pagitan ng dilim at liwanag
habang nagsasayaw
sa telon ng balintataw sa pagtahak sa madawag na
nagliliyab na mga gunitang landas sa pagsalunga sa mga
hitik sa mithiing dakila burol at talampas.
sinusuhayan ng mga ugat
niyon pinatatatag ng puno oo, patuloy tayong
niyong sintigas ng kamagong maglalakbay sa pagitan ng
mga tuhod nating nais nang dilim at liwanag kahit
sumuko nagbabanta
itim na balumbon ng mga
ulap kahit pumupusyaw
mapulang mukha ng araw
mga paa nati‘y
mananalunton
di sa tuwid na daan ng mga sukab
ng iilang diyus-diyosang
mandurugas kundi lagi tayong
kakaliwa
sa sangandaan ng paniniwala
tungo sa hardin
ng mahalimuyak na mga adhika
mabulas na mamumulaklak din
laya‘t ligaya
ng pinakasisinta
nating la tierra pobreza
magbabanyuhay rin ang
lahat tungo sa katubusan
ng dayukdok, binubusabos na masa.

oo, mga kapatid ko‘t


kasamang nakakilala
sa mga talulot ng luha
ng dalamhati ng lahi
nakarinig
sa tagulaylay ng mga sawimpalad
nakadama
sa hapdi ng bitukang
napilipit nakakita
sa pawisang mukha‘t
katawan ng namayat na
magsasaka‘t manggagawa
sa mga asyenda‘t pabrikang
sila‘y ibinartolina
oo, sa maalab nating
paglalakbay sa pagitan ng
dilim at liwanag hahantong din
ang ating mga paa sa
katuparan ng mga pag-asa
magdiriwang din tayo sa mesa ng laya‘t
ligaya sa susong natigang-naluoy ng
susunugin mga bangkay inang laging nagdarasal sa
ng uring bibig na puno ng ngitngit ng
mapagsamantala! amang laman ay nilamon
ng grasa‘t makina sa mga pabrika
Kape Ko’y Walang Krema
Ni Asukal
June 16, 2012 by plumaatpapel
ni Rogelio L. Ordonez
(Tula)
kape ko‘y walang krema ni
asukal maitim tulad ng gabing
humahalik makapal na ulap
sa mata ng gaplatong buwan
mapait tulad ng lugaming
buhay ng mga nilikhang
namahay namuhay sa ilalim
ng tulay yumakap-nangarap
sa mabahong tiyan at balikat
ng gumagapang na tripa de
gallina ng nakalupasay na canal
de la reina at naglilingkisang
mga eskinita.

maitim ang gabi


tulad ng aking
kape
sa mga kalyehon ng
kalunsuran sa mga kariton at
barungbarong sa tabi ng mga
basurahan
sa mga parkeng
himlayan ng mga pagal
na katawan maitim ang
gabi
sa gilid-gilid ng dalampasigan
habang binabayo ng mga alon
pusod ng lungsod ng
karalitaan.

mapait ang buhay


tulad ng kape kong walang
asukal
sa labi ng batang mapintog ang
tiyan kahit hangin lang ang laman
at dugo‘y nilagok ng lupang di
kanya upang maging ginto mga
kabukiran
at maging asukal ang laksang
tubuhan.

kailan tatamis itong aking


kape? kailan pupusyaw ang
itim na kulay? kailan
magtatalik ang krema at
tubig? oo, kape ko‘y walang
krema ni asukal simpait ng
buhay
ng mga nilikhang ibinayubay
sa krus ng luha ng dalita‘t
lumbay
oo, kape ko‘y dinikdik na apdo
ang pait tamis ay sinaid ng
mga gahaman krema‘y sinuso
ng mga dayuhan ngunit huwag
magulumihanan
sa lipunang pinaghaharian
ng iilang imbing diyus-diyosan
mga galit na anino‘y laging
naglalamay maglalagablab din
sigang sinindihan sa dibdib ng
kanayunan
sa puklo ng kalunsuran
ng la tierra pobrezang
pinakamamahal at, sa wakas,
kape nati‘y magkakaasukal
linamnam ng krema ay
malalasahan magiging singtamis
ng pulut-pukyutan!

You might also like