You are on page 1of 4

PANGALAN: JASON SAN ANTONIO

KURSO: Filipino 14
PROGRAMA/TAON: BSED 3B- FILIPINO
PETSA NG PAGPASA:

YUNIT 5: Natatanging Nobelang Filipino

GAWAIN
Panuto: Mamili ng isang nobela na nabanggit sa itaas. Hanggat maaari, basahin ang buong akda para sa
ikabubuti ng pagsusuri. Ibigay ang kahilingan sa pagsusuri.

"Pinaglahuan:

May-akda: Faustino Aguilar

Sinuri ni: Jason San Antonio

I.
Introduksyon
A. Maikling Talambuhay ng May-akda

Si Faustino S. Aguilar (ipinanganak noong Pebrero 15, 1882 sa Malate, Maynila) ay isang Pilipinong
nobelista, mamamahayag at rebolusyonaryo. Nasa kainitan ng kabataan si Faustino Aguilar nang
dumating dito at sakupin tayo ng mga Amerikano. Nasaksihan niya at nadama ang pagmamalabis ng
mga dayuhan sa mga manggagawang Pilipino. Istrikto ang mga Amerikano sa pagpapasunod sa mga
batas ng paggawa subalit kulang naman ang mga manggagawa sa mga kagamitan. Nakita niyang
apingapi ang maliliit na manggagawa. Wala silang mga karapatan at dignidad bilang tao sa ilalim ng
pamamahala ng mga Amerikano. Faustino Aguilar Ito ang nagtulak kay Faustino Aguilar upang maisulat
ang nobelang Pinaglahuan. Sa nobelang ito binuhay ni Aguilar ang pagdurusa ng kaluluwa. Naging
tagapaglahad siya ng katotohanan at tagamungkahi ng kalutasan. Sinasabing si Faustino Aguilar ang
kauna-unahang sumulat ng nobelang panlipunan. Ang ilan pang mababanggit na mga nobelang sinulat ni
Aguilar ay "Lihim ng Isang Pulo, Busabos ng Palad, Nangalunod sa Katihan, at Patawad ng Patay. Siya
binawian ng buhay noong taong 1955.

II.
Pagsusuri ng Mahahalagang Tauhan
Tauhan 1: Luis Gatbuhay
• Isang mahirap na umibig ng tunay sa isang mayaman na babae.
• Ipinaglalaban niya ang kanyang pag-ibig sa kasintahan at ang mga karapatan ng mga manggagawa.
• Nagkataong lider ng obrero laban sa makapangyarihang si Don Nicanor.

Tauhan 2: Danding

 Ang kasintahan ni Luis at anak ng isang lulong sa sugal.


 Ipinagkasundo ng kanyang ama na ipakasal sa isang mayaman na lalaki.

Tauhan 3: Rojalde

 Ang lalaking anak mayaman na dapat na ipakasal kay danding.


 Dahil sa napag-alaman nito na ang babaeng kanyang papakasalan ay umiibig sa isang mahirap ay
nakagawa ito ng masama.

Tauhan 4: Don Nicanor

 Ama ni Rojalde at isang makapangyarihang tao.


 Isang mayaman na umaapi sa mga mabababang uri o mahihirap.

III.

Pagsusuri ng Kabisaan ng Nobela sa Mambabasa


A. Bisa sa Isip (Mga bagong kaalaman o konseptong natutuhan. Ilahad kung bakit mahalaga ang mga ito.)

Sagot: Ang nobelang ito ay nagkaroon ng malakas na empak sa aking isipan, dito ay napagisip-isip ko na
ang mga nobela ang hango rin sa totoong buhay. Sa nobelang ito ay naparunayan ko na may mga tao
talaga na mapang-api sa kapwa na kung saan ay kung ikaw ay nakakaangat sa buhay ay maituturing
itong kapangyarihan. Ang kayamanan ng isang tao ay isa ring kapangyarihan dahit isa ito sa nagiging
dahilan ng panghahamak at pang aapi sa mga mahihirap. Isa rin sa nalaman ko ay ang tungkol sa
pagiibigan ng dalawang tao na magkaiba ang mundong ginagalawan. Hinfi ko lubos maisip na ang pera at
kayamanan ang magiging basehan ng pagpapakasal, o maging ng pagiibigan. Kung magkaroon ang
pagtitinginan ang dalawang tao na mayaman at mahirap at hindi ito tatanggapin ng ilan o ng karamihan.
Sasabihing hindi bagay sapagkat magkaiba sila ng estado sa buhay.

B. Bisa sa Damdamin(Mga damdaming napukaw sa iyo at epekto nito sa sarili mong pagkatao)
Sagot: Nakakalungkot isipin at masakit sa damdamin na may mga taong mapang-api sa kapwa. Para sa
akin ay hindi porket mayaman ka ay makapangyarihan ka na at kaya mo ng hamakin at hawakan ang
buhay ng isang tao. Sana ay iwaksi natin sa ating isipan ang ganitong sistema. Bakit hindi natin gamitin
ang ating kayamanan sa ikabubuti, gamitin ang kayamanan upang makatulong sa mga taong
nangangailan. Hindi lahat ng mayayaman ay masasama at mapang api sa mga manggagawa at mahihirap
ngunit hindi rin natin maipagtatangi na may mga mayayamin na kayang umapak ng pagtao ng iba.

C. Bisa sa Kaasalan (Mga pag-uugali at pagpapahalaga/balyus na sa tingin mo ay dapat na palakasin


batay sa mga pangyayari sa nobela)

Sagot: Sa nobelang ito ay may mga aral ka na matututunan, kagaya ko na talagang may aral ako na
nakuha, kagaya na lamang ng huwag manghahamak ng iba at pangaapi sa ibang tao. Kung nakakaangat
ka o kung ikaw ay mayaman ay wag ito ang gawing basehan ng pagiging makapangyarihan at mapang api
bagkus gamitin ito sa kabutihan ng sa gayon ay makatulong ka sa mga taong nangangailangan. Isa rin sa
aral na makukuha ay tungkol sa pag-ibig, na kung saan ay dapat may pagkapantay pantay ang lahat.
Kung tunay ang pagiibigan ay hindi dapat maging hadlang ang estado sa buhay.

IV.
Pagsusuri ng Tema ng Nobela
Ang Tema ng nobela ay Romansa o tungkol sa pag-ibig at drama
Ang mga pagpapatunay o detalye kaugnay ng tema:
1. Ang pagiibigan nina Luis at Danding na tinitulan ng ama ng babae sa kadahilanang mahirap lamang
ang lalaki at hindi ito bagay sa dalaga. Kung kayat ipinagkasundo nito ang anak na ipakasal sa mayaman
na lalaki.
2. Ang paggawa ng masama ni Rojalde kay Luis dahil napag-alaman nito na ang babaeng kanyang
papakasalan ay umiibig kay Luis.
3. Ang panghahamak ni Don Nicanor sa mga mahihirap na naging dahilan upang maging lider si luis ng
isang hukbo na lalaban sa masamang Don.

V.
Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan - Suriin ang mga ginamit na teoryang pampanitikan. Piliin
yaong ginamit at angkop lamang sa akda at lagyan ng nararapat na patunay buhat sa aklat.

Teoryang Romatisismo- Ang nobela ay tungkol sa pagiibigan nina Luis at Danding. Ito ay may
romantikong kabanata na makikita sa nobela. Nag karoon ng Love Triangle ng ipagkasundo si Danding ng
kanyang ama sa mayaman na lalaki na si Rojalde.

Teoryang marxismo- Àng panghahahamak at pang aapi sa mga mangģagawa at mahihirap ng mayaman
at makapagyarihang si Don Nicanor na ama ni Rojalde.

Teoryang Naturalismo - Binibigyang-diin sa teoryang ito,ang namana at pisikal na katangiang likas ng tao
kaysa katangiang moral o rasyunal.
VI.
Pansariling Reaksyon
Bakit ito dapat basahin o hindi basahin? Ano ang mga natutuhan mo na gusto mong isagawa o isapuso?
Ano ang naging bago mong pagtingin sa lipunan at pangkat na iyong ginagalawan?

Sagot: Ito ay nararapat na basahin dahil kakikitaan at kapupulutan ito ng aral na maaaring i aplay sa
ating pangaraw-araw na gawain. Mahaba ang nobelang ito ngunit bawat tagpo ay maganda at may
excitement, mapapaisip ka kung ano ang susunod na mangyayari. At sabi ko nga ay may mga aral na
makukuha rito, kagaya na lamang ng hindi panghahamak at pang aapi sa mga mahihirap. Maipapakita
rin dito ang tunay na pag-ibig na hindi nadusukat sa kung ano ang estado nyo sa buhay.

You might also like