TERITORYAL AT HANGGANAN TERRITORIAL DISPUTE BORDER CONFLICT
• Ito ang mga suliraning teritoryal at hangganan.
• Ito ay hindi pagkakasundo sa pagmamay-ari o control sa isang bahagi ng lupa o karagatan ng dalawa o higit pang magkakatabing nation-states. • Ito ay pagtatalo kung saan dapat itakda ang hangganan ng kanilang nasasakupan. TERRITORIAL DISPUTE BORDER CONFLICT
• Nakaugnay na isyu ng pagmamay-ari ng isang
bansa o gobyerno sa mga likas na yaman tulad ng ilog, lupang sakahan, pinagkukunan ng mineral o langis (bagaman ang suliraning ito ay maaaring bunga rin ng kaibahan ng kultura, relihiyon, at lahi o nasyonalismo). MGA DAHILAN NG MGA SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN • 1. Hindi pagtupad sa nilagdaang kasunduan o treaty -Hal. Nang nilabag ng Germany ang ilang itinatadhana ng Treaty of Versailles, at isinulong ni Hitler ang territorial expansion nito, sumiklab ang World War II noong Setyembre 1, 1939. Treaty of Versailles
• Ang Treaty of Versailles ay tumutukoy sa
kasunduan na naganap sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ay isang halimbawa ng pangkapayapaang kasunduan na siyang naganap noong ika 28 ng Hunyo taong 1919. Ito ay naganap limang taon matapos mapatay si Archduke Franz Ferdinand ng Austria. Mga nakapaloob sa Treaty of Versailles • 1. Ang lahat ng kolonya ng Germany ay isusuko sa League of Nations • 2. Ibabalik ang Alsace-Lorraine sa France. • 3. Ibabalik ang Eupen-Malmedy sa Belgium, Memel sa Lithuania, at ang Hultschin district sa Czechoslovakia. • 4. Gagawing malayang lungsod ang Danzig • 5. Ibibigay ang kalayaan ng Poznania, mga bahagi ng East Prussia at Upper Silesia sa Poland. • 6. Magkakaroon ng Plebiscites na siyang gaganapin sa hilaga ng Schleswig para maisaayos ang Danish-German frontier. • 7. Okupasyon at pabibigay ng espesyan na estado sa Saar sa ilalim ng kontrol ng France • 8. Pag aalis sa lakas militar at ang labin limang taong pananakop sa Rhineland • 9. Magbabayad ang Germany ng halagang 6,600 bilyon na euros bilang danyos sa mga digmaan na naganap • 10. Pagbabawal sa unyon ng Germany at Austria • 11. Pangako ng Germany sa pagkakaroon ng digmaan • 12. Probisyon na mabigyan ng pandinig ang mga pinuno ng digmaan • 13. Paglimita sa sandatahang lakas ng Germany Kahalagahan ng Treaty of Versailles • Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng pagkakaroon ng Treary of Versailles: • Ang Treaty of Versailles ay naging mahalagang kasangkapan upang magkaroon ng kasunduang pangkapayapan • Ang Treaty of Versailles ay naging mahalagang kasangkapan upang matuldukan ang unang digmaang pandaigdig • Ang Treaty of Versailles ay naging mahalagang kasangkapan dahil ito ay ginamit upang magsilbing gabay sa mga bansang kabilang dito Lumabag ang Germany sa League of Nation o United Nations ngayon: • “All members shall refrain in their international relations from the threat or use pf force against the territorial integrity or political independence of any state, or in any other manner inconsistent with the purposes of the United Nations.” (Art. II Sec. 4) MGA DAHILAN NG MGA SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN • 2. Pagkakaiba ng relihiyon at politikal na ideolohiya - Hal. Ang Israeli-Palestinian conflict. Nagsimula ang digmaan ng Israel at Palestine noong 1948 at ito ay nagpapatuloy sa kasalukuyan. Nanindigan ang Israel na batay sa kasaysayan, mula pa noong Biblical times, ang lupain sa Silangan ng Mediteranaean Sea ay likas nitong pag-aari. MGA DAHILAN NG MGA SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN • Magkaiba ang ideolohiyang dalawang bansa at nag-ugat na sa kasaysayan ang kanilang hindi pagkakasundo. • Dahil magkaiba ang kanilang paniniwalang panrelihiyon, maraming beses nang nauwi sa madugong labanan at patayan ang kanilang hidwaan. • Bagaman tumagala nang ilang dekada ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestine (kasama ang Egypt), hindi pa rin nagkakaroon ng pinal na solusyon sa mga isyu ukol sa hangganan, seguridad, karapatan sa paggamit ng mga yamang tubig, control sa lungsod ng Jerusalem – ang tinatahanang dako ng mga Israeli, kalayaang gumalaw ng mga Palestine, at ang karapatan ng mga Palestinian refugee na bumalik sa kanilang lupain. MGA DAHILAN NG MGA SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN • 3. Interes na pang-ekonomiya - nakikitang pinakasanhi ng tinaguriang South China Sea Territorial and Border Dispute. - nakapaloob sa mga territorial dispute sa South China Sea (sa Pilipinas ay tinatawag na West Philippine Sea) ang pag-aangkin sa kapuluan at karagatan sa rehiyon ng Southeast Asia at sangkot sa border dispute ang Brunei, Peaple’s Republic of China, Malaysia, Taiwan, Vietnam at Pilipinas. - pinag-aagawan din ang Spratly Islands, ang mga maritime boundary sa Gulf of Tonkin, at Natuna Islands na malapit sa Indonesia. MGA DAHILAN NG MGA SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN • 3. Interes na pang-ekonomiya - nais na protektahan ang mga nag-aagawang bansa. - ang pangunahing interes ay pang-ekonomiya kagaya ng potensiyal na pagkukunan ng yamang mineral at fossil fuel, saklaw na lugar kung saan makapangisda, pondo ng crude oil o natural gas, at estratehikongkontrl ng importanteng shipping lane. MGA DAHILAN NG MGA SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN • 3. Interes na pang-ekonomiya - ang pag-aangkin ng China ng seabed territory ay masyadong Malaki. - tingnan ang putting guhit sa mapa kung ikukumpara sa itinatakdang water territory ng United Nations Covention on the Law of the Sea o UNCLOS (may marking itim na guhit). - Bukod pang usapin dito ang may kulay na asul na may pag-aangkin sa mga pulo (island dispute) kasama na rito ang Paracel Islands, Pratas Islands, Scaborough Shoal, Brunei, China, Malaysia, Pilipinas, Taiwan, at Vietnam. ANG UNCLOS AT FREEDOM OF THE SEAS • United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kilala rin sa tawag na Law of the Sea Convention o Law of the Sea Treaty – isang pandaigdigang kasunduan na resulta ng ikatlongg UN Conference on the law of the Sea (UNCLOS III) noong 1973 at 1982. • Ipinaliliwanag nito ang mga karapatan at pananagutan ng mga bansa sa paggamit ng karagatan, at nagtatakda ng gabay sa pakikipagkalakalan, paggamit, at pangangasiwa ng likas na yamang dagat. • Sinimulan itong ipatupad noong 1994. ANG UNCLOS AT FREEDOM OF THE SEAS • UNCLOS – ang pumalit sa lumang prisipyong freedom of the seas concept na nagsimulang umiral noong ika-17 siglo. • Ang lumang konsepto ay nagsasaad na ang terotoryong pantubig ay limitado sa tatlong nautical miles mula sa dalampasigan o coastline, batay sa cannon shot rule na umiiral noon ayon sa Dutch jusrist na si Cornelius van Byckershoek. • Lahat ng bahaging tubig na lalampaps dito ay itinuturing na international waters – kung saan Malaya ang mga bansa na maglayag, mangisda, at magsaliksik batay sa tratado (treatise) ng Dutch Jurist na si Hugo – Grotiu na tinatawag na mare liberum principle (sea people to all). MGA PROBISYON NG UNCLOS III • 1. International water – sakop ng kapuluan kasama ang kipot, look, golpo, at lawa. • 2. Territorial water – hanggang 12 nautical miles (22.2 kilometro; 14 na milya) mula sa baseline • 3. Contiguous zone – 12 nautical mile (22.2 kilometro) mula sa territorial sea baseline limit pagkatapos ng 12 nautical miles (22.2 kilometro) limit. • 4. Exclusive economic zone (EEZ) – 200 nautical miles (370 kilometro; 230 milya) mula sa baseline. • 5. Continental shelf – ekstensiyon ng teritoryong panlupa o 200 nautical miles (370 kilometro) mula sa baseline ng isang coastal state. MGA SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!