You are on page 1of 1

SOSLIT

KAPITALISMO
Inihanda ni: Angeline P. Quijano

BTVTEd DT 3A

Ang pag-aangat sa kahirapan ay nangangailangan ng malawakang pag-paplano ng aksyon


na may layuning magbigay ng oportunidad at pagpapabuti sa kalagayan ng bawat
mamamayan ng bansa. Ang kapitalismo ay mayroong mga benepisyo na mag-aambag sa
pagpapahusay ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtataas ng mga
oportunidad sa trabaho at pagpapababa ng mga presyo ng mga bilihin. Sa pamamagitan ng
kalayaan na magtayo ng mga negosyo, ang mga kumpanya ay maaaring mag-produce ng mas
maraming mga produkto at serbisyo, magbibigay ng mas maraming trabaho, at magbibigay ng
mga produkto at serbisyo na mas abot-kaya para sa mga mamamayan.
Ang Kapitalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na kung saan ang pangunahing layunin
nito ay ang pagpapalago ng ekonomiya sa pamamagitan ng malawakang pamumuhunan at
pagkakaroon ng mga negosyo. Sa ilalim ng sistemang ito, ay naglalayong magbigay ng
oportunidad para sa mga negosyante at mamumuhunan na magbigay ng trabaho at mapataas
ang antas ng ekonomiya. Nagbibigay rin ito ng kalayaan sa mga mamamayan na magpasya sa
kanilang mga negosyo at mga gawain. Sa pamamagitan ng kapitalismo, ang mga indibidwal at
mga kumpanya ay mayroong kalayaang magpasya kung ano ang mga produkto at serbisyo na
gustong ipagbili at mag-presyo sa kanila. Ang mga indibidwal at mga kumpanya ay may
kalayaan sa pagbuo ng mga ideya, produkto at serbisyo na magbibigay ng mga solusyon sa mga
suliranin ng lipunan.
Sa kapitalismo, ang kalakalan ang siyang nakakapagpasigla sa bansa sa pamamagitan ng
paglikha ng trabaho na nagiging dahilan upang umangat ang antas ng kabuhayan ng marami.
Ang paglago ng isang industriya ay masusundan ng iba pa dahil sa paglaki ng “disposable
income” ng mga mamamayan. Ang mga negosyante ay nagbibigay ng mataas na halaga sa
pagbuo ng mga inobasyon. Kung kaya't, sa ganitong paraan, magkakaroon ito ng pagkakataon
para sa mga mamamayan na magkaroon ng mga bagong teknolohiya at produkto na maaaring
magbigay ng mas maraming benepisyo at mas mahusay na kalidad ng buhay. Ngunit, hindi rin
natin maiiwasan ang mga negatibong epekto ng kapitalismo, tulad na lamang ng pagkakaroon ng
mga kumpanya na hindi nagbibigay ng sapat na benepisyo sa kanilang mga manggagawa o
pagkakaroon ng malalaking monopolio na nagtataas ng mga presyo ng mga produkto at
serbisyo. Dahil dito, kailangan pa rin ng tamang regulasyon at pagmamanage ng pamahalaan
upang masiguro ang pagkakaroon ng balanse sa ekonomiya.
Sa kabuuan, ang kapitalismo ay nagbibigay ng mga oportunidad sa paglago at pag-unlad ng
ekonomiya ng Pilipinas at sa pagpapahusay ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino. Ngunit, dapat
din itong masiguro na may tamang regulasyon at pagmamanage upang mapangalagaan ang
interes ng mga mamamayan at masiguro ang patas na kalakalan at oportunidad sa trabaho
para sa lahat.

You might also like