You are on page 1of 3

Sagutin Natin

1. Naging hindi maganda ang buhay ni Lian-chiao sa piling ng asawa dahil siya ay
nakaranas ng mga pang-aabuso tulad ng panununtok at ang pag turing kay Lian-chiao na
parang isang alipin at hindi bilang asawa.

2. Nakapasok siya sa ganitong kalagayan dahil siya ay napilitang ipakasal kay Li Hua.

3. Para sa akin, mali ang ipagkasundo ng magulang ang kanyang anak sa isang taong
hindi niya kilala dahil maaring hindi naman niya ito nais makasama habang buhay,
maari din na hindi niya ito mahal o di kaya maaring siya ay maabuso lamang.

4. Kung hindi pa namatay ang ina ni Lian-chiao, masasaktan siya kapag nakita niyang
inaabuso ang kanyang anak at hindi nasa magandang kalagayan. Maari din na ito ay
bawiin ng kanyang ina para di malagay sa ganoong kalagayan si Lian-chiao.

5. Sa aking palagay, may magbabago sa buhay ni Lian-chiao kung hindi agad siya
napakasal sa edad na labinlima dahil maaring nag-aaral palang siya sa mga panahong
iyon. May kinalaman ang edad sa pagpapakasal dahil ang tamang edad ng pagpapakasal
ay nasa 18-21 taong gulang at hindi sa edad na nag-aaral at unti unti palang lumalago
ang isang kabataan.

6. Kung ako si Lian-chiao at malalagay sa katulad na kalagayan, ako ay tatakas at


pupunta sa mga kinauukulan upang magreklamo at humingi ng tulong dahil hindi
tamang inaabuso ang isang tao dahil lahat tayo ay dapat makapamuhay ng ligtas.

7. Kung patuloy na magtitiis si Lian-chiao, maaring sila ay hindi na muling lumigaya dahil
sa ginagawang pang-aalipusta at pananakit ng kanilang ama.

8. Nakaramdam ako ng lungkot at galit. Lungkot para sa mag-ina na inaabuso at


sinasaktan ng kanilang ama. Galit sa kanilang ama na walang ginawa kung hindi
magsugal at hindi iniisip ang kapakanan ng kanyang pamilya.

9. Tutulungan ko sila dahil ayoko na sila ay mabuhay ng miserable habang buhay at dahil
sa gusto kong maging maayos ang pag trato natin sa bawat isa dahil lahat tayo ay
karapatdapat ng respeto at paggalang.

Ipinasa ni: Mathew Jendrick Garol, 9-HT


Ipinasa kay: Bb. Michaela Mancera

Pagsulat ng Journal
- Mahihinto ang pang-aabuso sa kababaihan kapag lumapit agad ang biktima sa mga
kinauukulan dahil walang pinipiling antas ng lipunan ang pangaabuso. Kaya dapat silang
magreklamo upang masolusyonan at para hindi nila ito kimkimin habang buhay. Dapat
ring mahinto ang mga pagyayaring ganito dahil wala naman itong naidudulot na tama sa
ating mundo. Ito ay lalo lang nakakadagdag sa mga problema na kinakaharap ng bawat
isa sa atin. Ipaglaban ang dapat ipaglaban, wag nating hayaang maabuso tayo ng kapwa
natin tao. Lahat tayo ay may karapatang mamuhay ng payapa at matiwasay!
Ipinasa ni: Mathew Jendrick Garol, 9-HT
Ipinasa kay: Bb. Michaela Mancera

You might also like