You are on page 1of 4

La Union Colleges of Science and Technology, Inc.

Central West, Bauang, La Union

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
(MODYUL AT GAWAIN BLG. 2)

ARALIN 18 - PAG-IWAS SA PAMBUBUSKA (BULLYING) TUNGO


SA SAMAHANG MATATAG AT MASAYA

Kahulugan ng pambubuska
 Isang uri ng karahasan sa pamamaraan ng pananakot at pananakit sa
mga mahihina.
Pag-atake o pananakit ng damdamin, katawan, at pangkaisipang
aspekto ng kapwa tao.
Mga Dahilan ng Pambubuska
1. Maging sikat, at katakutan -ang alam nila ang pagiging siga, agresibo, at
mapusok ay ang tanging paraang alam nila upang hangaan ng kapwa
kabataan.
2. Inggit o paninibugho-hindi nila matanggap na wala silang kakayahan o
galing na taglay ng kanilang binibiktima.
3. Naging biktima ng pambubuska -ang mga kabataang nakararanas ng
karahasan sa pamilya, pisikal man o pasalita, ay mas mapusok at
palaaway kaysa sa iba.
4. Kakulangan ng pag-aaral at talakayan tungkol sa isyung ito sa loob ng
paaralan.
5. Hindi nila maunawaan na mali ang kanilang ginawa at may masamang
epekto sa kapwa.

Mga Uri ng pambubuska


1. Pisikal na Pambubuska
 ginagawa sa pamamagitan ng pananakit ng katawan.
 pinakamarahas na uri nakapaloob dito ang
panunulak,pandudura, paninipa, panununtok, at pambubugbog.
Kasama rin ang paninira at pagnanakaw ng mga gamit ng biktima.
2.Pasalitang pambubuska
 paggamit ng mga masasakit na pananalita.
 Hal. panunukso, pambabansag, pantsitsismis, pagbabanta, at panlilibak
ng lahi, relihiyon, at pagkatao.
3.Panlipunan na Pambubuska
 pamamahiya at tahasang pagbibintang sa harap ng maraming tao.
 Nakapaloob dito ang hindi pamamansin, pag-iwas, at paglayo sa
biktima o pagkontrol at pagmamanipula ng kapwa.
4. Cyber o Electronic na Pambubuska
 paggamit ng makabagong teknolohiya at media tulad ng internet, email,
text messaging, chat rooms, o websites ay nagagawang takutin, saktan,
ipahiya, at siraan ang kapwa.

Mga Sangkot sa Pambubuska


1. Mambubuska
 Napipili nila ang pagbubuska upang makakuha ng atensiyon o
pansin mula sa iba at dahil dito nakararamdam sila ng
panandaliang kapangyarihan o tiwala sa sarili.
 Inaakala nila na ito ay normal na paraan ng pagkilos.
2. Biktima ng Pambubuska
 ay madalas na inilalarawan na may taglay na katangian tulad ng
pagiging mapag-isa, sensitibo o madaling masaktan, walang tiwala
sa sarili, at walang kakayahang ipagtagtanggol ang sarili.
3. Tagamasid sa Pambubuska
 Tinaguriang tagapagmasid o tagapanood sa nagaganap na
pambubuska.
 Tatlong Uri ng tagapagmasid ng pambubuska
a. nang-uudyok o nangungunsinti
-susulsulan nila ang nambubuska na ituloy ang ginagawa
nito sa biktima.

b. tagapagmasid na ayaw madawit sa nangyayaring


pambubuska.
-wala silang gagawin o sasabihin upang mahinto ang
pambubuska na tila bulag at bingi sa nakikitang
pambubuska dahil ayaw niyang maging biktima o
balikan ng mga nambubuska.
-hindi papayag na maging saksi sa nakitang insidente.
c.ayaw at hindi pumapayag sa nasaksihang pambubuska.
-may gagawin sila upang tulungan ang mga biktima.

 Mga Palatandaan na ang isang kabataan ay biktima ng Pambubuska


1.Depresyon
2.Pagkabahala
3.Kalungkutan
4. Pagkawala ng tiwala sa sarili
5.Pagkawala ng gana sa pakikisalamuha sa iba
6. Pagsubok sa masamang bisyo
7. Pagkabagabag tungkol sa isyu ng kaligtasan
8. Pagkaranas ng suliranin sa pag-aaral

 Bakit dapat itigil ang pambubuska?


 Ang biktima ng pambubulas ay nakakaranas ng kalungkutan,
pagkawala ng tiwala sa sarili, depresyon, kawalan ng interes sa
pakikipag-ugnayan at kung minsan pagtitiwakal.

 Paraan Para Matigil ang Pambubuska


1.Maging matapang at magkaroon ng positibong pananaw
tungkol sa iyong sarili.
2.Sumama sa mga kaibigan o grupo ng mga tao na magbibigay
sa iyo ng pakiramdam na ikaw ay ligtas sa pambubulas.
3.Huwag pansinin ang nambubulas. Kumilos na parang wala
kang narinig o nakikita.
4.Huwag gumanti sa pamamagitan ng pambubulas
5.Ipaalam sa matatanda ang pambubulas na iyong
nararanasan.
6.Iwaksi sa isipan na ang pambubulas ay normal na bahagi ng
buhay na dapat pagdaanan ng kabataang tulad mo.
7.Ang lahat ng pagsisikap na malutas ang isyu ng pambubulas
ay nangangailangan ng pagtutulungan ng paaralan, pamilya,
at pamayanan.

You might also like