You are on page 1of 18

Filipino

Ikaapat na Markahan Modyul 2


Ikalawang Linggo
Alamin Natin
Ang bayang sinisiil sa kalayaan ay nagsisilang ng maraming bayani. Hindi
lamang sa paraang madahas kundi nabubuhay rin ang mga panulat na lumilikha
ng panitikang may mga layuning umaapaw sa paghihimagsik. Ito ay maliliit na
baga lamang na sa simula’y walang pumapansin subalit unti- unting nagiging
apoy, sasabog na parang bulkan na tutupok sa damdamin ng bayan. Ganito ang
isang kaugalian ng mga Pilipino sa pakikipaglaban.

Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral


upang malaman ang talambuhay ni Kiko o Francisco Balagtas. Nilalaman nito
ang mga karanasan na humabi at maging kanyang makapangyarihang
inspirasyona at layunin upang mabuo ang isang pinaka kinikilalang akda niyang
Florante at Laura. Malalaman din dito ang kalagayan ng panahon noong isinulat
niya ang akda at ang mga naging epekto nito pagkatapos na isulat. Pagkatapos
ay maunawaan ang kahalagahan ng akda na nagmulat sa kamalayang Pilipino
lalo na sa kabataan sa kasalukuyan. Iba’t ibang Gawain din ang inihanda para sa
mga mag-aaral tulad ng pagbasa, pagsusuri, pagpapaliwanag, pagsulat at
pagbuo ng sariling awtput batay sa aralin upang maging ganap na interaktibo at
masiguro ang pagkatuto ng mag-aaral.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin
(F8PN-IVc-d-34)

2. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay,


simbolo (F8PT-IVc-d-34)
Subukin Natin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang lebel ng
iyong kaalaman sa tatalakayin nating aralin. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

1. Yaong Selyang laging pinanganganiban baka makalimot sa pag-iibigan


A. Sinasabi rito na natatakot si Balagtas dahil malilimutan siya ni Selya.
B. Nangangamba si Balagtas nab aka makalimot si Selya sa kanilang
pag-iibigan.
C. Kinatatakutan ni Balagtas ang pagkalimot sa kanya ni Selya.
D. Nag-aalanganin si Balagtas sa uri ng pag-ibig ni Selya sa kanya.
2. Nililigawan ko ang iyong larawan sa Makating Ilog na kinalagian.
A. Nagpupunta raw sa Makati si Balagtas upang dalawin si Selya.
B. Namamalagi raw sa Makati si Balagtas upang ligawan si Selya.
C. Binabalikan niya ang larawan ni Selya sa Makati.
D. Ginugunita ni Balagtas ang masayang araw nila ni Selya sa Makati.
3. Masarap pagsaulan ang masasayang araw ng pagsusuyuan. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit.
A. tingnan C. alalahanin
B. suriin D. tanawin
4. Sa pasimula ng awit tinalakay ni Kiko ang ___________________________.
A. Pagkakabuklod ng pamilya at lipunan
B. Tunay na larawan ng Pinas sa ilalim ng mga Kastila
C. Pagkakapisan ng kapangyarihan ng estado at simbahan
D. Pagsulat ng akdang pampanitikan bilang pagtuligsa sa mga Kastila.
5. Kahit kutad ang bata sap ag-awit, pinagbigyan pa rin niya ang kahilingan ng
ama. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
A. hindi akma C. hindi bihasa
B. wala sat ono D. hindi maalam
6. Mga modelong tila kawayan sa katangkaran. Anong uri tayutay ang
inilalahad.
A. simile C. personipikasyon
B. metapora D. hiperbole
7. “Ang dalawang mata’y bukal ang kaparis,” ang manunulat ay gumamit ng
tayutay na __________.
A. simile C. personipikasyon
B. metapora D. hiperbole
8. Sa kabuuan ang tulang Sa Babasa Nito ay pakiusap ng makata na ang awit
niyang Florante at Laura ay ___________.
A. tawanan C. mahalin
B. igalang D. dustain
9. Ang irog na inaasahan ng awtor na magpapahalaga sa kaniyang pagod ay
walang iba kundi ang ____________.
A. mambabasa C. nimfa
B. kasintahan D. sarili
10. Ang saknong na kung saan nagsasabi ang binati kay Laura na “damhin ng
kamay mo ang aking katawan at bangkay man ako’y muling mabubuhay” ay
gumagamit ng tayutay na ______________.

A. simile C. personipikasyon
B. metapora D. hiperbole
11. Na kung maliligo’ysa tubig aagap nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Ipinahihiwatig nito ang aral na matatagpuan sa kasabihang:
A. Kapag may tiyaga, may nilaga.
B. Ang kapalaran ay darating, huwag man hanapin kung talagang akin.
C. Daig ng maagap ang masipag.
D. Kapag may isinuksok, may madurukot.
12. Kiko : Selya
Florante : __________
A. Laura C. Concha
B. Flerida D. Maria
13. Magunaw man ang mundo, ako’y hindi maglililo. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit.
A. magtataksil C. magnanakaw
B. magdadamdam D. mag-aalala
14. Kung ibig mong tumarok sa mga lihim ng kaibigan, tanungin mo siya.
Alin-alin sa mga kahulugan sa ibaba ang HINDI katulad ng italisado?
A. maitago C. mabulgar
B. malaman D. mabasa
15. “May dalawang buwang hindi nakatikim. Ako ng linamnam ng payapa’t
aliw.”
Ano ang kahulugan ng pahayag na ito ni Florante?
A. Hindi makatulog C. Hindi mapalagay
B. Laging nangangamba D. Laging nalulungkot

(Para sa online class)

Maaaring lumikha ang guro ng Gawain gamit ang google meet/google


classroom. Ibibigay ng guro ang link na gagamitin.

Aralin Ang Mahahalagang Tauhan


2 Kay Selya at sa Babasa Nito
Balikan Natin
Gawain 1
Ating subukin kung gaano katalas ang iyong isipan sa pamamagitan ng
pagbabalik-tanaw natin sa nakaraang aralin. Punan mo ng nawawalang titik ang
bawat kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan. Alam kong kayang-kaya
mo yan kaibigan, kaya’t simulan mo na!

1. palayaw ni Francisco Balagtas


K

2. naging kabiyak ni Balagtas

U T G

3. kaharian na itinulad sa Pilipinas

B I

4. ang makapangyarihan sa Pilipinas nang naisulat ang Florante at Laura

K T

5. ang kanilang pagkakabuklod-buklod ang pinag-ukulan ng pansin ni Balagtas sa


ikatlong himagsikan

M Y

Tuklasin Natin
Gawain 2
Marahil sa inyong murang edad ay nasasaksihan at nararamdaman na
ninyo ang malalim na pag-ibig mula sa iyong pamilya at maging sa lipunan, hindi
ba?
Punan mo ng mga larawan ang bawat kahon ayon sa mag # hastag na
nakasulat. Maaring sariling kuha na larawan o mula sa internet o mga libro.Idikit
ito sa bawat kahon.

#Pagmamahalan sa pamilya #Pagmamahalan ng magkakaibigan

#Pagmamahalan ng Kalikasan #Pagmamahalan sa Bayan

Talakayin Natin
Gawain 3
Ang mga tauhan sa isang kwento ay ang nagsisilbing mukha o tagaganap
ng mga importanteng papel dito. Mahalaga ang mga tauhan sapagkat sila ang
nagbibigay kulay sa mga istorya, nagpapahayag ng mensahe na nais ipabatid ng
may-akda at sa kanila umiikot ang mga magaganda at kapanapanabik na
pangyayari. Ating isa-isahin ang mga tauhan sa akdang Florante at Laura.
Mga Tauhan sa Florante at Laura

1. Florante – tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo


2. Laura – anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
3. Aladdin / Aladin – anak ni Sultan Ali-Adab ng Persiya, isang moro na nagligtas at tumulong kay
Florante
4. Flerida – kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
5. Haring Linseo – hari ng Albanya, ama ni Laura
6. Sultan Ali-Adab – sultan ng Persiya, ama ni Aladin
7. Prinsesa Floresca – ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
8. Duke Briseo – ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo
9. Adolfo – kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante
10. Konde Sileno – ama ni Adolfo
11. Menalipo – pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula
sa isang buwitre
12. Menandro – matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante
mula kay Adolfo.
13. Antenor – guro ni Florante sa Atenas
14. Emir – moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
15. Heneral Osmalik – heneral ng Persiya na lumaban sa Crotona
16. Heneral Miramolin – heneral ng Turkiya
17. Heneral Abu Bakr– Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida.
Maaari ding panuorin ang Mga Tauhan sa Florante at Laura sa
internet sa pamamagitan ng link na ito : https://youtu.be/9P3LZ6cHMfk
Sa babasahing awit ni Kiko para kay Selya ay iyong matutuklasan ang
naging karanasan nila bilang magkasintahan. Iyong madarama ang kanilang
pananabik sa isa’t isa at ang wagas na pagsinta ni Kiko para sa dalaga. Ngunit
ang pagsintang ito’y mangungupas, maglalaho. Sa kabila ng pagdurusa sa
pag-ibig, naisulat pa rin niya ang obra maestrang awit na “Florante at Laura” na
buong puso niyang inialay kay Selya.
Ngayon ay ating tuklasin ang matamis at mapait na pag-iibigan nina Kiko
at Selya.
Paghahandog Kay Selya
Kung pagsaulan kong basahin sa isip Parang naririnig ang lagi mong wika:
ang nangakaraang araw ng pag-ibig, tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama,
may mahahagilap kayang natititik at sinasagot ko ng sabing may tuwa.
liban na kay Selyang namugad sa sa isa katao'y marami ang handa.
dibdib?
Ano pa nga't walang 'di nasisiyasat
Yaong Selyang laging ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
pinanganganiban, sa kagugunita, luha'y lalagaslas,
baka makalimot sa pag-iibigan; sabay ang taghoy kong O, nasawing
ang ikinalubog niring kapalaran palad!
sa lubhang malalim na karalitaan.
Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
Makaligtaan ko kayang 'di basahin, ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig?
nagdaang panahon ng suyuan namin? nahan ang panahong isa niyang titig
kaniyang pagsintang ginugol sa akin ang siyang buhay ko, kaluluwa't Langit?
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
Bakit baga ngayong kami maghiwalay
Lumipas ang araw na lubhang matamis ay di pa nakitil yaring abang buhay?
at walang natira kundi ang pag-ibig, kung gunitain ka'y aking kamatayan,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib sa puso ko Selya'y, 'di ka mapaparam.
hanggang sa libingan bangkay ko'y
maidlip. Itong 'di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa,
Ngayong namamanglaw sa ang siyang umakay na ako'y tumula,
pangungulila, awitin ang buhay ng isang naaba.
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala, Selya'y talastas ko't malalim na umid,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa. mangmang ang musa ko't malumbay ang
tinig;
Sa larawang guhit ng sintang pinsel, 'di kinabahagya kung hindi malait,
kusang inilimbag sa puso't panimdim palaring dinggin mo ng tainga't isip.
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at 'di mananakaw magpahanggang Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
libing. na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
sa lansanga't ngayong iyong
niyapakan; Kung kasadlakan man ng pula't
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw, pag-ayop,
yaring aking puso'y laging lumiligaw. tubo ko'y dakila sa pahunang pagod;
Di mamakailang mupo ng panimdim kung binabasa mo'y isa mang himutok
sa puno ng manggang naraanan natin; ay alalahanin yaring naghahandog.
sa nagbiting bungang ibig mong
pitasin, Masasayang Ninfas sa lawa ng Bai,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw. Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik ng lubhang mapanglaw na musa kong
sa buntung-hininga nang ika'y may imbi.
sakit,
himutok ko noo'y inaaring-Langit, Ahon sa dalata't pampang na nagligid,
Paraiso naman ang may tulong-silid. tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
Liniligawan ko ang iyong larawan tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
sa Makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang Ikaw na bulaklak niring dili-dili,
do'ngan, Selyang sagisag mo'y ang M.A.R.
yapak ng paa mo sa batong tuntungan. sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.B.
Nagbabalik mandi't parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Maaari ding panuorin ang Paghahandog Kay Selya sa internet sa pamamagitan


ng link na ito : https://youtu.be/l_-OfGITk3M

Mga Tanong:
1. Anu-anong alaala ang bumabalik sa isipan ni Balagtas tungkol sa
pag-iibigan nil ani Celia?
2. Ilarawan ang mga malulungkot na gunitang ito. Paano niya pinapawi ang
ganitong damdamin?
Sa Babasa Nito - Paunang Salita ni Balagtas

Salamat sa iyo, O nanasang irog,


kung halagahan mo itong aking pagod;
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.

Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,


palibhasa'y hilaw at mura ang balat;
nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.

Di ko hinihinging pakamahalin mo,


tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,


bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa't hulo,
at makikilalang malinaw at wasto.

Ang may tandang letra alinmang talata,


di mo mawatasa't malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga'y mapag-uunawa.

Hanggang dito ako, O nanasang pantas,


sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad;
Sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula'y umalat.
http://floranteatlaurastory.blogspot.com/

Maaari ding panuorin ang sa babasa nito sa internet sa pamamagitan ng


link na ito : https://youtu.be/oNJyMwUYvgg

TAYUTAY
Ang tayutay, o figures of speech sa wikang Ingles, ay ang mga salitang
ginagamit upang gawing makulay, matalinhaga, kaakit-akit, at mabisa ang
isang pahayag.

Uri ng Tayutay

1. Simili o Pagtutulad (Simile) Ito ay nagpapakita ng pagtutulad ng


dalawang magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga
katagang tila, kagaya, kasing-, sing-, ga-, katulad, anaki’y, animo, para,
parang, para ng, kawangis ng, gaya ng, at iba pang mga kauring
kataga.
halimbawa :
Siya ay katulad ng kanyang amang mapagpatawad.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) - paghahambing ng dalawang


magkaibang bagay ngunit hindi gumagamit ng mga salitang gaya, tulad,
kumpara, kawangis at iba pa.
halimbawa :
Ikaw na bulaklak niring dilidili
Celiang sagisag mo’y ang M.A.R.

3. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) Ito’y pagtawag o


pakikipag-usap nang may lakip na masidhing damdamin sa tao o bagay,
karaniwang hindi kaharap ng nagsasalita. Pansinin ang halimbawang
ito:
halimbawa :
S20 Masayang nimfas sa lawa ng Bai,
sirenas ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi.

(Tinatawag ni Balagtas sa saknong na ito ang mga nimfas at


sirena na animo kaharap at kausap)

4. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) Ito’y pagsasaad ng


isang masidhing damdamin sa isang pahayag.
halimbawa :
Sa kagugunita, luha’y lalagaslas,
Sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”

(Nalulungkot si Balagtas sa tuwinang naalala


si Selya. Sa labis na kalungkutan ay nawika
niya ang “O, nasawing palad!” pagkat ang
sinapit niya ay labis na kasawian.)

5. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) ito’y tayutay na


nagsasalin ng kilos, talino, o katangian ng isang tao sa mga bagay na
walang buhay sa tulong ng pandiwa.
halimbawa :
Pansinin ang Saknong 21:
Ahon sa dalata’t pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.
Anong bagay na walang buhay ang binigyang katauhan?
Anong katangian ng tao ang isinalin sa bagay na walang buhay?

Pagyamanin Natin
Kilala mo na ba ang mga pangunahing tauhan sa Florante at
Laura? Kung gayon ay ating tukuyin kung sino ang nasa larawan at alamin ang
kani-kanilang katangian batay sa kanilang ginagampanang papel sa akda.
Buohin sa loob ng kahon ang pangalan ng tauhan at ilarawan ito ayon sa
kanyang ginampanang karakter.
F __ or__ n __ e

1. ______________________________________
__ a __ r __
2. _____________________________________
A __ a __i ___

3. ________________________________________
F l __ r __ d __

4. ____________________________________
__ d o __ __ o

5.

____________________________________
Gawain 4
Alam kong naunawaan na ninyo ang ating aralin ngunit upang maging
ganap at mapalawak pa ang iyong natutunan ay subukin mong gawin ang mga
pagsasanay na inihanda para sa iyo.
Panuto : Basahing mabuti ang pahayag mula sa Florante at Laura. Tukuyin ang
uri ng tayutay nito sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/) sa loob ng kahon.

1. “Nagbabalik mandi’t parang hinahanap


dito ang panahong masayang lumipas.”
Simile personipikasyon
Metapora hiperbole

2. “Paraiso naman ang may tulong silid,


himutok ko noo’y inaaaring Langit.”
Simile personipikasyon
Metapora hiperbole

3. “Ang kagugunita, luha’y lalagaslas,


Sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!””
eksklamasyon personipikasyon
Metapora hiperbole

4. “Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw


Sa lansanga’t nayong iyong niyapakan,”
Simile personipikasyon
Metapora apostrope

5. “Makinis ang balat at anaki’y burok,


Pilik-mata’t kilay mistulang balantok”
Simile personipikasyon
Metapora apostrope

Gawain 5
Matapos nating matuklasan ang mga uri ng tayutay atin naman ngayong
pagtuunan ng pansin ang mga pangyayari sa akda at alamin ang kahulugan ng
mga ito. Bilugan ninyo ang angkop na salita na kinakailangan upang mabuo ang
pangyayari sa akda.

1. Ayon sa makata, bago punahin ang tula ay nararapat lamang na ito’y (iwasto,
linawin, suriin, baguhin) muna.
2. Mahalagang malaman ang (kahulugan, nilalaman, layunin, hangarin) ng mga
salita upang maunawaan ang buong salita.
3. Nagpapasalamat ang makata sa sinumang (tutuya, dudusta, magpahalaga,
tatawa) sa kanyang tula.
4. Ang pakiusap ng makata sa babasa ng tula ay (kaltasin, hatulan, huwag
baguhin, pakamahalin) ang ilang taludtod nito.
5. Dapat (unawain, basahin, bigkasin, sulatin) ang nilalaman ng tula upang
masiyahan ang babasa nito.

Gawain 6
Natitiyak ko na marami ka nang kinagiliwang bahagi at pangyayari sa
akdang tinalakay. Sadyang mahusay na manunulat si Balagtas kaya’t siya’y
tunay na lodi! Ngayon para naman sa gawaing ito, masusukat kung tumpak at
tiyak ang mga pangyayaring nasusulat sa bawat bilang. Lagyan ng hugis puso
ang patlang kung ang inilalahad na pangyayari ay tama at ekis kung mali.

_____ 1. Ipinagbilin ni Balagtas na huwag payagan ang kanyang mga anak na


magsulat at kundi makikinig ang mga ito ay putulan dawn a kamay.
_____ 2. Ang alaala ng lansangan at nayong niyapakan ni Selya ay nagbibigay
saya sa awtor na dati’y kasama sa pamamasyal ng dalaga.
_____ 3. Inialay ni Francisco kay Maria Ana Magdalena ang awiting “Florante at
Laura”.
_____ 4. Ayon sa tula ang taong nasanay sa kaligayahan ay nagkakaroon ng
pusong maramdamin.
_____ 5. Nabilanggo si Francisco dahil sa mga bintang na gawa-gawa lamang
ni Mariano Kapule sa Pandacan.

Gawain 7
Sa bahaging ito ng tula ay may isang magandang tagubilin ang makata.
Matatagpuan ito sa : Saknong 11, taludtod bilang 3-4

Anong gintong kaisipan ang inihahatid ng nabanggit na pahayag?


Ipaliwanag. Subuking magbigay ng salawikain o kasabihang aangkop sa
naturang pahayag.

Tandaan natin
Gawain 8
Dugtungan ang mga pahayag upang maibahagi ang iyong natuklasan
mula sa tinalakay na aralin sa modyul na ito. Siguraduhing ito ay nasa anyong
pangungusap.Isulat ang sagot sa patlang na inilaan.

  Nalaman ko na… 
_________________________________________________________________

       Nakadama ako ng…


__________________________________________________________
 

   Napatunayan ko na
 _________________________________________________________________
Isabuhay natin
Gawain 9
Ang kabanatang nabasa ay isang pag-aalay ng may-akda sa kanyang
obra maestra, Bilang isang mag-aaral, kanino mo iniaalay ang iyong pag-aaral?
Ipahayag ang iyong pag-aalay sa pamamagitan ng pagbuo ng isang tula o awitin
na naka-record. Maaring gumamit ng mga online o offline application sa
pagbuo. (Maaring ipasa sa messenger ng guro ang naging kasagutan)
Rubrics o Pamantayan sa Pagbuo ng Awtput
5- Napakahusay 2-Medyo nangangailangan ng pagsasanay
4-Mahusay 1-Nangangailangan ng pagsasanay
3-Katamtaman

Pamantayan 5 4 3 2 1
Orihinalidad at kaayusan
Kalinawan ng iginuhit at paglalarawan
Kaangkupan ng iginuhit sa tema
KABUUAN

Tayahin Natin
Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano ang iyong mga natutunan
sa paksang iyong pinag-aralan.

Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat bilang. Piliin ang letra ng


tamang sagot.

1. Tapat ang pagsuyong lalagi sa dibdib hanggang sa libingan bangkay


ko’y maidlip. Ano ang kahulugan na isinasaad ng taludtod?
A. Ipinakikita rito ni Balagtas ang taos-pusong pagmamahal niya kay
Selya.
B. Namamalagi sa dibdib ni Balagtas ang alaala ni Selya.
C. Hindi raw makalilimutan ni Balagtas si Selya.
D. Kahit natutulog si Balagtas hindi niya makalilimutan ang alaala ni
Selya.
2. Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib, ang Suyuan nami’y bakit di lumawig?
A. Ipinagtataka ni Balgtas kung bakit hindi nagtagal ang pag-iibigan
nila ni Selya.
B. Nagtatanong si Balagtas kung bakit hindi niya makita si Selya?
C. Hinahanap ni Balagtas si Selya sapagkat ito lamang ang
nagpapaligaya sa kanya.
D. Nawawala si Selya kaya’t hindi malaman ni Balagtas kung saan ito
hahanapin.
3. Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel, kusang inilimbag sa puso’t
panimdim, nag-iisang sanlang naiwan sa akin, at di mananakaw
magpahanggang libing.
A. Hindi maiwawaglit sa puso’t isipan ni Balagtas ang alaala ni Selya.
B. Ipinaguhit ni Balgtas ang larawan ni Selya upang hindi niya
malimutan.
C. Hindi raw mananakaw kay Balagtas ang larawan ni Selya sapagkat
nakatago itong mabuti.
D. Ang larawan ni Selya ang naiwang alaala kay Balagtas.
4. Mga gintong uhay doon sa palayan, masasaya silang nangagkakawayan.
Anong uri ng tayutay ang isinasaad?
A. simile C. personipikasyon
B. metapora D. hiperbole
5. Ang aral na ipinahihiwatig ng “Kung malliligo’y sa tubig aagap nang hindi
abutin ng tabsing sa dagat” ay:
A. Kung may tiyaga, may nilaga.
B. Ang kapalaran ay darating, huwag hanapin kung talagang akin.
C. Daig ng maagap ang masipag.
D. Kung hindi uukol, hindi bubukol.
6. Naging magkaribal sina Francisco Balagtas at Mariano Capule sa pangingibig
kay ________________.
A. Maria Asuncion Rivera C. Juana Tiambeng
B. Maria Leonora Rivera D. Consolacion Magtibay
7. Isa sa paalala ni Balagtas ay huwag tularan si _________.
A. Florante C. Segismundo
B. M.A.R D. Capule
8. Siya ang hari ng Albania noong panahon ni Florante.
A. Adolfo C. Menalipo
B. Linceo D. Briseo
9. Upang mapawi ang nag-aantak na damdamin ipinasya niyang muling
maningalang-pugad. Ano ang kahulugan ng salitang italisado?
A. lumigaw C. magmahal
B. tumingala D. magmasid

10. Nabalitaan na lamang ni Kiko na si Selya ay ipinagtaling-puso at naging


kabiyak ng dibdib ni Nano. Ano ang kahulugan ng salitang italisado?

A. Iginapos C ikinasal
B. Ikinulong D. isinuko
11. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang
makamtan. Anong uri ito ng tayutay?
A. simle C. personipikasyon
B. metapora D. hiperbole
12. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan.
A. eksklamasyon C. apostrope
B. hiperbole D. metapora
13. Batong nangagkalat sa mga lansangan ay nangasasaktan kung tinatapakan.
A. metapora C. eksklamasyon
B. personipikasyon D. hiperbole
14. Sa saknong 4, kung may katanungan daw sa alinmang bahagi ng tula niya,
kailangan daw munang ang nagtatanong ay :
A. tumula C. magsuri
B. magbasa D. magsulat
15. Siya ang Morong gererong nagmula sa Persya at nagligtas kay Florante sa
piit ng kamatayan.
A. Menandro C. Adolfo.
B. Menalipo D. Aladin

Gawin natin
Gawain 10
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Ikaw ba ay nakaranas na ang iyong mundo o paligid ay napalilibutan ng
kasamaan at kapahamakan tulad ng naranasan ni Balagtas? Isalaysay mo ito
sa pamamagitan ng pagsulat nito sa story chains at sa huli, isulat ang iyong
ginawa upang mapagtagumpayan ito.

1 2 3 4

REPLEKSYON SA ARALIN
Gawain 11
Tunay kang kahanga-hanga sa iyong ipinamalas na galing at husay sa
pagsagot sa mga gawain! Sa bahaging ito, ay ilahad mo ang iyong mga
natutunan mula sa mga pagsasanay na iyong isinagawa at ang mga
karagdagang kaalaman na iyong napulot mula sa ating aralin. Itala mo ito sa
kwaderno .

Sanggunian
● Amog, Maybel V. Pagoso, Nelia P. 2006. Obra Maestra. Rex Bookstore.
● Pineda, Ponciano B.P. Florante at Laura. 2010. Aklat ANI Publishing and
Educational Trading Center.
● Kaligirang kasaysayan ng Florante at Laura
http://www.geocities.ws/vingalliahpalao/Kaligirang%20Kasaysayan%20ng
%20Florante%20at%20Laura.html

You might also like