You are on page 1of 21

8

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Florante at Laura
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayn ng Florante at Laura
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Anthony Mark P. Moring


Editor: Lorna C. Ragos, Cristy S. Agudera
Tagasuri: Nilda A. Borromeo at Julieta C. Lavisores
Tagalapat: Anthony Mark P. Moring
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – Filipino
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI- Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City


Davao del Norte, Region XI
Telefax: ____________________________________________
Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Florante at Laura

ii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

iii
Aralin Kaligirang Pangkasaysayan ng
1 Florante at Laura

Alamin Natin

Magandang araw kaibigan! Malugod na pagbati sa iyo sapagkat


matagumpay mong nilakbay ang Ikatlong Markahan. Maligayang pagdating
sa Unang Modyul sa Ikaapat na Markahan. Ito na ang panghuling
markahan sa Baitang 8. Alam kong nasasabik ka nang simulan ang bagong
yugto ng matagumpay mong paglalakbay!

Minsan sa ating buhay naranasan nating umibig. Pag-ibig sa dakilang


Lumikha, sa pamilya, sa bayan, maging pag-ibig sa taong inspirasyon natin
na siyang dahilan ng bawat pagtibok ng ating puso. Bagaman tayo’y
hinamon ng panahon at pilit na pinaglayo ng tadhana ay handa nating
isugal ang ating buhay alang-alang sa ating minamahal.

Sa modyul na ito, sabay tayong maantig sa kuwento ng pag-iibigan,


sakripisyo at katapangan. Gayundin ating italima ang mga aral mula sa
awit na pinamagatang “Florante at Laura”. Isang obra na magtuturo sa
atin kung paano magmahal, magpaubaya, at tumulong sa kapwa sa kabila
ng pagkakaiba ng relihiyon, paniniwala at katayuan sa buhay. Nagsisilbi rin
itong paalala sa atin na ipaglaban ang pag-ibig sa ating Inang bayan, ang
bayang ating kinalakhan.

Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan:

Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


• pagtukoy sa kahalagahan ng lipunan sa panahong naisulat ito,
• pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda, at
• pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos ito isulat.(F8PB-IVa-b-33);

Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaaral ng Florante at Laura batay sa


napakinggang mga pahiwatig sa akda (F8PN- IVa-b-33).

1
Subukin Natin

Bago tayo dumako sa ating susunod na aralin ay sagutin muna natin


ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Kung
ika’y handa na, Tara!

1. Sino ang tanyag na Pilipinong manunulat ang may-akda ng obra


maestrang Florante at Laura?

a. Andres Bonifacio c. Francisco Baltazar


b. Apolinario Mabini d. Jose Protacio Rizal

2. Sa anong panahon naisulat ang akda?

a. Sa panahon bago dumating ang mga mananakop.


b. Sa panahon ng pananakop ng mga dayuhang Kastila.
c. Noong napasakamay na ang bansa ng mga Amerikano.
d. Nang sinakop ng mga Hapones ang kapuluan ng Pilipinas.

3. Bakit isinulat ang akdang Florante at Laura?

a. Upang magbigay-aliw sa mga mambabasa.


b. Bilang handog ng may- akda sa kanyang kaibigan.
c. Upang linangin ng may-akda ang kakayahang sumulat.
d. Upang imulat ang sambayanan sa kalupitan ng mananakop.

4. Saang tagpuan sa akda ipinatapon at iginapos ni Adolfo si Florante?

a. Sa may ilog malapit sa kaharian.


b. Sa isang puno doon sa kagubatan.
c. Sa malaking bato malapit sa bangin.
d. Sa kulungan ng mga hayop sa kaharian.

5. Bilang kabataan, paano mo mapahahalagahan ang akda sa


kasalukuyang panahon?

a. Basahin ang akda upang magkaroon ng malaking marka.


b. Huwag nang basahin ang akda dahil ito ay makaluma na.
c. Italima lagi sa isipan ang mga aral na natutuhan sa akda.
d. Ipagsawalang-bahala ang sakripispiyo ng ating mga ninuno.

2
Aralin Natin

Tayo nang basahin ang kaligirang pangkassaysayan ng akdang


Florante at Laura! Basahin natin at unawain ang teksto upang masagutan
ang mga gawain sa ibaba.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Noong 1838, sa panahong ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa


naisulat ni Francisco Balagtas ang “Florante at Laura”. Mahigpit ang
ipinatupad na sensura sa panahong ito dahilan upang ipagbawal ang mga
palabas at babasahing tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga
Espanyol. Dahil sa pagkontrol ng mga dayuhan, ang mga aklat na nalimbag
sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya’y sa
paglalaban ng mga Kristiyanong at Moro na tinatawag ding moro-moro o
ay gayundin ang mga diksyunaryo at aklat panggramatika.
komedya,

Sa kabila ng kahigpitan ng mga Espanyol sa sensura ay naging


matagumpay si Balagtas na mailusot ang kanyang awit dahil sa relihiyon at
paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ang tamang ginamit niya rito bagamat
naiuugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura. Naitago niya ang
mensahe ng pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga
Espanyol sa pamamagitan ng alegorya. Gumamit rin ng mga simbolismong
kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga
pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan ng kaharian ng Albanya
ay kasasalaminan ng mga naganap na kaliluhan, kalupitan at kawalang
katarungan ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
Kasasalaminan din ang akda ng tinutukoy ni Lope K. Santos na apat na
himagsik na naghari sa isip at puso ni Balagtas: (1) Ang himagsik laban sa
malupit na pamahalaan, (2) ang himagsik laban sa hidwaang
pananampalataya (3) ang himagsik laban sa maling kaugalian, at (4) ang
himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.

Itinuturing rin na isang obra maestra ng Panitikan Filipino ang Florante


at Laura at sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong
ika-19 na dantaon. Ito auy sa kadahilanang sa panahong ang karamihan sa
mga Pilipinong mga manunulat ay nagsisisulat sa wikang Espanyol, isinulat
niya ang kanyang akda sa wikang Tagalog. Inialay ni Balagtas ang awit sa
kanyang pinakamamahal na si “Selya“ o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng
pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan.

3
Sinasabing isinulat niya ito habang nakapiit siya sa bilangguan dahil
sa maling paratang na pakana ng mayamang karibal na si Mariano Capule.
Ang labis na kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang
naranasan ni Kiko sa lipunang kanyang ginagalawan ang nagtulak sa kanya
upang sumulat ng akdang Noli Me Tangere.

Ang akdang ito ay nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng


maraming bagay. Ito ay kakikitaan ng mahahalagang aral sa buhay gaya ng
wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang,
pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan, pag-iingat laban sa mga taong
mapagkunwari o mapagpanggap at makasarili, pati na rin ang pagpapaalala
sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat ang bayan ay
maaring humarap sa napakalaking panganib dulot ng pinunong sakim at
mapaghangad sa yaman. Binigyang-diin din sa akda ang kahalagahan ng
pagtulong sa kapwa sa kabila ng pagkakaiba sa relihiyon na ipinakita sa
karakter nina Forenate at Aladin maging kay Laura at Flerida.

Binuhay ng tauhan ni Flerida, isang babaeng Moro ang imahe nng


kababaihan at winaksi ang tradisyunal na paglalarawan sa babaneg
mahindin, mahina, at hindi makabasag-pinggan. Sa halip na magpaalipin sa
kapangyarihan ng kalalakihan tulad ng nakagawian noon sa lipunan, mas
pinili niyang takasan ang mapaniil na Sultan at harapin nang mag-isa at
may katapangan ang mapanganib na kagubatan masundan lamang ang
nawalay na kasintahan. Winakasan rin niya ang kasamaan ng buhing na si
Adolfo sa pagkakaligtas nito kay Laura sa pamamagitan ng kanyang palaso.
Ito’y mga katangiang taliwas sa madalas gamitin upang mailarawan ang
kababaihan lalo na noon. Sa halip na siya ang hinanap at iniligtas, siya ang
naghanap at nakapagligtas pa ng buhay ng kapwa niya babae.

Naging gabay ang akda hindi lamang sa mga pangkaraniwang


tao gayuundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga
Pilipino. Sinasabing si Dr. Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at
Laura habang siya’y naglalakbay sa Europ ito’y naging inspirasyon sa
pagsulat ng kanyang obra na Noli Me Tangere. Sinasabing maging si
Apolinario Mabini habang siya ay nasa Guam noong 1901 ay sumipi
pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit. Bagama’t
napakatagal na ng panahon mula nang isulat ni Balagtas ang awit ay hindi
napasusubaliang ito’y nananatiling makabululuhan, naaangkop, at
mmakagagabay pa rin sa mga Pilipino noon hanggang sa kasalukuyan. Ang
mga aral na ito ang pabaon sa atin ng ating mga ninuno at mga bayani na
nananatiling buhay sa ating puso at diwa at hindi mananakaw ninuman
kahit lumipas pa ang maraming henerasyon.

4
Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar

Si Francisco Baltazar o mas kilala bilang si Balagtas ay isang tanyag na


Pilipinong makata at manunulat. Siya ay binansagang "Prinsipe ng
Manunulang Tagalog". Ang walang kamatayang romantikong pag-iibigan na
“Florante at Laura” ang kanyang itinuturing na obra maestra.

Si Francisco na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko ay ipinanganak


noong ika- 2 ng Abril, 1788 kina Juana dela Cruz at Juan Baltazar sa Barrio
Panginay, Bigaa (kilala ngayon bilang Balagtas bilang pagpupugay sa kanya),
sa lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso sa magkakapatid.

Hinamon siya Jose Dela Cruz upang mapabuti ang kanyang


pagsusulat. Noong taong 1835, nang lumipat siya sa Pandacan ay natagpuan
niya si Maria Asuncion Rivera o MAR na kanyang musa na pinag-alayan niya
ng tulang “Kay Selya”.

Ipinabilanggo siya ni Mariano Capule, isang maimpluwensya at


mayamang lalaking karibal niya sa pag-ibig kay Selya. Naisulat niya ang
makasaysayang piraso ng Florante at Laura habang siya ay nasa bilangguan.
Inspirasyon niya ang kanyang kasalukuyang kalagayan.

Bagaman sa panahong iyon, Espanyol ang dominanteng wika sa


pagsulat sa Pilipinas ay isinulat niya ang kanyang akda sa wikang Tagalog.
Noong 1838 pinalaya siya mula sa pagkakapiit at inilathala niya ang Florante
at Laura nang panahong iyon.

Siya ay pumanaw noong ika-20 ng Abril taong 1862 sa edad na 74. Ang
kanyang huling hangarin ay walang sinoman mula sa kanyang mga anak ang
sumunod sa kanyang mga yapak sa pangambang sila’y dadaan sa parehong
mga paghihirap na kanyang naranasan.

Bilang pagpupugay sa kanyang naging ambag sa panitikang Pilipino ay


ipinangalan sa kanya ang Balagtasan, katagang para sa debate gamit ang
wika sa paglalahad at pagbabahagi ng kahusayan sa ekstemporanyong
pagpapaliwanag at pangangatwiran.

5
Mga Gabay na Tanong

Florante at
Laura

1. Kanino inialay ni
Balagtas ang kanyang
obra?
2. Paano binago ni
Flerida ang pananaw
ng lipunan tungkol sa
kababaihan?

3. Paano binago ng akda


ang diwang nasyonalismo 4. Masasabi mo bang si
ng mga Pilipino? Balagtas ay isang magaling
na manunulat? Bakit?

6
Gawin Natin

Nagagalak akong nalaman mo na ang kaligirang


pangkasaysayan ng akda. Ngayon ay sabay-sabay nating kilalanin ang mga
tauhan sa Florante at Laura at ang papel na kanilang ginampanan sa akda.

Florante Laura

Makisig na binatang anak Anak ni Haring Linceo at


ni Duke Briseo at Prinsesa natatanging pag-ibig ni Florante.
Floresca. Siya ang pangunahing Tapat ang puso sa pag-ibig ngunit
tauhan ng awit. aagawin ng buhong na si Adolfo.

Adolfo Menandro

Anak ng magiting na si Ang matapat na kaibigan


Konde Sileno. Ang karibal ni ni Florante. Mabait at laging
Florante, at aagaw sa trono ni kasa-kasama ni Florante sa
Haring Linceo ng Albanya. digmaan.

Aladin Flerida

Isang gererong Moro at Babaeng Moro mula sa


prinsipe ng Persiya. Anak ni Persiya. Kasintahan ni Aladin.
Sultan Ali-adab. Naging Siya ay magiging tagapagligtas ni
tagapagligtas ni Florante. Laura mula kay Adolfo.

Duke Briseo Princesa Floresca

Ang mabait na ama ni


Ang mahal na ina ni
Florante. Taga-payo ni Haring
Florante.
Linceo ng Albanya.

7
Haring Linceo Antenor

Ang mabait na guro sa


Hari ng Albanya at ama Atenas. Guro nina Florante,
ni Prinsesa Laura. Menandro at Adolfo. Amain ni
Menandro.

Konde Sileno Heneral Miramolin

Ang ama ni Adolfo na Heneral ng mga Turko


taga-Albanya. na lumusob sa Albanya.

Heneral Osmalik Sultan Ali-abab

Ang heneral ng Persya Ang ama ni Aladin na


na lumusob sa Krotona. Siya umagaw sa kanyang
ay napatay ni Florante. magandang kasintahang si
Flerida.

Menalipo Hari ng Krotona

Ang pinsan ni Florante.


Siya ang pumana sa buwitre Ama ni Prinsesa Floresca
na sana'y daragit sa sanggol na at lolo ni Florante.
si Florante.

8
Buod ng Florante at Laura
Ang tagpo sa Florante at Laura ay nagsimula sa isang mapanglaw na
gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya. Dito inusig ng masamang
kapalaran si Florante na nakatali sa isang malaking puno ng Higera. Ang
kanyang gunita ay naglalaro sa palagay niyang nagtaksil ang kanyang giliw
na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng
bayan niyang mahal.
Sa kagubatan ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na
nagngangalang Aladin. Narinig niya ang sigaw ni Florante at dali-dali niya
itong tinunton. Handa nang sukmalin ng dalawang leon ang doo’y
nakataling lalaki. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at
kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa siya’y muling
lumakas.
Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke
Briseo at Prinsesa Floresca. Nang sanggol pa lamang siya, muntik na
siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo
na taga-Epiro. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atenas upang mag-aral,
naging guro niya si Antenor. Doon din niya natagpuan ang kanyang
kababayang si Adolfo na siya ring lihim niyang kaaway. Nang minsang
sila’y nagtanghal ng dula, iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo.
Tapos ay nakatangap siya ng liham tungkol sa pagpanaw ng sinisinta
niyang ina.
Pagbalik niya sa Albanya kasama ang kanyang matalik na kaibigang si
Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na nagtangkang sumakop sa
Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-
pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na
umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Nagapi rin
niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Natapos ang kanyang
pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin
ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala rin ang Moro na siya ay si Aladin, mahigpit na kaaway ng
mga Kristiyano at ng Albanya. Sinlagim ng kapalaran ni Florante ang
kanyang sinapit. Inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab si Flerida
na kanyang kasintahan.
Pagkatapos ng pagkukuwento ay nakarinig sila ng dalawang tinig na
nag-uusap. Tumayo ang dalawa at nakita nila sina Laura at Flerida na
naroon din sa gubat. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si
Aladin at nang mapagawi siya sa gubat ay nakita niya si Laura na ibig
gahasain ni Adolfo, pinana niya ito’t nailigtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang
ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo
sa kanya at pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang
mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay
matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida’y pagkatapos
mabinyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

9
Sanayin Natin

Gawain 1: LIKE Kita!


Sa bahaging ito sasanayin natin ang inyong natutuhan sa ating
tinalakay na kaligirang pangkasaysayan ng akdang Florante at Laura.

Isang alegorya ang akdang Florante at Laura. Sa mga pangyayari


nakakubli ang mga mensahe at simbolismo na tumutuligsa sa kalagayang
panlipunan sa panahon ng mga Espanyol.

Iguhit sa loob ng bilog ang hugis BITUIN ( ) kung ang pahayag ay


kakikitaan ng kalagayang panlipunan sa panahong naisulat ang akda hugis
BUWAN sign ( ) naman kapag hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Halimbawa:

Mahigpit ang pinatupad na sensura dahilan upang ipagbawal ang


mga palabas at babasahing tumutuligsa sa kalupitan ng mga
mananakop.

1. Sa panahong ito, ang kadalasang tema ng mga sulatin ay tungkol


sa relihiyon at paglalaban ng mga Moro’t Kristiyano.

2. May kalayaan ang sinomang nais sumulat ng anomang paksa o


temang nagustuhan niya.

3. Mga diksyunaryo’t aklat panggramatika ang karamihan sa mga


nalathalang aklat sa panahong ito.

4. Ang pagmamalabis ng mga Espanyol ay lantarang ginawan ng


panunuligsa ni Balagtas.

5. Wikang Espanyol ang ginamit ng karamihan sa mga nagsisisulat


sa panahong ito.

10
Tandaan Natin

Gawain 1: May TAMA Ka!

Sa bahaging ito, sasanayin natin ang inyong kaalaman tungkol sa


layunin ni Balagtas sa pagsulat ng walang kamatayang Florante at Laura.
Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa layunin sa
pagsulat ng akda, MALI naman kapag ito’y hindi tumutukoy sa layunin.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa:

Ang akda ay naglalayoong ipakita ang diwa ng


TAMA pagtutulungan sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon at
paniniwala.

______ 1. Ang apat na himagsik na naghari sa puso ni Balagtas


kaugnay sa pamamahala ng mga Espanyol ay nais niyang
maihayag.

______ 2. Nais niyang mahandugan si Maria Asuncion Rivera o


___ Selya ng isang akda bilang babaeng kanyang
pinakamamahal.

______ 3. Layunin niyang makabenta at kumita ng salapi mula sa


kanyang obra maestra upang yumanan.

______ 4. Ninais niyang sumikat sa buong mundo at maisalin ang


kanyang akda sa iba’t ibang wika.

______ 5. Gusto niyang maisiwalat ang kalabisan, sakit, kabiguan


at himagsik mula sa ‘di makatarungang pamamahala sa
lipunan ng mga mananakop.

11
Suriin Natin

Ilang taon na ang lumipas matapos naisulat ni Balagtas ang kanyang


obrang “Florane at Laura”. Sa kasalukuyan patuloy pa rin itong
tinatangkilik at pinag-aaralan. Patunay lamang na naging epektibo ito sa
paghubog sa kamalayan ng mga Pilipino noon hanggang ngayon.

Sa gawaing ito, susuriin natin ang epekto ng akda matapos ito isulat
at mabasa ng napakaraming tao sa buong mundo sa iba’t ibang
henerasyon. Ilahad ang iyong opinion sa mga patlang na nakalaan sa ibaba.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Ano- ano ang mga patunay na naging mabisa o epektibo ang akda sa
panahong naisulat ito?

1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________

Bilang kabataan na bumabasa nito sa kasalukuyang panahon, paano mo


pahahalagahan ang mga aral na iyong natutuhan mula sa akda? Magbigay
ng tatlong (3) tiyak na sagot.

1.________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________

Sa paglikha mo ng sariling talata, gawing gabay ang pamantayang ito.

Pamantayan 5 4 3 2 Marka
Napakahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula
Balarila Lahat ng salitaMay isa May apat May anim at
(wastong at bantas na hanggang hanggang higit pang
gamit ng ginamit ay tatlong limang salita at
salita at tama. salita at salita at bantas na
bantas) bantas na bantas na hindi tama
hindi hindi tama ang
tama ang ang pagkagamit.
pagkaga- pagkagamit.
mit.
Nilalaman Lahat ng sagot May isang May May tatlo at
(kawastuhan ay tama. sagot na dalawang higit pang
ng sagot) hindi sagot na sagot ang
tama. hindi tama. hindi tama.

12
Payabungin Natin

Upang mapayabong pa ang inyong kaalaman tungkol sa aralin


sasagutan natin ang mga pahayag sa ibaba sa pamamagitan ng paghahanay
ng Hanay A sa Hanay B upang makilala pa natin nang husto ang mga
tauhan sa akda. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
______ 1. Laura A. Butihing ama ni Florante
______ 2. Adolfo B. Heneral ng Arabya
______ 3. Aladin C. Tanging iniibig ni Florante
______ 4. Flerida D. Tagapagligtas ng Albanya
______ 5. Florante E. Kasintahan ni Flerida
______ 6. Menandro F. Heneral ng Persya
______ 7. Duke Briseo G. Guro ni Florante sa Atenas
______ 8. Haring Linceo H. Siya ang pumana sa buwitre
______ 9. Heneral Osmalik I. Karibal ni Florante kay Laura
______ 10. Sultan Ali-adab J. Taksil na ama ni Aladin
K. Moro na nagligtas kay Laura
L. Ama ni Laura

Pagnilayan Natin

Mahusay! Ngayon ay palalawakin pa natin ang iyong kaalaman sa


pamamagitan ng pagbuo ng hinuha batay sa nabasang akda. Bumuo ng
talong (3) pangungusap bawat katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1.Dahil napatunayang nating nagyayari pa rin sa kasalukuyan ang


mga pangyayari noon, ano ang iyong gagawin kung sakaling ikaw ay
makararanas din ng ng kawalang katarungan dahil sa pagkakaiba ng
estado sa buhay?
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

13
2.Ayon sa pinaghambing mong pangyayari sa akda at sa mga nagyayari
sa totoong buhay ngayon, ipaliwanag kung gaano kahalaga ang pag-
aaral ng Florante at Laura?
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

3. Kung ikaw si Aladin o si Flerida, gagawin mo rin ba ang pagtulong


kay Florante o kay Laura kahit na kayo ay magkalaban sa relihiyon at
paniniwala? Bakit?
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Sa paglikha mo ng sariling talata, gawing gabay ang pamantayang ito.

Pamantayan 5 4 3 2 Marka
Napakahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula
Balarila Lahat ng salita May isa May apat May anim at
(wastong at bantas na hanggang hanggang higit pang
gamit ng ginamit ay tatlong limang salita at
salita at tama. salita at salita at bantas na
bantas) bantas na bantas na hindi tama
hindi tama hindi tama ang
ang ang pagkagamit.
pagkaga- pagkagamit
mit. .
Kaisahan at Lahat ng mga May isa May apat May anim at
kaugnayan salita at hanggang hanggang higit pang
ng mga salita pangungusap tatlong limang salitang mali
at ay may salitang salitang ang
pangungusap kaisahan at mali ang mali ang pagkakaug-
kaugnayan. pagkaka- pagkakaug nay at pag-
ugnay at -nay at iisa sa
pag-iisa sa pag-iisa sa pangungusap
pangu- pangungu-
ngusap. sap.
Nilalaman Lahat ng sagot May isang May May tatlo at
(kawastuhan ay tama. sagot na dalawang higit pang
ng sagot) hindi sagot na sagot ang
tama. hindi tama. hindi tama.

14
15
Suriin Natin Payabungin Natin Pagnilayan Natin
Nasa guro ang 1. C 6. H Nasa guro ang
pagpapasya 2. I 7. A pagpapasya
3. E 8. L
4. K 9. F
5. D 10. J
Subukin Sanayin Natin Tandaan
Natin Natin
1. C 1. TAMA
2. B 2. TAMA
3. D 3. MALI
4. B 4. MALI
5. C 5. TAMA
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-francisco-balagtas.html

https://www.tagaloglang.com/florante-at-laura-buod-summary/
Larawan mula sa DepEd images

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Sulatroniko: lrms.regionxi@deped.gov.ph

17

You might also like