You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


FILIPINO 8
PAMAGAT NG ARALIN: POPULAR NA BABASAHIN
_______________________________________________________

Kuwarter: 3 MELC No: 3

MELC: F8PS-IIIa-c-30
Naiuulat nang maayos at mabisa ang
nalikom na datos sa pananaliksik
_______________________________________________________

Pangalan ng Guro: Jonalyn S. Raciles


Paaralan: Cabugao National High School

1
KUWARTER 3
SARILING LINANGAN KIT (MELC#) 3

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Malaki ang ihahandog sa iyo ng SariingLinangan Kit na ito mahal kong estudyante. Ito ay
magiging madali na lamang sa iyo sapagkat sa mga naunang modyul o gawain ay nabigyan ka na ng
kaalaman sa aralin. Kailangan mo lang sundin ang mga tuntunin at gabay isinasaad ng aralin upang
masagot at magawa moa ng bawat gawaing nakapaloob dito.
Sa SarilingLinangan Kit na ito ay masusubok ang iyong galing sa paglalahad ng mga datos at
impromasyon sa pamamagitan ng pananaliksik.
Matutulungan ka rin ng iyong mga magulang sapagkat alam kong lagi silang nakaagapay sa
iyo habang ikaw ay nag-aaral at natututo. Nariyan din ang internet at iba pang gadgets o device na
alam kong malaki ang maitutulong nito upang magawa mo ang mga gawain.
Nawa’y pahalagahan mo ang Sariling Linangan Kit na ito. Ipinapaalalang isulat sa iyong
kuwaderno ang mga sagot sa bawat inihandang gawain.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisasagawa mo ito:


1. Nalalaman kung ano ang pananaliksik, ang mga uri at ang mga hakbang nito.
2. Napauunlad ang kahusayang maglahad.
3. Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik (F8PS-IIIa-c-30)

PAGTALAKAY SA ARALIN

BALIK-ARAL

Sa naunang Sariling Linangan Kit mahal kong estudyante ay natalakay ang mga halimbawa ng mga
popular na babasahin at nabasa mo na rin ang lunsarang texto na pinamagatang “ Ang Wikang Filipino sa
Edukasyong Panteknolohiya” ni Christian George C. Francisco. Napakaraming kaalaman at impormasyon
ang iyong nalaman hindi ba? Tingnan natin kung masasagot mo ang gawain sa ibaba.

GAWAIN
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Isandaan at walumpu (180) sa humigit-kumulang na anim na libong buhay na wika sa daigdig ay
matatagpuan sa Pilipinas.
2. May mga wikang intelektuwalisado at malawakang ginagamit sa iba’t ibang antas ng
komunikasyong pasalita at pasulat.
3. May mga superior at/o inferior na wika.
4. Ang ginawang pagbabago ng teknolohiya sa takbo ng buhay ng tao ay hindi matatawaran lalo na
sa larangan ng edukasyon.
5. Ang titser ay simpleng tagapaghatid lamang ng impormasyon sa mga estudyante.

MAIKLING PAGTALAKAY

Marahil ay sanay na sanay ka nang gamitin ang internet mahal kong estudyante, lalong-lalo na sa panahon
ngayon na halos online na ang lahat. Ngunit nalalaman mo ba ang mabuti at masamang hatid ng teknolohiya
sa iyong buhay?

Ang gawain sa pagsasanay sa ibaba ay kaugnay ng binasa at sinuring texto na pinamagatang


“Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya” ni Christian George C.Francisco. Bilang
karagdagan, dapat mo ring malaman na ang pananaliksik ay isang matiyaga at sistematikong
pagtatanong tungkol sa isang paksa upang matuklasan ang mga katotohanan (facts) o saligan/simulain
(principles). Ito ay isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa
kaalaman. Maraming mahahalagang pag-aaral ang nabuo dahil sa pananaliksik. Kailangan ito sa
anumang pagsulat. Sa mabilis na pag-unlad ng agham at teknolohiya, maraming pagbabagong
nagaganap sa ating kapaligiran na humahantong sa maraming katanungan at gayon din sa pagtuklas
ng maraming bagay.

2
Mga Uri ng Pananaliksik
• Panimulang Pananaliksik (Basic Research) – ang layunin nito ay magpaliwanag. Ito ay binubuo ng
teorya o paliwanag tungkol sa isang penomenon o pangyayari. Ito ay deskriptibo o naglalarawan.
• Pagtugong Pananaliksik (Applied Research) – ito ay may layunin na solusyonan ang suliranin ng
taoo at mga suliraning umiiral sa kanyang kapaligiran.
• Pananaliksik na Nagtataya (Evaluation Research) – tumutukoy ito sa pag-aaral ng proseso at
kinaabasan ng isang solusyon.
• Pagkilos na Pananaliksik (Action Research) – ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin
sa isang programa, organisasyon o ng isang
komunidad.
• Makaagham o Siyentipiko – mahalagang aktuwal na makuha ang mga katunayan at aktibong
gumawa ng mga bagay-bagay na makatutulong sa pagtuklas sa nais patunayan.
• Literari o Pampanitikan – mas payak at ito ang karaiwang ginagamit sa kolehiyo. Handa na ang
mga kakailanganin, kokolektahin na lang ang mga ito, masusing pag-aaralan at kritikal na
pahahalagahan.

Mga Hakbang ng Pananaliksik


1. Pumili at maglimita ng paksa.
Ang paksa ay dapat na alam mo,nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may
kabuluhan at magagawan ng konklusyon.
2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas.
I. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa.
II. IIahad ang layunin.
III. Itala o ilista ang mga tanong.
IV. Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
3. Magtala ng sanggunian
Gawin itong minimum sa pitong sanggunian
4. Mangalap ng datos
5. Bumuo ng konseptong papel
Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin.Kasama rito ang balangkas/framework ng
daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.
6. Gumawa ng dokumentasyon
Sinupin ang mga datos at obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.
7. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik

Kaugnay nito, isang simpleng pananaliksik lamang mahal kong estudyante ang iyong gagawin
ngayon. Ngunit bago mo ito isagawa, tingnan muna ang halimbawa sa ibaba

Tulad nga ng nabanggit mahal kong estudyante, napakaraming mga pangyayari sa ating kapaligiran ngayon na
hinahanapan natin ng kasagutan. Dito pumapasok ang pananaliksik. Pansinin ang halimbawa ng pananaliksik sa
ibaba batay sa sariling karanasan.

HALIMBAWA

Paksa: Mabuti at Masamang Epekto ng Paghahanapbuhay ng Ina sa mga Anak

Mabuting Epekto Masamang Epekto


1.Naibibigay ang mga pangangailangan 1.Hindi nasusubaybayan nang husto ang pag-aaral ng
ng mga anak mga anak
2.Nasusustentuhan nang mabuti ang pag-aaral ng mga 2.Maaaring hindi maturuan at masususbaybayan ang mga
anak anak
3.Nagiging responsable ang anak dahil walang ina na 3.Kawalan ng panahon sa anak na nagdudulot ng
inaasahan pagrerebelde
4.Natututong magtrabaho ang anak para sa sarili 4. Maaaring maligaw sa tamang landas ang mga anak

PAGSASANAY

Sa katotohanan, isang malaking kapakinabangan kung ang isang tao ay marunong o bihasa sa paggamit ng mga
makabagong teknolohiya gaya ng i-Pad, computer, multimedia gadget, Internet, at iba pa sapagkat sa
pamamagitan ng mga ito ay nagiging madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Subalit minsan nagdudulot ito
3
ng mga negatibong epekto lalo na sa buhay ng kabataan kung mali ang paggamit ng mga ito.
Gawain 1
Panuto: Gamit ang Fish Bone Organizer ay ilahad mo nang maayos ang mga positibo at negatibong
epekto ng teknolohiya sa buhay ng mga kabataang tulad mo. Maaaring mangalap ng datos o
magsaliksik sa internet o kaya’y makipanayam.

Mga Positibong Epekto

Mga Negatibong Epekto

Gawain 2
Panuto: Magsagawa ng isang pakikipanayam o pagtatanong sa iyong mga kasambahay, kapitbahay
o kabarangay. Ipasagot ang tanong sa ibaba pagkatapos ay ilahad ang mga naging sagot sa iyong
kuwaderno sa pamamagitan ng concept organizer.
Tanong: Ano-ano ang mga paraan o hakbang na maaari mong gawin para malutas ang mga negatibong
epekto ng media o teknolohiya?

Gawain 3
Panuto: Mag-isip at pumili ng isang napapanahong isyu o paksa na pumupukaw sa iyong interes.
Gumawa ng pansamantalang balangkas hinggil dito. Sundin ang pormat sa ibaba. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.
Paksa:________________________________
Pansamantalang balangkas:
I. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa
II. IIahad ang layunin.
III. Itala o ilista ang mga tanong.
IV. Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa

PAGLALAGOM

Isaisip ang mga sumusunod:


1.Ang pananaliksik ay maraming uri at ito ay isinasagawa upang matuklasan ang katotohanan.
2. Ang pananaliksik ay may mga hakbang na dapat sundin upang maging maayos ang resulta nito.

APLIKASYON

Sagutin o isagawa mo pa ang gawain sa ibaba upang lubusang malaman ang iyong pang-unawa sa aralin.

4
Panuto: Lumikom ng mga datos sa pahayagan o sa internet tungkol sa isang napapanahong isyu sa
ating bansa. Ilahad ang mga datos o mahahalagang detalye sa pamamagitan ng “Ladder”. Maaari ring
pumili sa mga sumusunod na paksa.
1. Kahirapan
2. Ipinagbabawal na Gamot
3. Malaking bilang ng Populasyon
4. Polusyon
5. Kalusugan
6. Edukasyon
7. Seguridad at Katahimikan
8. Pagkakautang ng Bansa
5
Pamagat:
4
3
2
1

PAGTATAYA

Gawain 1
PANUTO: Iguhit ang kung ang pangungusap o pahayag ay totoo at kung ito ay hindi totoo.

1. Ang media o teknolohiya ay nakatutulong sa lahat ng gawain ngayon.


2. Maaari na ring magsaliksik sa internet at sa katunayan ay hindi na kailangan ngayon ang mga aklat.
3. Ang mga titser o mga guro ay kailangan na ring makisabay sa paggamit ng makabagong
pamamaraan sa pagtuturo.
4. Mas napadadali ang paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng social media.
5. Ang entertainment ay malaki ang naitutulong upang mahikayat sa pag-aaral ang mga estudyante.
6. Gamit ang mga makabagong teknolohiya,magaganap ang pagtuturong nakasentro sa estudyante
dahil sa kanila nagmumula ang aksiyon o inisyatibo.
7. Mahalaga ang integrasyon ng teknolohiya sa wika partikular sa aspetong pansarili, panlokal, at
pangglobal.
8. Ang mabilis na pagbabago ng mundo ay walang kinalaman ang mga makabagong teknolohiya.
9. Nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang paggamit ng makabagong pamamaraan.
10. Hindi masama ang yumakap sa inobasyon basta ito ay nakabubuti at nakatutulong sa pag-unlad
ng bawat isa.

Gawain 2
Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa pananaliksik. Isulat ang mga ito sa
iyong kuwaderno. May sampung salita ang makikita dito.

S A M A L O A B D B V E P L I S M
A I E D F G H K L B E A F U W O U
R G Y E W U T O A O L T E I A N K
O A D E S K R I P T I B O R A H B
P S K V N E K D T E R U B A S D F
E D U B A T E R A T Y U I O P A S
T F I N S D I S A L K A S K A P D
A G O M D U L P R O S E S O J H F
I H A U B I S R I S T D O S T A G
P A M P A N I T I K A N H Y U A R
A M O A L W E R T Y O U I O P S D
N E S R A C L K J H G F D S A U I
I O W I N V B N M W E R T Y U M R
M S A N G G U N I A N Y T Y U B T
U T P T K E S O U F G U I P D A Y
L A G O A A D F G H L W E R T Y U
A K L E S I S T E M A T I K O G H

5
Gawain 3
Panuto: Balikan ang ginawa mong pansamantalang balangkas ng paksa o isyung napili mo. Magtala
ng tatlong sanggunian (references) na maaaring nagamit o magagamit mo. Gayahin ang pormat sa
ibaba.

Halimbawa:
Paksa: Pagsasara ng Boracay Resort
Sanggunian:
SAPOL – Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2018 -12:00am
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/05/11/1814254/pagsasara-sa-boracay-
leksiyon-sa-resorts#vsa41jT7yD2t3OxQ.99

Paksa o Isyu:
Sanggunian:
1. _____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. _____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. _____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

6
7
Balik-aral (pahina 3)
Gawain: 1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
Pagsasanay:
Gawain 1(pahina 5-6)
(mga posibleng sagot)
Mga Positibong Epekto
1. Napagagaan ang mga gawaing-bahay tulad ng paglalaba, pagluluto
at marami pang iba
2. Nakasasabay sa mga nangyayari sa kasalukuyan
3. Napadadali ang paggawa ng takdang-aralin at proyekto
4. Napadadali ang komunikasyon sa loob man o labas ng bansa
5. Nakatutulong sa pag-aaral sa loob man o labas ng klasrum
Mga Negatibong Epekto
1. Nagiging tamad sa paggawa ng gawaing-bahay
2. Posibleng daan upang gumawa ng kalokohan
3. Umaasa sa internet at posibleng hindi magpursigi sa pagbabasa o
pag-aaral
4. Maaaring daan ng maagang pag-aasawa
5. Nakakukuha ng sakit dahil sa radiation dulot nito
Gawain 2 (pahina 6)
Maaaring magkakaiba ang sagot
Gawain 3 (pahina 6)
Maaaring magkakaiba ang sagot
Aplikasyon (pahina 7-8)
Maaring magkakaiba ang sagot
Pagtataya: Gawain 1 (pahina 8-9)
1 .
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
MGA SAGOT
Gawain 2 ( pahina 9)
*hindi magkakasunod
siyentipiko
proseso
pampanitikan
datos
paksa
balangkas
deskriptibo
panimula
sanggunian

Gawain 3 (pahina 9-10)


Maaaring magkakaiba ang sagot

You might also like