You are on page 1of 26

KABANATA II

2.1: KALIGIRAN NG SALIKSIK

ARALIN 2.1.1: KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA SULIRANIN

LAYUNIN

1. Nakakapagbuo ng mga mahuhusay na suliranin

2. Nabibigyang-pansin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang


mahusay na suliranin

Isa sa pinakamahirap at kritikal na hakbangin sa paggawa ng


pananaliksik ay ang paghahanap ng mahusay na suliranin (Choice of
good problem). Marami sa mga mananaliksik ay may mabuting pananaw
sa bahaging ito. Ngunit karaniwan na rin na ito ay nagiging sagabal sa
kanila upang magsagawa ng pananaliksik.

Ang suliranin ay ang pinag-aaralan at hinahanapan ng angkop na


kasagutan o solusyon. Ito ay maaaring matamo sa pamamagitan ng pag-
uugnay sa sariling karanasan, pagmamasid, pagbabasa, pakikinig at
pagtatanong. Ito ay maaari ring matamo sa mga bahaging
rekomendasyon ng mga natapos nang pananaliksik, mga libro, journal, o
mga abstract.

Ang mga sumusunod ay maaaring patnubay sa pagpili ng isang


mahusay na suliranin:

1. Ang suliranin ay dapat na may sapat na impormasyon o


datos na susuporta sa iyong pananaliksik.
2. Pag-ukulan ng pansin ang pagiging madali ng suliranin
na abot sa pang-unawa ng mananaliksik at ang kanyang
mambabasa.
3. Siguraduhing may mga datos at impormasyong susuporta
sa suliraning napili tulad ng mga natapos nang saliksik, mga
artikulong nailathala sa mga pahayagan, thesis, disseratation
at iba pang babasahing makapagbibigay ng suportang
impormasyong sa paksang sinasaliksik.
4. Kinakailangang ito ay may kaugnayan sa edukasyon
(Geared towards education). Para magamit ang resulta ng

9
pananaliksik bilang sanggunian sa iba pang kaugnay na
pananaliksik.

10
Pangalan: Manantan, Cylene Grail Iskor: ________________
Kurso: BSEd 3B Petsa: Nobyembre 15,2021

GAWAIN

Panuto: Bumuo ng maliit na pangkat at pag-usapan ang bawat isa.


Magbigay ng tig-iisang limitadong paksa na maaaring angkop
sa bawat katangian ng pananaliksik na binanggit. Maaring
iulat sa klase ang napagkaisahang sagot.

1. Siguraduhin na ang napiling suliranin ay may sapat na


impormasyon o datos na susuporta sa inyong pananaliksik.

Masamang Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa mga Kabataan

2. Pag-ukulan ng pansin ang pagiging madali ng suliranin,


abot sa pang-unawa ng mananaliksik at mga babasa nito.
Mga Dahilan at Epekto ng Depresiyon ng mga Mag-aaral sa
Paaralan ng Bonfal National High School

3. Kailangang ito ay magududulot ng kapakinabangan sa


edukasyon (Geared towards education) o maging sa iba pang
disiplina.
Bilang ng Mga Estudyante na Lumiliban sa Klase at Epekto nito
sa Akademik Perpormans sa Paaralan ng Bonfal National High
School

4. Kinakailangan na ang suliraning napili ay bago at hindi


gasgas (It possesses novelty).
Persepsiyon ng mga Kabataan sa Maagang Pag-aasawa sa Lugar
ng Sta.rosa

5. Ito ay payak, madaling saliksikin, may personal kang


interes dito at kayang tapusin sa pinakamadaling panahon.
Masamang Epekto sa Kalusugan ng mga Kabataan sa
Paggamit ng Gadyets.

11
Pangalan: Manantan, Cylene Grail Iskor: ________________
Kurso: BSEd 3B Petsa: Nobyembre 15, 2021

GAWAIN

Panuto: Maglista ng apat na mahahalagang paksa na nais pag-aralan.


Magbigay ng mga dahilan bakit napili ang mga nabanggit na
paksa.

1. LGBTQ+
Ang kasarian ay isang malaking isyu na hindi pa rin
mamatay-matay hanggang ngayon sapagkat marami pa rin sa
atin ay makitid ang utak pagdating sa ganitong mga usapin. Sa
panahon ngayon marami pa rin ang mga taong hindi tanggap
ang pakakaroon ng iba pang kasarian sapagkat ayon sakanila
ay labag ito sa mata ng ating panginoon. Ang una kong nais na
maging paksa ay ang kasarian sapagkat hindi lamang ang mga
babae at lalaki ang nasasangkot sa usaping ito kundi pati na
rin ang mga LGBTQ+ community. Isa sa dahilan ko kung bakit
na nais ko itong pag-aralan sapagkat nais kong malaman kung
bakit ang mga taong kasama sa LGBTQ+ ay nakararanas pa rin
ng imoral na gawain ng ibang tao. Nais ko ding malaman kung
ano ang epekto ng mga diskriminasyong ito sa taong
nakararanas nito.

2. Online Class
Ang online class ay isang malaking isyu hindi lamang dito sa
ating bansa kundi pati narin sa ibang bansa sapagkat dahil sa
pandemyang ito ang ating buhay ay nagbago lalong-lalo na ang
ating pag-aaral. Ang pag-aaral noon ay ibang-iba sa pag-aaral
ngayon ang ating mga nakagawiang pagkaklase ay nabago
buhat ng pandemya na ating kinakaharap ngayon. Sa aking
palagay ay mas mahirap ang pag-aaral ngayon kaysa noon
kung kaya’t ang online class ay isang magandang paksa na
pag-aralan. Napakadami nang mga estudyante ngayon ang
nadedepress at pinipiling kitilin ang kanilang buhay sa
paniniwalang dito matatakasana ang kanilang mga gawain o
modyul sa klase. Ikalawa na nais kong pag-aralan ay ang online

12
class sapagkat napakadami kong nais na malaman tungkol dito
kung ano ang mga epekto nito sa mga estudyante.
Napakahalagang malaman ito dahil nakasalalay ang buhay,
pangarap at kalusugan ng mga estudyante sa usaping ito. Nais
ko ring malaman ang sanhi ng problema at kung ano ang
solusyon na ginagawa ng mga estudyante.

3. Maagang Pagbubuntis
Mabigat pa rin ang usaping maagang pagbubuntis sa ating
bansa sapagkat marami pa rin sa mga kabataan ang hindi
nabibigyan ng tamang gabay upang baguhin ang kanilang
paniniwala na ang maagang pag-aasawa o ang maagang
pagbubuntis ang sagot sa kanilang kahirapan. Ang teenage
pregnancy ay malaking pagkakasangkot sa health care ng ating
bansa sapagkat ito ay nagiging problema na sa ating bansa
maliban sa pagtaas ng bilang ng kaso ng maagang pagbubuntis
dumarami na din ang bilang ng kaso ng mga kabataang babae
ang namamatay sa kadahilanang hindi pa kaya ng kanilang
katawan ang karanasang ito. Ang ikatlo na nais kong pag-
aralan ay ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Ang isa
sa dahilan kung bakit ko ito napili ay nais kong malaman ang
epekto nito sa mga batang magsisilang at isisilang sapagkat
napapansin ko na ilan sa mga kabataang maagang nabubuntis
ay nagkakaroon ng komplikasyon ang kanilang isinisilang na
maging sa kanilang mga sarili. Isa pa ay nais kong malaman
kung anong dahilan ng mga kabataan kung bakit mas pinipili
nilang tahakin ang ganitong klase ng buhay kung maaari
namang mag-aral at maabot ang kanilang pangarap.

4. Online Games
Ang Online Games ay karaniwang kinaaadikan ng mga
kabataan ngayon hindi lamang ng mga estudyante sapagkat sa
henerasyon natin ngayon napakadali ng matutunan ng mga
kabataan ang ganitong mga makabagong imbento dahil sila ay
namumuhay na ngayong ika-21 siglo. Ang larong online ay
nilalaro sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong
teknolohiya na kompyuter. May iba’t ibang klase ng laro ang
makikita rito mayroong laro sa pagluluto, laro tungkol sa
pagpapaganda, laro na para sa kalalakihan, kababaihan at
napakadami pang iba. Ang lahat ng klase na nais na laruin sa

13
kompyuter ay nandito na kung kaya’t hindi na nakapagtataka
kung bakit napakadaming mga kabataan ngayon ang
nahuhumaling na maglaro. Ang dahilan ng pagpili ko sa
paksang ito ay nais kong malaman ang epekto ng larong online
sa mga kabataan at kung ano ang dulot nito sa kanilang mga
kalusugan. Dahil sa bata pa lamang hindi pa nila
nararamdaman ang sakit ng kanilang mga katawan kung kaya’t
nagpapatuloy pa rin sila sa gawaing ito kahit pa’y nakasasama
na sa kanilang kalusugan. Nais ko ding malaman kung ilang
oras ang nailalaan ng mga kabataan sa paglalaro sa kompyuter
at ilang araw madalas ito. Napakahalagang maiwasan ng mga
kabataan ang pagbabad sa paglalaro ng online games habang
maaga pa lamang ay paiwasin na natin ang mga ito upang ang
lahat ay hindi magsisi sa huli.

14
2.1: KALIGIRAN NG SALIKSIK

ARALIN 2.1.2: PAGLALAHAD NG SULIRANIN

LAYUNIN

1. Nakikilala ang mga angkop na paksa o suliranin sa pananaliksik

2. Nailalahad ang paksa o suliraning napili sa paraang ispesipiko at


madaling maintindihan

Isa lamang ang dapat isaalang-alang sa pagpili at paglalahad ng


suliranin, ito ay ang pagiging ispesipiko ng paksang susulatin. Walang
puwang dito ang masyadong malawak na paksa na magiging dahilan
lamang nang hindi ikatatapos ng gagawing saliksik. Dapat isaalang-
alang ng mananaliksik ang mga praktikal na katangian ng suliranin
bago niya ito simulang saliksikin.

Pagkatapos matukoy ang suliraning may kurot sa puso ng


mananaliksik, dapat niyang ikunsidera na ang suliranin ay madaling
ihanapan ng solusyon. Sa madaling salita, abot sa kakayahan ng
mananaliksik at kayang tapusin sa takdang panahon upang makatipid
sa oras, pera at panahon (saving time. money and effort).

Isipin din bilang mananaliksik na ang napiling suliranin ay


maaaring mapakinabangan at mahalaga sa mga tiyak na mambabasa, sa
mga estudyante, sa iba pang mananaliksik, sa mga guro at susunod na
henerasyon na gagamit sa mga ito bilang sanggunian.

Upang hindi masayang at maging kapaki-pakinabang ang bunga


ng saliksik, ang mananaliksik ay dapat na sensitibo sa mga uri ng
suliraning mapapakinabangan sa banding huli, hindi lamang sa kanya
bilang mananaliksik kundi sa lahat ng babasa nito. Ito ang isa sa mga
mahahalagang dahilan na dapat isaalang-alang ng mananaliksik sa
pagpili ng mahalagang suliranin.

Sa paglalahad ng suliranin, mahalagang masagot ang simpleng


tanong na ano, sino at saan. Ito ang mga tanong na magdadala sa
mananaliksik para malimitahan at mabawasan ang mabibigat na
trabaho sakaling magsimula na siyang mangulekta ng datos at

15
impormasyon. Ang mga tanong na paano at bakit ay masasagot na
lamang sa kalagitnaan ng pananaliksik.

Pangalan: Manantan, Cylene Grail Iskor: ________________


Kurso: BSEd 3B Petsa: Nobyembre 15, 2021

GAWAIN

Panuto: Bumuo ng ispesipikong paksa mula sa mga malalawak na


paksa sa ibaba.

1. Pang-edukasyon: "Taunang Pagtataas ng Matrikula sa Kolehiyo”


Epekto sa Estudyante ng Pagtaas ng Matrikula sa Kolehiyo

2. Pampulitika: "Bangayan ng mga Oposisyon at


Administrasyon sa Senado"
Sanhi at Epekto ng Bangayan ng mga Oposisyon at mga
Nakaupong Administrasyon sa Senado.

3. Pang-ekonomiya: "Patuloy na Pagtaas ng mga Bilihin"


Mga Dahilan at Epekto ng Pagtaas ng Bilihin sa Lugar ng Bayombong.

4. Pangrelehiyon: "Ang Tamang Relihiyon na Dapat Kaaniban"


Perspepsiyon ng mga Kabataan sa Tamang Relihiyon na Dapat Kaaniban
sa Lugar ng Bayombong.

5. Panlipunan: "Maagang Pag-aasawa ng mga Kabataan


Ngayon"
Mga Dahilan at Epekto ng Maagang Pag-aasawa ng mga Kabataan sa
Baryo ng Paitan.

16
2.1: KALIGIRAN NG SALIKSIK

ARALIN 2.1.3: PAGPAPALAWAK NG SULIRANIN

LAYUNIN

1. Natutukoy ang isang magandang suliraning susulatin

2. Napapalawak ang suliraning napili sa pamamagitan ng iba't ibang


angkop na paraan

Ang mga sumusunod na gawain ay iminumungkahing gamitin


tungo sa makabuluhang pagkilala, pagtuklas at pagpapalawak ng
suliraning napili:

1. Pagbabasa ng maraming produkto o bunga ng pananaliksik


ayon sa paksa o suliraning nais saliksikin tulad ng mga thesis
at dissertation, mga nailathalang saliksik sa internet, magazine,
journals, at iba pang uri ng babasahin.

2. Pagdalo sa mga pampropesyunal na lectures, symposium,


seminar o coloquim na ugnay sa paksang napili. Ang mga
tagapagsalita sa mga ganitong pagtitipon ay tunay na mayaman
sa kaalaman at impormasyong kakailanganin sa pagsasaliksik.

3. Pagmamasid sa mga pangyayari sa paligid. Ang lipunan ay


mayaman sa mga datos at impormasyon. Kinakailangan
lamang suriin kung paanong ang mga ito ay
mapapakinabangan ng mananaliksik.

4. Pag-iipon ng mga edukasyunal na babasahin tulad ng news


articles, newspapers, at iba pang mga artikulo na magagamit na
sanggunian sa gagawing pananaliksik.

5. Pagtatanong sa mga taong may malawak na kaalaman sa


paksang nais saliksikin.

6. Pagsasagawa ng survey, case study at kaugnay na gawain


upang lalong mapalawak ang paksang nais talakayin,

17
7. At higit sa lahat, ang sariling karanasan ay maaari ding
magamit upang mapaunlad ang paksang nais saliksikin.

Pangalan: Manantan, Cylene Grail Iskor: _________________


Kurso: BSEd 3B Petsa: Nobyembre 15, 2021

GAWAIN

Panuto: Pumili ng isa sa mga isyu sa ibaba at magsaliksik ukol dito.


Maaari din namang magbigay ng sariling isyung palalawakin
maliban sa mga nabanggit na. Isulat sa ibabang mga linya
kung bakit napili ang alinman sa mga paksa sa ibaba.

1. Kultura at Pag-uugali ng mga Ilokano

2. Ang Kabataan at ang Halalang Pangkabataan

3. Ang “Strong Family Ties” ng mga Pamilyang Pilipino

4. Pagtanggap ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino

Ang asignaturang Filipino ay napakahalaga dito sa ating bansa


sapagkat ito ang simbolo ng ating pagkakakilanlan dahil ito ang ating
pambansang wika at hindi dapat ito mawala. Sa henerasyon natin
ngayon ang mga kabataan ay hindi na nabibigyan ng sapat na kaalaman
pagdating sa asignaturang ito sapagkat sila ay naimpluwensiyahan na
ng makabagong teknolohiya buhat sa kanilang napapanood sa iba’t
ibang site sa internet.
Para sa akin, napakahalagang pag-aralan at hindi maalis ang
wikang Filipino sa ating bansa kahit ano pa man ang mangyari sapagkat
ang pag-aaral nito ang nagbibigay sa atin ng kaalaman ukol sa ating
wika at sa ating panitikan. Ito ay magiging kapakinabangan at ito na
lamang ang nagsisilbi nating kayaman bukod sa ating bansang
sinilangan upang tayo ay maging isang ganap na mga Pilipino. Napili ko
ito sapagkat bilang isang mag-aaral na itinataas ang bandera ng
Pilipinas hindi ako papayag na tanggalin ang asignaturang Filipino.
Dapat lamang na tanggapin ng mga mag-aaral ang asignaturang ito
sapagkat noon pa lamang ay kasali na ito sa ating kurikulum hanggang
ngayong mayroon ng k-12. Karapatan lamang ng mga mag-aaral na pag-
aralan ang mga kasaysayan at wika natin upang ito ay manatili at hindi
mabura. Sa aking palagay, wala namang mawawala sa atin kung

18
ipagpapatuloy nating pag-aralan ito bagkus ay lalawak pa ang ating
kaalaman tungkol sa literatura, kasaysayan at wika ng ating bansa. Ang
pagtanggap ng asignaturang Filipino ay isang kayamanan sa atin
sapagkat ito ay nagpapaalala sa ating mga bayani.
Mahalin natin at pagyamanin ang ating wika sapagkat ito ang
ating instrumento upang tayo ay magakaroon ng ating pag-unawa at
upang maibahagi natin sa iba ang ating nais na sabihin. Ang ating wika
ang nagbibigay sa atin ng diwa, sumasalamin ng ating kultura,
kaugalian, kaalaman, paniniwala at marami pang iba. Naalala ko pa ang
hindi mabura-burang kasabihan ng ating pambansang bayani na si Dr.
Jose P. Rizal na “ang hindi marunong magmahal ng sariling wika, ay
higit pa sa mabaho at masangsang na isda.”

19
ARALIN 2.2: KONSEPTUWAL NA BATAYAN SA PANANALIKSIK

LAYUNIN

1. Naipapakita ang ugnayan ng mga konsepto, mga teorya at iba


pang ideya o pananaw na gagamitin sa pananaliksik

Ang Konseptuwal na Batayan sa pananaliksik ay sadyang


nakakatulong nang malaki sa mananaliksik na makabuo at
maipaliwanag ang isang konsepto at upang maging maayos ang pag-
aaral na isasagawa. Ito ay tinatawag na larawang-diwa ng saliksik na
mula rito ay makikita ang kabuuang larawan ng daloy ng pananaliksik,
direksiyong patutunguhan ng saliksik at ang relasyon ng mga variables
sa bawat isa. Nakadaragdag din ito ng pananaw at ideya tungo sa lubos
na ikauunawa ng mambabasa sa tunay na kinalabasan ng isinagawang
pananaliksik.

Ang konseptuwal na batayan ay magbibigay din ng direksiyon sa


mananaliksik kung paano niya isasagawa (input) ang kanyang
pananaliksik, pag-iisip ng tamang dulog, estratehiya at iba pang paraan
kung paano isasagawa ang saliksik (process), at ang pagtalakay sa
maaaring kalalabasan ng salikisk (output). Ito ang tinatawag na batayang
konsepto na tutulong sa mananaliksik na mapalabas ang mahusay na
resulta ng kanyang saliksik.

Sa pagsasagawa nito, kinakailangan ng mananaliksik na gumawa


ng balangkas na magsisilbing batayan sa kanyang pananaliksik. Dapat
ding maipakita ang ugnayan ng mga konsepto at mga teoryang ginamit
kung sadya nga itong angkop sa pag-aaral na ginagawa.

Mahalaga ring may malawak na kaalaman ang mananaliksik sa


iba't ibang mga teorya at konseptong ginagamit upang makapamili ng
angkop at lalapat sa paksang nais na saliksikin. Dito papasok ang isa sa
mga katangian ng isang mananaliksik na may malawak na kaalaman at
masigasig sa paghahanap ng mga kakailanganing kagamitan sa kanyang
pagsasaliksik.

20
Pangalan: Manantan, Cylene Grail Iskor: ________________
Kurso: BSEd 3B Petsa: Nobyembre 15, 2021

GAWAIN

Panuto: Kumopya ng mga halimbawa ng konsepto, teorya, pananaw at


iba pang kaugnay na ginamit sa mga natapos nang saliksik at
talakayin ang mga ito sa klase.

 
BATAYANG TEORETIKAL
Ang Teoryang Pinagmulan ng Wika
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa
dami-daming teorya ng iba’t ibang teorya ng wika. Ayon kay Rene
Descartes (1987), hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas
sa kaniya ang gumamit ng wika na naaangkop sa kaniyang kalikasan
bilang tao. May aparato ang tao na sa kaniyang utak gayundin sa
pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ng wikang
kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang
iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay. 
Batay kay Rene Descartes likas ang tao ay mayroong likas na
kasanayan sa pagsasalita sapagkat ito ay mayroong kasanayang matuto
para sa pangaraw-araw nitong gawain at upang maipahayag nito ang
kaniyang mga saloobin at nararamdaman. Sinabi rin niya na hindi
pangkaraniwang hayop ang isang tao sapagkat ang tao ay madaling
matuto, nakakakilos ng naaayon sa lipunan at natututo ng iba’t ibang
bagay kumpara sa mga hayop.

Ayon naman kay Plato, nilikha ang wika bunga ng


pangangailangan “Necessity is the mother of all invention”. Sa
paniniwalang ito, gayang gamit, tirahan at pagkain, pangunahin
pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya naimbento ito ng tao.
Batay naman kay Plato ang wika ay isang napakalaking kailangan
ng tao sa kanyang pamumuhay sapagkat ang wika ay kasama ng tao sa
araw-araw nitong pakikipagtalastasan saan man ito magpunta. Kung
wala ang wika ay hindi matutukoy ang mga gamit na ating ginagamit
ngayon sa kasalukuyan. Dahil sa wika ay nagkaroon tayo ng pangalan at
kung ano-ano pa mang pangalan sa ating mga paligid.

21
PiliFilipino ito ang paninimulang ito ang inihahaing panimulang teorya
upang suriin ang paimbabaw, malaliman at kaibuturan ng wika. Hango
ito sa sinabi ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface
structure(paimbabaw) at deep structure (ubod) ang wika. Ngunit ayon
naman kay Cecilio M. Lopez may pumapagitna sa dalawang level na ito,
ang middle structure natatawagin kong lalim ng wika. Ito ang nawawala
sa kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang lalim
ang wika dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng
ating kamalayan. Tanging ang malakas at dominanteng paimbabaw na
puwersa na mula sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi ang
kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika.
Sa ngayon hangga’t di matutugunan ang kakulangan sa lalim at ubod ng
WF, ang paimbabaw na level ng wika ang tumatayong stratehiya sa
pagpili, pagpilipit at pagpipilit na lumabas ang kakanyahan ng wika. Sa
teoryang nabanggit, paimbabaw ang development ng wikang Filipino:
May tatlong pananaw tungkol dito; una ang Kasalukuyang nililinang pa
rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang Tagalog at ang nakalululang
hamon napaglinang nito mula sa mga katuwang na wika sa bansa.
Sumunod ang mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba’t ibang domain ng
kaalaman at praktika. At ang Interbensyon ng gahum (estado, iskolar,
media) na nakakaapekto sa menu ngpagpili, pamimilit at pagpilipit sa
wikang Filipino.
Mula naman kay N. Chomsky ang wika ay mayroong paibabaw at
ubod o tinatawag na surface structure at deep structure ngunit batay
kay Cecilio M. Lopez na hindi lamang dalawa ang mayroon ito bagkus
may isa pang pumapagitna na ang tawag ay middle structure o ang
tinatawag na lalim ng wika. Deep structure kilala rin bilang deep
grammar o D-structure ay ang pinagbabatayan na syntactic structure o
level ng isang parirala sa transformational at generative grammar. Ang
malalim na istraktura, kabaligtaran sa istrukturang pang-ibabaw o
panglabas na hugis ng parirala, ay isang abstract na representasyon na
nagpapahiwatig ng iba't ibang paraan upang masuri at mabigyang-
kahulugan ang isang pangungusap. Ang mga malalim na istruktura ay
nilikha sa pamamagitan ng mga panuntunan sa istruktura ng parirala,
habang ang mga istruktura sa ibabaw ay nilikha sa pamamagitan ng
paglalapat ng isang pagkakasunud-sunod ng mga pagbabago sa malalim
na mga istraktura.

Ang teoryang Wikang Jejemon ay isang salitang nagsimula sa mga


tagagamit ng internet. Ang sosyolekto ng mga Jejemon ay tinarawag na
“Jejenes” (magiging literal na Jejenismos Wikang Tagalog) ay nanggaling
mula sa Ingles, Filipino at ang kanilang paiba-ibang Taglis. Ang kanilang
alpabeto, ang “Jejebet” (magiging literal na Jejebeto sa wikang Tagalog)
ay gumagamit sa wikang Tagalog) ay gumagamit ng Alpabetong Romano,
kasama na ang mga Numero Arabiko at iba pang espesyal na karakter.

22
Nagmula ito sa pagpapaikli ng mga salita sa pamamagitan ng
shortmessaging service, kung saan ang bawat text message na
ipinapadala gamitang cellphone ay limitado sa 160 characters.
Gayunman, ang ilang jejemons ay hindi pinapaikli ang mga salita sa
halip, higit nilang pinapahaba ang mensahe.
Ang teoryang wikang Jejemon ay kalimitang sumikat noon at
mayroon pa ring mangilan ngilan na gumagamit ngayon ng ganitog wika
gamit ang mensahe sa ating mga gadyets. Ang salitang ito ay hango sa
pinagsasamang wikang Tagalog at wikang Ingles, pagpapaikli ng isang
salita sa karaniwan nitong baybay, paglalapat ng mga numero pamalit
sa letra at ang paglalapat ng bantas pamalit pa rin sa letra. Ngunit ayon
sa itaas sinabi rito na ang jejemon ay hindi pagpapaikli ng salita bagkus
dahil sa paggamit nito ay mas lalo pang humahaba ang isang
pangungusap.

Balangkas ng Teoretikal na Pag-aaral

Batayang Konseptwal

23
Ang pananaliksik ay nauukol sa mga impluwensiya ng
makabagong teknolohiya sa lebel ng wika at pagkatutong mga mag-aaral
sa kasalukuyan. Ang pag-aaral ay nasisigurong kapaki-pakinabang sa
pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral na makatutulong upang
magamit nang husto ang makabagong teknolohiya sa pagpapayaman ng
wika. Mabubuksan ang kaisipan ng bawat isa ukol sa kahalagahan ng
wika at sa pagbabagong nangyayari rito. Dahil sa pagbabago sa lebel ng
wika nagkakaroon rin ito ng iba’t ibang gamit na siyang bibigyanng tuon
ng pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng input-process-
output model sa pagggawa ng paradima sa batayang konseptwal ng pag-
aaral. Makikita saunang kahon ng paradima ang mga impluwensya ng
teknolohiya sa wika at pag-aaral ng mga mag-aaral na siyang
magsisilbing input. Batid naman ng nasaikalawang kahon ang
pamamaraan na gagamitin upang makakalap ng mgaimpormasyon o
datos ukol sa paksang dapat talakayin. Ang sarbey mula sa mga mag-
aaral na kabilang sa eksperimental na pangkat ay ang siyang dahilan
upang makabuo ng mabisang pamamaraan ng paggamit ng makabagong
teknolohiya na makakatulong sa pagpapaunlad ng gamit ng wikang
Filipino. Ito rin ang magiging instrument ng mga guro’t mag-aaral upang
magamit ang nasabing impluwensya ng makabagong teknolohiya sa mas
mabuti at kapakipakinabang.

Ang batayang konseptwal ay naglalayon na malaman ang


impluwensiya ng makabagong teknolohiya sa wika at sa karunugan ng
mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral
na gamitin sa tama ang kanilang wika gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng input process
output model upang gumawa ng paradigma. Ang input process output
model ay isang pag-aaral ng mga sistema ng pagganap at pagpoproseso
batay sa pag-aakalang ang mga input na materyales ay ginawang mga
output ng mga proseso ng panloob na sistema. Ang isang modelo ng IPO,
tulad ng inilapat sa pagproseso ng impormasyon ng tao, ay
nagmumungkahi na ang mga perceptual system na mag-encode ng
impormasyon at pagkatapos ay pinoproseso ng mga prosesong
nagbibigay-malay upang makabuo ng mga sikolohikal at mga reaksyon.
Ang sarbey na isinagawa ay kasama sa eksperimental na grupo na
nagbigay ng galing para sa pagbuo ng isang mahusay na diskarte sa
paggamit ng mga kasalukuyang teknolohiya upang tumulong sa
pagpapaunlad ng kasanayan sa wikang Filipino. Sa pamamagitan nito ay
magkakaroon ng ideya ang mga guro at mga estudyante upang
maunawaan kung papaano ang paggamit at kung ano ang epekto ng
makabagong teknolohiya sa ating wika.

24
ARALIN 2.3: KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

LAYUNIN

1. Naipaliliwanag ang mga natatanging kapakinabangang matatamo


ng isang mananaliksik sa isang tiyak na paksang napiling pag-
aaralan

Ang Pananaliksik ay gumagamit ng ispisipikong proseso.


Ginagamit ito bilang mga sanggunian sa mga sumusunod na pag-aaral.
Sa pamamagitan ng pag-aaral, ang pag-unlad ng iba't ibang karunungan
ay natatamo hanggang sa pinakamataas na antas. Ito ay may layuning
pahalagahan, paunlarin at turuan ang mga estudyante sa mga gawaing
may kaugnayan sa akademiko. Pinapaunlad din ng pag-aaral ang
kakayahang magmasid, bumuo ng mga teorya at pananaw hinggil sa
isang mahalagang isyu.

Inaasahan na ang bunga ng pananaliksik ay hindi lamang


magiging mahalaga mismo sa nagsagawa ng pag-aaral kundi pati na rin
sa sinumang babasa o gagamit nito bilang sanggunian sa mga susunod
na pag-aaral. Kung gayun, ang anumang pananaliksik na gagawin ay
marapat lamang na laging may kaugnayan sa edukasyon upang
magamit ninuman sa anumang saliksik na gagawin sa mga susunod na
henerasyon. Dapat na magiging mahalaga rin ito sa mga estudyante,
mga guro na nagnanais gamitin ito bilang sanggunian sa kanilang
pagtuturo. Ang iba naman ay maaari ring mapakinabangan ng
administrasyon o anumang ahensiya na tumulong sa pinansiyal na
pangangailangan ng mananaliksik upang tuluyang makumpleto ang pag-
aaral.

Ang pananaliksik ay isang propesyunal at akademikong gawain na


maaaring mapakinabangan ng sinuman. Sa pamamagitan ng
pananaliksik, natutuklasan at nakikilala ang mga bagong tuklas na
kaalaman at karunungan, napapatotohanan ang ilang pananaw at
paniniwala, napapalabas ang mga personal na opinyon ng bawat isa
hinggil sa isang mahalagang isyu, nagaganyak ang indibidwal na
makisangkot o makibahagi sa ikalulutas ng isang suliranin at

25
napapaunlad ang antas ng kaalaman ng sinumang nagsasagawa ng
pananaliksik.

26
Pangalan: Manantan, Cylene Grail Iskor: ________________
Kurso: BSEd 3B Petsa: Nobyembre 15, 2021

GAWAIN

Panuto: Talakayin nang maikli at makahulugan ang mga sumusunod


na ideya sa ibaba.

1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga


pangyayaring batid na.
Sa pamamagitan ng ating pagsasaliksik ay nakakadiskubre
tayo ng makabagong kaalaman hinggil sa mga pangyayari dito sa
ating lipunan. Dahil sa ating pagsasaliksik nagkakaroon tayo ng
karagdagang kaalaman na maaaring magamit ng mga tao lalong-
lalo na ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na


nalulutas.
Ang pananaliksik rin ang daan upang makakita tayo ng mga
problemang hindi pa ganap na lutas. Sa pamamamagitan nito ay
ang mga usaping hindi pa nabibigyan ng sapat na kasagutan ay
maaari pang pag-aralan, balik-balikan hanggang sa makuha na
ang resulta nito.

3. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng


mga panuntunan na maaaring magamit sa iba't ibang larangan.
Sa pamamagitan ng pananaliksik nakakagawa tayo ng isang
pag-aaral na maaaring magamit ng mga estudyante o ng mga
gagawa ng pagsasaliksik upang maging batayan nila sa kanilang
isasagawang pag-aaral.

4. Madagdagan at mapalawak ang mga kasalukuyang kaalaman.


Nagkakaroon ng pagkakataong madagdagan at mapalawak
ang ating mga kaalaman sa pamamagitan ng pagsasaliksik natin
sa internet, pagtatanong sa ibang tao at ang ating obserbasyon.
Dahil sa mga ito ay mas dumadami pa ang ating natututunan na
siyang nagbibigay din sa atin ng pakialam sa mga isyu sa ating
lipunan.

27
ARALIN 2.4: SAKLAW AT LIMITASYO
N NG PANANALIKSIK

LAYUNIN

1. Natutukoy ang magiging saklaw at limitasyon ng isasagawang


pananaliksik

Ang Pananaliksik ay isang ispisipikong pag-aaral o paghahanap ng


kasagutan ng isang suliranin. Kung gayun, ang mga impormasyong
lalamanin ng pananliksik ay dapat na matukoy na sa simula pa lamang
ng pag-aaral. Ito ay itinuturing na boundary or end-line the limit na
siyang magbibigay ng tamang direksiyon sa mananaliksik.

Ang Saklaw ng Pananaliksik ay kinabibilangan ng kasagutan ng


mga tanong na ano, sino, saan at kalian.

Ano ang paksang pag-aaralan?


Sino ang inaasahang tagasagot sa mga tanong (respondents)?
Saang lugar isasagawa ang pananaliksik?
Kailan inaasahang matatapos ang pag-aaral?

Ang Limitasyon ng Pananaliksik ay sadyang kailangan upang


makatipid ang mananaliksik ng oras, pera at pagod. Ito ang tutulong sa
kanya upang maituon ang kanyang atensiyon sa isang limitadong paksa.
Dahil dito, magiging madali para sa mananaliksik na tapusin ang
kanyang pag-aaral sa takdang panahon. Ang sumusunod ay mga
mungkahi upang malimitahan at mapagaan ang mga gawaing nakaatang
sa balikat ng mananaliksik.

1. Huwag gawing masyadong malawak ang paksa. Hanggang


maaari, gawing ispesipiko ang paksa upang mapagaan ang
gawain.
2. Gumawa ng listahan ng mga respondents at mag-isip ng
estratehiya kung paano sila makakausap ng madalian para
makatipid ng oras.
3. Magkaroon ng balangkas (outline) ng mga bahagi ng saliksik
para matukoy kung alin ang una, ang ikalawa, ikatlo at ang
huling gagawin.
4. Gumawa ng Progaram of Works. Mahalaga ang iskedyul na ito
upang magamit ng mananaliksik ang kanyang oras ng tama at
makabuluhan.

28
Pangalan: Manantan, Cylene Grail Iskor: ________________
Kurso: BSEd 3B Petsa: Nobyemre 15, 2021

GAWAIN

Panuto: Pumili ng isa sa mga pamagat ng saliksik sa ibaba at bumuo


ng tiglilimang posibleng mga tanong batay sa pamagat na
napili. Tukuyin kung saan ito maaaring isagawa at kung sinu-
sino ang mga inaasahang sasagot sa inyong mga tanong.

1. Pang-edukasyon:

Pagtaas ng Matrikula sa mga Pampribado at Pampublikong


Kolehiyo sa Pilipinas

2. Pang-ekonomiya:

Epekto ng Pagtaas ng Bilihin sa mga Mamimiling Pilipino

3. Pampulitika:

Ang Masamang Epekto ng Patuloy na Pagbabangayan ng mga


Pulitiko sa Pamamahala sa Gobyerno

4. Pangkalusugan:

Kawalan ng Atensiyon ng Gobyerno sa mga Suliraning


Pangkalusugan ng mga Mamamayan sa mga Liblib na Lugar
Ng Pilipinas

5. Pangingibang-bansa:

Mga Karaniwang Dahilan ng mga Mamamayang Mas Piniling


Mangibang Bansa Kaysa Magtrabaho sa Pilipinas

29
Pangalan: Manantan, Cylene Grail Iskor: ________________
Kurso: BSEd 3B Petsa: Nobyembre 15, 2021

GAWAIN

Panuto: Sagutin ang bawat isa.

a. Anu-anong mga tanong na dapat na mabuo mula sa


suliraning napili sa itaas na pahina?

1. Ano ang iyong kasarian?

2. Ilang taon ka na?

3. Ikaw ba ay nangibambansa o mayroon ka bang kamag-anak


na nangibambansa?

4. Saang bansa ka o siya pumunta?

5. Ano-ano ang mga dahilan ng kanyang/iyong


pangingibambansa?

b. Saan isasagawa ang saliksik? Talakayin.

Isasagawa ang pananaliksik na ito sa probinsiya ng Nueva


Vizcaya sa aming barangay ang Brgy. Sta.Rosa. Sa mga lugar
ng ating mga probinsiya napakadaming mga mamamayang
nagingibambansa mapalalaki man o mapababae kung kaya’t
dito ko nais na isagawa ang aking pananaliksik. Sa lugar ng
Sta.Rosa alam ko na makakakuha ako ng madaming datos
sapagkat napakadaming tao dito ang nangingibambansa na
nabibigyan ng marangyang buhay ang kanilang mga pamilya.
Sa dami ng pamilya dito sa aming lugar natitiyak kong sapat na
ito upang gumawa ng saliksik patungkol sa dahilan ng
pangingibambansa ng mga tao.

c. Sinu-sino ang mga tagasagot (reposndents)?

1. Ang una kong magiging respondente dito ay ang mga


magulang na nakaranas nang mangibambansa.

30
2. Ang ikalawa kong respondente ay ang mga anak ng mga
taong nangibambansa.

3. Ang ikatlo kong respondente ay ang mga taong nagrerekrut


upang makapagtrabaho ang sa ibang bansa.

4. Ang ika-apat kong respondente ay ang mga taong


nagtatrabaho sa ibang bansa.

5. Nais ko ring magsagawa ng random sampling upang iba-


ibang mga sagot ang aking makukuha.

31
2.5: METODOLOHIYA O PAMARAAN NG PANANALIKSIK

ARALIN 2.5.1: ANG METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK


LAYUNIN

1. Naipapaliwanag ang katangian ng bawat metodolohiya o


pamaraang ginagamit sa pananaliksik

2. Nakakagamit ng tamang metodolohiya sa isasagawang


pananaliksik

Ang Metodolohiya o Pamaraan ng Pananaliksik ay isang


disenyo sa isinasagawang pag-aaral. Ito ay maaaring experimental,
historical, descriptive, qualitative, ethnographic o phenomenological
na pamaraan ng pananaliksik. Dito ipinapakita ang paraan ng
pangangalap ng datos gaya ng pagbubuo ng talatanungan, survey,
case study, interview, observation at iba pa. Tinutukoy kung sino
ang target na populasyon at ang kakailanganing tagasagot o
respondents sa paksang sinisiyasat. Saklaw ng bahaging ito ng
saliksik ang lugar ng pag-aaral, disenyo ng pananaliksik, technique
sa pamimili ng populasyon o mga tagasagot sa mga tanong,
kalahok sa pag-aaral mga instrumento sa pananaliksik, mga
kagamitan sa pananaliksik, hakbang sa paglikom ng mga datos at
impormasyon, statistical tools na gagamitin upang suriin at pag-
aralan kung makatotohanan at katanggap-tanggap ang resulta ng
pag-aaral.

Mahalagang matukoy agad ng mananaliksik ang lugar ng


pag-aaral upang doon pansamantalang iikot ang kanyang mundo.
Kailangan na ang lugar na ito ay mailarawan nang husto ng
mananaliksik upang magkaroon ng sapat na larawang-diwa ang
mga mambabasa hindi man nila ito direktang mapupuntahan.
Maliban sa nabanggit, ang mga instrumento at ang paraan ng
pangangalap ng datos at pagsusuri sa pagiging tama o valid ng
mga instrumentong gagamitin ay dapat na mabigyan din ng
pansin. Higit sa lahat, ang mga tagatugon o respondents ay dapat
na lubusan ding makilala ng mananaliksik dahil sila ang
makakatulong sa pagbibigay ng mga datos at impormasyong
kakailanganin sa kanyang pag-aaral.

32
Pangalan: Manantan, Cylene Grail Iskor: ________________
Kurso: BSEd 3B Petsa: Nobyembre 15, 2021

GAWAIN

Panuto: Talakayin ang katangian ng bawat isa.

1. Experimental Research:
Ang Experimental Research ay ang pananaliksik na
ginagamitan ng siyentipikong pamamaraan gamit ang dalawang
hanay ng mga variable. Ang unang hanay ay ang gamit upang
sukatin ang pagkakaiba nito tungo sa isa pang hanay. Tulad sa
Descriptive Research, ginagamitan din ito ng Quantitative na
pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay dapat na magkaroon ng
sapat na datos upang mas tumibay pa ang kapasiyahan ng mga
nilalaman nito mahalaga sa pananaliksik na ito ang mga
makatotohanan lamang. Ang Experimental na pananaliksik ay
kumokolekta ng datos sapagkat ito ay nangangailangan upang
makatulong sa mahusay na pananaliksik. Ang pananaliksik na ito
ay dapat na magkaroon ng kapansin-pansing sanhi at epekto. May
apat na katangian ang Experiment Research una ang kontrol. Ito
ay tumutukoy sa pagkaltas sa naturang variable ang halimbawa
nito ay ang ramdom na pagpili ng paksa. Ang ikalawang katangian
nito ay ang manipulasyon. Ang pagmamanipula o manipulasyon
ay tumutukoy sa sadyang pananaliksik at ito ay batay sa
mananaliksik ito ay tinatawag na idependent variable o
experimental variable. Ang ganitong mga variable ay dapat na
pumaksa ng mga eksperimento. Ang sadyang pananaliksik ay
tumutukoy upang maobserbahan ang isang bagay, kasarian,
katalinuhan, paraan ng pagtuturo at marami pang iba na ayon sa
ating lipunang ginagalawan. Ang ikatlong katangian nito ay ang
pagmamasid. Ang Experimental na pananaliksi ay naglalayong
ibserbahan ang epekto ng pagmamanipula ng independent
variable. At ang ikahiling katangian nito ay ang replikasyon. Sa
kasong ito ang mananaliksik ay maaaring gumawa ng maraming
paghahambing batay sa kaniyang nakuhang resulta sa kaso ng
kontrol at iba pang kaso ng eksperimental na grupo.

2. Descriptive Research:
Ang Descriptive Research ay isang quantitative research
method sapagkat ito ay nangongolekta ng quantifiable information

33
para sa sample analysis ng isang populasyon, sa madaling salita
ay ang pagkokompyut ng sample ng rami o liit ng isang
populasyon. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay wala sa kamay
ng mananaliksik sapagkat ito ay babatay sa numerong makukuha
galing sa mga populasyon. Ang pananaliksik na ito ay ginagamitan
ng deskriptibong pananaliksik gamit ang iba pang paraan ng
pananaliksik. Ang descriptive research ay msaaaring gamitin sa
maraming paraan at iba’t ibang dahilan.

3. Qualitative Research:
Ang pananaliksik na ito ay makabuluhan at pinag-aaralan
ang wika sapagkat nakabatay ito sa sulat, sinasalita kilos at
biswal. Ang pananaliksik na Qualitative Research ay batay din sa
pag-uugali o karanasan ng tao, partikular na sitwasyon o alamin
ang tunay na kahulugan. Ano pamang pananaliksik ay dapat
ginagawa ng may galang upang ang pag-susuri ay maging maayos.
Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay natural na maaaring pumaksa
tungkol sa lipunan, epektibo ng isang bagay o kung ano pa mang
nais na malaman ng isang mananaliksik. Ang pananaliksik na ito
ay hindi nagbibigay ng hypothesis ngunit dahil sa mga
katanungan na inilagay ng mananaliksik na sasagutin ng mga
respondente ay nasasagot ang mga katanungan na siyang
nagtatayo ng mga interpretasyon at konklusyon tungkol sa pinag-
aaralan. Sa pamamagitan ng konklusyon ay nilalagay ng mga
mananaliksik kung ano ang naging resulta ng mga tanong na
kanilang ginawa. Ang resulta nito ay maaaring negatibo o maaari
ring negatibo sapagkat ito ay nakadepende.

34

You might also like